Zyrine POV
Ang bilis lang ng panahon at next week ay first quarter exam na namin. Kaya hito kami ngayon busy sa pag cocomply ng mga projects namin. Napag-isipan namin na sa bahay nalang daw nila Lheanne kami gagawa ng project. Sa una di talaga ako pumayag dahil for sure magpapagawa lang kami sa kuya ni Lheanne at nakakahiya talaga pag nagkataon. Project lang naman namin ay gumawa ng sex organs both male and female diba nakakahiya. Ba't kasi di ako pinagpala na maging magaling mag drawing plus only child pa ako. Kaya no choice at pumayag nalang din ako di nako nag inarte kesa naman wala akong maipasa na project diba?. "Pauwi na daw sila kuya" sambit ni Lheanne sakin habang ako ay busy i-ayos ang aking mga materials para mamaya ay wala ng problema. "Sila? Sino kasama niya?" agarang tanong ko. "Si Ate Fin. Sino pa nga ba" sagot niya agad. Sabagay si Finley lang naman lagi kasama ni Lander wala ng iba pa. Tsk. At dahil doon nawalan na ako ng gana. Ba't ba siya andito? Kahit saan talaga magpunta si Lander bumubuntot tong isang to. Wag mong sabihin na pag pumupunta sa CR si Lander andun din siya ah?! Hanep! "Oh, anong mukha yan?" tanong ni Lheanne sakin na pansin niya ata na nakabusangot ako. "Wala" agarang sagot ko. "Ayieee. Ikaw huh nagseselos ka ba kay ate Fin?" tawa niyang tanong sakin. "Dati pa" sagot ko ng walang pag-aalinlangan. Tumawa naman siya. May sasabihin pa sana si Lheanne nang dumating na si Lander at kasama nga niya si Finley. Napa buntong hininga naman ako pagkakita ko sa kanila na tumatawa papasok dito sa kwarto ni Lheanne. Wala ba silang araw na di tumatawa? Ipamental ko na nga tong si Finley baka di na maagapan. Si Lander naman exemption siya noh. "Hi ate Fin" bati ni Lheanne sakanya ngumiti naman si Finley bilang sagot. "Asan na materials niyo? Nang masimulan na naming mag drawing. Para maka-uwi ka ng maaga sainyo Zy" sambit ni Lander. Ayieee concern si kuya Lander sakin. Bigla naman tumalon yung puso ko. At dahil doon di ko napigilan ang pag ngiti ko na agad naman nawala dahil nakatingin sakin si Finley na naka kunot ang noo. Ano ka selos ka noh? Hahahaha. Binigay ko naman agad ang aking dalawang illustration board kay Lander. Tinanggap niya naman ito agad. Sumunod naman binigay ni Lheanne ang sa kanya. Pagkatapos namin ibigay ito kay kuya Lander yung dalawang illustration board ay ibinigay niya naman kay Finley so imbes na 4 ang nasa kamay ni kuya Lander naging dalawa nalang. Obvious naman na si Finley ay magdo drawing at dahil doon di ko maiwasan magtanong. "Kuya Lander marunong ba siyang magdrawing? Baka maging 75 grade ko niyan ah" pag rereklamo ko na ikinakaba naman ni Lheanne. Damn! Dahil sa reaksyon na ipinapakita ni Lheanne baka nga talagang di marunong mag drawing si Finley knowing Lheanne mas matagal silang magkakilala ni Finley kesa sakin. "I trust you ate Fin" sambit ni Lheanne. "You should." sagot naman ni Finley. "Guys don't question her skills" sambit ni kuya Lander at napatingin naman ako sakanya. Everytime talaga nagsasalita si Lander gusto ko lang nakatingin sakanya at sinisigurado ko na wala akong nakakaligtaan na mga words pag nagsasalita siya. "At kung nagbibigay yung mga teachers niyo ng 100 na rating for sure 100 kayo nito. Pero dahil hindi naman sila nagbibigay 99 nga bihira kaya sa tingin ko 98 magiging rating niyo" preskong sambit ni Finley. "Parang bigla ata humangin" sarkastik kong pahayag ngumisi naman siya. "Hey I'm just telling the