MasukPagbalik nina Inara at Tatiana sa kompanya, agad kumalat ang balita na sila ang nakakuha ng exclusive interview kasama ang presidente ng El Davion Group. Lahat ay nakatingin sa kanila nang may halong inggit at paghanga. Sino ba naman ang hindi kung ang makapapanayam nila ay walang iba kundi si Arlend Kaizan El Davion, ang misteryosong presidente ng El Davion Group, isa iyong karangalan.
Kung magagawa nila nang maayos ang interview na iyon, tiyak na lalampas sa inaasahan ang performance ng buong team ngayong taon. Ang bigat ng pangalan ni Kaizan ay mas mahalaga pa kaysa sa lahat ng mga taong na-interview nila sa loob ng isang taon na pinagsama-sama. Sa mesa ni Liora, ang matalik na kaibigan at kapwa intern ni Inara, agad siyang hinila nito palapit, nakangiti at puno ng kuryosidad. “Inara, bilis! Sabihin mo sa ’kin, gwapo ba talaga si Mr. El Davion? Grabe ang mga naririnig kong papuri sa kan'ya!” Napahinto si Inara sa pag-inom ng tubig. Kung tutuusin ay oo, sobrang gwapo ng lalaking iyon. Pero may kakaiba siyang nararamdaman. Parang may mali. May pag-aalinlangan sa tinig niya nang harapin niya ang kaibigan, “Liora, alam mo ba ang buong pangalan nung tinatawag nilang Young Master El Davion?” “Ha? Rito sa Dumaguete ay iisa lang naman ang puwedeng tawaging Young Master El Davion. Si Arlend Kaizan El Davion! Hindi mo ba iyon alam?” sagot ni Liora, nagtatakang nakatingin sa kanya. Nanlaki ang mga mata ni Inara. Arlend Kaizan El Davion? Teka. Ano?! Siya si Arlend Kaizan El Davion?! Ang taong dapat kong i-interview ay walang iba kundi ang lalaking nakatakda kong pakasalan?! Hindi ko tuloy alam kung swerte ba ako o malas at siya pa talaga ang humiling na ako ang mag-interview sa kan'ya. Diyos ko naman! Napansin ni Liora ang biglang pagbabago sa mukha ng kaibigan at agad siyang nag-alala. “Inara, anong nangyayari sa ‘yo? Ayos ka lang ba? Bakit naman parang nakakita ka ng multo? Hindi ba totoo iyong mga sinasabi nila na gwapo si Mr. El Davion? Pangit ba?” Halos lunurin na ni Liora si Inara sa dami ng tanong nito at talagang sunod-sunod pa. Akala mo ay ilang araw na niya iyong saulado lahat at ir-recite na lang. “A-Ah, wala…” mabilis na sagot ni Inara, sabay iling. Pero sa sandaling maalala niya ang lalaking iyon kagabi, parang dumaloy ang lamig sa buong katawan niya. May kirot pa rin siyang nararamdaman. Si Kaizan, galit sa kanya at wala siyang kahit na ano pa mang ideya sa kung anong maaari nitong gawin kapag nagkita ulit silang dalawa. Hindi pwede! Hindi ko kayang gawin ang interview na ito! Hindi naman talaga dapat ako ang gagawa nito! Sumama lang naman ako na walang ibang iniisip kung hindi gawin ang trabaho ko, tapos ngayon ay babalik ako sa kompanya na mag-iinterview sa lalaking nakatakdang pakakasalan ko at may galit sa akin? Trip na trip naman yata ako ng tadhana. Lord! Dahil sa kaba, bigla siyang tumayo at nagmadaling nagtungo sa opisina ni Tatiana. Naabutan niyang nag-aayos na ito ng mga gamit. Pagpasok pa lang ni Inara, iniabot na agad ni Tatiana ang isang folder. “Heto,” sabi nito. “Mga impormasyon iyan tungkol kay Mr. El Davion. Basahin mong mabuti ngayon pa lang para wala kang pagkakamali na magawa bukas sa interview. Malaking pangalan at makapangyarihang tao ang makakaharap mo bukas, Inara. Kapag may ginawa kang pagkakamali bukas ay hindi lamang ikaw ang mapapahiya kundi pati ang kompanya.” Sa kabila ng mga paalalang iyon ni Tatiana ay hindi kinuha ni Inara ang folder. Mariin niyang kinagat ang labi. “Ma'am Yana, pasensya na, pero hindi maganda ang pakiramdam ko. Pwede bang iba na lang ang pumalit sa akin bukas para gawin ang interview? Mas mabuti pa nga sana kung ikaw na lamang po ang mag-interview kay Y-Young Master El Davion...” Hindi pa siya handa, at higit sa lahat, takot pa rin siya kay Kaizan. Hindi na yata darating ang araw na mawawala ang takot niya rito lalo pa sa ginawa nito nang nagdaang gab sa kan'ya. Tinitigan siya ni Tatiana na parang hindi makapaniwala. Ang pagkakataong makapanayam si Kaizan El Davion ay napakabihira, at binigay iyon kay Inara pero ngayon ay gusto lang nito na ipamigay sa