 LOGIN
LOGINWalter's Point of View
Focus has suddenly become a foreign word in my vocabulary after what Samantha did earlier. It's been hours, yet my head is still reeling from the way our bodies nearly became one when she locked her hands around my nape. Her gaze was enchanting—luring me closer, pulling me in. “Sir?” Bigla akong natauhan nang tawagin at tapikin ni Samantha ang aking balikat. Nasa loob kami ngayon ng sasakyan at magkatabi kaming nakaupo rito sa likod ng driver. “What?” I replied with annoyance, my eyes locked on hers as I smoothed the front of my polo with my palm. “We're here,” sagot nito, seryoso ang tono. “Kanina ka pa tinatawag ng driver, pero hindi ka umimik. Tulala lang.” I glanced at her again before opening the car's door. “I didn't ask for an explanation.” Lumabas na ako ng sasakyan at napatingala muna sa building na nasa harap ko. It’s almost four in the afternoon, but the heat still feels scorching enough to burn my skin. “Bakit ba tayo andito, Sir?” tanong ni Samantha. Halos 'di ko iyon marinig dahil sa lakas ng ingay ng mga sasakyan sa labas. Hindi ko siya sinulyapan o kaya ay sinago. Bagkus ay nagsimula na akong maglakad paakyat ng hagdan. Mabuti na lamang talaga at nasa second floor lang ang sadya namin. Five storey pa naman ang building tapos wala man lang elevator. Napahinto ako sa tapat ng isang glass door. Nang pasimple akong mapsulyap sa aking likuran, nakita kong napahinto rin itong si Samantha. “Follow me,” saad ko bago itulak ang glass door. My exposure to outside temperature made me feel how cold it is inside. Kaagad akong lumapit sa reception desk kung saan may dalawang nakaantabay na babae roon. They're wearing pink scrubs. Sa likod naman nila ay ang pangalan ng clinic na may soft yellow light, ’Ivy Aesthetics’. “Good afternoon, Sir. Magpapa-schedule po ba kayo?” tanong ng isang babae. She was all ears, smiling as she listened, but I didn’t like the way she approached me. She was trying too hard to seem approachable. Marahil mga bago ang mga ito rito. Ngayon ko lang nakita ang mga ito. Halatang hindi rin nila ako kilala dahil “sir” lang ang tawag sa akin. Idagdag pa na hindi nila alam na hindi ko na kailangan pang magpa-schedule or appointment. Mayamaya pa ay unti-unting gumuhit ang ngiti sa aking mga labi nang bumukas ang glass door na malapit sa dalawang babae. Iniluwa noon ang isang babaeng naka-medical gown—si Doc Ivy Mendoza, isang dekalibreng dermatologist sa bansa. She's been my dermatologist since I was a teenager and her service is one of the reasons why I was able to maintain my younger and fresher look. Kaedaran lang siya ni mommy, pero kung itatabi mo ito kay mommy ay parang sampung taong mas bata ito. I'm not saying that my mom looks old. It's just that Doc Ivy's expertise can also be seen in her appearance. “Walter,” tawag nito sa akin at saka lumapit para yakapin ako. Walang anu-ano'y humakbang ito patungo sa aking likod. Sinundan ko naman siya ng tingin. Nakahawak siya ngayon sa balikat ni Samantha habang nakangiti. Magkasingtangkad lang pala sila. “Is she the lucky lady?” tanong nito sa akin. I'm annoyed with the way she asked. “You were right, Walter. She has the looks, but needs improvements.” Hindi na niya dapat sabihin iyon. Baka isipin ni Samantha na napakaganda na niya. Napapikit na lang ako habang napapailing. ***** Samantha's currently lying down on the dermatology examination chair, while Doc Ivy is taking notes of the procedures that she will be doing. “As I mentioned earlier, given na ang ganda mo. It's just that your skin shows signs of stress and fatigue. Common ito sa mga taong maraming pinagsasabay-sabay gawin o nakakaranas ng stress sa trabaho, sa bahay,” pagsisimula ni Doc Ivy. Nasa likod lang ako ni Doc Ivy, nagmamasid sa kanila. “It's more on trabaho po, sa tingin ko,” sagot naman ni Samantha at nagawa