truth. Anyway LJ yung lalaki ba sakin?" ngisi niyang tanong. Ang kulit nito sabing may pangalan ako mahirap bang ipronounce pangalan ko? At puro hey lang nasasabi niya. "Puta Finley" inis na sambit ni Lander. Bastos tong babaeng to oh. Tsk. Sige Finley inisin mo lang si Lander para kamuhi'an ka. "Biro lang. Ito naman high blood agad" tawa niyang sambit. "Tara na nga simulan na natin nang maka-uwi na ang isang to" sambit niya pa. "May pangalan ako FYI" inis na sambit ko at ningiti'an niya naman ako. Nagsimula na nga silang magdrawing. Bumaba muna kami ni Lheanne para ipaghanda sila ng meryenda para may makain sila pagkatapos nilang magdrawing. "Lheanne pag talaga mabagsak tayo. Kasalanan to ni Finley" inis na sambit ko kay Lheanne. "Di yan. I trust ate Finley" pag a'assure niya sakin. Umakyat naman kami agad pagkatapos naming maghanda. Pagka-akyat namin di pa sila tapos magdrawing. Tinitigan ko silang dalawa na seryosong mag drawing lalo na si Finley. "Bagay sila noh" mahinang sambit ni Lheanne sakin ka dahilanan upang tingnan ko siya ng masama. Di ko ba alam kung kaibigan ko ba to. At parang lumalabas na ayaw niya sakin para sa kuya niya. "Pero mas bagay kayo" ngisi niyang sambit. "Ta-da. Sa wakas tapos na din" biglang sigaw ni Finley sabay abot samin. Tiningnan ko agad yung ginawa niya. "Ganda ba?" tanong niya na alam ko na para sakin ngunit di ko pinansin. "Maganda ate Fin. Grabe I guess 98 ata talaga rating namin nito" sagot ni Lheanne. "Ay sa wakas. Tapos na din" biglang sambit ni Lander at kinuha naman agad ni Lheanne ito sakanya. "Sayo ba yan Lander?" tawang tanong ni Finley. Naikina blush ko syempre alam ko pinapahiwatig niya. "Hala, ba't ang liit kuya" sambit ni Lheanne na tumatawa. "Lheanne" sigaw ni Lander kay Lheanne na parang naiinis tumahimik naman agad si Lheanne pero di parin nawawala ang ngisi niya. "Ikaw Finley" inis na sambit niya kay Finley. "What? Nagtatanong lang naman ako" sagot ni Finley na di maiwasan ang ngisi sa kanyang labi. "Shut up please andito si Zyrine" sambit ni kuya Lander na mas ikinapula ko. Tumingin naman agad sakin si Finley. "Alright. I gotta go" sambit niya habang nasa sakin parin ang titig. "Ang aga mo atang umuwi" sambit ni kuya Lander at bigla naman akong tumingin sa kanya. "May gagawin lang" seryoso sagot ni Finley. " Importante ba iyan?. ayaw mo muna mag meryanda? " tanong pa ni Lander kay Finley. Umiling naman siya. " Hindi na" sagot niyang na parang ugang aalis. Mabuti pa ngang wala siya para nasa sakin ang attention ni kuya Lander. "Osigi kung di na kita mapipigialan. Pero hatid na kita? kaso hahatid ko muna si Zyrine" offer ni Lander kay Finley at ikinatalon muli ng aking puso dahil ihahatid ako ni kuya Lander. Yehey. Sana di pumayag si Finley *cross finger*. Tumingin muna ulit si Finley sakin bago mag salita. "Di na. Mag commute nalang ako" sambit ni Finley at dahil doon parang pumalakpak yung puso ko kasi walang sagabal samin ni kuya Lander. Yepey. "Sure?" pag sisiguro ni Lander. "Yup" sagot ni Finley "Lheanne uwi nako. Bye" paalam niya kay Lheanne. "Bye ate Finley ingat ka. Sana dito ka nalang nag dinner" sambit ni Lheanne. "Next time nalang Lheanne. Alis nako" paalam niya at tuloyan na siyang lumabas dito sa kwarto ni Lheanne di na silang nag atubiling ihatid sa labas si Finley. "Zy dito ka nalang mag dinner sa bahay text mo nalang Mommy mo para di mag-alala" utas ni kuya Lander sakin na ikinatango ko naman. Lumabas na muna si kuya