iba. Bukod pa doon, si Kaizan mismo ang humiling na si Inara ang mag-interview sa kanya. “Zandrielle Inara Clemente,” malamig na tanong ni Tatiana, “kilala mo ba si Young Master El Davion?” Parang tumigil ang tibok ng puso ni Inara. Paano niya nalaman?! “A-Ah, h-hindi…” pautal niyang sagot habang kinakagat ang labi. “Hindi ko po kilala ang young master…” Galit si Kaizan sa kanya, kaya sigurado siyang ayaw nitong malaman ng iba ang tungkol sa kanilang kasunduan. Hindi naman nagduda si Tatiana. Sa isip niya, paano nga naman makikilala ng isang simpleng intern ang lalaking tulad ni Kaizan. Para sa kapakanan ng kompanya, medyo lumambot ang tono nito. “Dahil si Young Master El Davion mismo ang humiling na ikaw ang mag-interview, kailangan mong sumama. Pupunta tayo bukas.” “H-Ha? Hindi pwede!” Napahawak sa dibdib si Inara, nanginginig sa kaba habang naaalala ang nangyari kagabi. “Ayaw ko pong pumunta!” Mag-iinterview kay Kaizan?! Diyos ko! Katapusan ko na yata! Ayaw ko pa! Hindi ko talaga kaya! Alam niyang fiancé niya ito, at alam din ni Kaizan na siya ang kakaharapin niya. Kaya napapaisip pa rin si Inara kung bakit siya ang napili at pinapapunta ni Kaizan. Ano ba talagang nangyayari? Hindi ba't ayaw niya sa akin? Diyos ko! Panoguradong may masama siyang balak! Nanlamig ang boses ni Tatiana, matigas at walang puwang para tumanggi. “Inara, hindi ako humihingi ng opinyon mo. This is an order. Sasama ka sa akin bukas para mag-interview kay Young Master El Davion. Kung ayaw mo, magsimula ka nang iimpake lahat ng gamit mo at umalis ka na lang sa kompanya.” Napatigil si Inara. Gusto na sana niyang sigawan ang babae at sumang-ayon sa sinabi nitong pag-alis niya pero hindi naman niya iyon magagawa. Kapag bumagsak siya sa internship, hindi siya makakatanggap ng diploma, at lalo na’t hindi siya makakahanap ng trabaho. Kailangan niyang lunukin ang takot niya. “Naunawaan ko po…” mahina niyang sagot, halos hindi marinig. Habang palabas ng opisina, ramdam niya ang bigat sa dibdib. Ano ba talaga ang binabalak ng lalaking iyon? Ano ba talaga ang gusto ni Kaizan na mangyari sa akin? Mas mauuna pa yata ako kay lola na maglaho sa mundong ito dahil sa stress na dinudulot sa akin ng lalaking iyon!“Your little act of playing it safe isn’t clever at all. But now that you’ve achieved your goal, you don’t have to keep pretending,” saad ni Kaizan sa paraang animong inaamo si Inara. Malumanay ang tono ngunit may nakatagong pwersa at kapangyarihan sa bawat salitang lumalabas sa labi niya. Habang si Inara ay mapula pa rin ang parehong pisngi dahil sa halik kanina. Masiyado iyong matamis, malambot at nakakaadik. Hindi man niya gustong isipin, ngunit ang sensasyon ng labi ni Kaizan sa kaniya ay nananatili pa rin at animong nag-iwan ng bakas sa labi niya. I still can't believe this woman could taste like a temptation itself. Para siyang diwata na nagtatago sa katawang tao. Nakakamangha. Masiyadong kakaiba. “Anong pinagsasabi mong I don’t have to keep pretending? Are you saying na nagpapa-hard to get lang ako?” kunot ang noong tanong ni Inara, halos mapuno ng pagkadismaya at panggigigil ang boses niya. Kaunti na lang ay sasabog na talaga siya sa inis, ramdam niya ang bigat ng sitwasyon
Kinabukasan, maagang dumating si Inara sa El Davion Group Tower kasama si Tatiana. Habang nakatayo siya sa harap ng malaki at makintab na glass facade ay hindi niya maiwasang huminga nang malalim. Masyadong engrande ang kumpanyang ito. Nakakita naman na ako ng napakatataas na gusali pero ang isang ito ay parang ibang mundo. Tsk. Ano pa nga bang dapat asahan sa pamilya El Davion? Halos kabuuan ng Dumaguete ay pagmamay-ari nila.Lahat ng taong dumaraan ay mukhang abala, propesyonal, at nakataas ang noo. Samantalang siya ay hindi na malaman kung saan pa ilulugar ang kaniyang kaba.Final na ba talaga ‘to, Lord? Wala na ba talagang way para hindi ito matuloy? I suggest lamunin na lang ako ng lupa if wala na talagang way, Lord, dahil mukhang doon din naman ang punta ko after ng interview na ito. Diyos ko!Pagpasok nila sa conference room, halos hindi siya mapakali. Ang lamig ng air conditioner ay parang hindi man lang nakatutulong sa init ng kaba sa dibdib niya. Basa na ng pawis ang kaniy
