Share

Chapter 4

Author: Moon
last update Last Updated: 2026-02-26 06:39:26

Tahimik ang opisina ng Monteverde Group. Malaki ang glass window na nakaharap sa skyline ng Maynila ang araw ay dahan-dahang lumulubog, nag-iiwan ng gintong liwanag sa bawat sulok. Ngunit kahit gaano katingkad ang liwanag sa labas, malamig pa rin ang pakiramdam sa loob.

Nakaupo sa harap ng desk si Arabelle Rivera, nakatitig sa kanyang mga kamay. Hindi niya alam kung paano niya haharapin ang lalaki sa kabilang bahagi ng mesa si Rafael Monteverde. Malakas ang kanyang presensya, ngunit may aura ng init na hindi basta-basta napapansin ng iba.

“Arabelle,” panimula ni Rafael, mahinahon pero may matalim na intensity sa tingin. “Alam kong hindi madali ito para sa’yo. Pero kailangan nating maging malinaw.”

Napatingin si Arabelle. “Ano’ng ibig mong sabihin?”

Tumango si Rafael, tila sinusukat bawat salita bago bitawan. “Alam kong may malaki kang problema at alam kong alam mo na maari kitang tulungan. Alam ko rin kung bakit hindi mo ito ayaw mo itong tanggapin ng basta-basta.”

Huminga si Arabelle. “Tama ka. Malaki ang problema ko hindi sa sarili kundi dahil sa… sa tatay ko. Kailangan niya ng gamutan. Kailangan niyang maayos, at hindi natin alam kung kakayanin namin…” Naputol siya, naalala ang kalagayan ng ama.

“Alam ko,” sagot ni Rafael, lumapit at tumayo sa kabilang bahagi ng mesa. “Kaya… may gusto akong i-propose sa’yo.”

Napatingin si Arabelle nang may halong pagtataka at kaba. “Ano iyon?”

Tumango si Rafael. “Kasal.”

Biglang tumigil ang mundo ni Arabelle. Ang salita ni Rafael ay parang isang bomba na sumabog sa tahimik niyang isip. “Kasal?” ulit niya, halos pabulong.

“Oo. Sa akin. Gusto kitang pakasalan,” diretso si Rafael. “Ngunit ito ay isang kasunduan. Contract marriage. Walang kasal na may kasamang emosyonal na obligasyon. Ngunit may kondisyon ako ang pagpapagamot ng tatay mo. Kapalit ng pagpapakasal mo sakin.”

Tumigil si Arabelle, hindi makapaniwala. “Wait… wait… wait. You want me to marry you… just… para gamutin ang tatay ko?”

Tumango si Rafael, seryoso. “Hindi lang iyon. Gusto rin kitang protektahan. Gusto ko ring bumawi sa tulong na ginawa mo sa akin. Alam kong may karapatan kang tumanggi, pero sa huli, ako lang ang makakatulong sayo at ako lang ang kailangan mo. At ako rin ang magbibigay ng solusyon sa problema ng tatay mo.”

Huminga si Arabelle nang malalim. Ang dibdib niya ay parang pinipiga. “Hindi ko alam kung anong sasabihin ko… Hindi ko kayang gawing kasal ito… hindi dahil sa wala akong tiwala sau kundi… ito ay parang… parang pagbebenta ng sarili ko para sa kapakanan ng tatay ko.”

Tumango si Rafael, malapit na nakaupo sa kabilang bahagi ng mesa, nakatingin sa kanya.

“Huwag mong isipin na pinipilit kita. Iniisip ko lang na dapat kang magkaroon ng pagkakataon. Alam ko na kailangan mo ng tulong ko at kailangan ko rin ng tulong mo. Ito lang paraan para pareho nating matulungan ang isa’t isa.”

Tumigil si Arabelle, napatingin sa mga mata ni Rafael. Ramdam niya ang intensity ng lalaki, ang determinasyon, at ang init ng damdamin na nakatago sa likod ng businesslike na tono. “Pero… bakit kailangan mo ang tulong ko? Paano kung tumanggi ako?”