Lander sa kwarto ni Lheanne at kaming dalawa nalang ang naiwan. "Grabe di ko alam na marunong palang mag drawing si ate Finley" biglang sambit ni Lheanne tumingin naman agad ako sa illustration board ko at tama nga si Lheanne magaling nga talagang mag drawing itong si Finley at malinis pa ang pagkakagawa niya. "Swerte talaga ng magiging shota ni ate Finley maganda na talented pa" biglang sambit ni Lheanne. "Lheanne totoo bang hindi naging sila ng kuya mo?" tanong ko. "Hmmm. Sa pagkaka-alam ko hindi talaga di ba sabi ko sayo dati binusted ni ate Finley si kuya" sagot niya. "Eh ba't binusted niya si Lander? Ang swerte na nga niya kasi siya yung niligawan ng kuya mo. Nasa kanya na nga ang lahat eh. Gwapo, matalino tapos respitadong tao pa, at higit sa lahat sweet. Tapos inayawan pa ni Finley? Kung ako lang talaga ligawan ni Lander di ko siya babustedin" sambit ko. "Hmmm, syempre crush mo si kuya kaya sasagutin mo agad. Pero dati natanong ko si ate Finley girls talk kumbaga tinanong ko kung nagustohan niya ba si kuya Lander kahit kunti lang tapos alam mo ba anong sagot niya?" pabitin niyang sambit. "Ano? Bwesit wag pabitin" inis na sambit ko. "Hindi niya raw talaga gusto si kuya" pagtutuloy ni Lheanne. Magtatanong pa sana ako ng biglang dumating si kuya Lander. "Baba na kayo Lheanne at Zy nakahanda na ang dinner. Tinext mo na ba Mommy mo?" tanong sakin ni Lander. Patay nakalimutan ko nabusy kasi ako kakausap kay Lheanne. "Di pa kuya. Tawagan ko nalang si Mommy" sambit ko at agad ko naman kinuha ang phone ko 7 past na pala at nakita ko na may 5 missed calls na si Mommy. "Hello, Mommy" panimula ko. "Naku bata ka. Asan ka ba gabe na" sambit ni Mommy sa kabilang linya na batid kung nag-aalala. "Sorry Mommy di ko po namalayan na tumatawag kayo nakalimutan ko pong naka silent parin pala phone ko. Na kila Lheanne po ako ngayon di ko na kayo natext kasi di ako makasend kanina. Don't worry dito nalang po ako magdidinner sa kanila tapos po ihahatid naman ako ni kuya Lander" mahabang pahayag ko kay Mommy para di na siya mag-alala. "Paka-usap nga kay Lander" utos sakin ni Mommy. "Kuya Lander gusto ka daw maka-usap ni Mommy" sambit ko sabay bigay ng phone ko kinuha naman agad niya. "Yes po Tita" rinig kong sambit ni Lander kay Mommy. "Sure po Tita no worries" ngising sagot ni kuya Lander. Napakunot noo naman ako. Ano kaya sinabi ni Mommy kay kuya Lander? "Tara baba na tayo. Para maihatid na kita sainyo" sambit ni kuya Lander at tuluyan na kaming bumababa upang pumunta sa dining area habang kausap ko si Mommy sa phone. "Mag-iingat kayo maya pag-kauwi" bilin ni Mommy sakin. "Opo My. Bye" at pinatay ko na ang tawag. "Gusto mo to?" tanong sakin ni Lander pagkaupo namin sa dining area na ikinakilig ko naman. Di nako nakapagsalita dahil nahihiya ako baka mautal ako kaya tumango nalang ako bilang sagot napangisi naman si Lheanne dahil doon. "Bakit Lheanne?" agarang tanong ni Lander sa kapatid niya. "Wala naman kuya may na-alala lang ako" pagsisinungaling niya. "Hala, sige kumain kana dyan. At ikaw Zy kumain kana wag ka ng mahiya. Para namang bago ka pa dito samin. Eh halos sabay ko kayong nakitang lumaki ni Lheanne. Kaya parang kapatid na ang turing ko sayo" deritsong sambit ni kuya Lander na ikinaguho ng puso ko. Bigla namang tumingin sakin si Lheanne na parang nag-aalala ningiti'an ko naman siya. At nagsimula na akong kumain. Di ko maenjoy yung pagkain ko ngayon dahil sa narinig ko ngayon galing sa bibig