Pagbalik nina Inara at Tatiana sa kompanya, agad kumalat ang balita na sila ang nakakuha ng exclusive interview kasama ang presidente ng El Davion Group. Lahat ay nakatingin sa kanila nang may halong inggit at paghanga. Sino ba naman ang hindi kung ang makapapanayam nila ay walang iba kundi si Arlend Kaizan El Davion, ang misteryosong presidente ng El Davion Group, isa iyong karangalan. Kung magagawa nila nang maayos ang interview na iyon, tiyak na lalampas sa inaasahan ang performance ng buong team ngayong taon. Ang bigat ng pangalan ni Kaizan ay mas mahalaga pa kaysa sa lahat ng mga taong na-interview nila sa loob ng isang taon na pinagsama-sama. Sa mesa ni Liora, ang matalik na kaibigan at kapwa intern ni Inara, agad siyang hinila nito palapit, nakangiti at puno ng kuryosidad. “Inara, bilis! Sabihin mo sa ’kin, gwapo ba talaga si Mr. El Davion? Grabe ang mga naririnig kong papuri sa kan'ya!” Napahinto si Inara sa pag-inom ng tubig. Kung tutuusin ay oo, sobrang gwapo ng lalaking
Biglang sumagi sa isip ni Kaizan ang isang imahe, at sa isang iglap, nagbago ang kanyang isip. Bahagyang umangat ang gilid ng kanyang labi. “Okay ka lang ba?” tanong niya sa malamig ngunit banayad na tinig. Nang lingunin siya ni Inara at magtama ang kanilang mga mata, parang huminto ang oras. Napatigil siya, at hindi niya napigilang bumilis ang tibok ng puso niya. Susmariyusep! Napakagwapo naman ng lalaking ito, Lord! Matangos ang ilong, matalim ang panga, at bawat linya ng kanyang mukha ay parang hinubog ng isang bihasang iskultor. Ang kanyang mga mata na kulay itim ngunit may kakaibang lalim na mahirap basahin ay may misteryong tila nang-aakit. Nakasuot siya ng itim na suit na halatang sukat na sukat sa kanya. Malapad ang balikat, makitid ang baywang, at mahahaba ang mga binti, perpektong proporsyon, parang modelo sa mga mamahaling magasin. Ang tindig niya’y matikas at puno ng awra ng awtoridad. Ang lalaking ito ang tipo ng tao na hindi mo basta makakalimutan hindi lang dahil s
Pagkalabas ni Kaizan mula sa kuwarto ni Inara, sinalubong naman siya ng butler ng kan'yang ama sa pasilyo. “Butler Renan,” turan niya rito. “Young Master, pinapatawag ka ng iyong ama sa opisina niya.” Tahimik siyang tumango at sumunod. Pagbukas ng mabigat na pinto, bumungad ang amoy ng mamahaling alak at nagkikintaban na mga wooden furniture sa loob ng opisina ng ama. Nakaupo si Don Adalvino sa likod ng mesa, kalmado pero matalim ang presensiya. Pinunuan nito ng alak ang dalawang baso bago iniabot ang isa sa anak. “Na-meet mo na ba siya?” tanong ng matanda habang tinititigan siya. “Mabait ‘yong bata. Magalang at marunong rumespeto. Huwag mo siyang sasaktan.” Tinanggihan ni Kaizan ang baso, malamig ang tinig. “Sinabi ko na sa inyo, hindi ko siya pakakasalan.” Nanigas ang mukha ng ama. “Kailangan mong pakasalan siya, Kaizan. Wala kang pagpipilian.” Napangiti ito nang mapait. “Walang pagpipilian?” Mahinang tawa ang lumabas sa labi niya. “Mukhang madidismaya ka sa bagay na iyan, Do
“Tulong! Tulong! Sino ka?!” Naghahabol ng hininga si Inara habang pilit niyang tinutulak ang lalaking nasa dilim at nakadagan pa rin sa kan'ya. “Tumahimik ka…" Mababa at malamig ang tinig ng lalaki. Kumikirot na rin ang ulo nito sa ingay ng babae dahilan para agad siyang mapasimangot. Inis na inis si Kaizan. Napahinto naman si Inara. Lalaki?! Paanong nakapasok ang lalaking ito sa kuwarto ko?! Lalong lumakas ang kabog ng dibdib niya. Hindi niya mawari kung sino ang lalaki at ano ang pakay nito sa kan'ya. Kinuyom niya ang mga kamao, pilit pinapakalma ang sarili kahit nangangatog ang kalooban. “Sinasabi ko sa’yo,” matapang niyang sambit kahit nanginginig ang tinig, “ako ang mapapangasawa ng anak ni Don Adalvino Khalif El Davion. If you dare hurt me, you’re dead..” Ang pamilyang El Davion ay isa sa pinakamakapangyarihang angkan sa Dumaguete City. Wala nang may matinong pag-iisip ang mangangahas na kalabanin pa sila. Alam niyang ginagamit niya ang pangalan ng mga El Davion para lang







