Share

Bound by Contract, Tied by Fate
Bound by Contract, Tied by Fate
Author: Moon

Chapter 1

Author: Moon
last update Last Updated: 2026-02-26 06:33:03

Hindi kailanman inakala ni Margaux Reyes na ang paglakad niya patungo sa altar ay magiging ganito katahimik sa loob ng kanyang dibdib ay kaba ang nadarama. Dahil ikakasal siya sa lalaking matagal ng nilalaman ng puso niya, walang mapaglagyan ng kilig, puno ng pangarap na sabik tuparin. Kahit pa tanging isang malinaw na katotohanan lamang ang nararamdaman niya sa bawat hakbang ang kasal na ito ay hindi bunga ng pagmamahal, kundi ng kasunduan. Pero hindi maipaliwanag ang kaligayahan na nadarama niya sa mga oras na ito.

‘Lucas sisiguraduhin kong mahuhulog ka rin sa akin.’ sambit niya sa kanyang isipan.

Huminga siya ng dahan-dahan habang tinatapakan ang pulang carpet ng simbahan. Ang tunog ng organ ay umaalingawngaw, tila ba sinasabay ang pintig ng kanyang puso mahina ngunit matatag. Nakapako ang mga mata ng mga bisita sa kanya. May mga ngiting puno ng paghanga, may mga matang mausisa, at may ilan ding alam ang tunay na dahilan ng kasalang ito.

Sa dulo ng altar ay nakatayo si Lucas Monteverde.

Matangkad, maayos ang tindig, at walang bakas ng pag-aalinlangan sa mukha. Para siyang larawang hinulma para sa pahayagan ang perpektong tagapagmana ng pamilyang Monteverde. Ngunit sa kabila ng pagiging gwapo at elegante nito, ramdam ni Margaux ang malamig na distansyang bumabalot sa kanya.

Hindi siya tinitingnan bilang babaeng pakakasalan.

Isa lamang siyang responsibilidad.

Nagtagpo ang kanilang mga mata saglit. Walang ngiti. Walang kahit anong senyas ng lambing. At doon pa lamang, alam na ni Margaux tama ang lahat ng sinabi sa kanya bago ang kasal. Hindi siya ang babaeng pinili ng puso ni Lucas.

Isa lamang siyang babaeng pinili ng pamilya.

Habang binibigkas ng pari ang mga panata, tila lumalayo ang isip ni Margaux. Naalala niya ang araw na ipinatawag siya ng mga Monteverde ang pormal na tono, ang mga papeles sa mesa, ang salitang legacy na paulit-ulit binibigkas.

Ito ay para sa kinabukasan ng pamilya, sabi nila. Isang simpleng kasal lang, dagdag pa.

Simple.

Ngunit walang simpleng desisyon kapag kalayaan at damdamin ang kapalit.

“Do you take this woman to be your lawfully wedded wife?”

Tumango si Lucas, walang pag-aalinlangan. Isang malinaw, matatag na “I do.”

Parang may kumurot sa dibdib ni Margaux dahil sa malamig nitong sagot. Nang siya naman ang tanungin, bahagya siyang huminga ng malalim bago nagsalita. Kahit na arrange marriage lang ito para kay Lucas, masaya siya dahil ikinasal siya sa lalaking mahal niya. Kay matamis ang ngiti niyang sinabi ang salitang ‘I do’.

“I do.”

Hindi iyon kasinungalingan. Tinanggap niya ang kasal at ipinangako sa sarili na papaibigin si Lucas. Nang dumating ang sandaling dapat ay simbolo ng simula ang halik bahagyang yumuko si Lucas. Sandali siyang huminto, tila may iniisip, bago marahang idampi ang labi sa pisngi ni Margaux. Isang pormal, malamig na halik. Hindi niya maiwasang mapasimangot ng dumapi sa pisngi niya ang labi nito.