“Tanggapin ko ang sagot mo,” sagot ni Rafael, mabigat ngunit may lambing na hindi niya inaasahan. “Ngunit gusto kong malaman mo na ang kasal na magaganap sa atin ay sa papel lamang. Kung nag-aalala ka na baka meron akong gawing masama sayo. Hindi ka dapat mangamba, dahil hindi kita gagalawin. Kailangan ko lamang ng asawa para masigurado ang ari-arian ko. Ayokong makuha ng iba ang pinaghirapan ko.”

Napailing si Arabell, hawak ang sarili niyang kamay sa dibdib. Ang mga damdaming matagal niyang itinago ang paghanga, ang pagtatangi, ang takot na mawala si Rafael sa kanyang buhay lahat ay biglang lumundag sa kanyang isipan. Hindi siya inalok ng kasal nito dahil may lihim itong pagtingin sa kanya. Inalok lamang siya nito para hindi mawala ang pinaghirapang yaman.

“Hindi mo ako puwedeng pilitin, ha,” mahina niyang sabi, may halong galit at takot. “Hindi ko puwedeng gawing leverage ang kalusugan ng tatay ko sa damdamin ko. Hindi puwede.”

“Alam ko,” sagot ni Rafael, tumayo at dahan-dahang lumapit. “Kaya ko sinasabi ito sa’yo nang harapan. Hindi kita pipilitin. Ngunit kailangan mong pag-isipan ito. Hindi lang para sa’yo, kundi para sa tatay mo.”

Tumigil si Arabelle at huminga ng malalim. Alam niya na tama si Rafael. Hindi siya puwedeng umiyak, hindi puwedeng maging mahina. Ngunit sa kabila ng lahat, may isang maliit na bahagi sa puso niya na nagsasabing maaari siyang umasa, maaari siyang magtiwala.

“Okay,” mahinang sabi niya. “Bigyan mo ako ng panahon para mag-isip. Pero… kung pipiliin ko ito, kailangan nating malinaw ang lahat. Walang drama, walang pag-ibig, walang labis na expectation. Contract lang. Tanggapin mo ba iyon?”

Tumango si Rafael, ngumiti nang bahagya. “Siyempre. Contract lang. Ngunit… tandaan mo, may mga damdamin na hindi basta-basta mapipigilan.”

Napangiti si Arabelle sa tono ni Rafael. Isang halo ng katiyakan at init. “Sige… kailangan ko lang malaman kung gagawin mo ito dahil gusto mo talagang makatulong sa tatay ko, o dahil sa sarili mong ego.”

“Tulad ng dati, hindi ko gagawin ito para sa ego,” sagot ni Rafael. “Ginagawa ko ito dahil gusto kong ikaw ay ligtas, at gusto kong makuha ang puso mo… sa sarili mong panahon.”

Huminga si Arabelle. Ang bigat ng kanyang dibdib ay unti-unting lumuwag, ngunit alam niyang marami pang pagsubok ang darating.

“Okay… pag-iisipan ko,” sagot niya sa huli.

“Walang pressure,” sagot ni Rafael, tumayo at dahan-dahang lumakad palayo. Ngunit hindi siya umalis ng tuluyan. Tumigil siya sa gilid ng pintuan, tinitingnan si Arabelle. “Pero tandaan mo, hawak mo ang paraan para sa tatay mo.”

Napangiti si Arabelle, bahagyang nahulog ang kanyang balikat sa paghinga. “Salamat… Rafael. Talaga.”

Habang lumalakad siya papalayo, alam niya na isang bagong mundo ang nagsisimula. Hindi ito tungkol sa tunay na pag-ibig, hindi pa. Ngunit may mga pagkakataong kahit sa mga kontrata at obligasyon, may puwang para sa damdaming matagal ng itinatago.