mismo ni kuya Lander ang sarap pa naman nang inihanda ni Manang hirap ko ding malunok ito dahil parang may bumabara sa lalamunan ko. Pero inubos ko parin ito. Pagkatapos naming kumain ako na bumasag sa katahimikan. "Uuwi nako" sambit ko. "Hatid na kita" sambit ni kuya Lander. "Wag na po kuya. Mag commute nalang ako" pagtatanggi ko. "Wag na matigas ang ulo Zy magagalit Mommy mo" sambit niya. Right he cares about me kasi kapatid yung turing niya sakin yung pag-aalala niya pala sakin dati resulta lang nang pagiging big brother niya sakin. Dahil ayaw ko na makipag-talo pumayag nalang din ako sa gusto niya. Niyakap naman ako ni Lheanne at kinagat ko ang aking labi para di magsitulu'an ang aking mga luha "Let's talk bukas" sambit niya ng mahina sakto lang para marinig ko. Bigla naman siyang kumalas. "See you bukas sa school" sambit niya at ngumiti para icheer ako ningiti'an ko naman siya pabalik. At tuluyan na akong lumabas sa bahay nila para sumunod kay kuya Lander. Tahimik ako sa loob ng kotse niya. May licensed na siya dahil 3rd year College na naman siya. "Tahimik mo ata Zy" sambit ni kuya Lander sakin. "Po? Inaatok lang ako" agaran ko namang sagot. "I missed you Zy" biglaan niyang sambit na kadahilanan ng aking pagtingin sa kanya at pagtalon ng aking puso. Ano ba wag mo bigyan ng malisya to Zy. "Dalaga kana. Pero it doesn't mean na pwede ka nang mag boyfriend ah?. Di parin pwede hanggat di ka pa nag 18. May nagugustohan kana ba ngayon?" tanong niya sakin. "Oo. Ikaw" agarang sagot ko. Na ikinapula ko naman. Damn! ba't ako nagcoconfess ngayon. Pero umaasa parin ako na baka naman magbago yung sinabi niya kanina sakin. Hanggang ngayon umaasa parin ako. Ngumisi lang siya sa sagot ko. "Ikaw talaga Zy. Crush mo parin ba ako hanggang ngayon? Atsaka ano ba nagustohan mo pagdating sa akin?" tanong niya. Oo alam ni kuya Lander na crush ko siya dati pa nagsabi nako sa kanya nung Grade school pa ako siguro mga Grade 5 ako nun. Tapos sabi niya bata pa ako wag ko lang muna isipin iyon. At ngayong malaki nako. Di parin ba pwede? "Di naman nagbago kuya. Kasi gwapo ka, talented tapos napaka caring pa tsaka alam ko kapag ikaw maging boyfriend ko di moko magagawang saktan" seryoso ko namang sagot. "Ikaw talaga" sambit niya sabay pisil sa pisngi ko agad naman niya ibinalik yung kamay niya sa munubila. "Mabuti yan, para makapag focus ka parin sa pag-aaral mo. Wag ka lang munang magboboyfriend ah? Di pa talaga pwede. Mag crush ka lang muna pero dapat sakin lang. Kahit na may girlfriend nako papayagan parin kitang magka crush sakin" sambit niya. Di ko alam kung magtatalon talon ako ngayon o malulungkot na para kasing pinapahiwatig niya na wala akong pag-asa sa kanya dahil ba sa gap namin? Can't he see? I'm a lady now "Atsaka pakiramdam ko di na ito crush pa na sinasabi ng iba. Mahal na ata kita Lander. Wala ba talagang pag-asa kahit kunti? Dahil ba sa gap natin kuya? Sabi mo kanina dalaga nako. Tsaka di naman ako nagmamadali eh" sabi ko sabay nun ang pagtulo ng aking mga luha. Shit. Tumingin naman siya sakin. "Hush. Don't cry" sambit niya sakin sabay punas ng aking luha. "So-sorry" pagpapa-umanhin ko at ako na mismo ang nagpunas ng aking luha. Tumingin naman ulit siya sa daan. "No I'll be the one to say sorry. Alam ko nadadala kalang sa bugso ng iyong damdamin. Bata ka parin Zy di mo pa naiintindihan ang iyong nararamdaman thankful ako kasi ako yung nagustohan mo at hindi ang ibang tao. Kasi kung nagkataon