Share

Chapter 6: Be Mine

Author: inksera
last update Last Updated: 2025-10-28 19:32:56

Kinabukasan, maagang dumating si Inara sa El Davion Group Tower kasama si Tatiana.

Habang nakatayo siya sa harap ng malaki at makintab na glass facade ay hindi niya maiwasang huminga nang malalim.

Masyadong engrande ang kumpanyang ito. Nakakita naman na ako ng napakatataas na gusali pero ang isang ito ay parang ibang mundo. Tsk. Ano pa nga bang dapat asahan sa pamilya El Davion? Halos kabuuan ng Dumaguete ay pagmamay-ari nila.

Lahat ng taong dumaraan ay mukhang abala, propesyonal, at nakataas ang noo. Samantalang siya ay hindi na malaman kung saan pa ilulugar ang kaniyang kaba.

Final na ba talaga ‘to, Lord? Wala na ba talagang way para hindi ito matuloy? I suggest, lamunin na lang ako ng lupa if wala na talagang way, Lord, dahil mukhang doon din naman ang punta ko after ng interview na ito. Diyos ko!

Pagpasok nila sa conference room, halos hindi siya mapakali. Ang lamig ng air conditioner ay parang hindi man lang nakatutulong sa init ng kaba sa dibdib niya. Basa na ng pawis ang kaniyang mga palad kahit bukas naman lahat ng aircon sa buong building.

“Ma’am Yana, hindi ba talaga pwede na kayo na lamang ang mag-interview kay Young Master El Davion?”

Nang lingunin siya ni Tatiana ay mababakas sa mukha nito na nakukulitan na ito sa kaniya. Pero ayaw palampasin ni Inara ang bawat natitirang oras para tanungin ito, nagbabaka-sakali na magbago pa ang isip at payagan siyang makaalis.

“Inara, nandito na tayo. Aralin mo na lang ulit ang mga information na binigay ko sa iyo tungkol kay Mr. El Davion nang may nagagawa ka habang naghihintay at hindi ka magkamali mamaya.”

Tuluyang nawalan ng pag-asa si Inara. Muling natahimik ang kabuuan ng kuwarto. Ang tanging maririnig na lamang ay ang mahinang tunog ng orasan sa pader at ang bahagyang ugong ng aircon. Sa bawat segundo ay mas lalo lamang nilalamon ng kaba si Inara.

Maya-maya pa ay narinig niya ang mga yabag na hindi naman sadyang nilalakasan ang tunog ay nagkusang mamayani sa kaniyang pandinig.

Diyos ko! Please, don’t tell me siya na ‘yan? Ayaw ko pa!

Parang tumalon ang puso ni Inara at huminto ang kaniyang paghinga nang tuluyang magbukas ang pintuan ng conference room.

Isang lalaki ang pumasok. Matangkad ito, nilagpasan nito ang standard para sa mga modelo sa paraan nitong tumindig. Malamig ang expression ngunit nakakaakit. Ang bawat galaw niya ay puno ng awtoridad, at kahit hindi pa man nagsasalita ay ramdam mong siya ang may-ari ng silid.

Rest in peace na lang talaga, Inara. Mauunahan mo pa talaga si Lola Evelyn na makipag-meet and greet kay San Pedro dahil sa ginagawa ng lalaking ito sa iyo!

Hindi niya alam kung bakit pero nang magtagpo ang mga mata nila, parang nanikip ang dibdib ni Inara. Ang tingin nito ay malalim, mabigat, at tila tumatagos hanggang sa kaluluwa.

Nilibot ni Kaizan ang paningin sa paligid ngunit hindi man lang iyon sumagi kay Tatiana. Ang presensiya niya ay naging sapat para manahimik ang lahat na animong maging ang paghinga ay pinipigilan na nila.

“Lumabas kayong lahat,” mababa ang boses ngunit mariin na utos ni Kaizan.

