Maaga akong pumasok sa school dahil maaga akong nagising ngayon. Kunti palang kami ang andito yung mga di ko pa close ang nauna dito sa school. Hayy wala akong maka-usap ngayon samantala sila busy namang mag-usap.
"Woah. Next week na exam natin then after that Foundation na" masayang sambit nung babae kong kaklase. "I'm so excited sa mga pageant. Makikita ko na naman yung crush ko sa Engineering yieee" kinikilig na sambit ng kausap niya. Di ko alam mga pangalan nila at wala din akong interes pang malaman ito. At isa pa mahina talaga ako sa mga pangalan. Dahil di naman ako gaano ka excited sa darating na Foundation namin dahil una di naman mahilig sumali sa pageant si Lander. Kaya napag-isipan ko nalang na wag nang makinig sa usapan nila at mag simula nang gumawa ng aking plano para kay Finley. Busy ako kaka formulate ng mga posible plan para kay Finley at di ko napansin na andito na pala si Lheanne sa room namin. "Sorry Zy" biglang yakap niya sakin. Nagulat naman ako. Siguro nag-alala talaga siya nung kagabe. "Okay lang Lheanne. Ano ka ba" ngiting sambit ko sabay yakap sa kanya. Maya-maya ay kumalas naman agad siya. "Hayaan mo may ibang lalaki pa naman na mas better kay kuya eh" pag checheer-up niya sakin. "Alam ko. Tsaka ano ka ba mag eexam na tayo next week. Wag lang muna nating isipin ang bagay na to" sambit ko sakanya. Pero it's doesn't change the fact na si Lander parin talaga gusto ko. Ganito lang si kuya Lander dahil andyan si Finley pero kapag nawala siya tyak sa akin na ang atensyon muli ni kuya Lander. Pansin ko parami na ng parami mga kaklase namin. Dumapo naman yung mga mata ko sa wall clock namin. Kaya pala dahil mag 7 am na eh. Ilang minuto lang ay dumating na si Ma'am ang adviser namin. Nag- announce lang siya nung coverage ng exam namin next week. After nun ay lumabas na agad si Ma'am pero di muna kami pinalabas maya na daw kapag mag 9 am na. Kaya nag-antay na muna kami nung ilang oras. Bigla naman akong nagutom. Saktong pagka 9 am ay agad na kaming naglabasan. "Lheanne samahan mo'ko sa cafeteria bigla akong nagutom eh" paki-usap ko kay Lheanne tumango naman siya bilang pagsang-ayon. Nagsimula na kaming pumunta sa cafeteria medyo madami na ang tao pero sakto lang na makaka-upo pa kami. Agad na pumwesto kami sa bakanteng upu-an. Ako na nagvolunter na mag-order ng aming makakain. Pagkatapos sabihin ni Lheanne ang gusto niyang kainin ngayon agad na akong umalis para mag-order. "Parami na ng parami mga mamimili dito. Kaya bilisan nating kumain Lheanne" sambit ko pagkalapag nung tray. Pareho kami nung inorder ni Lheanne na tuna sandwich pero sa drink iba water kasi nung sakin samantala yung sakanya ay coke in can. Napansin ko naman na parating dito sa cafeteria sina Lander at Finley. Wala na ibang bakante kundi yung samin timing pa nakita nila kami. "Okay lang ba?" agarang tanong sakin ni Lheanne. "Oo naman" sagot ko agad. Ba't di naman magiging okay sakin diba?. Bigla naman silang umupo kaharap ko si Finley. Samantala ang kaharap ni Lheanne ay si Lander. "Hi ate Fin" bati ni Lheanne. "Hi too. Lapit na exam ah" sambit ni Finley. "Oo nga ate at nakaka stress na" reklamo ni Lheanne. "Kaya mo yan Lhea. Kamusta naman yung samin di ba? Mag thethesis pa kami nung kuya mo noh. Pero sana di siya ka