Share

Chapter 2

Author: Moon
last update Last Updated: 2026-02-26 06:34:02

Sinalubong siya ng ingay ng reception halakhakan, tunog ng baso, mahinang tugtog ng live strings. Isang mundong punô ng liwanag at selebrasyon, kabaligtaran ng bigat na bitbit ng dibdib ni Margaux.

“Uy, Mrs. Monteverde.” Napahinto siya. Kilalang-kilala niya ang boses na ‘yon.

Paglingon niya, nandoon si Arabelle Rivera nakasuot ng champagne-colored na bridesmaid dress, buhok na bahagyang kulot, at ang pamilyar na ngiting kayang gawing magaan ang kahit anong sitwasyon. Ang bestfriend niya. Ang kapatid na hindi niya kadugo.

“Grabe ka,” mahinang sabi ni Margaux habang pilit na ngumiti. “Huwag mo muna akong tawaging ganyan. Parang hindi pa nagsi-sink in.”

“Tsk,” umiling si Arabelle at inakbayan siya agad. “Hindi pa nga nagsi-sink in sa’yo, pero legally married ka na, bes. Congrats.”

May bahid ng biro ang tono nito, pero ramdam ni Margaux ang sinseridad sa mga mata ng kaibigan. At doon ay muntik na siyang bumigay.

Napansin iyon ni Arabelle.

“Uy,” bulong nito, bahagyang inilapit ang mukha. “Okay ka lang ba?”

Hindi agad sumagot si Margaux. Tumingin muna siya sa paligid mga taong masayang nagkukuwentuhan, mga camera na nakatutok sa kanila, mga Monteverde na mukhang kontento sa naging takbo ng kasal. Isang perpektong eksena. Isang perpektong kasinungalingan.

“Later,” mahina niyang sagot. “Huwag dito.”

Ngumiti si Arabelle, saka tumango. “Sige. Pero warning lang, kapag umiyak ka mamaya, iiyak din ako. Dramatic pa naman ako.” Hindi napigilan ni Margaux ang matawa. Isang totoong tawa.

“Hayop ka,” sabi niya, sabay kurot sa braso ng kaibigan. “Sa lahat ng araw, ngayon ka pa magpapatawa.”

“Exactly,” sagot ni Arabelle. “Kasi kung hindi ngayon, kailan pa?”

Magkasabay silang naglakad papasok sa gitna ng reception. May mga bumabati kay Margaux, may mga nagko-congratulate, may mga bumubulong ng kung anu-anong komento. Pero sa presensya ni Arabelle, parang may shield siya isang maliit na ligtas na espasyo sa gitna ng engrandeng kaguluhan.

“By the way,” bulong ni Arabelle, “ang gwapo ng asawa mo. Mukhang cover model ng business magazine.”

Napasinghap si Margaux. “Huwag mo na simulan.”

“Ano?” inosenteng sagot ni Arabelle. “Objective observation lang. Walang halong emosyon.”

“Liar,” sabay irap ni Margaux.

Huminto sila malapit sa mahabang mesa ng pagkain. Kumuha si Arabelle ng dalawang baso ng juice at inabot ang isa kay Margaux.

“Drink,” utos nito. “Mukha kang hihimatayin.”

“Salamat,” sabi ni Margaux. Uminom siya, saka huminga ng malalim. “Bell…”

“O?” agad na tugon ng kaibigan.

“Paano kung mali ‘to?” biglang tanong ni Margaux, halos pabulong. “Paano kung… hindi ko kayanin?”

Naging seryoso ang mukha ni Arabelle. Hindi rin agad nagsalita. Sa halip, tinitigan niya si Margaux parang sinusukat ang bigat ng tanong.

“Bakit? Gaano ba kalaki ang talong ng asawa mo?” Agad namang namula ang mukha ni Margaux sa tanong kaibigan. Natawa naman si Arabelle sa reaction ng kaibigan.