Nanigas si Tatiana. Nawala ang kumpiyansa sa mukha niya at napalunok nang bahagya. Hindi niya alam kung dapat ba siyang sumagot o umalis agad, pero nang hinila siya ni Kiara ay wala na siyang nagawa pa.

“Tara na, Tatiana.”

Tuluyan siyang nagpatianod palabas kay Kiara. Bago pa tuluyang magsara ang pinto ay sinulyapan niya pa si Inara at ang tingin niya ay napuno ng pag-aalala.

Lord, ano ba naman itong napasok kong gulo? Kailangan ba talaga na wala man lang makakakita sa akin na humihinga sa huling pagkakataon kundi ang lalaking ito?!

Nang tuluyang magsara ang pinto ay tila mas bumigat ang paligid.

Tahimik. Masyadong tahimik.

Si Inara ay halos hindi na makagalaw. Ramdam niya ang tindi ng presensya ni Kaizan, at parang nauubusan siya ng hangin dahil doon. Gusto niyang sumunod kay Tatiana, gusto niyang tumakbo palabas, pero hindi niya alam kung paano magsisimula.

Take the risk or I will die here with regrets!

Dahan-dahang dumayo si Inara, pinipigilan ang panginginig ng kaniyang tuhod. Pilit niyang iniwas ang tingin at marahang naglakad papunta sa may pintuan.

Please. Please. Ni hindi ko pa nga ulit nakikita si Lola Evelyn. Spare my life kahit ngayon lang!

Ngunit pagdaan niya sa tabi ni Kaizan ay biglang may malamig na kamay na mariing humawak sa pulso niya. May kung ano namang parang kuryente na dumaloy sa katawan niya dahil doon.

“B-Bakit? A-Anong ginagawa mo?” halos pabulong na tanong niya habang nanginginig ang tinig. “Bitawan mo nga ako…”

Habang pilit binabawi ni Inara ang kaniyang kamay ay ramdam na niya ang pamumula ng kaniyang pisngi pero hindi bumibitaw si Kaizan.

This girl looks even more adorable when she’s blushing.

Laman iyon ng isip ni Kaizan habang sa halip na bitawan si Inara ay bahagya pa siyang yumuko para titigan ito ng diretso.

“Be my woman.”

Nanlaki ang mga mata ni Inara dahil sa narinig.

“A-Ano?! Nababaliw ka na ba?!”

Hindi makapaniwalang tiningnan ni Inara si Kaizan. Hindi niya alam kung ano ang dapat niyang maramdaman. Masyadong mahirap basahin ang lalaking kaharap lalo pa at masyado rin itong malapit sa kaniya. Sa sobrang lapit ay nararamdaman niya ang bawat paghinga nito na tumatama sa kaniyang balat. Nakakawala ng isip.

Hindi. Siguro ay nagkakamali lang ako ng dinig. Imposibleng iyon talaga ang ibig niyang sabihin. Nakatakda nga kaming ikasal sa susunod na buwan pero malinaw naman ang sinabi niya sa akin na hindi niya man kailanman gugustuhin na pakasalan ako. Tapos heto at nandito siya sa harapan ko at inaalok akong maging babae niya?! Ha! Nababaliw na ang anak mong ito, Don Adalvino!

“I said,” ulit ni Kaizan sa mababa at mabagal na paraan, “be my woman.”

No. Hindi ito pwede. Pinaglalaruan lamang ako ng lalaking ito. Sa tingin niya ba talaga ay maniniwala ako sa mga sinasabi niya ngayon na sobrang linaw pa sa isip ko kung paano niya ako itrato nang unang gabi kaming magkasama? Hindi. Imposible talaga. Hindi ito ang Kaizan El Davion na nakilala ko.

“Alam mo ba kung sino a-ako, Young Master?”

Ngumiti si Kaizan. Iyong ngiting puno ng yabang at tiwala sa sarili.

“Of course. I know who you are.”

“S-Sino ako?”

“You’re the woman that I want to be mine.”

