/ Romance / Bound to My Ruthless Zillionaire Fiancé / Chapter 4: One Look, and I Was Doomed

공유

Chapter 4: One Look, and I Was Doomed

작가: inksera
last update 게시일: 2025-10-20 15:55:53

Biglang may sumagi sa isip ni Kaizan. Sa isang iglap, nagbago ang takbo ng isip niya. Bahagyang umangat ang gilid ng kaniyang labi.

“Okay ka lang ba?” malamig ngunit banayad niyang tanong.

Nang mapalingon sa kaniya si Inara at magtama ang kanilang mga mata, parang huminto ang oras.

Napatigil siya.

Kasabay niyon ang biglang pagbilis ng tibok ng kaniyang puso.

'Susmariyusep! Napakagwapo naman ng lalaking ito, Lord!'

Matangos ang ilong nito, matalim ang panga, at bawat linya ng mukha ay parang maingat na inukit ng isang iskultor. Ang mga matang kulay itim ngunit may kakaibang lalim ay may misteryong mahirap iwasan. Suot nito ang isang itim na suit na akmang-akma sa katawan. Malapad ang balikat, makitid ang baywang, at mahahaba ang mga binti.

Perpekto ang proporsyon nito, parang modelong lumabas sa mamahaling magasin. Higit sa lahat, kapansin-pansin ang matikas at makapangyarihan nitong presensiya.

Hindi niya napigilang mapatitig.

Sa loob ng dalawampung taon niyang nabubuhay, ngayon lang siya nakakita ng ganoong kagwapong lalaki. Mabilis siyang tumayo at kunwaring pinagpag ang nagusot na bahagi ng kaniyang damit.

“A-Ayos lang ako…” nauutal niyang sagot habang pilit na pinapakalma ang sarili.

Ramdam niya ang init sa kaniyang mukha kaya sigurado siyang namumula na siya.

'Ano ba ’tong nangyayari sa akin? Hindi naman ako manyakis, ah! Nakakita lang ako ng gwapong lalaki, bakit parang gusto ko nang magpasakal, Lord?!'

Mariin siyang napapikit na para bang mawawala ang lahat ng kabaliwang nararamdaman kapag ginawa niya iyon.

'Hindi ko kasalanan ’to! Kasalanan ng lalaking ’to dahil masyado siyang gwapo!'

Halos sermunan na niya ang sarili sa isip.

'May fiancé ka na, Inara. Form is emptiness, emptiness is form! Huwag mong ipahiya ang sarili mo, please lang!'

Muli siyang umayos ng tayo. Dalawang beses umubo bago pilit na ngumiti.

“Pasensya ka na, na-distract lang ako kanina kaya hindi kita napansin.”

Bahagyang kumunot ang noo ni Kaizan habang pinagmamasdan ang kaharap.

Makalipas ang ilang segundo, muling gumuhit ang ngising hindi niya mapigilang sumilay sa kaniyang labi.

'Kakaibang babae.'

Sa isang kisapmata, nakaramdam siya ng kakaibang pagnanais na angkinin ito.

Sakto namang lumapit si Tatiana.

Pagkakita niya sa lalaki ay sandali siyang natigilan. Totoo pala ang mga balita tungkol sa presidente ng El Davion Group.

Mabilis siyang nakabawi at ngumiti nang may lambing.

“Hello, Young Master El Davion. I'm Tatiana Graceva, editor-in-chief ng ApexWave Media. Pwede po ba akong humingi ng kaunting oras ninyo para sa isang exclusive interview?”

Ang mapaglarong ekspresyon sa mukha ni Kaizan ay agad naglaho.

“Hindi mo ba alam na hindi ako tumatanggap ng interview?”

Halos mabitawan ni Inara ang bag na hawak.

'Young Master El Davion? Siya ang kailangan naming makausap for interview? Pero ang apelyido niya… No. Hindi naman siguro siya iyon. Baka kamag-anak lang…'

Wala sa sariling nakagat niya ang ibabang labi habang tila kinakalkula ang posibilidad ng tunay na pagkakakilanlan ng lalaking nasa harap niya.

'Huwag kang assuming, Inara! Gwapo lang ’yan! Kalma ka!'

“Young Master, baka puwede po ninyo kaming mapagbigyan,” kabadong pakiusap ni Tatiana.

Ngunit wala nang nakapagsalita pa nang pasimpleng lumapit si Inara kay Tatiana.