gropo ko. Wala naman itong naiimbag eh" tawang sambit ni Finley na ikinareklamo ni kuya Lander. "Wow huh. Meron din naman kaya paminsan-minsan" tawang sagot ni Lander "anyway ako na mag-oorder. Ano ba gusto mo?" tanong niya kay Finley. "You know already what I like" agarang sagot ni Finley na ikinainis ko. May paa naman siya di ba ba't kailangan pa si Lander mag order. "Di ka naman baldado di ba?" singit ko. "Sabi ko nga ako na mag-oorder" tawang sambit niya. Anong nakakatawa doon sa sinabi ko? "At ikaw Mr. Rodriguez mag-order ka nung sayo. Di ka naman baldado diba?" pag gagaya niya sa sinabi ko kanina at umalis na bigla para mag-order. Aba't pinagloloko ako ng babaeng to ah. No relax ka lang Zyrine bawal kang ma stress. Sumunod nalang din si Lander sa kanya. "Oy relax. Ang taray mo ata kay ate Fin. Akala ko ba okay lang? " ngising tanong ni Lheanne sakin na di ko naman pinansin agad namang dumating si Finley dala-dala ang kanyang tray. Pinagpatuloy ko nalang ang aking pagkain para matapos na ako at umalis na dito. Pano ko ba magagawa plano ko kung pagkikita ko kay Finley ay na iinis na agad ako. Plano ko lang naman ay maging close siya kasi siyempre iba din kapag babae to babae diba? may mga usapan kasi na sa babae lang dapat. At for sure she won't hesitate to tell me about her secrets at pagnagkataon malalaman ko din yung kinababaliwan niya. Dahil alam ko di mapakali si kuya Lander na malaman ito. Ako na mismo tutulong sa kanya kung ayaw sabihin ng deritso ni Finley. Pinapaasa niya lang si Lander at naiinis ako doon. Bakit ba kasi sa lahat ng tao kay Finley pa nahulog si Lander samantalang andito naman ako minamahal siya ng lubos at walang kaagaw. "Quit staring it's so rude" inis na sambit ko kahit di ako nakatingin sakanya alam ko nakatitig siya sakin. Nararamdaman ko yung mga titig niya. Nagagandahan ba to sakin? Ilang minuto lang din ay dumating na si kuya Lander. "That's my line" halakhak na sambit niya. "Bakit ikaw ba nag-imbento niyan?" mataray kong tanong. "Aniyo" agarang sagot niya. Aba marunong palang mag korean ang isang to. "Oh hindi naman pala so shut-up" mataray kong sambit wala na akong paki-alam kahit andito pa si kuya Lander total alam niya na namang hate na hate ko 'tong babaeng ito. "Sabi ko nga titigil na. Damn! you're so cute" ngisi niyang sambit. "FYI di ako aso" inis na sambit ko. "Ang aga coke kana agad Lheanne" pag-iiba ni Finley. "Nagki crave ako ate eh" sambit ni Lheanne. "Anong crave ka dyan? Bakit buntis ka ba Lheanne?!" galit na tanong ni Lander kay Lheanne na agad namang binatukan ni Finley. Aba't sinong may sabi na batokan niya yung crush ko. "OA mo dude. Tumigil ka nga" saway ni Finley. "Siguraduhin mo lang Lheanne wala lang munang boyfriend2x. Malalagot ka talaga sakin" banta ni Lander sa kapatid niya. Patay di niya alam na may ka MU na si Lheanne ngayon. "Wag kang maniwala sa kuya mo. Okay lang yan Lheanne ano ka ba wag kang matakot" tawang sambit ni Finley at tiningnan naman siya ng masama ni Lander. "Biro lang. Yeah tama kuya mo Lheanne atupagin mo nalang muna ang pag-aaral tapos sa summer dyan mag boyfriend kana wala naman na pasok " tawang sambit ni Finley at sinama-an ulit siya ng tingin ni kuya Lander. "No kapag di ka pa tumungtong ng 18 di pa pwede huh Lheanne. Kayong