Share

Chapter 6

Author: Moon
last update publish date: 2026-03-02 17:12:04

“Everyone, you know Arabelle right? Btw, she’s my wife.”

Nagulat naman si Margaux sa nakita. Hindi niya inaasahan na makikita niya ang kaibigan kasama ang Tito Rafael ng asawa niyang si Lucas. Pinandilatan naman niya ng tingin si Arabelle nahihiya naman siyang nginitian nito.

“What do you mean by wife?” tanong naman ni Mrs. Monteverde.

HIndi niya inaasahan ang ibinalita ng anak. Matagal na niyang pinipilit na mag-asawa na ang anak pero hindi niya inaasahan na may asawa na pala ito.

“Is ther
Continue to read this book for free
Scan code to download App
Locked Chapter

Latest chapter

  • Bound by Contract, Tied by Fate   Chapter 6

    “Everyone, you know Arabelle right? Btw, she’s my wife.” Nagulat naman si Margaux sa nakita. Hindi niya inaasahan na makikita niya ang kaibigan kasama ang Tito Rafael ng asawa niyang si Lucas. Pinandilatan naman niya ng tingin si Arabelle nahihiya naman siyang nginitian nito. “What do you mean by wife?” tanong naman ni Mrs. Monteverde. HIndi niya inaasahan ang ibinalita ng anak. Matagal na niyang pinipilit na mag-asawa na ang anak pero hindi niya inaasahan na may asawa na pala ito. “Is there another meaning for a wife?” Pabalik naman na tanong ni Rafael. “Come on, wife, let's sit.” Iginaya naman nito si Arabelle sa pag-upo. Pinaghila pa nito ng upuan ang babae. Napanganga naman ang iba dahil sa nasaksihan nila. Ngayon lang naman nila nakita na naging gentleman si Rafael. Lihim namang napangiti si Margaux kinikilig siya para sa kaibigan. “Kailan pa kayo ikinasal?” tanong ni Adrian hindi niya maiwasang mapatanong. Seryoso siyang nakatingin kay Rafael. ‘Paano niya nakilala si Ara?

  • Bound by Contract, Tied by Fate   Chapter 5

    Habang nakaupo si Arabelle sa kanyang paboritong upuan sa tabi ng bintana, hawak ang mainit na tasa ng kape, naaalala niya ang araw na iyon ang simula ng lahat. Ang simula ng pagkakaibigan nila ni Rafael, na kalaunan ay nagbukas ng isang damdamin na matagal niyang tinatago sa sarili.“Paano nga ba nagsimula ‘to?” bulong niya sa sarili.Hindi niya maalis sa isip ang amoy ng ulan, ang malamig na hangin na pumasok sa store, at ang tunog ng mga patak ng tubig sa bubong ng maliit na convenience store. Doon niya nakilala si Rafael nakaupo sa sahig, duguan ang braso, at mukhang wala sa sarili. Si Arabelle ay simpleng tao lang. Mahilig sa trabaho niya bilang cashier sa isang maliit na tindahan sa tabi ng subdivision. Pero sa araw na iyon, habang nagbabalak na bumili ng ilang groceries, napadaan siya sa gilid ng store at nakita ang isang lalaki na tila hindi niya kilala, sugatan at nakayuko.“Uy… ang dami mong dugo,” nasabi niya, bahagyang nanginginig ang boses niya.Hindi siya sinagot. Tumit

  • Bound by Contract, Tied by Fate   Chapter 4

    Tahimik ang opisina ng Monteverde Group. Malaki ang glass window na nakaharap sa skyline ng Maynila ang araw ay dahan-dahang lumulubog, nag-iiwan ng gintong liwanag sa bawat sulok. Ngunit kahit gaano katingkad ang liwanag sa labas, malamig pa rin ang pakiramdam sa loob.Nakaupo sa harap ng desk si Arabelle Rivera, nakatitig sa kanyang mga kamay. Hindi niya alam kung paano niya haharapin ang lalaki sa kabilang bahagi ng mesa si Rafael Monteverde. Malakas ang kanyang presensya, ngunit may aura ng init na hindi basta-basta napapansin ng iba.“Arabelle,” panimula ni Rafael, mahinahon pero may matalim na intensity sa tingin. “Alam kong hindi madali ito para sa’yo. Pero kailangan nating maging malinaw.”Napatingin si Arabelle. “Ano’ng ibig mong sabihin?”Tumango si Rafael, tila sinusukat bawat salita bago bitawan. “Alam kong may malaki kang problema at alam kong alam mo na maari kitang tulungan. Alam ko rin kung bakit hindi mo ito ayaw mo itong tanggapin ng basta-basta.”Huminga si Arabelle