‘Sayang naman akala ko matitikman ko na labi niyang mapula.’

Palakpakan ang buong simbahan. Ngunit si Margaux ay nanghihinayang pa rin.

PAGKATAPOS ng seremonya, dinala sila sa isang pribadong silid sa likod ng simbahan. Tahimik doon. Walang kamera. Walang bisita. Walang inaasahang ngiti.

Isinara ni Lucas ang pinto. Matagal siyang hindi nagsalita.

Nakatayo lamang si Margaux sa tabi ng mesa, nakatiklop ang mga kamay sa harap, tila ba naghihintay ng hatol. Alam niyang darating ang sandaling ito ang sandaling magiging totoo ang lahat. Pero hindi niya maiwasang makaramdam ng kilig dahil kasama niya ito at sila lang dalawa sa loob ng silid.

“Margaux,” panimula ni Lucas, malamig ngunit malinaw ang boses. “Ayokong magkunwari.”

Tumango si Margaux. Hindi siya nagulat. Ngunit masakit pa rin.

“Hindi ikaw ang mahal ko,” diretso niyang sabi. Parang may kumalabog sa dibdib ni Margaux, ngunit nanatili siyang tuwid. Hindi siya umiyak. Hindi siya nagsalita agad.

“May iba akong gusto,” dagdag ni Lucas. “At kung may pagpipilian lang ako, hindi kita pakakasalan.”

Tahimik ang silid, ngunit ramdam ni Margaux ang bawat salita na parang sugat na unti-unting binubuksan.

“Napilitan lang ako,” pagpapatuloy niya. “Dahil sa mana. Dahil sa pangalan ng pamilya.”

Tumingin si Lucas sa kanya seryoso, walang galit, ngunit wala ring lambing.

“Huwag kang umasa,” sabi niya. “Hindi kita magugustuhan. Hindi kita mamahalin. Ang kaya ko lang ibigay ay respeto at huwag kang mag-alala hindi ako magloloko sa kasalang ito. Hindi kita mahal pero hindi ko ugali ang magloko sa isang relasyon. Kung sapat na iyon sa’yo.”

Isang mahabang katahimikan ang namagitan sa kanila. Sa loob ng katahimikang iyon, may dalawang pagpipilian si Margaux, ang masaktan at ngunit wag sumuko sa pag-asang balang araw ay mamahalin din siya nito o ang masaktan at tanggapin ang katotohanan.

Pinili niya ang una. Umaasa siyang hindi man ngayon pero sisiguraduhin niyang balang araw ay mahuhulog din sa kanya si Lucas. Pero sa ngayon kailangan niya munang isantabi ang damdamin at mithiing iyon.

Dahan-dahan siyang ngumiti isang ngiting puno ng tamis, kahit na masakit ang mga narinig niya mula kay Lucas.

“Salamat sa pagiging tapat,” mahinahon niyang sagot. “Mas gugustuhin kong marinig ang katotohanan kaysa mabuhay sa ilusyon.” Bahagyang nagulat si Lucas. Hindi niya inaasahan ang ganoong reaksyon.

“Hindi kita pipilitin,” pagpapatuloy ni Margaux. “Alam kong hindi mo ako mahal. At hindi kita hihilinging baguhin iyon.”

Humakbang siya nang bahagya palapit, hindi upang magsumamo, kundi upang maging malinaw.

“Pero asawa mo ako,” sabi niya. “At gagampanan ko ang papel na iyon hindi para sa mana, hindi para sa pamilya mo, kundi para sa sarili kong dignidad.”

Tumingin siya diretso kay Lucas.

“Hindi ako nandito para agawin ang puso mo,” dagdag niya. “Nandito ako dahil pinili kong hindi tumakbo.” May kung anong kumirot sa loob ni Lucas isang damdaming hindi niya pinangalanan. Isang hindi inaasahang bigat. Para bang nagsisi siya na sinabi niya ‘yun. Ngunit gusto niya lang maging totoo.