Pagkatapos ng meeting, umuwi si Arabelle sa maliit na apartment nila. Tahimik siya sa loob, nakaupo sa sahig habang nakatingin sa mesa. Ang cellphone niya ay puno ng mga text mula sa mga kaibigan. Ngunit isa lang ang pumapasok sa isip niya ang kontrata, ang alok ni Rafael, at ang pangako na maayos ang tatay niya.

Naiisip niya kung paano niya gagawin ito nang tama, nang walang labis na emosyon, nang walang pagsisisi. Ngunit sa bawat pagkakataon na naiisip niya si Rafael, ramdam niya ang init ng presensya nito isang bagay na hindi niya kayang itanggi.

“Contract,” bulong niya sa sarili. “Walang damdamin… pero paano kung ang puso ko… hindi makikinig?”

Tumigil siya sa pag-iisip at huminga nang malalim. Alam niya na sa loob ng mundong ito ng kapangyarihan, pera, at kontrata, ang kanyang puso ay hindi basta-basta maiiwasan.

Doon ay bumalik sa alaala niya ang araw na nakilala niya si Rafael.

Continue to read this book for free
Scan code to download App

Latest chapter

  • Bound by Contract, Tied by Fate   Chapter 5

    Habang nakaupo si Arabelle sa kanyang paboritong upuan sa tabi ng bintana, hawak ang mainit na tasa ng kape, naaalala niya ang araw na iyon ang simula ng lahat. Ang simula ng pagkakaibigan nila ni Rafael, na kalaunan ay nagbukas ng isang damdamin na matagal niyang tinatago sa sarili.“Paano nga ba nagsimula ‘to?” bulong niya sa sarili.Hindi niya maalis sa isip ang amoy ng ulan, ang malamig na hangin na pumasok sa store, at ang tunog ng mga patak ng tubig sa bubong ng maliit na convenience store. Doon niya nakilala si Rafael nakaupo sa sahig, duguan ang braso, at mukhang wala sa sarili. Si Arabelle ay simpleng tao lang. Mahilig sa trabaho niya bilang cashier sa isang maliit na tindahan sa tabi ng subdivision. Pero sa araw na iyon, habang nagbabalak na bumili ng ilang groceries, napadaan siya sa gilid ng store at nakita ang isang lalaki na tila hindi niya kilala, sugatan at nakayuko.“Uy… ang dami mong dugo,” nasabi niya, bahagyang nanginginig ang boses niya.Hindi siya sinagot. Tumit

  • Bound by Contract, Tied by Fate   Chapter 4

    Tahimik ang opisina ng Monteverde Group. Malaki ang glass window na nakaharap sa skyline ng Maynila ang araw ay dahan-dahang lumulubog, nag-iiwan ng gintong liwanag sa bawat sulok. Ngunit kahit gaano katingkad ang liwanag sa labas, malamig pa rin ang pakiramdam sa loob.Nakaupo sa harap ng desk si Arabelle Rivera, nakatitig sa kanyang mga kamay. Hindi niya alam kung paano niya haharapin ang lalaki sa kabilang bahagi ng mesa si Rafael Monteverde. Malakas ang kanyang presensya, ngunit may aura ng init na hindi basta-basta napapansin ng iba.“Arabelle,” panimula ni Rafael, mahinahon pero may matalim na intensity sa tingin. “Alam kong hindi madali ito para sa’yo. Pero kailangan nating maging malinaw.”Napatingin si Arabelle. “Ano’ng ibig mong sabihin?”Tumango si Rafael, tila sinusukat bawat salita bago bitawan. “Alam kong may malaki kang problema at alam kong alam mo na maari kitang tulungan. Alam ko rin kung bakit hindi mo ito ayaw mo itong tanggapin ng basta-basta.”Huminga si Arabelle