dalawa ni Zyrine di pwede. Right? " sambit ni kuya Lander sabay tingin sakin. "Yeah kuya" agad ko sagot sakanya bigla namang tumahimik si Finley. Problema nito? "Diba Fin?" tanong ni kuya Lander kay Finley. "Oh yeah. Pag di pa kayo nag 18" sambit niya habang nakatingin sakin at biglang ngumiti ng mapakla at kumain na. Anong meron? Matapos ang ilang minuto ay nagkanya-kanya na kaming umalis sa cafeteria. Naunang umuwi si Lheanne sakin dahil dumating na agad yung sundo niya. Nitext ko naman si Manong na maya na akong sundu'in dahil may gagawin pa ako. Pagkatapos ko itext si Manong agad na akong nagtungo sa library para humiram ng libro sa Science namin. At sa sinuswerte ka nga naman at nakita ko si Finley dito na mag-isa lang I guess naka-uwi na si kuya Lander. Di na muna ako lumabas nafi feel ko kasi baka dito sila magkikita nung lalaki niya. Naghintay na muna ako nang ilang minuto nakakaramdam na ako ng antok. Nabuhay ang antok ko nung may papalapit sa pwestohan ni Finley inihanda ko ang aking cellphone para makuhanan litrato agad naman akong sumilip dismaya ko nung makita kong babae. Hayy sige lang baka mamaya niya pa papapuntahin. Hanggang sa di ko na namalayan na nakatulog na pala ako. Naalimpungatan ako nung may naramdaman akong may humaplos sa mukha ko. Nagising naman ang diwa ko dahil doon. Kinabahan ako baka kung sinong multo na. Si Finley lang pala? Damn! alam niya kayang andito ako the whole time?. "It's late why are you still here?" tanong niya sakin. Ngayon ko lang nalaman na green pala eyes niya or is it a contact lens? Tapos wala siyang suot na eye glasses. But she's still wearing a nursing uniform and have her pin name. Is it her? Or she have a twins?. "Are you Finley?" tangang tanong ko tumango naman siya. "C'mon let's get out of here. I remember may multo palang nagpaparamdam dito kapag dumapo ang 6:00 ng gabe" sambit niya tiningnan ko naman ang relos ko and it's 5:55 pm at 5 mins. nalang mag 6 na kinalibutan naman ako kaya napahawak ako sa kamay niya. Ngumisi naman siya sa ginawa ko wala na akong panahong mag taray dahil natatakot ako. Patungo kami ngayon sa garage ng school namin. Teka ba't kami pupunta sa garahe sa pagkaka-ala ko wala namang kotse si Finley ah. Damn! kinakabahan nako baka kung sino tong kasama ko. Alam ko di to multo dahil di naman malamig kamay niya eh. Hanggang sa huminto kami sa black na kotse. "Hey. Yung kamay ko" sambit niya at binitawan ko naman ito agad pinagbuksan naman niya ako ng pintuan at wala pasabi pumasok na agad ako dahil natatakot na ako at pagabe na din gusto ko na maka-alis dito sa school. I swear di nako magpapa gabe dito. Pagkapasok ni Finley ni start niya naman ang engine. Nakaramdam ako ng vibration tiningnan ko kung sino ang tumatawag si Mommy lang pala. "Anak asan ka? Sabi ni Manong di ka pa nakaka-uwi. Di mo din sinagot text niya tsaka tawag nung telepono natin" bungad agad ni Mommy sakin pagkasagot ko. "Sorry Mommy nakatulog po ako nung nasa library ako. Don't worry may kasama po akong kaibigan ngayon" sambit ko. "Sinong kaibigan? Lalaki ba?" tanong ni Mommy. "Hindi po My. Babae po siya" sagot ko at ramdam ko tumingin bigla sakin si Finley habang nagmamaneho at bumalik na agad sa daan ang mga mata niya. "Fin, gusto ka maka-usap ni