Share

Chapter 3

Author: Moon
last update Last Updated: 2026-02-26 06:36:41

Tahimik ang loob ng sasakyan habang tinatahak nila ang mahabang driveway ng Monteverde Estate. Tahimik, ngunit hindi payapa. Ang lakas ng tibok ng puso niya parang may mga kabayong nagtatakbuhan.

Si Margaux ay nakaupo sa passenger seat, tuwid ang likod, magkapatong ang mga kamay sa kanyang kandungan. Nakatanaw siya sa bintana habang unti-unting lumilitaw ang mansyon malawak, maliwanag, at napapalibutan ng mga ilaw na parang bituin sa lupa. Isang bahay na kayang maglamon ng kahit anong pangarap o damdamin.

Sa tabi niya, si Lucas na tahimik ding nakatingin sa unahan. Parehong nasa iisang sasakyan, parehong bagong kasal… pero parang magkaibang mundo ang kinalalagyan nila. Ang isa ay napipilitan at ang isa naman ay nagmamahal.

Walang nagsasalita at iyon ang mas masakit. Huminto ang sasakyan sa harap ng isang malaking itim na gate bumaba naman ang driver at binuksan ang pinto ni Margaux.

“Welcome home, Ma’am,” magalang nitong sabi.

Napasinghap siya, hindi dahil sa kilig, kundi dahil sa bigat ng salitang home. Sumunod bumaba si Lucas, walang imik, walang inalok na kamay. Nauna pa itong pumasok sa loob ng mansyon. Napasimangot naman si Margaux sa inasal ni Lucas. Alam naman niyang napipilitan lang siya sa kasalang ito pero bilang respeto lang sana sa kanya. Wala naman siyang nagawa kundi sundan ang lalaki.

Sa loob, sinalubong sila ng ilang staff mga kasambahay, isang matandang babae na mukhang matagal nang naglilingkod sa pamilya, at isang lalaking naka-suit na halatang may mataas na posisyon sa bahay.

“Good evening, Sir. Ma’am,” sabay-sabay nilang bati.

“Rest for tonight,” malamig na utos ni Lucas. “We’ll talk tomorrow.”

Tumango ang lahat at nagkahiwa-hiwalay. Naiwan silang dalawa sa gitna ng napakalawak na sala. Parang museo ang bahay malinis, eleganteng sobra, pero walang kaluluwa.

“Your room is on the east wing,” biglang sabi ni Lucas, hindi pa rin siya tinitingnan. “May separate room ako.”

Tumango si Margaux. “I understand.”

Saglit siyang nagulat sa sarili niya. Wala siyang reklamo. Wala siyang tanong. Parang tanggap na niya agad ang distansya. Tumigil si Lucas sa paglalakad. Lumingon siya sa kanya.

“Good,” sagot nito. “At least malinaw.”

May kung anong kumirot sa dibdib ni Margaux, pero pinili niyang ngumiti ng tipid mahina, mahinahon.

“Malinaw,” ulit niya.

Ilang sandali pa, iniwan na siya ni Lucas at umakyat sa kabilang wing. Naiwan si Margaux na mag-isa, kasama ang katahimikan at ang katotohanang ito na ang magiging mundo niya mula ngayon.

Isang babaeng may apelyidong Monteverde, ngunit walang puwang sa puso ng asawa niya.

SA LOOB ng kwarto niya, umupo si Margaux sa gilid ng kama. Malaki ito. Malambot. Mamahalin. Lahat ng gusto ng kahit sinong babae.

Pero ngayon, pakiramdam niya’y parang bisita lang siya.

Tinanggal niya ang sapatos niya, saka hinubad ang mga hikaw na pinili ng Monteverde matriarch para sa kasal. Hindi niya pinili. Tulad ng kasal na ito at katulad niya hindi niya pinili. Napahiga siya sa kama, nakatingin sa kisame.

“Okay lang,” bulong niya sa sarili. “Kakayanin ko ‘to.” Ngunit bago pa siya tuluyang malunod sa isip, tumunog ang phone niya.

Arabelle

Napangiti siya kahit papaano at agad sinagot ang tawag.

“Mrs. Monteverde!” bungad ng kaibigan. “Buhay ka pa?”

“Barely,” sagot ni Margaux, may halong tawa. “Ang laki ng bahay. Pakiramdam ko mawawala ako.”

“Expected,” sagot ni Arabelle. “So… kumusta ang first night?”

Tahimik si Margaux sandali. “May separate rooms.”

“Ah,” sabi ni Arabelle. “Classic.”

“Sinabi na niya,” dagdag ni Margaux. “Lahat.”

“Lucas?”

“Oo.”

Napabuntong-hininga si Arabelle sa kabilang linya. “Masakit?”

“Oo,” sagot ni Margaux, diretso. “Pero… hindi ako galit.”

“Margaux—”

“Bell,” singit niya. “Alam ko kung ano ang pinasok ko.” Tahimik muli ang linya.

“Listen,” sabi ni Arabelle sa huli, mas malambing. “Kung kailangan mo ng takbuhan, nandito lang ako. Kahit dis-oras pa.”