Hindi siya nagsalita.

Sa labas ng silid, naroon ang mundo ang mga ngiti, ang kamera, ang marangyang pagtanggap. Isang perpektong kasal sa mata ng publiko. Ngunit sa loob ng apat na sulok na iyon, nagsimula ang isang kasal na walang pag-ibig.

Isang kasal na itinayo sa obligasyon.

Isang kasal na, sa kabila ng lahat, ay magbabago sa kanila sa mga paraang hindi nila kailanman pinlano.

At sa puso ni Margaux, kahit may kirot, may isang malinaw na panata:

Hindi ako minahal sa simula. Pero hindi ibig sabihin nito na mawawala ako sa sarili ko. Darating ang araw matutunan mo rin akong mahalin Lucas.

Pagpunta niya sa mga bisita ay nakasalubong niya ang isang babae.

Continue to read this book for free
Scan code to download App

Latest chapter

  • Bound by Contract, Tied by Fate   Chapter 5

    Habang nakaupo si Arabelle sa kanyang paboritong upuan sa tabi ng bintana, hawak ang mainit na tasa ng kape, naaalala niya ang araw na iyon ang simula ng lahat. Ang simula ng pagkakaibigan nila ni Rafael, na kalaunan ay nagbukas ng isang damdamin na matagal niyang tinatago sa sarili.“Paano nga ba nagsimula ‘to?” bulong niya sa sarili.Hindi niya maalis sa isip ang amoy ng ulan, ang malamig na hangin na pumasok sa store, at ang tunog ng mga patak ng tubig sa bubong ng maliit na convenience store. Doon niya nakilala si Rafael nakaupo sa sahig, duguan ang braso, at mukhang wala sa sarili. Si Arabelle ay simpleng tao lang. Mahilig sa trabaho niya bilang cashier sa isang maliit na tindahan sa tabi ng subdivision. Pero sa araw na iyon, habang nagbabalak na bumili ng ilang groceries, napadaan siya sa gilid ng store at nakita ang isang lalaki na tila hindi niya kilala, sugatan at nakayuko.“Uy… ang dami mong dugo,” nasabi niya, bahagyang nanginginig ang boses niya.Hindi siya sinagot. Tumit

  • Bound by Contract, Tied by Fate   Chapter 4

    Tahimik ang opisina ng Monteverde Group. Malaki ang glass window na nakaharap sa skyline ng Maynila ang araw ay dahan-dahang lumulubog, nag-iiwan ng gintong liwanag sa bawat sulok. Ngunit kahit gaano katingkad ang liwanag sa labas, malamig pa rin ang pakiramdam sa loob.Nakaupo sa harap ng desk si Arabelle Rivera, nakatitig sa kanyang mga kamay. Hindi niya alam kung paano niya haharapin ang lalaki sa kabilang bahagi ng mesa si Rafael Monteverde. Malakas ang kanyang presensya, ngunit may aura ng init na hindi basta-basta napapansin ng iba.“Arabelle,” panimula ni Rafael, mahinahon pero may matalim na intensity sa tingin. “Alam kong hindi madali ito para sa’yo. Pero kailangan nating maging malinaw.”Napatingin si Arabelle. “Ano’ng ibig mong sabihin?”Tumango si Rafael, tila sinusukat bawat salita bago bitawan. “Alam kong may malaki kang problema at alam kong alam mo na maari kitang tulungan. Alam ko rin kung bakit hindi mo ito ayaw mo itong tanggapin ng basta-basta.”Huminga si Arabelle