Simple lang naman ang mga salitang iyon pero parang pader na bumagsak sa dibdib ni Inara. Nang mga oras na iyon ay may muli siyang napagtanto.

Walang bagay sa mundong ito na ginusto ng isang El Davion lalo na ng lalaking ito ang hindi niya nakukuha. Pero bakit kailangang maging ako? Bakit biglang naging ganito ang pakikitungo mo sa akin? Nahihibang ka na, Arlend Kaizan!

Muling bumigat ang dibdib ni Inara. Hindi siya sigurado kung takot o kaba ba ang nararamdaman niya. Pero isang bagay lang ang malinaw, hindi siya kilala ni Kaizan. Hindi nito alam kung sino siya.

Kahit papaano ay makakahinga ako sa ngayon. Mas mabuti na nga na hindi mo ako kilala. Buhay pa akong makakalabas sa kumpanyang ito.

“Hindi pwede,” mariing tumanggi si Inara, pilit pinapatatag ang boses. “I can’t be your woman, Mr. El Davion.”

Tinitigan siya ni Kaizan. Wala na namang emosyon ang mukha nito pero lalong dumilim ang mga mata habang nakatingin sa labi ni Inara.

“Sigurado ka?” tanong nito sa paos, mapanganib ngunit nang-aasar na tono.

“Ayokong—mmph!”

Bago pa niya matapos ang dapat na sasabihin ay bigla na lamang siyang siniil ni Kaizan ng halik.

Mainit. Mabigat. Mapangahas.

Napakislot si Inara, pilit na tinutulak ang dibdib ni Kaizan, pero parang bato ito at hindi magawang matinag man lang.

Nang tuluyang bumitaw ito ay halos hindi makahinga si Inara habang si Kaizan naman ay nakatingin lang sa kaniya, bahagyang nakangiti, mapanganib at nakakaakit.

“I don’t accept any refusal as an answer, and I am very patient. If you refuse me once, I will kiss you once, and I will keep kissing you until you say yes.”

Ha! Nahihibang na nga talaga ang lalaking ito.

“No. You don’t—”

Sa pangalawang pagkakataon ay nahinto si Inara sa pagsasalita nang muling angkinin ni Kaizan ang mga labi niya. Mas mariin, mas matagal, at mas nakakayanig ng pagkatao.

Nang tumigil si Kaizan ay dinampian pa nito ng halik ang tuktok ng tainga ni Inara na nagdulot ng kakaibang sensasyon sa kaniyang katawan.

“Ngayon, pumapayag ka na ba?” mababa at buong bulong ni Kaizan sa kaniya.

Halos mabingi si Inara sa dagundong ng sarili niyang puso. Ang lalaki sa harap niya ay imposible niyang matakasan.

“I…”

“Kung halik lang naman ang gusto mo, sige. Patuloy mo lang akong tanggihan, paulit-ulit lang din kitang hahalikan.” Bumalatay ang nakakalokong ngiti sa labi ni Kaizan. Masyadong mapanukso.

Namilog ang mga mata ni Inara. Hindi siya makapaniwala sa kapal ng mukha ng lalaking kaharap.

Bwisit! Nakakainis! Nakakahiya! Nakakabaliw! Lord, help!

Ngunit kahit ayaw mang aminin ni Inara, hindi niya maikaila ang epekto ng lalaki sa kaniya. Dahil hanggang sa mga oras na iyon, patuloy ang kakaibang bilis at lakas ng pagtibok ng puso niya.

This man is driving me crazy, God, and it’s scary.