na hindi ako baka ni take advantage kana nila. At mabuti nalang di nangyari iyon. Di pa to yung true love na sinasabi ng iba. Alam mo na ang love ay walang definition Zy kasi kusa mo nalang ito nararamdam sa isang tao ng walang dahilan. Yung feeling na tatanungin ka kung ba't mo siya minahal wala kang mahanap na sagot. Dahil ang alam mo lang mahal mo siya wala ng rason pa. Infatuation lang tong nararamdam mo sakin. Wag kang magmadali Zy kusa nalang ito dadating at kung dumating man ang taong iyon sinisigurado ko na napakaswerte niyang tao dahil may isang ikaw na maganda, matalino, mabait at higit sa lahat iyakin at stubborn na girlfriend" sambit ni Lander na ikinasimangot ko. "Di ako stubborn noh" pagrereklamo ko. Tumawa naman siya. "Pero dapat dada'an muna siya sakin. Naintindihan mo?" sambit niya. "Oo na po Dad" biro ko sakanya. "Buti yan anak. At nagkaka intindihan tayo" sagot niya sakin at tumawa nakitawa naman ako. "Ayan tumawa kana din sa wakas. Takot ko nalang na uuwi ka sa bahay niyo namumugto yung mata mo. Baka sabihin ni Tita inaway kita" seryoso niyang sambit. "Inaway mo naman talaga ako eh" sambit ko. "Hindi ah" pagtatanggi niya. "Anyway kuya pwedeng magtanong?" panimula ko. "Nagtatanong kana" ngisi niyang tugon. "Kainis to. So pwede nga?" pagkukulit ko. "Sure" agarang sambit niya. "Kayo ba ni Finley?" seryoso kong tanong sakanya. Na ikinabuntong hininga naman niya. "Hindi" lungkot niyang tanong. "Eh ba't parang ang sweet niyong dalawa?" tanong ko ulit. "Ewan ko" sagot niya agad. "Ni kailan ba di talaga naging kayo?" tanong ko uli. "Dami mo namang tanong. Hotseat ba to?" reklamo ni Lander nang nakatawa. "Eh kasi ngayon lang tayo nag-usap kuya noh. Simula nung nag intern kayo sa hospital last year sobrang busy mo nun eh." lungkot ko namang sambit. "Sorry naman" pagpapa-umanhin niya sakin. "Back to our topic. So ano nga kuya?" pagkukulit ko muli sakanya. "Nung naging kaklase kami ni Finley na love at first sight ako sakanya kaya I tried my best para makuha ko attention niya and sa pagtrabaho ko nun naging mag close kami that's my cue para purmohan siya 1 year and 2 mos. ko din siyang niligawan kahit nung una palang na nagtanong ako kung pwede ba akong manligaw tinawanan niya lang ako kasi akala niya nag bibiro lang ako pero nung sinabi kong seryoso ako nireject niya agad ako pero di ako sumuko dahil gusto ko talaga si Finley although madami din talaga yung nanliligaw sa kanya nung first year College kami. Pagtungtong namin ng 2nd year College nafefeel ko na baka gusto na niya ako kasi binabusted niya lahat ng nanliligaw sakanya eh tapos naalala ko intern na namin yun sa hospital sakin lang siya comfortable na akala ng iba kami na, pero nag assume lang pala ako na may pag-asa kami dahil sinabi niya kaagad sakin na wag daw akong umasa, 2nd heartbreak na agad yun sakin. Kasi ni reject niya muli ako" lungkot na pahayag ni kuya Lander. "Eh kung ganoon yung ginawa niya sayo ba't nagstay ka parin sakanya? Napakasama niya pinaglalaru-an ka lang niya kuya. Kaya laging kumukulo dugo ko kapag nakikita siya eh. Bad atmospher agad kapag nagkikita kami. I hate her so much" inis na sambit ko. Sabi na eh bitch talaga tong si Finley eh. "No, don't hate her Zy. Finley is a nice girl" pagtatanggol ni Lander sa babaeng yun. "Nice ba tawag mo dyan eh sinasaktan kana nga niya eh. Di ba siya nakokonsensya?" inis na sambit ko ulit. "She's nice really kung naging close lang talaga kayo malalaman