Samantha's Point of View
Naglalakabay ang aking daliri sa mga boteng naka-display sa wooden shelf. Binabasa ko ang mga pangalan ng mga ito nang maramdaman ang paghaplos ng malapad at malambot na kamay sa magkabilang balikat ko. “Do you like what you're seeing, mi amor?” Napalunok ako at unti-unting ibinaling ang aking mukha sa aking likuran. Si Walter. Sobrang lapit ng mukha niya sa akin dahilan para pati ang paghinga niya sa kaniyang ilong ay maramdaman ko sa aking mukha. Idinikit niya ang kaniyang noo sa aking ulo, habang ang mga kamay niya ay parang minamasahe ang aking likuran. “I'm loving i—” Hindi ko na natapos ang dapat kong sabihin dahil bigla akong natawa. Ang malambot na pagkakahawak ni Walter sa balikat ko ay naging mariin, masakit. Itinulak ko siya palayo sa akin. “How can we convince them if we can't even act sweet? Practice pa nga lang 'di na magawa nang tama. Ilang ang araw na lang ang mayroon tayo” pangangaral nito sa akin at napahawak pa ito sa likod ng kaniyang ulo. Hindi ko na alam kung ilang beses na namin itong sinubukan, pero wala pa kaming natatapos dahil bigla akong natatawa. Nakakatawa naman kasi ang napili niyang endearment namin. Mi amor talaga? Mas sweet siguro pakinggan kung honey. Bakit niya kasi ipagsisisiksikan ang Spanish roots daw na mayroon ang pamilya niya. “At puwede bang lambutan mo pa 'yang kilos mo? You're so stiff. Haluan mo ng kaunting landi o 'yong parang hindi ka makahinga kung wala ako,” dagdag pa nito. Bukod sa napakagaspang ng ugali niya, ang OA niya. 'Yong choice of words niya talaga ang hirap seryosohin, e. “Nag-deal ka na sa offer. Make sure you'll do your job right.” Dahil sa gusto ko na ring matapos itong pagpa-practice namin, kahit gusto kong suntukin ang mukha niya, umarte ako—bagay na hindi niya inaasahan. “Like this?” Bigla kong ipinulupot ang aking mga kamay sa likod ng kaniyang leeg. Idinikit ko rin ang aking katawan sa kaniya—sobrang dikit dahilan para maramdaman ko ang pagtama ng dibdib ko sa dibdib niya. Tinitigan ko ang kaniyang mga mata at pinasunod ko iyon nang itutok ko iyon sa kaniyang mga labi na para bang may gusto akong gawin sa pagkapula ng mga ito. Muli kong ibinalik ang aking titig sa kaniyang mga mata hanggang sa mapansin ko ang unti-unting paggalaw ng kaniyang mukha palapit sa akin. Napapikit naman ako at bahagyang ibinuka ang aking labi. He cleared his throat, causing me to open my eyes. “That's enough.” Tinanggal niya ang aking mga kamay at saka ay tumalikod. Hindi ko alam pero napangiti ako. Pakiramdam ko ay nakaganti ako sa pang-iinis niya sa akin. “Okay na ba 'yon?” tanong ko sa kaniya. Taas-noo siyang napalingon. Mukhang nakalikom na siya ng sapat na yabang para harapin ako. “It was good. But do not forget our endearment,” saad nito at napahalukipkip pa. “Anyway, did you get any update with regard to the shipment delay in Visayas?” Ang bilis niyang magbago ng pag-uusapan. Now we're going to talk about real work. “Limitado pa rin ang puwedeng makaraan sa San Juanico Bridge kung kaya'y marami pa ring delivery transportation ang na-stuck, nakapila,” saad ko naman. Napansin kong hindi niya ako magawang titigan ngayon. “Who thinks that land transportation is the only option that we have?” tanong nito. His question was full of sarcasm. Napabuntonghininga ako. “We can transfer the delivery trucks to a RORO ship. Ang problema, dagdag oras at gastos kung gagawin iyon. Unless the company is willing to incur additional expenses and risk getting a profit.” Nagtaas siya ng kilay sa sinabi ko. “Kung isasakay natin sila sa RORO ship, kailangan pang bumiyahe ng trucks sa pinakamalapit na port. Pagkatapos ay maghihintay ito