  • Bound by Contract, Tied by Fate   Chapter 3

    Tahimik ang loob ng sasakyan habang tinatahak nila ang mahabang driveway ng Monteverde Estate. Tahimik, ngunit hindi payapa. Ang lakas ng tibok ng puso niya parang may mga kabayong nagtatakbuhan.Si Margaux ay nakaupo sa passenger seat, tuwid ang likod, magkapatong ang mga kamay sa kanyang kandungan. Nakatanaw siya sa bintana habang unti-unting lumilitaw ang mansyon malawak, maliwanag, at napapalibutan ng mga ilaw na parang bituin sa lupa. Isang bahay na kayang maglamon ng kahit anong pangarap o damdamin.Sa tabi niya, si Lucas na tahimik ding nakatingin sa unahan. Parehong nasa iisang sasakyan, parehong bagong kasal… pero parang magkaibang mundo ang kinalalagyan nila. Ang isa ay napipilitan at ang isa naman ay nagmamahal. Walang nagsasalita at iyon ang mas masakit. Huminto ang sasakyan sa harap ng isang malaking itim na gate bumaba naman ang driver at binuksan ang pinto ni Margaux.“Welcome home, Ma’am,” magalang nitong sabi.Napasinghap siya, hindi dahil sa kilig, kundi dahil sa bi

  • Bound by Contract, Tied by Fate   Chapter 2

    Sinalubong siya ng ingay ng reception halakhakan, tunog ng baso, mahinang tugtog ng live strings. Isang mundong punô ng liwanag at selebrasyon, kabaligtaran ng bigat na bitbit ng dibdib ni Margaux.“Uy, Mrs. Monteverde.” Napahinto siya. Kilalang-kilala niya ang boses na ‘yon.Paglingon niya, nandoon si Arabelle Rivera nakasuot ng champagne-colored na bridesmaid dress, buhok na bahagyang kulot, at ang pamilyar na ngiting kayang gawing magaan ang kahit anong sitwasyon. Ang bestfriend niya. Ang kapatid na hindi niya kadugo.“Grabe ka,” mahinang sabi ni Margaux habang pilit na ngumiti. “Huwag mo muna akong tawaging ganyan. Parang hindi pa nagsi-sink in.”“Tsk,” umiling si Arabelle at inakbayan siya agad. “Hindi pa nga nagsi-sink in sa’yo, pero legally married ka na, bes. Congrats.”May bahid ng biro ang tono nito, pero ramdam ni Margaux ang sinseridad sa mga mata ng kaibigan. At doon ay muntik na siyang bumigay.Napansin iyon ni Arabelle.“Uy,” bulong nito, bahagyang inilapit ang mukha. “

  • Bound by Contract, Tied by Fate   Chapter 1

    Hindi kailanman inakala ni Margaux Reyes na ang paglakad niya patungo sa altar ay magiging ganito katahimik sa loob ng kanyang dibdib ay kaba ang nadarama. Dahil ikakasal siya sa lalaking matagal ng nilalaman ng puso niya, walang mapaglagyan ng kilig, puno ng pangarap na sabik tuparin. Kahit pa tanging isang malinaw na katotohanan lamang ang nararamdaman niya sa bawat hakbang ang kasal na ito ay hindi bunga ng pagmamahal, kundi ng kasunduan. Pero hindi maipaliwanag ang kaligayahan na nadarama niya sa mga oras na ito. ‘Lucas sisiguraduhin kong mahuhulog ka rin sa akin.’ sambit niya sa kanyang isipan.Huminga siya ng dahan-dahan habang tinatapakan ang pulang carpet ng simbahan. Ang tunog ng organ ay umaalingawngaw, tila ba sinasabay ang pintig ng kanyang puso mahina ngunit matatag. Nakapako ang mga mata ng mga bisita sa kanya. May mga ngiting puno ng paghanga, may mga matang mausisa, at may ilan ding alam ang tunay na dahilan ng kasalang ito.Sa dulo ng altar ay nakatayo si Lucas Monte

More Chapters
Explore and read good novels for free
Free access to a vast number of good novels on GoodNovel app. Download the books you like and read anywhere & anytime.
Read books for free on the app
SCAN CODE TO READ ON APP
DMCA.com Protection Status