Continue to read this book for free
Scan code to download App

Latest chapter

  • Bound to My Ruthless Zillionaire Fiancé   Chapter 75: No Longer the Bride

    Kumikislap ang mata ni Zandri, basang-basa. Ibinaon niya ang tingin, pilit na ngumiti ng malungkot. “Sige. Okay lang. Naiintindihan ko naman, Kaizan.”May kaunting tinik sa kanyang tono—parang sinusubok siya. Nakita niya ang reaksyon ni Kaizan at bahagyang nadismaya, pero ramdam ang kirot. Sigurado akong ang Inara na ‘yon ang dahilan kung bakit ganito kakumplikado ang lahat ngayon para sa’min ni Kaizan!Napansin ni Kaizan ang kanyang iniisip at mabilis na binago ang usapan. “Zandri, sabi ng doctor, malapit ka nang gumaling. Ano ang gusto mong gawin paglabas mo?”Pilit niyang tinago ang lamig sa mata, sinubukang magmukhang kalmado habang nilalaro ang labi. “Tatlong taon akong nasa coma. Parang marami na akong nakalimutan. Hindi ko talaga alam kung ano ang gusto kong gawin.”Ngumiti si Kaizan nang banayad, pinisil ang ilong niya sa pabiro na paraan. “Okay lang. “Puwede kang maging assistant ko muna, at kapag handa ka na, puwede kang gumawa ng iba. Sound okay?”Tumango si Zandri nang pa

  • Bound to My Ruthless Zillionaire Fiancé   Chapter 74: The Break We Needed

    Nang marinig iyon, mahigpit na hinawakan ni Zandri ang manggas ni Kaizan, ang kanyang mga matang mamasa-masa ay puno ng kawalang-malay at awa habang nakatingin sa kanya. Kinagat-kagat ni Zandri ang ibabang labi dahil sa kaba habang dahan-dahang umiiling, tanda na ayaw niyang umalis ang lalakiNakaramdam si Kaizan ng kirot sa dibdib. Dahan-dahan niyang hinaplos ang mapulang labi ni Zandri, “Huwag mo ng kagatin, baka masaktan ka,” malambing na saad sa kaniya ni Kaizan.Dahan-dahang bumuka ang mga labi ni Zandri, may luha sa mga mata. “No… please don’t go,” bulong at garalgal na agad na saad nito.Pumikit si Inara, pinipilit pigilan ang mga luha, at sa bahagyang humahapong tinig ay nagsalita, “Kaizan, I came to talk to you about our engagement.”Biglang kumislap ang mga mata ni Kaizan. Tiningnan niya si Zandri, ang kanyang mahina at walang kalaban-laban na anyo, at dahan-dahang hinalikan ang kanyang noo para aliwin, “Zandri, I’ll just say a few words to her. I’ll be back soon.”Mas mahig

  • Bound to My Ruthless Zillionaire Fiancé   Chapter 73: Fractured Promises

    Lumapit si Wyatt ng ilang hakbang kay Inara, may magalang na ngiti sa labi. “Miss Inara, what a coincidence. Nandito ka rin ba para dalawin si Don Adalvino?”Tumango si Inara, may kakaibang kaba sa dibdib na hindi niya maipaliwanag. Pinilit niyang ngumiti nang mahinahon. “Yes. Nagluto ako ng soup para makatulong sa pag-recover ni Dad.”Narinig iyon ni Wyatt at bahagyang tumaas ang kanyang kilay. “I’m also here to visit Don Adalvino. Why don’t we go together?”Hindi tumanggi si Inara; wala naman siyang dahilan para gawin iyon. Tumango siya nang marahan. “Okay…”Maingat siyang naglakad, halos nakatingkayad na. Mabagal at kontrolado bawat hakbang pagpasok nila sa ospital. Kasabay niyang naglakad si Wyatt, pinagmamasdan ang medyo clumsy niyang galaw. May bahagyang ngisi na dumaan sa mga labi nito bago nawala at napalitan ng totoong pag-aalala.“Miss Inara, kumusta ang paa mo? Do you want me to carry the insulated food container?” malumanay niyang tanong.Umiling si Inara, may munting ngit

  • Bound to My Ruthless Zillionaire Fiancé   Chapter 72: Loving Him Means Losing Him