“Ma’am Yana, nalinis ko na po ’yong bag ninyo,” mahina niyang saad bago iniabot ang bag.

Napakunot ang noo ng babae.

Halatang naiinis ito. Hindi na nga niya makuha ang interview, ngayon ay parang umeeksena pa ang intern niya.

Samantala, napatingin si Kaizan sa kanilang dalawa.

Nang mapagtanto niyang reporter din si Inara, may kung anong kumislap sa kaniyang mga mata.

Isang bagong ideya.

“Ang mga patakaran ko ay hindi basta nababago,” aniya sa kalmadong tinig. “Pero kung siya ang gagawa ng interview, baka sakaling mapagbigyan ko.”

Sabay na napalingon sina Tatiana at Inara sa kaniya.

Sa mga sandaling iyon, nakaturo na ang lalaki sa walang kamalay-malay na dalaga.

Napatulala ang dalawang babae.

Maging si Kiara ay napakunot ng noo dahil sa pagtataka.

'Bakit ako?!'

Ramdam ni Inara ang biglang pag-akyat ng kaba hanggang sa lalamunan niya.

“Ako?” halos pabulong niyang tanong. “Ako ang haharap para sa interview mo? Pero trainee lang po ako…”

“Correct. And so? Do I look like I care if you're only a trainee?” sagot ni Kaizan na may mapanuksong ngisi. “Bukas ng umaga. Alas-onse. May isang oras ka.”

Pagkatapos niyon ay basta na lamang siyang tumalikod at naglakad palayo.

Matikas.

Kalmado.

Para bang isang modelong naglalakad sa runway.

Sanay na sanay siya sa ganoong mga eksena.

Iyong basta na lamang darating at aalis na para bang siya ang may-ari ng mundo.

Naiwang nakatayo si Inara sa kinatatayuan niya.

Tulala.

Nalilito.

At kinakabahan.

Samantala, si Tatiana ay halos umusok ang mga tainga sa sobrang inis.

'Pinaghandaan ko ang araw na ito. Tapos isang intern lang ang pipiliin?'

Masama niyang tiningnan si Inara bago mabilis na tumalikod at lumabas.

Nasapo naman ng dalaga ang noo.

Pilit niyang pinakalma ang sarili sa gitna ng pagkahilong dulot ng sunod-sunod na pangyayari.

'Bakit ang bilis ng lahat?!'

'Wala man lang akong choice?!'

'Paano ko gagawin ’yon?!'

'Intern pa lang ako!'

'Pero higit sa lahat, bakit nga ako?!'

'Diyos ko po...'

이 작품을 무료로 읽으실 수 있습니다
QR 코드를 스캔하여 앱을 다운로드하세요

최신 챕터

  • Bound to My Ruthless Zillionaire Fiancé   Chapter 217: Torment to Torment

    Akala ni Inara na magbibigay si Kaizan ng maayos na explanation, pero labis ang gulat niya nang mapansin niyang hindi man lang ito nag-effort na gumawa ng convincing na kasinungalingan. Sa halip, napakababaw lamang ng sagot na ibinigay nito sa kanya.Sa sandaling iyon, muling ipinaalala ng attitude ni Kaizan na hindi na katulad ng dati ang samahan nila. Siguro, ang manatili na lamang sila sa tahimik at mapayapang distansya ang pinakamabuting gawin para sa kanilang dalawa.Kahit alam niya iyon, hindi pa rin naiwasan ni Inara na sumakit ang puso niya na parang hirap siyang huminga. Mabilis siyang nagsalita, pilit na itinatago ang tunay niyang nararamdaman."Tama ka. Nakikisawsaw lang naman talaga ako sa bagay na hindi ko naman dapat pakialaman."Pagkasabi nito, agad siyang tumalikod at dumiretso sa kanyang kwarto.Mula sa gilid, itinaas ni Zandrae ang kanyang kilay bago nagsalita."Napakakalmado naman ng reaction mo. Kung ibang babae lang iyan, siguradong sisigaw na at magwawala na ngay

  • Bound to My Ruthless Zillionaire Fiancé   Chapter 216: Testing Her True Feelings