Mommy" agarang sambit ko. "H-huh?" gulat niyang tanong. "W-why?" kaba niyang tanong. Hala problema nito? Ba't parang kinakabahan siya? Napabuntong hininga muna siya bago niya kinuha ang phone ko para kausapin si Mommy. "Hello po" rinig ko sambit niya habang ang isang kamay niya nasa munubela. "Ah, opo Tita. Ako po bahala sakanya. No worries po. Yes po. Si Finley po. Yes po. Kakain nalang po kami sa labas. Opo. Thank you Tita. Ingat" sambit niya at ibinigay agad niya yung phone ko sakin. "Bye Mommy. I love you" sambit ko at tuluyan na namatay ang tawag. Nabalot kami ng katahimikan dito sa loob ng kotse niya. Wala naman akong sasabihin kaya mas mabuti ng tumahimik total di naman niya ako binuboyset ngayon. "Where do you want to eat?" basag niya sa katahimikan namin. "KFC nalang" sagot ko. "Alright" at iniliko naman niya ang kotse niya. Bago kami lumabas nagsuot na agad siya ng kanyang eye glasses. Umupo na agad kami pagkapasok namin sa KFC. "What do you want to eat?" tanong niya sakin. "Fried chicken tsaka carbonara lang" sagot ko sabay kuha ko nung wallet ko na agad niyang iniharang ang kamay niya. "No, it's okay. Just sit here and relax. I'll be right back" sambit niya at sabay alis. Ilang minuto lang ay dumating na siya dala-dala ang ni order niya. Nagsimula na kaming kumain ng tahimik. Walang pasabi at pinunasan niya yung labi ko. Nakaramdam naman ako ng init sa aking mukha. Sundaes na kinakain namin nung bigla niyang binasag ang katahimikan. "Why you're always mad at me? Did I do something wrong?" tanong niya sakin. Teka lang ah napapansin ko na English to ng English kanina pa di sa di ako magaling mag English. Nakakarindi rin minsan eh di niya ikina cool ito buti sana kung si Lander nag sasalita diba? "Ba't ba English ka nang English? Kanina ka pa ah. At isa pa di ako galit" taray kong sagot sakanya. "Eh ano naiinis?" tanong niya sakin "Oo" agarang sagot ko. "Bakit?" tanong niya uli. "Di ko alam. Basta naiinis ako sayo" sagot ko. "Pwede ba yun?" tanong niya sakin at di ko naman sinagot yun. "Mag 8 na kailangan ko na umuwi" sambit ko. "Alright. Tara" sambit niya sabay tayo at tuluyan na kaming lumabas. Pinagbuksan niya ulit ako ng pintuan. Ang gentlewoman naman niya meron bang gentlewoman na word? Hahahaha. Anyway kung lalaki lang si Finley baka pagkamalan kaming mag jowang sweet. At kung lalaki lang talaga siya baka kanina pa ako naihi sa kilig. "Saan ka ba nakatira?" tanong niya sakin. "Sa may alang-alang st." sagot ko. "Oh subdivision" sambit niya. "Saan banda bahay niyo?" tanong niya pa. "Magbilang kalang ng 15 kasunod na bahay amin na" sagot ko Nagsimula na umandar ang kotse niya nabalot ulit kami ng katahimikan dito sa loob hanggang sa siya ulit bumasag nito. "Until now I still can't find the answer why you're always annoyed on me. Well in fact It must be me in the first place" sambit niya. "Nag English ka na naman. At bakit naman dapat ikaw yung mainis sakin aber? Sa pagkaka-alala ko wala akong ginawa sayo" magtataray ko. "Your memories are not good enough then" ngiti niyang sambit. "Aba. Nakaka insulto ka ba? Ba't pa ngiti-ngiti ka dyan?" inis kong sambit. Bigla naman siya lumapit sa aking harapan one inch nalang mahahalikan na niya ako at kinabahan ako doon. "You can't remember?" sambit niya sakin