RORO. Ang problema, hindi naman oras-oras may biyahe ang mga barko. Maghihintay na naman ng next travel schedule.” Napapatango ito habang nakikinig sa explanation ko. “Pagkatapos, magbabayad na naman ng additional fees.” “So, you're saying that we should let our trucks rot on the other side of the bridge?” tanong nito ulit na para bang minasama ang sagot ko. Napailing na lang ako. “I'm saying that we will wait until they let our delivery truck pass the bridge. Limited lang ang load na puwedeng dumaan, pero hindi ibig sabihin na bawal nang dumaan doon.” Napatingin siya sa malayo, parang nag-iisip. Pagkakuwan ay naglakad ito palapit sa akin hanggang sa mapaupo ito sa kaniyang swivel chair. “Just go buy me a coffee,” saad na lamang nito at binuksan ang kaniyang laptop. “And cancel all my meetings this afternoon.” Napasulyap ako sa kaniya. “Hindi puwedeng i-cancel ang meeting mo kasama ang may-ari ng Hacienda Oledan,” saad ko. Nag-angat ito ng tingin sa akin, nakakunot ang kaniyang noo. “Sinong nagsabing hindi puwede? I can because I want to.” “Pero—” “I'm the boss here,” he paused, “mi amor,” pagpapatuloy nito at ngumiti. Alam kong trip na naman nitong mang-inis. “Besides, the reason for the cancellation is very important,” saad ulit nito. “You need a little makeover. Minsan mas lalaki ka pang tingnan sa akin, e.”Walter's Point of View Samantha's on top of me—the hem of her night gown covered the way her tightness enveloped my dīck. Mayamaya, mahigpit siyang napahawak sa dalawang umbok niya, minamasahe iyon, habang dahan-dahang itinataas-baba ang kaniyang paggalaw. Napapatingala siya at kahit hindi ko nakikita ang mukha niya, alam kong napapapikit at napapakagat ito ng kaniyang labi. “Shit, fuck it, Sam. You're so good,” I groaned as her speed has increased a bit. Napahawak ako sa kaniyang balakang at napapikit, bago iyon hampasin. “God, oh. Fuck . . . ang sarap.” “Ūgh . . . ūgh,” ungol nito na parang isang iyak na. “T-tangina . . . oh, ūgh.” Napalitad at ang dalawa niyang kamay na nasa dibdib niya kanina ay ipinatong niya sa aking binti. Kakaibang sarap ang naibibigay ng pagtaas-baba niya kanina, but I think I'm so close to losing my mind when she started grinding her body against mine. She even swirled, her tightness touching every sensitive nerve of my dīck. Pabor iyon sa posisyon niyan
Samantha's Point of ViewNapahinto si Walter sa kaniyang paghalik dahilan para mapamulat ako ng aking mga mata.Pinagmasdan ko siyang tanggalin ang kaniyang damit at kung paano hawakan ang aking kamay para halikan iyon, bago idikit sa kaniyang dibdib. Mabilis at malakas ang pagtibok ng kaniyang puso. Ngumiti siya sa akin bago muling ilapit ang kaniyang mukha sa akin para halikan ako.Iba ang halik ni Walter ngayon—mainit pero marahan. May tamis iyon ng pananabik, pero hindi siya nagmamadali. Hindi mabilis na para bang gutom na gutom. Hindi katulad ng ginagawa namin noong una.Ginantihan ko siya. Malambot at mabagal na halik, ninamnam ang pagdaloy ng kaniyang laway sa aking katawan. Habang ang mga labi naman ay nakikipaglaro sa init ng aming nararamdaman, lumapat ang isang kamay ni Walter sa strap ng suot kong nightgown. Kasabay ng pagbaba niya roon ay siyang paglakbay ng kaniyang halik patungo sa aking leeg.Ang kamay kong nakahawak sa dibdib niya kanina ay nagtungo sa kaniyang likod,