    Maingat na nakinig si Lola Evelyn, minsan ay may banayad na ngiti sa kanyang mukha, habang sa ibang pagkakataon naman ay bahagyang kumukunot ang kanyang noo dahil sa malalim na pag-iisip. Nang makita ni Inara ang payapang ekspresyon sa mukha ng matanda, napangiti siya nang mahina habang unti-unting namuo at tumulo ang mga luha sa kanyang mga mata. Matagal nang dinadala ni Inara ang matinding pagsisisi para kay Lola Evelyn. ‘Kung naprotektahan ko lang sana ang ari-arian ng pamilya, magkakaroon sana si Lola ng sapat na pera para sa kanyang gamutan. Hindi sana niya naranasan ang ganoong hindi makatarungang pagtrato, at hindi ko sana nakilala ang lalaking iyon.’ "Hindi ka ba papasok para tingnan siya?" Habang tahimik niyang iniisip ang lahat ng galit at sama ng loob niya kay Kaizan, bigla niyang narinig ang boses nito mula sa likuran niya. Para itong multong biglang nagpakita, dahilan para bahagya siyang magulat. Mabilis na pinunasan ni Inara ang kanyang mga luha. Nanatiling malamig

  • Bound to My Ruthless Zillionaire Fiancé   Chapter 215: Knife and Truce

    Namumutla sa kaba ang mukha ni Liora habang mabilis siyang lumapit kay Inara. Halatang may mabigat siyang balitang dala, at hindi niya na kayang itago pa ang takot na nararamdaman."Inara, may nangyaring masama!"Agad na napatingin sa kanya si Inara, naguguluhan sa biglaang pagdating niya."Ano iyon?""Tumawag po ang ospital tungkol sa lola niyo. Sabi nila bigla raw po itong lumala at kailangan niyo pong pumunta agad!"'Ano?'Parang tumigil ang mundo ni Inara nang marinig iyon. Natigilan siya sa kinatatayuan at halos mawalan ng lakas ang kanyang katawan. Muntik na siyang matumba na para bang anumang oras ay mawawalan siya ng malay.Mabilis siyang sinalo ni Liora bago pa siya tuluyang bumagsak."Inara, ayos ka lang ba?"Huminga nang malalim si Inara at pilit na pinatatag ang sarili. Kahit nanginginig ang kanyang katawan, pinilit niyang magmukhang maayos."Ayos lang ako. Tara na sa ospital."Nag-aalalang tumingin si Liora sa kanya bago muling magsalita."Paano kung malaman ni Kaizan? Ba

  • Bound to My Ruthless Zillionaire Fiancé   Chapter 214: Fleeing From Him

    Nang makabuo na siya ng plano, agad na nag-impake si Inara. Dahan-dahan niyang binuksan ang pinto at nang makitang walang tao sa labas, mabilis siyang kumilos. Tumakbo siya papunta sa gym sa unang palapag, tumalon palabas ng bintana, at maingat na pumasok sa bodega.Maayos ang lahat. Walang nakapansin sa pagtakas niya.‘Ligtas na ang bata kapag nakalabas na tayo sa likurang pinto ng bodega.’Dahil sa naisip na iyon, huminga nang malalim si Inara at nagsimulang maglakad nang mabagal, sinisigurong walang kahit anong ingay na magmumula sa kanya.Malapit na siya.Ngunit bigla siyang napahinto nang may tumunog na telepono mula sa labas. Nanlaki ang kanyang mga mata at agad siyang napuno ng takot."Kahit anong mangyari, huwag mong sasaktan ang buntis. Alam kong may masasaktan talaga, pero siguraduhin mong mabawasan ang pinsala. Pagkalipas ng ilang panahon, maaari pa ba siyang magbuntis ulit? Sige, naiintindihan ko."Si Kaizan ang nasa kabilang linya, at ang pinag-uusapan nila ay tungkol kay

  • Bound to My Ruthless Zillionaire Fiancé   Chapter 213: Cruel Decision

    Marami nang kinakaharap na problema si Kaizan, at ayaw na niyang dagdagan pa ang bigat na dala niya. Nakakunot ang noo niya habang mariing nagsasalita, puno ng galit at pagod ang boses."Ayoko nang balikan ang nakaraan, pero hinding-hindi ko palalampasin nang ganoon na lang si Inara."Tahimik siyang pinagmasdan ni Wyatt bago walang emosyon na nagtanong."Kung ganoon, paano mo siya balak parusahan?"Saglit na natahimik si Kaizan. Ngunit habang patuloy niyang iniisip ang lahat ng nangyari, isang ideya ang biglang pumasok sa kanyang isip. Isang ideyang pakiramdam niya ay iyon ang tamang paraan para matapos ang lahat."Gusto ko... gusto kong ipatanggal ang bata."Para kay Kaizan, kahit kanino pa galing ang batang iyon, hindi ito maaaring manatili. Isa itong nakakahiya at masakit na paalala ng mga pagkakamaling nagawa niya noon. Sa tuwing maiisip niya ito, bumabalik ang pakiramdam na naging mahina at tanga siya sa mga panahong hindi niya dapat hinayaan.Hindi niya kayang panatilihin ang ba

