LOGINHabang nakaupo si Arabelle sa kanyang paboritong upuan sa tabi ng bintana, hawak ang mainit na tasa ng kape, naaalala niya ang araw na iyon ang simula ng lahat. Ang simula ng pagkakaibigan nila ni Rafael, na kalaunan ay nagbukas ng isang damdamin na matagal niyang tinatago sa sarili.
“Paano nga ba nagsimula ‘to?” bulong niya sa sarili. Hindi niya maalis sa isip ang amoy ng ulan, ang malamig na hangin na pumasok sa store, at ang tunog ng mga patak ng tubig sa bubong ng maliit na convenience store. Doon niya nakilala si Rafael nakaupo sa sahig, duguan ang braso, at mukhang wala sa sarili. Si Arabelle ay simpleng tao lang. Mahilig sa trabaho niya bilang cashier sa isang maliit na tindahan sa tabi ng subdivision. Pero sa araw na iyon, habang nagbabalak na bumili ng ilang groceries, napadaan siya sa gilid ng store at nakita ang isang lalaki na tila hindi niya kilala, sugatan at nakayuko. “Uy… ang dami mong dugo,” nasabi niya, bahagyang nanginginig ang boses niya. Hindi siya sinagot. Tumitig lang siya, medyo naguguluhan, at tila ayaw makita ang sinuman. Ang sugat sa braso niya ay malalim, mukhang matagal na bago ito malinis at gamutin. Ramdam ni Arabelle ang pangamba at kaawa-awang tingin niya sa binata. “Halika dito, sa loob,” sabi niya, dahan-dahang hinawakan ang braso niya. “May first aid kit dito,” Hindi siya tumanggi, pero ramdam ni Arabelle na ayaw niyang masyadong makalapit sa iba. Para bang sanay na lang siyang mag-isa. Sa loob ng convenience store, pinaupo niya si Rafael sa isang upuan sa tabi ng counter. Habang nililinis niya ang sugat, napansin niya na medyo masungit ang binata. “Bakit hindi ka nagpunta sa ospital?” tanong niya. “Hindi ko kailangan. Ayoko lang maistorbo ang iba,” sagot ni Rafael, medyo malamig, halos walang emosyon. Hindi nagalit si Arabelle sa tono niya. Alam niyang minsan, may mga taong matigas ang ulo o takot humingi ng tulong. Kaya tiniis niya ang malamig na pagtanggap. “Ayaw ko nga ring maistorbo ka, pero kung hindi ka gagamot, baka lumala pa,” sabi niya, habang patuloy na pinupunas ang dugo at nilalagay ang antiseptic sa sugat. Hindi sumagot si Rafael. Pero kahit masungit, ramdam ni Arabelle na may maliit na pasasalamat sa mga mata niya.“Rafael, konti na lang ‘yan. Kakayanin mo ‘to,” sabi niya, habang pinupunas ang bandage sa braso niya. “Tsk… sobra kang mabait. Sinasayang mo lang ang oras mo,” sagot niya, medyo iritable, pero may bahid ng pagkilala sa kabutihan ni Arabelle. Sa kalagitnaan ng linggo, napansin ni Arabelle ang maliliit na bagay kay Rafael kung paano siya kumikilos kapag natatakot, paano niya pinipigil ang sarili na magsalita ng masyadong marami, at ang mga sandali na parang gusto niyang tumawa pero hindi niya kaya. “Alam mo, hindi ko inaasahan na may mag-aalaga sa akin. Akala ko, kailangan ko lang tiisin ang sakit,” sabi ni Rafael isang gabi, habang nakaupo silang dalawa sa tabi ng counter. Ang kanyang tinig ay may halong pagod at bahagyang lungkot. “Eh ‘yan na ang ginawa ko. At kung gusto mo, andito lang ako,” sagot ni Arabelle, hawak ang kamay niya ng sandali bago niya ito hinayaan. Ngunit hindi pa rin nawawala ang kanyang pagka-irritable. Minsan, kapag nagtatampo siya o hindi niya nagustuhan ang ginagawa ni Arabelle, bigla niyang tinatamaan ng salita ang binata. “Kung ganito, baka mas maganda kung umalis ka na lang,” sabi niya minsan, habang hinahaplos ang sugat sa braso niya. “Hindi ako aalis. Basta nandito ako para sa’yo,” sagot ni Arabelle, matatag. Hindi niya pinapansin ang masungit na tono ni Rafael. Alam niya na nasa likod ng matigas na ugali niya, may pangangailangan na