bango naman nung hininga nitong babaeng to. "B-baka mabangga tayo" pag-iiba ko dahil di ako comportable sa posiyon namin ngayon. Kunti nalang talaga at maglalapit na mga labi namin at ayaw ko mangyari yun over my dead body reserve tong first kiss ko kay Lander noh. Salamat naman at lumayo siya. "So di mo nga maalala yung ginawa mo sakin?" pag-uulit niya pa habang nasa daan ang tingin. "Hindi nga" inis ko sambit. Ang daming arte nito sabing di ko alam eh. Wala naman talaga akong ginawa sakanya. "Okay ako nalang magpapa-alala sayo. Do you remember when you're in your Grade 11 and while me on my 2nd year College. Tinaponan mo lang naman ako nung mainit na kape. Just what the fuck badtrip pa naman ako sa araw na yun. Tapos imbes na ako yung magalit sayo. Ikaw itong sumigaw-sigaw sakin tapos sabay walk-out. Hanep di ba? " pagsusumbong niya. Omo. Hala siya pala yun natapunan ko last year? Gosh. Alam ko kasalanan ko talaga wala akong ibang alibi nun na-alala ko tiningnan niya ako nung masama nun sobrang kinalibutan ako nun buti nalang ako naunang magalit sakanya at nag walk-out na agad talaga ako. Takot ako baka kasi sampalin niya ako. "Ikaw kasi paharang-harang" mataray ko namang sabi. "Ikaw din kasi di ka tumitingin sa dinadaanan mo" sambit niya. "Sorry naman" sambit ko nang nakanguso. Biglang naman niya kinagat yung labi niya. May pakagat-kagat effect pa siya ah. "Pwedeng magtanong?" sambit ko. "You're asking now" halakhak niyang sambit. "Kainis. Ba't ba kayo ganyan ni Lander?" inis kong sambit nag kibit balikat naman siya. "Anyway do you want to know why I'm always get annoyed everytime I saw you?" panimula ko at tumango naman siya habang nasa daan parin ang kanyang mga mata. "Kasi inaagaw mo ang posisyon ko na ako dapat ang nasa lagay mo ngayon" sambit ko bigla naman siya tumingin sakin nang nakakunot ang noo. "What do you mean?" agarang tanong niya at bumalik ulit ang tingin niya sa may daan. "Dahil simula nung dumating ka nawalan na ng oras sakin si kuya Lander" lungkot ko sabi. "Do you like him?" tanong niya sakin na naramdaman ko na parang ang lungkot nung boses niya. "Yup so so much. Since when I was a child siya na pangarap ko makasama sa habang buhay. Kahit na malaki gap namin alam ko yun. Pero wala eh siya lang talaga wala ng iba hanggang sa dumating ka at nakilala ka niya nagkanda letse-letse na yung closeness namin" inis kong sambit. "So-sorry" pagpapa-umanhin niya. "Di ko lang talaga maintindihan kung ba't mo siya binusted. Parang nanalo kana nga sa lotto dahil si Lander ito haler" sambit ko. "Sa totoo lang talaga hindi mahirap magustohan si Lander. Pero ayaw ko siyang saktan sa parang kasinungalingan. Ilang beses ko na siyang binusted nun. Kasi alam ng puso at isip ko na iba yung gusto ko" sambit niya. "At tangina! naman kasi sinong lalaki ba yan at nagawa mong saktan ang taong mahal ko?" sigaw ko ningiti'an niya lang ako nang mapait. "Ang sakit lang isipin na yung taong pinapahalagahan ko sinasayang nung walang kwentang tao" taray kong sabi. Wala na akong paki-alam kong masasaktan ko siya sa pinag-sasabi ko gusto ko ilabas lahat ng galit ko. "I know wala akong kwentang tao. Masakit din isipin na yung taong mahal ko may mahal na iba" ngiti niyang pilit. Magsasalita pa sana ako nung biglang nag