mo kung ba't kailangan mong mag stay sakanya. She's stubborn sometimes just like you" ngising sambit niya. "Di sabi ako stubborn. Teka ba't ba naudlot? Dahil ba may nilandi siyang iba?" inis kong tanong. "Hush. Zy your mouth. Fin is not a slut nor flirt. Let us say may nagugustohan daw siyang iba. Until now na 3rd year kami gustong-gusto niya pa din ito. Nitong huli lang tinanong ko siya ulit nagbabakasali na baka may chance pa. Pero ito ang sinagot niya. "I'm sorry Lander I only see you as my friend and I can't like you back coz I love that person very much too deep that I can't resists. I'm sorry" sambit ni kuya Lander sakin. "At sino naman ito? Mas gwapo ba sayo kuya o mas mabait sayo? At bakit mahal na mahal niya? At kaya kang saktan ni Finley para sa taong yun" curious kung tanong. "Hindi ko alam Zy. Sabi niya after daw nung defense namin kapag pinansin siya nung taong nagugustohan niya sasabihin niya sakin kung sino ito. Curious na din ako kung sino ito but I respect her kung di pa siya handang sabihin sakin kung kanino siya interesado. Gayong wala naman akong nakikitang nakakasama ni Finley maliban sakin" sambit ni kuya. Dahil sa seryoso naming usapin ni kuya di namin namalayan na andito na pala ako sa aming subdivision. Pumasok muna si kuya sa loob ng bahay namin. "Goodevening po Tita" bati ni kuya Lander kay Mommy. "Goodevening din iho. Salamat sa paghatid nung anak ko" ngiting sambit ni Mommy kay kuya Lander "Walang anuman po Tita. Parang kuya na din ako ni Zyra so di ko siyang hahayaang umuwi ng mag-isa" sambit niya kay Mommy. Nakaramdam parin ako ng pagkirot sa aking puso. Inulit pa talaga ah. "Laking pasasalamat ko talaga sayo iho" masayang sambit ni Mommy. "Pano ba yan Tita. Mauna na po ako may pasok pa po bukas eh" paalam ni kuya lander "Bye Zy. See you bukas sa school" paalam niya sakin. "Sige iho. Mag-iingat ka. Yung sinabi ko sayo ah?" sambit ni Mommy. "Opo Tita don't worry. Makaka-asa ka po. Alis na ho ako" kindat niya sakin bago siya lumabas sa bahay namin. "Anak aalis pala si Mommy" pagpapa-alam niya sakin. "Saan ka po pupunta?" tanong ko. "Puntahan ko Daddy mo. Mga 2 months din akong wala dito sa bahay. Ayos lang ba yun sayo?" tanong sakin ni Mommy. "Oo naman po Mommy" agarang sagot ko pero sa katunayan nalulungkot ako. "Bukas na pala alis ko. Kung may kailiangan ka tumawag ka nalang sakin o sa Daddy mo. Andito naman sila Manang para alagaan ka" sambit niya sakin. "Okay po Mommy. Mag-iingat ka po ah?" sabay halik ko sa pisngi niya. "Exam niyo na next week diba?. Goodluck anak alam ko namang kaya mo yan. Ikaw pa" proud na sambit ni Mommy naikinangiti ko naman. "Salamat po Mommy. Akyat na muna po ako sa taas para makapagpahinga" pa-alam ko kay Mommy. "Oh siya sige. Goodnight anak. Rest well" ngiting sambit niya at tuluyan na akong umakyat sa taas. Nagbihis na agad ako pagkarating ko sa kwarto ko. Dahil di pa ako dinalaw ng antok nag f* na muna ako. Gulat ko nung nakita ko ang name ni Finley sa notification ko "Finley is now accepted your friend request about 9 hours ago" what the fuck na add ko ata siya dahil sa ni stalk ko siya kagabe. Damn! ang tanga mo Zy. Ma unfriend ko nga. Pero teka pag ni unfriend ko siya di ko malalaman kung sinong pinagpalit niya kay kuya. Hayaan nalang na-alala ko din kasi naka friends to friends yung post niya atleat friends na kami mababasa ko o matitingnan ko mga pinag gagawa niya sa f******k world. Binalik ko naman sa home ng