    Bagaman pinangako na ni Kaizan na siya lang ang pakakasalan, hindi pa rin mapawi ni Zandri ang kaba sa puso niya. Kung hindi siya nagising ngayon, malamang, si Kaizan ay ikakasal na sa iba. Ang iniisip na iyon ang nagiging dahilan ng kanyang pag-aalala—natatakot siyang kapag umalis ang lalaki, baka hindi na bumalik ito.Kaya naman, lihim niyang sinundan si Kaizan, para makita mismo kung talagang pupunta siya kay Don Adalvino, at kung nandoon din ang babaeng iyon.Tahimik ang silid hanggang sa biglang nagsalita si Kaizan. “Dad… Zandri has woken up,” naroon ang diin sa bawat salita niya maging sa tono ng pananalita.Namutla ang mukha ni Don Adalvino, at kitang-kita ang pagkasuklam niya.May kutob na si Don Adalvino nang sa kalagitnaan mismo ng kasal ay bigla na lamang nanakbo paalis si Kaizan. Isang bagay lang naman ang maaaring maging dahilan ng kaniyang anak para iwan nito ang lahat. Si Inara Zandriea Gustavo.Ang babaeng iyon. Hindi naman sa ayaw ko na siyang magising pero bakit ka

  • Bound to My Ruthless Zillionaire Fiancé   Chapter 71: What Hurts the Heart

    Hanggang sa tuluyang napahilig si Zandri sa dibdib ni Wyatt, hindi na lumaban pa. Nanginginig ang kanyang mga kamay nang muli niyang subukan na magsalita. Halos bulong na lamang iyon.“Wyatt… alam mo namang simula pa noon ay k-kuya lang ang tingin ko sa’yo… isang nakatatandang kapatid,” bulong niya, halatang nanginginig ang bawat salita. “Hindi ko inakala… na puwede mo rin akong mahalin na sosobra sa.., bilang kaibigan…”Sumikip ang dibdib ni Wyatt. Ang mga salitang iyon ay parang tinusok siya ng matalim na kutsilyo. Matagal na niyang pinangarap ang sandaling ito, ngunit nang malaman niyang ganito ang magiging reaksyon ni Zandri, naramdaman niya ang matinding sakit sa puso.“Zandri…” mahinahon ngunit may kasamang pakiusap ang boses niya. “I’m telling you the truth—I like you. I like you so much. Can you… even consider me?”Dahan-dahang itinulak siya ni Zandri, at hindi naman na lumaban pa si Wyatt. Bagaman hindi niya kayang tumingin sa lalaki. “Wyatt… I’m sorry. Alam mo naman… na mata

  • Bound to My Ruthless Zillionaire Fiancé   Chapter 70: Shards of Truth

    Pagkakita ni Don Adalvino sa reaksyon ni Inara, hindi na siya nagsalita pa. Sa halip, marahan niyang sinabi, “Sige, mag-ingat ka pauwi. Kung may kailangan ka, tawagan mo si Butler Renan, okay?”“Yes,” mahinang sagot ni Inara. She straightened her back, dahan-dahang iniangat ang paa niyang sugatan, at lumabas ng ward na parang hinihila ang bawat hakbang.Pagkasara niya ng pinto, she immediately bent down, mahigpit na kumapit sa laylayan ng damit niya, at pilit iniibsan ang kirot sa talampakan.“Miss Inara?”Napapitlag siya nang marinig ang pamilyar na boses. She lifted her head slowly, and there’s this man standing in front of her—Wyatt.A forced smile appeared on her pale lips. “Mr. Wyatt, bakit ka nandito?”Napakunot ang noo ni Wyatt nang makita ang wedding dress niyang puno ng dugo. “Your foot is bleeding badly. Bakit hindi mo pinatingnan?”Hindi na nakasagot si Inara. Tumingin lang siya sa paa niya, saka mapait na ngumiti.A sudden shadow flickered in Wyatt’s gentle eyes. Bigla niy

More Chapters
Explore and read good novels for free
Free access to a vast number of good novels on GoodNovel app. Download the books you like and read anywhere & anytime.
Read books for free on the app
SCAN CODE TO READ ON APP
DMCA.com Protection Status