hindi niya kayang ipakita sa iba. Habang papalapit ang huling araw ng linggo, mas lumalalim ang koneksyon nila. Hindi na lang basta pag-aalaga ang nararamdaman niya, kundi isang uri ng pag-unawa at respeto sa taong iyon, kahit pa medyo mahirap ang pakisamahan. “Alam mo, salamat,” sabi ni Rafael isang hapon, habang pinapanood ang ulan sa labas ng bintana ng store. “Hindi ko akalain na may tao talagang magpapakita ng malasakit sa akin, kahit masungit ako.” “Walang anuman. Basta huwag mo na lang itago sa akin ang kailangan mo, ha?” sagot ni Arabelle, medyo malambing. Sa huling araw ng linggo, matapos maghilom ang sugat niya, nakatayo si Rafael sa harap niya. Ang mga mata niya ay punong-puno ng pasasalamat, pero may halong kaba. “Arabelle… hindi ko talaga kailangan ng ospital. Kailangan ko lang ng isang taong nagmamalasakit sa akin,” sabi niya, napangiti ng bahagya. Arabelle ay nag-smile, marahan niyang hinawakan ang braso niya. “Eh ‘yan na ang ginawa ko. At kung gusto mo, andito lang ako.” Hindi nila alam noon, sa maliit na convenience store na iyon, nagsimula ang isang kwento ng tiwala at unti-unting pagmamahalan. Hindi ito instant love, hindi isang pelikula, pero totoo. Habang iniisip niya ito sa kwarto niya ngayon, ramdam ni Arabelle ang init sa kanyang dibdib. Parang muling bumabalik ang araw na iyon—ang ulan, ang amoy ng kape sa store, ang katahimikan sa pagitan nila, at ang simpleng koneksyon na unti-unting lumalalim. “Ang simple ng simula natin,” bulong niya sa sarili, “pero ang dami ng natutunan ko sa kanya… sa amin.” Hindi niya alam kung ano ang hinaharap para sa kanila, pero isang bagay ang malinaw: sa araw na iyon, sa gitna ng ulan at sakit, natutunan niyang minsan, ang pinakamalaking pagbabago sa buhay ng isang tao ay nagsisimula sa isang simpleng pagkalinga. IKINAGULAT ng lahat ang pagpasok ni Rafael kasama si Arabelle na nakahawak sa braso niya. Lumabas ito kanina ng matapos nito sagutin ang tawag at pagbalik nito ay kasama na si Arabelle. Puno naman ng katanungan ang isip ni Margaux ng makita ang kaibigan. Ngunit nginitian lang siya nito na para bang sinasabi nito na magpapaliwanag ito sa kanya mamaya. “Everyone, you know Arabelle right? Btw, she’s my wife.”Habang nakaupo si Arabelle sa kanyang paboritong upuan sa tabi ng bintana, hawak ang mainit na tasa ng kape, naaalala niya ang araw na iyon ang simula ng lahat. Ang simula ng pagkakaibigan nila ni Rafael, na kalaunan ay nagbukas ng isang damdamin na matagal niyang tinatago sa sarili.“Paano nga ba nagsimula ‘to?” bulong niya sa sarili.Hindi niya maalis sa isip ang amoy ng ulan, ang malamig na hangin na pumasok sa store, at ang tunog ng mga patak ng tubig sa bubong ng maliit na convenience store. Doon niya nakilala si Rafael nakaupo sa sahig, duguan ang braso, at mukhang wala sa sarili. Si Arabelle ay simpleng tao lang. Mahilig sa trabaho niya bilang cashier sa isang maliit na tindahan sa tabi ng subdivision. Pero sa araw na iyon, habang nagbabalak na bumili ng ilang groceries, napadaan siya sa gilid ng store at nakita ang isang lalaki na tila hindi niya kilala, sugatan at nakayuko.“Uy… ang dami mong dugo,” nasabi niya, bahagyang nanginginig ang boses niya.Hindi siya sinagot. Tumit