f******k page ko bungad agad sakin ang post niya. "Everytime you're near my heart feels like having a horse race" Two days ago pa to ah. Di naman si kuya tong tinutukoy niya diba? Kasi nga gaya ng sinabi ni kuya may nagugustohan siyang sobra pa sa nararamdaman niya kay kuya. At sino kaya talaga to bakit parang baliw si Finley sa lalaking ito? Di hamak namang lamang si Lander dito for sure. Hmmm after our exam. Sisimulan ko na ang plano ko. Humanda ka sakin Finley.Maaga akong pumasok sa school dahil maaga akong nagising ngayon. Kunti palang kami ang andito yung mga di ko pa close ang nauna dito sa school. Hayy wala akong maka-usap ngayon samantala sila busy namang mag-usap. "Woah. Next week na exam natin then after that Foundation na" masayang sambit nung babae kong kaklase. "I'm so excited sa mga pageant. Makikita ko na naman yung crush ko sa Engineering yieee" kinikilig na sambit ng kausap niya. Di ko alam mga pangalan nila at wala din akong interes pang malaman ito. At isa pa mahina talaga ako sa mga pangalan. Dahil di naman ako gaano ka excited sa darating na Foundation namin dahil una di naman mahilig sumali sa pageant si Lander. Kaya napag-isipan ko nalang na wag nang makinig sa usapan nila at mag simula nang gumawa ng aking plano para kay Finley. Busy ako kaka formulate ng mga posible plan para kay Finley at di ko napansin na andito na pala si Lheanne sa room namin. "Sorry Zy" biglang yakap niya sakin. Nagulat naman ako. Siguro n
Zyrine POVAng bilis lang ng panahon at next week ay first quarter exam na namin. Kaya hito kami ngayon busy sa pag cocomply ng mga projects namin. Napag-isipan namin na sa bahay nalang daw nila Lheanne kami gagawa ng project. Sa una di talaga ako pumayag dahil for sure magpapagawa lang kami sa kuya ni Lheanne at nakakahiya talaga pag nagkataon. Project lang naman namin ay gumawa ng sex organs both male and female diba nakakahiya. Ba't kasi di ako pinagpala na maging magaling mag drawing plus only child pa ako. Kaya no choice at pumayag nalang din ako di nako nag inarte kesa naman wala akong maipasa na project diba?."Pauwi na daw sila kuya" sambit ni Lheanne sakin habang ako ay busy i-ayos ang aking mga materials para mamaya ay wala ng problema."Sila? Sino kasama niya?" agarang tanong ko."Si Ate Fin. Sino pa nga ba" sagot niya agad.Sabagay si Finley lang naman lagi kasama ni Lander wala ng iba pa. Tsk. At dahil doon nawalan na ako ng gana. Ba't ba siya andito? Kahit saan talaga ma
Zyrine POVLate na akong nagising ngayong araw dahil sa kaka stalk ko sa crush ko kagabe. Syempre part of growing up chaaarot. Ano ba yan first day of school late ako. Kaya nagmadali na akong mag-ayos. Bahala na ma late basta di ko makaka ligtaan ang aking morning routines. Pagtapos kong maligo nag- apply na ako ng cheek tint . Ito lang sapat na marunong na akong mag apply ng pampa ganda sa aking mukha pero dahil sa school lang naman ako pupunta kahit cheek tint lang okay na total I'm still in my Grade 12. Pag College na ako mag papalkado ng make-up total isang hinga nalang naman ay mag College na ako. Pagkatapos ko mag lagay ng cheek tint ay inayos ko naman ang aking mahaba at straight na buhok. Putulan ko nga to sa susunod na araw masyadong mahaba na eh. After ko ayosin sarili ko agad na akong bumaba."Nak, kain kana nakahanda na ang breakfast mo" sambit ni Mommy pagkababa ko na naghahanda na para pumunta sa trabaho."Naku Mommy sa school nalang po" sambit ko at nakisabay na sa