Napangiti si Margaux. “Alam ko.”

Pagkatapos ng tawag, mas mabigat ang katahimikan, pero mas malinaw din ang isip niya. Hindi siya nandito para magpaawa, nandito siya para manatili.

Samantala, sa kabilang wing ng bahay, nakatayo si Lucas sa harap ng bintana ng kanyang kwarto. Nakaluwag na ang necktie niya, bukas ang ilang butones ng polo.

Hindi siya mapakali. Hindi dahil sa kasal.

Kundi dahil sa reaksyon ni Margaux.

Wala itong iyak. Walang drama. Walang reklamo at iyon ang hindi niya inaasahan.

“Hindi kita pipilitin,” ulit sa isip niya ang mga salita nito kanina. “Nandito ako dahil pinili kong hindi tumakbo.”

Napailing siya.

Dapat ay gumaan ang pakiramdam niya. Dapat ay naging madali ang lahat. Pero bakit parang may mali? Umupo siya sa gilid ng kama at hinilot ang sentido. Sa kabila ng lahat, malinaw sa kanya ang isang bagay. Hindi siya pwedeng magkamali. May mga matang nagmamasid.

May mga taong naghihintay ng pagkakamali niya.

KINABUKASAN, nagising si Margaux sa liwanag ng araw at sa katok sa pinto.

“Ma’am,” mahinahong tawag ng isang babae. “Breakfast is ready.”

Bumangon siya at mabilis na nag-ayos. Simple lang ang suot niya isang light dress, walang alahas, walang arte. Pagdating niya sa dining area, nandoon na si Lucas, seryosong nakatingin sa tablet habang umiinom ng kape.

“Good morning,” bati niya.

Tumango si Lucas. “Good morning.”

Umupo siya sa tapat nito. Tahimik ulit. Hanggang sa may dumating.

“Lucas.”

Pareho silang napalingon. Isang babae ang papalapit matangkad, elegante, at halatang sanay sa ganitong mundo. Nakasuot ito ng fitted blazer at may matang puno ng kumpiyansa. Si Margaux ang unang nakaramdam ng kakaiba.

“Good morning,” sabi ng babae, diretso ang tingin kay Lucas. “Hindi mo sinabi na nandito ka na.”

Tumayo si Lucas. “What are you doing here, Selena?”

‘Selena’

Ramdam ni Margaux ang biglang higpit ng dibdib niya.

“Family breakfast,” sagot nito. “Monteverde gathering. And…” saka tumingin kay Margaux, mula ulo hanggang paa. “So ikaw na pala ang asawa.”

Tumayo si Margaux at magalang na ngumiti.

“Margaux Monteverde.”

“Selena Valdez,” sagot ng babae, may bahagyang ngiti. “Business partner. And—” saglit na tumingin kay Lucas, “someone important.”

Tahimik ang mesa at doon, malinaw kay Margaux ito ang babaeng mahal ni Lucas. At hindi pa dito nagtatapos ang laban. Habang nasa isang sulok ng dining hall, tahimik na pinagmamasdan sila ng isang lalaki si Rafael Monteverde. At sa labas ng mansyon, paparating pa lang ang mga lihim na tuluyang yayanig sa kasal na itinayo sa obligasyon.Pero may masyadong maraming damdaming pilit itinatago.

Continue to read this book for free
Scan code to download App

Latest chapter

  • Bound by Contract, Tied by Fate   Chapter 5

    Habang nakaupo si Arabelle sa kanyang paboritong upuan sa tabi ng bintana, hawak ang mainit na tasa ng kape, naaalala niya ang araw na iyon ang simula ng lahat. Ang simula ng pagkakaibigan nila ni Rafael, na kalaunan ay nagbukas ng isang damdamin na matagal niyang tinatago sa sarili.“Paano nga ba nagsimula ‘to?” bulong niya sa sarili.Hindi niya maalis sa isip ang amoy ng ulan, ang malamig na hangin na pumasok sa store, at ang tunog ng mga patak ng tubig sa bubong ng maliit na convenience store. Doon niya nakilala si Rafael nakaupo sa sahig, duguan ang braso, at mukhang wala sa sarili. Si Arabelle ay simpleng tao lang. Mahilig sa trabaho niya bilang cashier sa isang maliit na tindahan sa tabi ng subdivision. Pero sa araw na iyon, habang nagbabalak na bumili ng ilang groceries, napadaan siya sa gilid ng store at nakita ang isang lalaki na tila hindi niya kilala, sugatan at nakayuko.“Uy… ang dami mong dugo,” nasabi niya, bahagyang nanginginig ang boses niya.Hindi siya sinagot. Tumit