  • Bound by Contract, Tied by Fate   Chapter 3

    Tahimik ang loob ng sasakyan habang tinatahak nila ang mahabang driveway ng Monteverde Estate. Tahimik, ngunit hindi payapa. Ang lakas ng tibok ng puso niya parang may mga kabayong nagtatakbuhan.Si Margaux ay nakaupo sa passenger seat, tuwid ang likod, magkapatong ang mga kamay sa kanyang kandungan. Nakatanaw siya sa bintana habang unti-unting lumilitaw ang mansyon malawak, maliwanag, at napapalibutan ng mga ilaw na parang bituin sa lupa. Isang bahay na kayang maglamon ng kahit anong pangarap o damdamin.Sa tabi niya, si Lucas na tahimik ding nakatingin sa unahan. Parehong nasa iisang sasakyan, parehong bagong kasal… pero parang magkaibang mundo ang kinalalagyan nila. Ang isa ay napipilitan at ang isa naman ay nagmamahal. Walang nagsasalita at iyon ang mas masakit. Huminto ang sasakyan sa harap ng isang malaking itim na gate bumaba naman ang driver at binuksan ang pinto ni Margaux.“Welcome home, Ma’am,” magalang nitong sabi.Napasinghap siya, hindi dahil sa kilig, kundi dahil sa bi

  • Bound by Contract, Tied by Fate   Chapter 2

    Sinalubong siya ng ingay ng reception halakhakan, tunog ng baso, mahinang tugtog ng live strings. Isang mundong punô ng liwanag at selebrasyon, kabaligtaran ng bigat na bitbit ng dibdib ni Margaux.“Uy, Mrs. Monteverde.” Napahinto siya. Kilalang-kilala niya ang boses na ‘yon.Paglingon niya, nandoon si Arabelle Rivera nakasuot ng champagne-colored na bridesmaid dress, buhok na bahagyang kulot, at ang pamilyar na ngiting kayang gawing magaan ang kahit anong sitwasyon. Ang bestfriend niya. Ang kapatid na hindi niya kadugo.“Grabe ka,” mahinang sabi ni Margaux habang pilit na ngumiti. “Huwag mo muna akong tawaging ganyan. Parang hindi pa nagsi-sink in.”“Tsk,” umiling si Arabelle at inakbayan siya agad. “Hindi pa nga nagsi-sink in sa’yo, pero legally married ka na, bes. Congrats.”May bahid ng biro ang tono nito, pero ramdam ni Margaux ang sinseridad sa mga mata ng kaibigan. At doon ay muntik na siyang bumigay.Napansin iyon ni Arabelle.“Uy,” bulong nito, bahagyang inilapit ang mukha. “

  • Bound by Contract, Tied by Fate   Chapter 1

    Hindi kailanman inakala ni Margaux Reyes na ang paglakad niya patungo sa altar ay magiging ganito katahimik sa loob ng kanyang dibdib ay kaba ang nadarama. Dahil ikakasal siya sa lalaking matagal ng nilalaman ng puso niya, walang mapaglagyan ng kilig, puno ng pangarap na sabik tuparin. Kahit pa tanging isang malinaw na katotohanan lamang ang nararamdaman niya sa bawat hakbang ang kasal na ito ay hindi bunga ng pagmamahal, kundi ng kasunduan. Pero hindi maipaliwanag ang kaligayahan na nadarama niya sa mga oras na ito. ‘Lucas sisiguraduhin kong mahuhulog ka rin sa akin.’ sambit niya sa kanyang isipan.Huminga siya ng dahan-dahan habang tinatapakan ang pulang carpet ng simbahan. Ang tunog ng organ ay umaalingawngaw, tila ba sinasabay ang pintig ng kanyang puso mahina ngunit matatag. Nakapako ang mga mata ng mga bisita sa kanya. May mga ngiting puno ng paghanga, may mga matang mausisa, at may ilan ding alam ang tunay na dahilan ng kasalang ito.Sa dulo ng altar ay nakatayo si Lucas Monte

More Chapters
Explore and read good novels for free
Free access to a vast number of good novels on GoodNovel app. Download the books you like and read anywhere & anytime.
Read books for free on the app
SCAN CODE TO READ ON APP
DMCA.com Protection Status