pa akong tingnan. Maging si Doc Ivy ay napatingin sa akin. God, this woman! “Anyway, dear, our first procedure will be glow enhancing facial plus jet peel. Effective ito para sa deep cleansing, hydration and skin brightening,” pagpapaliwanag ni Doc Ivy at tinuturo-turo pa ang katawan ni Samantha. “Don't worry, dear, because this is pain-free. Ang maganda pa is that safe din ito for sensitive skin.” Pagkatapos iyon sabihin ni Doc Ivy ay lumabas na muna ako. She knows what she's doing. At hindi ko rin kayang tumunganga roon katitig sa kanila. I went in to the car. Natutulog ang driver nang pumasok ako. Akala ko ay makakatulog din ako ngunit biglang nag-ring ang cellphone ko. Someone's calling. The owner of Hacienda Oledan doesn't really know what cancellation of the meeting means. Pinatay ko ang cellphone ko at napapikit para matulog sana ulit. Ilang minuto akong nakapikit habang nakasandal, pero hindi pa rin ako makatulog. “Fuck!” sigaw ko at hinampas ang aking noo sa upuan sa harapan ko. Kaagad namang nagising ang driver sa ginawa ko. Napalingon ito sa akin, nag-aalala. “Sir, ayos lang kayo?” Napabuntonghininga ako at napatingin sa labas. “I need some fresh air and the sound of waves. Drive us to the nearest shore.” Ilang segundo munang natahimik ang driver bago magsalitang muli. “Sir, wala pong dagat na malapit dito.” Ibinaling ko ang aking mata sa kaniya. “I don't care. Find one.” Muli akong napatingin sa labas. The thought of the wedding anniversary has gotten into my system. Kahit nakahanap na ako ng fake girlfriend, I still feel frustrated. What if 'di na lang ako pumunta? Bullshit! Gusto ko lang naman ng peace of mind. Dumagdag pa itong ginawa sa akin kanina ni Samantha.
Walter's Point of View “I have only loved twice. The first one was full of regrets and it made me promise not to fall in love again. For how many years, I clung to that promise, until you came into my life,” pagsisimula ko, nanginginig ang boses at kamay dahil nilalabanan ang sarili na mapahagulgol. Pero ang luha ko ay nagsisipag-unahan na sa pagbagsak. “We were the complete opposite of each other. Mabait ka, ako hindi. Mainitin ang ulo ko, ikaw naman ay pasensyoso. At first, I never thought we'd clicked, let alone imagine to marry someone like you. My wife, you're the complete opposite of my life and yet you managed to change the qualities that I possess with out even trying.” Napahinga ako nang malalim. Mabilis na natambak ang mga gusto kong sabihin sa aking lalamunin na pati paghinga ay naging mahirap. Si Samantha naman ay umiiyak din, panay punas sa kaniyang luha. “Kakadikit natin, nagbago ako. Those changes, despite a good thing to some, was a start of something unexpected for
Walter's Point of View “Mga kapatid,” pagsisimula ng pari. Ang boses niya ay kalmado na parang mawawala lahat ng mga pangamba mo kapag magsalita siya, “mula sa unang sulat ni San Pablo sa mga taga-Corinto.” Magkatabi kami ngayong nakaupo ni Samantha sa harap ng altar. Despite the distance, I moved my hand further until I could reach hers. She glanced and gave me a kind of smile that I would never get tired of seeing everyday. Nagsimula naman nang magbasa ang pari. “Love is patient, love is kind. It does not envy, it does not boast, it is not proud. It does not dishonor others, it is not self-seeking, it is not easily angered, it keeps no record of wrongs. Love does not delight in evil but rejoices with the truth. It always protects, always trusts, always hopes, always perseveres.” Hindi ako relihiyosong tao, pero sigurado akong 1 Corinthians 13:4–7 iyon. Nakailang dalo na rin ako ng kasal, at iilang pari na rin ang ginamit ang verses na iyon. I couldn't understand what each verse
