Zyrine POV Gaya nga ng sinabi ni Lander noong nakaarang araw sa text na siya raw na ulit maghahatid at sundo sakin. Like we used too. Kaya ito ako ngayon nagmamadali sa pag aayos. Nakakahiya naman na pag antayin ko siya sa baba. Nasabi ko na rin kila Mommy na si Lander lang muna maghahatid at mag-uuwi sakin. Parang hulog na rin ng langit ito si Lander para di na mapromblema si Mommy sa ihahire niyang bagong driver ko dahil nag resign si Manong a days ago upang umuwi sa probinsya nila dahil may malalang sakit ang asawa niya. Kaya buti nalang at andito si kuya Lander. Oh speaking of him. Pagkababa ko sa aming hagdan andoon si kuya Lander na busy makipag usap kay Manang. Ganito talaga siya ang hilig niyang makipag socialize. Kaya rin siguro nanalo siya sa school namin as President dahil ang dami niyang kakilala. Nung napansin ako ni kuya Lander ningitian niya ako. The reason why gustong-gusto kong nakangiti siya kasi nalabas ang dimple niya at nadepena ang pagiging pogi niya bukod s
Pagkapatay ng tawag nila Mommy naka tanggap ako ng text galing kay Lander. Napangiti ako ng malapad habang binabas ang text niya sakin.From: bae❣️Nakauwi na ako Zy. Matutulog kana ba?To: bae ❣️Mabuti naman kuya Lander. Hindi pa naman, bakit gusto ko ba textmate tayo ulit? 🤣. Kasi dati talaga non stop textmate kami ni Lander. Nawala lang dahil umeksena nga si Finley. Napa irap naman ako. Bakit ba kasi dumating pa ito sa buhay namin. Nawala ang inis ko nung nakatanggap naman ako ng reply galing kay Lander. From: bae ❣️Yeah sure, no prob. I actually miss it Zy. I am really sorry if nawalan tayo ng closeness ngayon ko lang narealize ito. Kaya gusto ko sanang bumawi sayo.Napatalon naman puso ko sa nabasa kong text ni Lander sakin. To: bae❣️Really kuya Lander?From: bae❣️ Yeah, pwede bang ako na mag hatid at magsundo sayo like I used too?Napakagat ako ng labi sa nabasa ko at hindi na mapigilan ang kilig buti nalang hindi kami magkaharap ni Lander kundi mahihiya ako nito dahil f
Habang papalapit ang araw ng Foundation Day namin mas lalo akong kinakabahan. Papunta kami ngayon sa bahay nila Finley napag-isipan kasi ni Yhana na doon nalang daw kami magpractice para daw makapag focus ako buti nalang Saturday ngayon. Sa una talaga di pumayag si Finley dahil may gagawin daw siya. If I know pupunta siya sa lalaki niya. But at the end pumayag nalang din siya sa gusto ni Yhana. Dumaan muna kami sa grocery store dahil nabanggit ni Finley na walang stock sa ref niya. Pagkatapos naming mamili ay agad na kaming umalis. Malaki ang bahay nila Finley parang mansyon doble pa sa laki ito kesa sa bahay namin sa States. "Ikaw lang talaga nakatira dito Cas?" tanong ni Yhana kay Finley. "Yup" bored na sagot ni Finley na pansin kong naka t-shirt na siya at may dalang apple. "Kung sana bumalik ka nalang sa pinanggalingan mo. Di ka sana mamumuhay ng mag-isa" sambit ni Yhana sabay kuha nung apple. Magkakilala na nga ata talaga sila dati pa feeling ko kasi alam ni Yhana ang buhay
Ang gulo-gulo ngayon sa loob ng room namin dahil nakapost na yung mga scores na nakuha namin. Di na muna ako nakigulo sa mga kaklase ko dun sa bulletin board . Maya ko nalang tingnan iyon pag medyo kunti nalang sila na andyan. "Damn! lowest ako" rinig kong sambit sa isa kong lalaking kaklase. "Okay lang yan bro. First grading palang naman. Di ka naman lowest sa ibang subjects natin" pag checheer nung kaibigan niya. Kinabahan tuloy ako. Ilan kaya nakuha kong scores? bigla naman nag vibrate yung phone ko. Tiningnan ko kung si Lander ba yung nagtext sakin or si Lheanne di ko pa kasi siya nakikita dito sa classroom. Pagtingin ko na yung unknown # na naman yung nagtext nag greet ng goodmorning. Binalik ko na agad yung phone sa bulsa ko. "OMG! bessy matataas yung nakuha mong scores lahat ng subjects natin" masayang sambit sakin ni Lheanne. Hala andito na pala siya. "Weh. Di nga?" di makapaniwalang tanong ko. "Oo nga tingnan mo pa" sambit niya sakin. Tatayo na sana ako para lapit
Last subject na namin para sa examination ngayon. At finally kunting kembot nalang at matatapos na din ang hell week namin. Sinagutan ko naman ito ng maayos. "Grabe ang hirap nung Business Marg natin buti at nairaos ko" pagrereklamo ni Lheanne pagkalabas namin sa room. Di naman sa nangungulilat kami sa katunayan nga kaming dalawa ay honor students minsan talaga nahihirapan kami sa mga tanong dun sa test. Palabas na kami ngayon sa SHS building para pumunta sa cafeteria. "Ikaw ba Zy anong subject ang nahirapan mo?" tanong niya sakin. "Yung Business Management" sagot ko naman. "Grabe talaga tong si Sir magbigay nung mga tanong noh. Anong akala niya satin College na?" pag aalburoto niya "Anyway Tom's World muna tayo mayang hapon total half day lang naman tayo ngayon. Pampawala nung stress" sambit niya. At tumango nalang ako bilang pagsang-ayon tama din siya kailangan namin marelax ngayon. Habang busy kami kakahanap ng upu-an bigla naming nakita sila kuya Lander. "Zy dito na kayo
Maaga akong pumasok sa school dahil maaga akong nagising ngayon. Kunti palang kami ang andito yung mga di ko pa close ang nauna dito sa school. Hayy wala akong maka-usap ngayon samantala sila busy namang mag-usap. "Woah. Next week na exam natin then after that Foundation na" masayang sambit nung babae kong kaklase. "I'm so excited sa mga pageant. Makikita ko na naman yung crush ko sa Engineering yieee" kinikilig na sambit ng kausap niya. Di ko alam mga pangalan nila at wala din akong interes pang malaman ito. At isa pa mahina talaga ako sa mga pangalan. Dahil di naman ako gaano ka excited sa darating na Foundation namin dahil una di naman mahilig sumali sa pageant si Lander. Kaya napag-isipan ko nalang na wag nang makinig sa usapan nila at mag simula nang gumawa ng aking plano para kay Finley. Busy ako kaka formulate ng mga posible plan para kay Finley at di ko napansin na andito na pala si Lheanne sa room namin. "Sorry Zy" biglang yakap niya sakin. Nagulat naman ako. Siguro n