“Gaga ka talaga!” mahinang bulyaw ni Margaux sa kaibigan.

“Then you survive,” sagot niya sa huli. “Like you always do.” Napatingin si Margaux sa kanya.

“Margaux,” pagpapatuloy ni Arabelle, mas seryoso na ang boses. “Kung may kilala akong babaeng kayang pumasok sa isang kasal na hindi minahal at hindi nawawala ang sarili, ikaw ‘yon.”

Mapait ang ngiti ni Margaux. “Ang tapang pakinggan. Pero sa loob ko… parang ang hina ko.”

“Hindi,” mariing sagot ni Arabelle. “Nasasaktan ka lang. Magkaiba ‘yon.” May kung anong kumirot sa dibdib ni Margaux pero hindi masakit. Parang gumagaan. Parang nabunutan siya ng tinik sa dibdib.

“Tsaka,” biglang ngumisi si Arabelle, “hello? Kasal ka sa isang Monteverde. Billionaire family. Kung sakaling mag-breakdown ka, at least sa mansion ka iiyak.”

Napatawa ulit si Margaux, mas malakas na ngayon. “Grabe ka. Napaka-materialistic mo.”

“Realistic,” itinama ni Arabelle. “Magkaiba ‘yon.”

“Salamat,” mahina niyang sabi, mas totoo kaysa kanina. “Hindi ko alam kung anong gagawin ko kung wala ka.”

“Edi maguguluhan ka,” sagot ni Arabelle agad. “Kaya nandito ako. Official emotional support bridesmaid.”

Habang nag-uusap sila, may anino ang tumigil sa harap nila.

“Arabelle.”

Napalingon ang dalawa.

Isang lalaki ang nakatayo roon, nakasuot ng dark suit, maayos ang postura, at may matang tahimik pero mapanuri. Hindi ito kasing lamig ni Lucas, pero may aura ng kontrol. Parang sanay sa pagiging nasa likod ng mga desisyon. Napakunot-noo si Margaux.

Samantala, si Arabelle ay bahagyang nanigas.

“Rafael,” sambit niya.

“Nice ceremony,” sabi ng lalaki, bahagyang yumuko kay Margaux. “Congratulations.”

“Thank you,” sagot ni Margaux, kahit may pagkalito sa tinig niya. Tumingin siya kay Arabelle. “Friend mo?”

Saglit na katahimikan.

“Ah, oo,” sagot ni Arabelle. “Tito ni Lucas.” Hindi iyon simpleng sagot.

May kung anong palitan ng tingin sa pagitan nina Arabelle at Rafael isang bagay na hindi kayang ipaliwanag ng salita. Isang bigat. Isang alaala. Isang lihim

.

Napansin iyon ni Margaux.

“Good to see you again,” dagdag ni Rafael, nakatuon ang tingin kay Arabelle. “Matagal-tagal na rin.”

“Ganun talaga,” sagot ni Arabelle, pilit na casual. “Busy.”

Tumango si Rafael, saka muling tumingin kay Margaux. “Welcome to the family.”

May kakaibang bigat ang salitang iyon. Pagkaalis ni Rafael, agad na huminga ng malalim si Arabelle.

“Okay ka lang?” tanong ni Margaux ngayon ang nag-aalala.

“Ha?” Napangiti si Arabelle. “Oo naman. Bakit?”

“Wala lang,” sagot ni Margaux. “Parang… may history.”

“Imagination mo lang ‘yon,” mabilis na sagot ni Arabelle. Masyadong mabilis. Hindi na nagtanong pa si Margaux. Hindi muna. Alam niyang darating din ang oras.

“Halika,” sabi ni Arabelle, sabay hila sa kanya. “Picture time. Kailangan nating magmukhang masaya sa mga camera, baka ma-heart attack ang PR team ng Monteverde.”

Habang naglalakad sila papunta sa gitna ng reception, napatingin si Margaux sa malayo kay Lucas, na kausap ang mga bisita, seryoso, kontrolado, parang walang nagbago sa buhay niya.

