Se connecterMay mga lugar na kahit matagal mo nang iniwan, hindi mo pa rin kayang kalimutan. Hindi dahil gusto mong balikan. Kundi dahil minsan, ang lugar ang nagiging saksi sa mga bagay na hindi mo na kayang sabihin.
At ganoon ang Vale Mansion para kay Elena Rose.
Tatlong taon niyang hindi nakita ang bahay na minsang naging tahanan niya. At ngayon, muli siyang nakatayo sa harap ng malaking gate ng mansyon sa Tagaytay.
Tahimik siyang nakatingin sa napakalawak na property habang unti-unting binubuksan ng security ang gate. Pareho pa rin naman, halos wala ngang nagbago.
Ang mahabang driveway na napapalibutan ng mga puno. Ang hardin kung saan siya minsang naglakad tuwing umaga. Ang malaking fountain sa gitna ng property.
Ganon pa rin ang lahat mula nang umalis siya. Walang nagbago sa mga property nito sa bahay.
Pero siya? Hindi na siya ang parehong Elena na umalis dito.
Mahigpit niyang hinawakan ang hawakan ng kanyang bag.
"Ma'am Elena?"
Napalingon siya sa driver. "Okay lang po ba kayo?"
Napatingin siya sa mansyon. Pagkatapos ay ngumiti nang bahagya sa driver.
"Okay lang."
Pero sa totoo lang, hindi niya alam kung iyon ba ang tamang salita. Dahil paano ka magiging okay kapag bumabalik ka sa lugar kung saan ka unang natutong masaktan?
Pagpasok niya sa loob, agad siyang sinalubong ng mga staff ng mansion.
"Welcome back, ma'am."
May halong saya at gulat ang mga boses nila. Karamihan sa kanila ay kilala siya noon. Alam nila kung gaano siya kasaya noong unang dumating siya bilang asawa ni Damian. Alam din nila kung gaano siya katahimik nang mga huling buwan bago siya umalis.
Ngumiti siya. "Thank you."
Simple lang ang mga salita niya at wala na iyong dating lambing. Pero kahit ganon, natutuwa pa rin siya dahil may mga pamilyar pa siyang mukha na nakikita dito. Kahit papaano naman siguro ay kakayanin niya ulit.
Napansin ng mga tao sa paligid na parang may kakaiba sa kaniya.
Dati, kilala nila si Elena bilang mabait at madaling lapitan pero ngayon, may distansya na. Hindi dahil naging masama siya. Kundi dahil natutunan niyang hindi lahat ng tao ay dapat niyang bigyan ng access sa puso niya.
"Your room is ready, ma'am."
Agad tumigil ang drama ng utak niya at nag-register agad sa kaniya ang sinabi ng isang katulong.
Your room.
Hindi niya gustong marinig iyon dahil alam niya kung anong kwarto iyon. Ang kwarto nila ni Damian.
"May ibang room ba?"
Natahimik ang staff. "Ma'am?"
"I don't need that room."
Hindi siya galit pero alam niyang sa boses pa lang niya ay malalaman agad ng katulong na ayaw niya.
"Prepare another one."
Tumango agad ang staff.
"Yes, ma'am."
At sa simpleng utos na iyon, alam ng lahat. Hindi na bumalik ang dating Elena.
---
Habang naglalakad siya papunta sa temporary room niya, hindi niya maiwasang mapansin ang paligid. Ang mga picture frame at ang mga gamit.
Sa isang sulok ng hallway, may picture nilang dalawa. Wedding picture pa nila iyon ni Damian. Nakatingin si Damian sa kanya at hindi sa camera.
Kundi sa kanya.
At siya? Makikita talaga sa picture na masaya siya, halos kumikinang ang mga mata niya. Napahinto siya. Minsan, nakakaloko ang mga litrato. Kaya nitong ipakita ang isang sandali na parang perpekto.
Pero hindi nito ipinapakita ang mga gabing mag-isa kang umiiyak. Ang mga umagang gigising kang mag-isa. Ang mga pagkakataong naghihintay ka sa taong hindi naman darating.
Mabilis niyang iniwas ang tingin. Hindi siya bumalik dito para alalahanin ang nakaraan.
May rason siya kung bakit siya nandito at iyon ay ang kasunduan nila. Hindi dahil gusto niyang makasama ulit si Damian.