Walter's Point of View A soft, melodic instrumental piece began to play, and the side door in front of me slowly opened, giving Wesley and me a glimpse of the people waiting for us. We took steady steps forward as the priest welcomed us with a warm smile. Kusa nang lumandas ang luha ko kanina sa labas at ngayon naman ay pinipigilan ko ang aking sariling hindi na muna maluha. Pero nararamdaman ko ang paghapdi ng aking mata at idinadaan ko na lang iyon sa pagngiti at pasimpleng paghinga nang malalim. Inihatid ako ni Wesley sa altar at nanatili rin itong nakatayo sa tabi ko. Pareho kaming napatalikod sa altar at napasulyap sa main door ng simbahan nang tumugtog na ang processional music. Napangiti ako nang makita ang pagpasok ng batang lalaki na siyang bible bearer at sumunod naman ang coin bearer. Mas lumapad ang aking ngiti at may halong tawa nang si Ton-Ton na ang naglakad. He's holding a box where our rings were. Mabagal ang kaniyang paglalakad at panay tingin ito sa mga taong nasa
Walter's Point of View I only had at least four hours of sleep, but I am not sleepy. Walang kaantok-antok sa katawan ko ngayon. My heart is beating fast and loud—strong enough for me to hear it. Napasulyap ako sa malaking salamin sa harapan ko at tiningnan ang aking sarili. Inayos ko ang aking sage green na neck tie at maging ang puti kong coat. “Looking good,” dinig kong sabi ni Conrad na biglang sumulpot sa aking likod. He's wearing a silver gray suit and pants with a sage green neck tie. May kulay puting bulaklak din sa itaas ng breast pocket niya na may lamang sage green na panyo. I have those on mine as well. “Your eyes are turning glossy. Save your tears for later, Walter.” I forced a small laugh and glanced at him. “This just feels surreal. I'm happy, excited, nervous and there are other emotions that I could not clearly identify,” saad ko at napatango naman siya. “I've never married anyone yet at hindi rin 'ata ako ikakasal. I know it's overwhelming, but to be overwhelmed i
Samantha's Point of View Ayon sa paniniwala ng karamihan, bawal daw magkita ang lalaki at babae sa gabi bago ang kanilang kasal dahil sa paniniwalang may dala itong malas. Maaari raw itong maging sanhi ng aberya ng seremonya o malala ay hindi matuloy ang kasal. May nagsasabi naman na isa raw itong tanda ng paggalang, kahinhinan, at purity ng bride bago ang kasal. Pero hindi naman na ako “pure” dahil may nangyari na sa amin ni Walter. Pareho kaming hindi naniniwala ni Walter dito. Pero bilang superstitious precaution na rin dahil wala namang mawawala kung susundin namin, ginawa ito namin ngayon. Napapahinga na lang ako nang malalim sa tuwing naiisip ko na kasal na namin ni Walter bukas. Mas nakakaba at nakaka-excite pala talaga kung malapit na. Nasa iisang hotel lang kami ngayon ni Walter, pero magkabilang floor. Pinili naming mag-stay sa hotel para mas malapit lang sa simbahan at hindi kami makulangan ng oras sa preparasyon lalo na sa pag-aayos sa akin. Kakalabas ko lang sa banyo d
Walter's Point of View Three days left before our much awaited day. I couldn't wait any longer as we drew closer to that day. A lot of emotions have built up aside from excitement, some of which were negative that were inevitable. There's frustration, fear and doubts. But love conquers all. Today, we want to honor everyone who have been with us since day one, by throwing dinner. Hindi ito pangmalakihang salu-salo dahil kami-kami lang din naman ito. Ako, ang pamilya ni Samantha at si Uncle Roi, si Sid at Valerie, si Ate Chelle at si Conrad. Hindi naman nakadalo si Jefferson dahil may kasiyahan din sa kanilang bahay. Masaya ako na sama-sama kaming lahat dito, pero mas magiging masaya sana ako kung may kasama man lang akong pamilya rito—pero wala. Nakapuwesto ako sa pinaka-head ng mesa. Sa aking kanan at pinakamalapit sa akin ay si Samantha, Tatay, Erwin, Ton-Ton, nanay ni Samantha, at si Uncle Roi. Sa kaliwa ko naman ay si Sid na sinundan ni Valerie at ni Ate Chelle. “Whoah! Ilang ar