  • Bound by Contract, Tied by Fate   Chapter 3

    Tahimik ang loob ng sasakyan habang tinatahak nila ang mahabang driveway ng Monteverde Estate. Tahimik, ngunit hindi payapa. Ang lakas ng tibok ng puso niya parang may mga kabayong nagtatakbuhan.Si Margaux ay nakaupo sa passenger seat, tuwid ang likod, magkapatong ang mga kamay sa kanyang kandungan. Nakatanaw siya sa bintana habang unti-unting lumilitaw ang mansyon malawak, maliwanag, at napapalibutan ng mga ilaw na parang bituin sa lupa. Isang bahay na kayang maglamon ng kahit anong pangarap o damdamin.Sa tabi niya, si Lucas na tahimik ding nakatingin sa unahan. Parehong nasa iisang sasakyan, parehong bagong kasal… pero parang magkaibang mundo ang kinalalagyan nila. Ang isa ay napipilitan at ang isa naman ay nagmamahal. Walang nagsasalita at iyon ang mas masakit. Huminto ang sasakyan sa harap ng isang malaking itim na gate bumaba naman ang driver at binuksan ang pinto ni Margaux.“Welcome home, Ma’am,” magalang nitong sabi.Napasinghap siya, hindi dahil sa kilig, kundi dahil sa bi

  • Bound by Contract, Tied by Fate   Chapter 2

    Sinalubong siya ng ingay ng reception halakhakan, tunog ng baso, mahinang tugtog ng live strings. Isang mundong punô ng liwanag at selebrasyon, kabaligtaran ng bigat na bitbit ng dibdib ni Margaux.“Uy, Mrs. Monteverde.” Napahinto siya. Kilalang-kilala niya ang boses na ‘yon.Paglingon niya, nandoon si Arabelle Rivera nakasuot ng champagne-colored na bridesmaid dress, buhok na bahagyang kulot, at ang pamilyar na ngiting kayang gawing magaan ang kahit anong sitwasyon. Ang bestfriend niya. Ang kapatid na hindi niya kadugo.“Grabe ka,” mahinang sabi ni Margaux habang pilit na ngumiti. “Huwag mo muna akong tawaging ganyan. Parang hindi pa nagsi-sink in.”“Tsk,” umiling si Arabelle at inakbayan siya agad. “Hindi pa nga nagsi-sink in sa’yo, pero legally married ka na, bes. Congrats.”May bahid ng biro ang tono nito, pero ramdam ni Margaux ang sinseridad sa mga mata ng kaibigan. At doon ay muntik na siyang bumigay.Napansin iyon ni Arabelle.“Uy,” bulong nito, bahagyang inilapit ang mukha. “

  • Bound by Contract, Tied by Fate   Chapter 1

    Hindi kailanman inakala ni Margaux Reyes na ang paglakad niya patungo sa altar ay magiging ganito katahimik sa loob ng kanyang dibdib ay kaba ang nadarama. Dahil ikakasal siya sa lalaking matagal ng nilalaman ng puso niya, walang mapaglagyan ng kilig, puno ng pangarap na sabik tuparin. Kahit pa tanging isang malinaw na katotohanan lamang ang nararamdaman niya sa bawat hakbang ang kasal na ito ay hindi bunga ng pagmamahal, kundi ng kasunduan. Pero hindi maipaliwanag ang kaligayahan na nadarama niya sa mga oras na ito. ‘Lucas sisiguraduhin kong mahuhulog ka rin sa akin.’ sambit niya sa kanyang isipan.Huminga siya ng dahan-dahan habang tinatapakan ang pulang carpet ng simbahan. Ang tunog ng organ ay umaalingawngaw, tila ba sinasabay ang pintig ng kanyang puso mahina ngunit matatag. Nakapako ang mga mata ng mga bisita sa kanya. May mga ngiting puno ng paghanga, may mga matang mausisa, at may ilan ding alam ang tunay na dahilan ng kasalang ito.Sa dulo ng altar ay nakatayo si Lucas Monte

More Chapters
Explore and read good novels for free
Free access to a vast number of good novels on GoodNovel app. Download the books you like and read anywhere & anytime.
Read books for free on the app
SCAN CODE TO READ ON APP
DMCA.com Protection Status