May mga lugar na kahit matagal mo nang iniwan, hindi mo pa rin kayang kalimutan. Hindi dahil gusto mong balikan. Kundi dahil minsan, ang lugar ang nagiging saksi sa mga bagay na hindi mo na kayang sabihin.At ganoon ang Vale Mansion para kay Elena Rose.Tatlong taon niyang hindi nakita ang bahay na minsang naging tahanan niya. At ngayon, muli siyang nakatayo sa harap ng malaking gate ng mansyon sa Tagaytay.Tahimik siyang nakatingin sa napakalawak na property habang unti-unting binubuksan ng security ang gate. Pareho pa rin naman, halos wala ngang nagbago.Ang mahabang driveway na napapalibutan ng mga puno. Ang hardin kung saan siya minsang naglakad tuwing umaga. Ang malaking fountain sa gitna ng property.Ganon pa rin ang lahat mula nang umalis siya. Walang nagbago sa mga property nito sa bahay.Pero siya? Hindi na siya ang parehong Elena na umalis dito.Mahigpit niyang hinawakan ang hawakan ng kanyang bag."Ma'am Elena?"Napalingon siya sa driver. "Okay lang po ba kayo?"Napatingin
Hindi na dapat siya magulat.Alam ni Elena Rose na kapag pumasok siya sa mundo ni Damian Vale, hindi magiging madali ang lahat. Tatlong taon niyang iniiwasan ang lalaking iyon. Tatlong taon niyang sinubukang burahin ang lahat ng alaala nila.Pero isang pagkikita lang, isang tingin lang at parang bumalik lahat ng bagay na pilit niyang itinago.Ang sakit, ang galit at iyong pagmamahal na ayaw niyang aminin na hindi pa talaga tuluyang nawala. Akala niya nakausad na siya. Fake news lang pala.Kaya nang bumalik siya sa opisina kinabukasan at makita ang sunod-sunod na problema ng Rose Atelier, hindi na siya nagulat. Parang sinusubukan siyang subukin ng tadhana."Ma'am Elena."Napatingin siya kay Mia na hawak ang ilang folder. "Another problem?"Mabilis na lumapit ang assistant niya."I tried contacting the other investors po, pero most of them backed out."Dahan-dahang napapikit si Elena. Hindi niya kailangan ng paliwanag. Alam na niya, kapag ang isang malaking kumpanya ang umatake sa isang
Hindi lahat ng laban nakikita sa mata ng ibang tao. Minsan, ang pinakamahirap na laban ay iyong tahimik mong nilalabanan habang nakangiti ka sa harap ng lahat.At iyon ang matagal nang ginagawa ni Elena Rose.Tatlong taon niyang pinatunayan sa sarili niya na kaya niya. Kaya niyang mabuhay nang wala si Damian Vale. Kaya niyang tumayo kahit wala ang apelyido nito.Kaya niyang magtagumpay nang hindi umaasa sa isang lalaking minsang naging buong mundo niya. At ginawa niya iyon.Ang Rose Atelier, na dati ay isang simpleng pangarap lang na sinusulat niya sa isang notebook, ay isa nang kilalang luxury design company sa Quezon City.Hindi man kasing laki ng mga kumpanya ng mga bilyonaryo, pero pinaghirapan niya iyon. Bawat design at bawat client. Lahat iyon kanya at lahat ng iyon ay kinaya niya.Kaya naman nang makita niya ang report sa harapan niya nang umagang iyon, hindi niya agad matanggap ang nakasulat doon."Ma'am Elena..."Dahan-dahang napatingin si Elena sa assistant niyang si Mia at
Three years.Tatlong taon na mula nang tuluyang lumabas si Elena Rose sa buhay ni Damian Vale. Tatlong taon na mula nang iwan niya ang mansion na minsang tinawag niyang tahanan. At sa loob ng tatlong taon na iyon, natutunan niyang may mga bagay na hindi mo kailangan kalimutan para lang magpatuloy.May mga sugat na mananatili. May mga alaala na kahit pilitin mong ibaon, babalik at babalik pa rin. Pero hindi ibig sabihin noon na kailangan mong manatiling mahina.Dahil si Elena Rose ay hindi na ang dating Elena na umiiyak sa isang tahimik na kwarto habang naghihintay sa lalaking palaging wala. Hindi na siya iyong babaeng umaasa na isang araw ay mapapansin siya ni Damian.Ngayon, siya ang babaeng pinapansin ng lahat."Ms. Rose, ready na po ang presentation para sa meeting natin mamaya."Napatingin si Elena mula sa laptop niya nang marinig ang boses ng assistant niya. Ngumiti siya nang bahagya bago sumagot."Thank you, Mia. Pakicheck na rin ulit yung designs bago natin ipakita sa clients."
Tahimik ang buong mansion ng mga Vale.Napakalaki ng bahay, napakaganda, at punong-puno ng mamahaling gamit na halos parang museum. Marble floors, malalaking chandelier, at mga paintings na sigurado siyang mas mahal pa kaysa sa isang ordinaryong bahay. Napabuntonghininga siya habang pinagmamasdan ang mga iyon sabay napangiti na lang siya nang mapait.Pero sa kabila ng lahat ng meron ang bahay na ‘to, hindi niya maramdaman na tahanan to eh. Hindi na.Hindi kailanman naging tahanan ang mansion na to para sa kanya. Balewala talaga ang karangyaan kung hindi mo naman ramdam.Dahan-dahang ibinaba ni Elena Rose ang tasa ng kape sa ibabaw ng mesa habang nakatingin sa bakanteng upuan sa kanyang harapan. Isang oras na siyang naghihintay. Alam niyang hindi darating si Damian sa tamang oras. Sa eksaktong oras na napag-usapan dahil si Damian Vale iyon.Ang lalaking laging inuuna ang negosyo kaysa sa kahit ano. Kahit pa ang asawa niya. Mas importante dito ang negosyo kahit pa buhay niya ang kapalit