  • Bound by Contract, Tied by Fate   Chapter 4

    Tahimik ang opisina ng Monteverde Group. Malaki ang glass window na nakaharap sa skyline ng Maynila ang araw ay dahan-dahang lumulubog, nag-iiwan ng gintong liwanag sa bawat sulok. Ngunit kahit gaano katingkad ang liwanag sa labas, malamig pa rin ang pakiramdam sa loob.Nakaupo sa harap ng desk si Arabelle Rivera, nakatitig sa kanyang mga kamay. Hindi niya alam kung paano niya haharapin ang lalaki sa kabilang bahagi ng mesa si Rafael Monteverde. Malakas ang kanyang presensya, ngunit may aura ng init na hindi basta-basta napapansin ng iba.“Arabelle,” panimula ni Rafael, mahinahon pero may matalim na intensity sa tingin. “Alam kong hindi madali ito para sa’yo. Pero kailangan nating maging malinaw.”Napatingin si Arabelle. “Ano’ng ibig mong sabihin?”Tumango si Rafael, tila sinusukat bawat salita bago bitawan. “Alam kong may malaki kang problema at alam kong alam mo na maari kitang tulungan. Alam ko rin kung bakit hindi mo ito ayaw mo itong tanggapin ng basta-basta.”Huminga si Arabelle

  • Bound by Contract, Tied by Fate   Chapter 3

    Tahimik ang loob ng sasakyan habang tinatahak nila ang mahabang driveway ng Monteverde Estate. Tahimik, ngunit hindi payapa. Ang lakas ng tibok ng puso niya parang may mga kabayong nagtatakbuhan.Si Margaux ay nakaupo sa passenger seat, tuwid ang likod, magkapatong ang mga kamay sa kanyang kandungan. Nakatanaw siya sa bintana habang unti-unting lumilitaw ang mansyon malawak, maliwanag, at napapalibutan ng mga ilaw na parang bituin sa lupa. Isang bahay na kayang maglamon ng kahit anong pangarap o damdamin.Sa tabi niya, si Lucas na tahimik ding nakatingin sa unahan. Parehong nasa iisang sasakyan, parehong bagong kasal… pero parang magkaibang mundo ang kinalalagyan nila. Ang isa ay napipilitan at ang isa naman ay nagmamahal. Walang nagsasalita at iyon ang mas masakit. Huminto ang sasakyan sa harap ng isang malaking itim na gate bumaba naman ang driver at binuksan ang pinto ni Margaux.“Welcome home, Ma’am,” magalang nitong sabi.Napasinghap siya, hindi dahil sa kilig, kundi dahil sa bi

  • Bound by Contract, Tied by Fate   Chapter 2

    Sinalubong siya ng ingay ng reception halakhakan, tunog ng baso, mahinang tugtog ng live strings. Isang mundong punô ng liwanag at selebrasyon, kabaligtaran ng bigat na bitbit ng dibdib ni Margaux.“Uy, Mrs. Monteverde.” Napahinto siya. Kilalang-kilala niya ang boses na ‘yon.Paglingon niya, nandoon si Arabelle Rivera nakasuot ng champagne-colored na bridesmaid dress, buhok na bahagyang kulot, at ang pamilyar na ngiting kayang gawing magaan ang kahit anong sitwasyon. Ang bestfriend niya. Ang kapatid na hindi niya kadugo.“Grabe ka,” mahinang sabi ni Margaux habang pilit na ngumiti. “Huwag mo muna akong tawaging ganyan. Parang hindi pa nagsi-sink in.”“Tsk,” umiling si Arabelle at inakbayan siya agad. “Hindi pa nga nagsi-sink in sa’yo, pero legally married ka na, bes. Congrats.”May bahid ng biro ang tono nito, pero ramdam ni Margaux ang sinseridad sa mga mata ng kaibigan. At doon ay muntik na siyang bumigay.Napansin iyon ni Arabelle.“Uy,” bulong nito, bahagyang inilapit ang mukha. “

  • Bound by Contract, Tied by Fate   Chapter 1

    Hindi kailanman inakala ni Margaux Reyes na ang paglakad niya patungo sa altar ay magiging ganito katahimik sa loob ng kanyang dibdib ay kaba ang nadarama. Dahil ikakasal siya sa lalaking matagal ng nilalaman ng puso niya, walang mapaglagyan ng kilig, puno ng pangarap na sabik tuparin. Kahit pa tanging isang malinaw na katotohanan lamang ang nararamdaman niya sa bawat hakbang ang kasal na ito ay hindi bunga ng pagmamahal, kundi ng kasunduan. Pero hindi maipaliwanag ang kaligayahan na nadarama niya sa mga oras na ito. ‘Lucas sisiguraduhin kong mahuhulog ka rin sa akin.’ sambit niya sa kanyang isipan.Huminga siya ng dahan-dahan habang tinatapakan ang pulang carpet ng simbahan. Ang tunog ng organ ay umaalingawngaw, tila ba sinasabay ang pintig ng kanyang puso mahina ngunit matatag. Nakapako ang mga mata ng mga bisita sa kanya. May mga ngiting puno ng paghanga, may mga matang mausisa, at may ilan ding alam ang tunay na dahilan ng kasalang ito.Sa dulo ng altar ay nakatayo si Lucas Monte

More Chapters
Explore and read good novels for free
Free access to a vast number of good novels on GoodNovel app. Download the books you like and read anywhere & anytime.
Read books for free on the app
SCAN CODE TO READ ON APP
DMCA.com Protection Status