Asawa na siya. Pero mag-isa pa rin. Gayunpaman, nang maramdaman niya ang kamay ni Arabelle sa likod niya, alam niyang hindi siya nag-iisa sa laban na ito.

“Alam kong hindi ka na makapaghintay sa honeymoon niyo pero picture muna.” Nag-init naman ang pisngi niya dahil sa sinabi ni Arabelle, nang mapasin nito ang pamumula niya ay mahina itong tumawa. Alam niyang pinapangiti lang siya ng kaibigan. At habang ngumiti siya sa harap ng kamera isang ngiting sapat para sa mundo isang tahimik na panata ang muling nabuo sa dibdib niya.

Kung ang kasal na ito ay walang pag-ibig sa simula, sisiguraduhin niyang sa huli si Lucas ang maghahabol sa kanya at hindi siya hahayaang mawala.

Continue to read this book for free
Scan code to download App

Latest chapter

  • Bound by Contract, Tied by Fate   Chapter 5

    Habang nakaupo si Arabelle sa kanyang paboritong upuan sa tabi ng bintana, hawak ang mainit na tasa ng kape, naaalala niya ang araw na iyon ang simula ng lahat. Ang simula ng pagkakaibigan nila ni Rafael, na kalaunan ay nagbukas ng isang damdamin na matagal niyang tinatago sa sarili.“Paano nga ba nagsimula ‘to?” bulong niya sa sarili.Hindi niya maalis sa isip ang amoy ng ulan, ang malamig na hangin na pumasok sa store, at ang tunog ng mga patak ng tubig sa bubong ng maliit na convenience store. Doon niya nakilala si Rafael nakaupo sa sahig, duguan ang braso, at mukhang wala sa sarili. Si Arabelle ay simpleng tao lang. Mahilig sa trabaho niya bilang cashier sa isang maliit na tindahan sa tabi ng subdivision. Pero sa araw na iyon, habang nagbabalak na bumili ng ilang groceries, napadaan siya sa gilid ng store at nakita ang isang lalaki na tila hindi niya kilala, sugatan at nakayuko.“Uy… ang dami mong dugo,” nasabi niya, bahagyang nanginginig ang boses niya.Hindi siya sinagot. Tumit

  • Bound by Contract, Tied by Fate   Chapter 4

    Tahimik ang opisina ng Monteverde Group. Malaki ang glass window na nakaharap sa skyline ng Maynila ang araw ay dahan-dahang lumulubog, nag-iiwan ng gintong liwanag sa bawat sulok. Ngunit kahit gaano katingkad ang liwanag sa labas, malamig pa rin ang pakiramdam sa loob.Nakaupo sa harap ng desk si Arabelle Rivera, nakatitig sa kanyang mga kamay. Hindi niya alam kung paano niya haharapin ang lalaki sa kabilang bahagi ng mesa si Rafael Monteverde. Malakas ang kanyang presensya, ngunit may aura ng init na hindi basta-basta napapansin ng iba.“Arabelle,” panimula ni Rafael, mahinahon pero may matalim na intensity sa tingin. “Alam kong hindi madali ito para sa’yo. Pero kailangan nating maging malinaw.”Napatingin si Arabelle. “Ano’ng ibig mong sabihin?”Tumango si Rafael, tila sinusukat bawat salita bago bitawan. “Alam kong may malaki kang problema at alam kong alam mo na maari kitang tulungan. Alam ko rin kung bakit hindi mo ito ayaw mo itong tanggapin ng basta-basta.”Huminga si Arabelle