ring phone ko. Tiningnan ko ang caller si Mommy. "Anak, asan kana mag 9 na. Di ka pa daw nakaka-uwi sa bahay" bungad ni Mommy. "Kararating ko lang po ngayon. Pababa na po ako ngayon sa kotse" sambit ko at walang pasabi ay bumaba na ako agad at hindi na nagawang magpa-alam kay Finley.Maaga akong pumasok sa school dahil maaga akong nagising ngayon. Kunti palang kami ang andito yung mga di ko pa close ang nauna dito sa school. Hayy wala akong maka-usap ngayon samantala sila busy namang mag-usap. "Woah. Next week na exam natin then after that Foundation na" masayang sambit nung babae kong kaklase. "I'm so excited sa mga pageant. Makikita ko na naman yung crush ko sa Engineering yieee" kinikilig na sambit ng kausap niya. Di ko alam mga pangalan nila at wala din akong interes pang malaman ito. At isa pa mahina talaga ako sa mga pangalan. Dahil di naman ako gaano ka excited sa darating na Foundation namin dahil una di naman mahilig sumali sa pageant si Lander. Kaya napag-isipan ko nalang na wag nang makinig sa usapan nila at mag simula nang gumawa ng aking plano para kay Finley. Busy ako kaka formulate ng mga posible plan para kay Finley at di ko napansin na andito na pala si Lheanne sa room namin. "Sorry Zy" biglang yakap niya sakin. Nagulat naman ako. Siguro n
Zyrine POVAng bilis lang ng panahon at next week ay first quarter exam na namin. Kaya hito kami ngayon busy sa pag cocomply ng mga projects namin. Napag-isipan namin na sa bahay nalang daw nila Lheanne kami gagawa ng project. Sa una di talaga ako pumayag dahil for sure magpapagawa lang kami sa kuya ni Lheanne at nakakahiya talaga pag nagkataon. Project lang naman namin ay gumawa ng sex organs both male and female diba nakakahiya. Ba't kasi di ako pinagpala na maging magaling mag drawing plus only child pa ako. Kaya no choice at pumayag nalang din ako di nako nag inarte kesa naman wala akong maipasa na project diba?."Pauwi na daw sila kuya" sambit ni Lheanne sakin habang ako ay busy i-ayos ang aking mga materials para mamaya ay wala ng problema."Sila? Sino kasama niya?" agarang tanong ko."Si Ate Fin. Sino pa nga ba" sagot niya agad.Sabagay si Finley lang naman lagi kasama ni Lander wala ng iba pa. Tsk. At dahil doon nawalan na ako ng gana. Ba't ba siya andito? Kahit saan talaga ma
Zyrine POVLate na akong nagising ngayong araw dahil sa kaka stalk ko sa crush ko kagabe. Syempre part of growing up chaaarot. Ano ba yan first day of school late ako. Kaya nagmadali na akong mag-ayos. Bahala na ma late basta di ko makaka ligtaan ang aking morning routines. Pagtapos kong maligo nag- apply na ako ng cheek tint . Ito lang sapat na marunong na akong mag apply ng pampa ganda sa aking mukha pero dahil sa school lang naman ako pupunta kahit cheek tint lang okay na total I'm still in my Grade 12. Pag College na ako mag papalkado ng make-up total isang hinga nalang naman ay mag College na ako. Pagkatapos ko mag lagay ng cheek tint ay inayos ko naman ang aking mahaba at straight na buhok. Putulan ko nga to sa susunod na araw masyadong mahaba na eh. After ko ayosin sarili ko agad na akong bumaba."Nak, kain kana nakahanda na ang breakfast mo" sambit ni Mommy pagkababa ko na naghahanda na para pumunta sa trabaho."Naku Mommy sa school nalang po" sambit ko at nakisabay na sa