Tahimik ang opisina ng Monteverde Group. Malaki ang glass window na nakaharap sa skyline ng Maynila ang araw ay dahan-dahang lumulubog, nag-iiwan ng gintong liwanag sa bawat sulok. Ngunit kahit gaano katingkad ang liwanag sa labas, malamig pa rin ang pakiramdam sa loob.Nakaupo sa harap ng desk si Arabelle Rivera, nakatitig sa kanyang mga kamay. Hindi niya alam kung paano niya haharapin ang lalaki sa kabilang bahagi ng mesa si Rafael Monteverde. Malakas ang kanyang presensya, ngunit may aura ng init na hindi basta-basta napapansin ng iba.“Arabelle,” panimula ni Rafael, mahinahon pero may matalim na intensity sa tingin. “Alam kong hindi madali ito para sa’yo. Pero kailangan nating maging malinaw.”Napatingin si Arabelle. “Ano’ng ibig mong sabihin?”Tumango si Rafael, tila sinusukat bawat salita bago bitawan. “Alam kong may malaki kang problema at alam kong alam mo na maari kitang tulungan. Alam ko rin kung bakit hindi mo ito ayaw mo itong tanggapin ng basta-basta.”Huminga si Arabelle
Tahimik ang loob ng sasakyan habang tinatahak nila ang mahabang driveway ng Monteverde Estate. Tahimik, ngunit hindi payapa. Ang lakas ng tibok ng puso niya parang may mga kabayong nagtatakbuhan.Si Margaux ay nakaupo sa passenger seat, tuwid ang likod, magkapatong ang mga kamay sa kanyang kandungan. Nakatanaw siya sa bintana habang unti-unting lumilitaw ang mansyon malawak, maliwanag, at napapalibutan ng mga ilaw na parang bituin sa lupa. Isang bahay na kayang maglamon ng kahit anong pangarap o damdamin.Sa tabi niya, si Lucas na tahimik ding nakatingin sa unahan. Parehong nasa iisang sasakyan, parehong bagong kasal… pero parang magkaibang mundo ang kinalalagyan nila. Ang isa ay napipilitan at ang isa naman ay nagmamahal. Walang nagsasalita at iyon ang mas masakit. Huminto ang sasakyan sa harap ng isang malaking itim na gate bumaba naman ang driver at binuksan ang pinto ni Margaux.“Welcome home, Ma’am,” magalang nitong sabi.Napasinghap siya, hindi dahil sa kilig, kundi dahil sa bi
Sinalubong siya ng ingay ng reception halakhakan, tunog ng baso, mahinang tugtog ng live strings. Isang mundong punô ng liwanag at selebrasyon, kabaligtaran ng bigat na bitbit ng dibdib ni Margaux.“Uy, Mrs. Monteverde.” Napahinto siya. Kilalang-kilala niya ang boses na ‘yon.Paglingon niya, nandoon si Arabelle Rivera nakasuot ng champagne-colored na bridesmaid dress, buhok na bahagyang kulot, at ang pamilyar na ngiting kayang gawing magaan ang kahit anong sitwasyon. Ang bestfriend niya. Ang kapatid na hindi niya kadugo.“Grabe ka,” mahinang sabi ni Margaux habang pilit na ngumiti. “Huwag mo muna akong tawaging ganyan. Parang hindi pa nagsi-sink in.”“Tsk,” umiling si Arabelle at inakbayan siya agad. “Hindi pa nga nagsi-sink in sa’yo, pero legally married ka na, bes. Congrats.”May bahid ng biro ang tono nito, pero ramdam ni Margaux ang sinseridad sa mga mata ng kaibigan. At doon ay muntik na siyang bumigay.Napansin iyon ni Arabelle.“Uy,” bulong nito, bahagyang inilapit ang mukha. “
Hindi kailanman inakala ni Margaux Reyes na ang paglakad niya patungo sa altar ay magiging ganito katahimik sa loob ng kanyang dibdib ay kaba ang nadarama. Dahil ikakasal siya sa lalaking matagal ng nilalaman ng puso niya, walang mapaglagyan ng kilig, puno ng pangarap na sabik tuparin. Kahit pa tanging isang malinaw na katotohanan lamang ang nararamdaman niya sa bawat hakbang ang kasal na ito ay hindi bunga ng pagmamahal, kundi ng kasunduan. Pero hindi maipaliwanag ang kaligayahan na nadarama niya sa mga oras na ito. ‘Lucas sisiguraduhin kong mahuhulog ka rin sa akin.’ sambit niya sa kanyang isipan.Huminga siya ng dahan-dahan habang tinatapakan ang pulang carpet ng simbahan. Ang tunog ng organ ay umaalingawngaw, tila ba sinasabay ang pintig ng kanyang puso mahina ngunit matatag. Nakapako ang mga mata ng mga bisita sa kanya. May mga ngiting puno ng paghanga, may mga matang mausisa, at may ilan ding alam ang tunay na dahilan ng kasalang ito.Sa dulo ng altar ay nakatayo si Lucas Monte