  • Bound by Contract, Tied by Fate   Chapter 3

    Tahimik ang loob ng sasakyan habang tinatahak nila ang mahabang driveway ng Monteverde Estate. Tahimik, ngunit hindi payapa. Ang lakas ng tibok ng puso niya parang may mga kabayong nagtatakbuhan.Si Margaux ay nakaupo sa passenger seat, tuwid ang likod, magkapatong ang mga kamay sa kanyang kandungan. Nakatanaw siya sa bintana habang unti-unting lumilitaw ang mansyon malawak, maliwanag, at napapalibutan ng mga ilaw na parang bituin sa lupa. Isang bahay na kayang maglamon ng kahit anong pangarap o damdamin.Sa tabi niya, si Lucas na tahimik ding nakatingin sa unahan. Parehong nasa iisang sasakyan, parehong bagong kasal… pero parang magkaibang mundo ang kinalalagyan nila. Ang isa ay napipilitan at ang isa naman ay nagmamahal. Walang nagsasalita at iyon ang mas masakit. Huminto ang sasakyan sa harap ng isang malaking itim na gate bumaba naman ang driver at binuksan ang pinto ni Margaux.“Welcome home, Ma’am,” magalang nitong sabi.Napasinghap siya, hindi dahil sa kilig, kundi dahil sa bi

  • Bound by Contract, Tied by Fate   Chapter 2

    Sinalubong siya ng ingay ng reception halakhakan, tunog ng baso, mahinang tugtog ng live strings. Isang mundong punô ng liwanag at selebrasyon, kabaligtaran ng bigat na bitbit ng dibdib ni Margaux.“Uy, Mrs. Monteverde.” Napahinto siya. Kilalang-kilala niya ang boses na ‘yon.Paglingon niya, nandoon si Arabelle Rivera nakasuot ng champagne-colored na bridesmaid dress, buhok na bahagyang kulot, at ang pamilyar na ngiting kayang gawing magaan ang kahit anong sitwasyon. Ang bestfriend niya. Ang kapatid na hindi niya kadugo.“Grabe ka,” mahinang sabi ni Margaux habang pilit na ngumiti. “Huwag mo muna akong tawaging ganyan. Parang hindi pa nagsi-sink in.”“Tsk,” umiling si Arabelle at inakbayan siya agad. “Hindi pa nga nagsi-sink in sa’yo, pero legally married ka na, bes. Congrats.”May bahid ng biro ang tono nito, pero ramdam ni Margaux ang sinseridad sa mga mata ng kaibigan. At doon ay muntik na siyang bumigay.Napansin iyon ni Arabelle.“Uy,” bulong nito, bahagyang inilapit ang mukha. “

  • Bound by Contract, Tied by Fate   Chapter 1

    Hindi kailanman inakala ni Margaux Reyes na ang paglakad niya patungo sa altar ay magiging ganito katahimik sa loob ng kanyang dibdib ay kaba ang nadarama. Dahil ikakasal siya sa lalaking matagal ng nilalaman ng puso niya, walang mapaglagyan ng kilig, puno ng pangarap na sabik tuparin. Kahit pa tanging isang malinaw na katotohanan lamang ang nararamdaman niya sa bawat hakbang ang kasal na ito ay hindi bunga ng pagmamahal, kundi ng kasunduan. Pero hindi maipaliwanag ang kaligayahan na nadarama niya sa mga oras na ito. ‘Lucas sisiguraduhin kong mahuhulog ka rin sa akin.’ sambit niya sa kanyang isipan.Huminga siya ng dahan-dahan habang tinatapakan ang pulang carpet ng simbahan. Ang tunog ng organ ay umaalingawngaw, tila ba sinasabay ang pintig ng kanyang puso mahina ngunit matatag. Nakapako ang mga mata ng mga bisita sa kanya. May mga ngiting puno ng paghanga, may mga matang mausisa, at may ilan ding alam ang tunay na dahilan ng kasalang ito.Sa dulo ng altar ay nakatayo si Lucas Monte

More Chapters
Explore and read good novels for free
Free access to a vast number of good novels on GoodNovel app. Download the books you like and read anywhere & anytime.
Read books for free on the app
SCAN CODE TO READ ON APP
DMCA.com Protection Status