  • Bound to My Ruthless Zillionaire Fiancé   Chapter 212: Pain and Misunderstanding

    Sobrang daming tanong ang bumabagabag kay Kaizan, halos pakiramdam niya ay hindi na niya kayang huminga nang maayos. Magulo ang kanyang isip habang paulit-ulit na bumabalik ang mga bagay na hindi niya kayang sagutin.Napansin ni Kiara ang mabigat niyang paghinga at ang hindi magandang anyo ng kanyang mukha. Kitang-kita niya ang bigat na pasan ng Presidente kaya hindi niya napigilang magtanong."Presidente, ipapatawag ko po ba ang doktor?""Para saan pa ang doktor? Magagamot ba nila ang sakit ng puso?"Hindi agad nakasagot si Kiara sa tanong na iyon. Alam niyang hindi lahat ng sakit ay kayang gamutin ng gamot o ng kahit anong manggagamot."Ang sakit ng damdamin ay kailangan ding gamutin ng damdamin. Wala na pong ibang makakatulong pa rito.""Sige na, lumabas ka na.""Opo."Bago tuluyang umalis si Kiara, may inilapag siyang isang makintab na bagay sa harap ni Kaizan. Maingat niyang inilagay iyon sa mesa bago nagsalita."Presidente, ito po ang brotseng naiwan ng inyong asawa noong nakara

  • Bound to My Ruthless Zillionaire Fiancé   Chapter 85: The Weight of Regret

    Umatras nang umatras si Inara hanggang sa dumikit na ang likod niya sa malamig na pader. Wala na siyang urungan. Patuloy pa ring lumalapit si Kaizan, mabigat ang presensya, parang sinasakal ang hangin sa pagitan nila.Tiningnan niya si Inara mula ulo hanggang paa. Gusot na ang dating elegante niyan

  • Bound to My Ruthless Zillionaire Fiancé   Chapter 82: Left in the Cold

    “Bakit ako aamin sa bagay na hindi ko naman ginawa?” Kalmado ang boses ni Inara. Sobrang kalmado. “Ikaw ang kusang nagbigay ng card sa akin. Walang pumilit sa’yo.”Pero ang mahigpit niyang pagkakakuyom ng mga kamay ang nagbunyag ng kaba niya. Basa ang palad niya. Mabilis ang tibok ng puso niya.Hin

  • Bound to My Ruthless Zillionaire Fiancé   Chapter 78: A Desperate Bargain

    Mahigpit na kinagat ni Zandri ang labi, kinuha ang telepono, at diniyal ang number ni Wyatt.Mabilis naman itong sinagot ng lalaki. “Zandri…” naroon agad ang awtomatikong lambing sa boses nito sa tuwing kausap siya.“Wyatt…” tawag ni Zandri.Narinig ng lalaki ang paos na boses niya, bahagya pa ring

  • Bound to My Ruthless Zillionaire Fiancé   Chapter 76: A Heart Held Hostage

    Akala ni Inara ay hindi na siya makakaramdam ng kirot, pero pagkarinig sa prangkang pagkakasabi na iyon ni Kaizan, pumitik pa rin ang puso niya sa sakit.Hindi inasahan ni Don Adalvino na sa araw na ma-discharge siya, makakatanggap siya ng ganoong malaking regalo mula kay Kaizan at Inara. Iyon nga

더보기
좋은 소설을 무료로 찾아 읽어보세요
GoodNovel 앱에서 수많은 인기 소설을 무료로 즐기세요! 마음에 드는 작품을 다운로드하고, 언제 어디서나 편하게 읽을 수 있습니다
앱에서 작품을 무료로 읽어보세요
앱에서 읽으려면 QR 코드를 스캔하세요.
DMCA.com Protection Status