Samantha's Point of View Napakagandang tingnan ng mga bulaklak dito. Iba't ibang klase at kulay. Kaya naman, halos sa lahat ng bulaklak ay nakapagpa-picture ako. Vinideohan din ako habang tumatakbo, umiikot, at kunwari ay inaamoy ang mga bulaklak. Noong nasa mga tulips na kami, gusto kong tumalon doon at mahiga kaso hindi puwede. Tinanaw ko si Walter, pero nawala ito sa kaniyang kinatatayuan kanina. Saan kaya iyon nagpunta? Mapapalingat sana ako sa aking paligid para hanapin siya, pero bigla akong pinagsabihan ng lalaki sa aking gagawin. Nagtungo din kami sa iba pang picture spots dito katulad na lamang sa may swing, may frame na parang nakatusok sa lupa, at maging sa isang piano na napapalibutan ng mga bulaklak. “Okay, Ma'am, atras po tayo,” saad ng lalaki sa akin. Nandito kami sa isang bahagi kung saan may vertical gardening arch. Ang mga bulaklak ay nakatanim sa pots na nakakabit sa isang metal frame na arko ang porma. Para itong lagusan sa mga enchanted o fairytale movies—arko
Samantha's Point of View “Kumapit ka, ha?” wika ni Walter sa akin at nilingon pa ako nito sa kaniyang likod. “Huwag mong bibilisan!” paalala ko naman dito dahilan para matawa siya. “Oh, really? Last time, I remembered you were begging me to go faster,” sarkastiko pa nitong sabi. “Walter!” sigaw ko naman sabay hampas sa kaniyang likuran. Nandito kami ngayon sa Houli District at kasalukuyan akong umaangkas kay Walter sa likod ng isang e-bike. Ngayon ang huling araw namin dito sa Taiwan, at sinabi nitong hindi raw namin puwedeng palampasin ang Hou-Feng Bike Path at ang Zhongshe Flower Market. Sinabi kong kahit buong araw ay sa Zhongshe Flower Market na lang kami dahil hindi naman ako marunong mag-bike, pero sinabi nitong hindi naman daw ako magba-bike dahil aangkas lang ako sa kaniya. Napahawak na ako sa magkabilang bahagi ng shirt niya, sa bandang tagiliran. Ngunit tinanggal ni Walter ang mga kamay ko at pinagtagpo ang mga iyon sa harap ng tiyan niya. Ang tigas ng abs niya. Nararam
Samantha's Point of View Natapos na ang pangatlong araw ng paglilibot namin ngayon sa Taiwan. Ilan sa mga binisita namin kanina ay ang Qingtiangangang Grassland at Yangningshan Library. Gabi na ngayon at maaga kaming nakapag-dinner. Ako lang naman ang naiwang mag-isa rito sa kuwarto namin ni Walter dahil nagpaalam siya na may pupuntahan. Hindi niya sinabi sa akin at hindi rin naman ako nagtanong dahil baka sabihin na naman nitong hindi niya ako nanay. Pero sa tingin ko, may kikitain siyang investor dito. Nakita ko kasi ito kanina na may kausap sa kaniyang cellphone. Napasinghal na lang ako at tiningnan kung nag-reply na ba si Erwin sa mga picture na s-in-end ko sa kaniya kanina. Nakakabagot din talaga lalo na't isang himala na hindi pa ako tinatamaan ng antok ngayon. “Ganda ng view. May mga panira lang.” Iyon ang naging reply ni Erwin sa mga larawang magkasama kami ni Walter. Napailing na lang ako habang natatawa. Mayamaya pa, may s-in-end din siya sa akin. Akala ko larawan iyon n
Samantha's Point of View Pagkatapos naming mag-night market, nag-send ako kay Erwin ng mga picture namin ni Walter para ipakita iyon sa kaniya. Ilang segundo lang ang lumipas ay tumawag ito kaagad. Mabuti na lang at mayroon akong e-sim na naka-activate kung kaya'y may pang-internet ako. Silang dalawa ni tatay ang nakausap ko, parehong hindi makapaghintay sa aking ikukuwento. Pero naging mabilis lang ang pag-uusap namin dahil ramdam ko talaga ang pagod. Mabuti na lang at naliligo si Walter no'n noong tumawag si Erwin. Hinanap pa naman siya ni tatay. Nang matapos magbihis si Walter ay saktong patulog na ako. May sinabi pa nga ito, pero hindi ko na naintindihan dahil kusang sumara ang aking mga mata. Panibagong araw na naman. Panibagong araw para mapagod at mag-enjoy. Ginusto ko rin naman ito kung kaya'y hindi ako dapat magreklamo. At katulad pa nga ng sinabi ni Walter, minsan lang ito mangyari. Nandito kami ngayon sa Yehliu Geopark at kanina pa kami palakadlakad habang ini-enjoy ang