Se connecterHindi na dapat siya magulat.
Alam ni Elena Rose na kapag pumasok siya sa mundo ni Damian Vale, hindi magiging madali ang lahat. Tatlong taon niyang iniiwasan ang lalaking iyon. Tatlong taon niyang sinubukang burahin ang lahat ng alaala nila.
Pero isang pagkikita lang, isang tingin lang at parang bumalik lahat ng bagay na pilit niyang itinago.
Ang sakit, ang galit at iyong pagmamahal na ayaw niyang aminin na hindi pa talaga tuluyang nawala. Akala niya nakausad na siya. Fake news lang pala.
Kaya nang bumalik siya sa opisina kinabukasan at makita ang sunod-sunod na problema ng Rose Atelier, hindi na siya nagulat. Parang sinusubukan siyang subukin ng tadhana.
"Ma'am Elena."
Napatingin siya kay Mia na hawak ang ilang folder. "Another problem?"
Mabilis na lumapit ang assistant niya.
"I tried contacting the other investors po, pero most of them backed out."
Dahan-dahang napapikit si Elena. Hindi niya kailangan ng paliwanag. Alam na niya, kapag ang isang malaking kumpanya ang umatake sa isang maliit na negosyo, kadalasan, hindi na kailangan ng direktang laban.
Isang galaw lang, isang tawag, isang utos, at babagsak ang lahat. Ayaw niyang mangyari sa kaniya yon. Ang tagal niyang pinaglaban ang kompanya niya.
"How about the suppliers?"
"May ilan po na nagtaas ng presyo."
Napatawa si Elena nang mahina. Hindi dahil nakakatawa kundi dahil alam niyang may naglalaro. Someone was trying to corner her.
"Okay."
Napatingin si Mia sa kanya. "Ma'am, okay lang po ba kayo?"
Tumingin si Elena sa malaking glass window ng opisina niya. Mula rito, kita niya ang buong Quezon City. Ang lugar kung saan niya sinimulan ang lahat. Ang buhay na binuo niya matapos mawala si Damian.
"I'm fine."
Pero kahit siya, alam niyang kasinungalingan iyon. Hindi siya okay. Sinong tangang magiging okay kung ganito ang nangyayari sa kaniya? Hindi niya alam kung kaya niyang protektahan ang lahat. Hindi lang ito tungkol sa kanya.
May mga empleyado siyang umaasa, may mga taong naniwala sa kanya. At may mga taong hindi niya pwedeng biguin.
Kailangan niyang gumawa ng paraan.
---
Kinagabihan, naiwan siyang mag-isa sa opisina. Nakapatay na ang ibang ilaw at tanging desk lamp lang ang nakasindi. Sa harapan niya ay ang mga papeles ng kumpanya at sa tabi nito ay ang isang bagay na ilang taon na niyang hindi ginagamit.
Ang contact number ni Damian.
Matagal niya iyong tinitigan. Ang daling sabihin na madali lang iyong tawagan, isang pindot lang pero parang ang bigat-bigat gawin. Dahil alam niyang kapag lumapit siya kay Damian ay may kapalit iyon.
Walang libreng tulong mula kay Damian Vale.
"Stop thinking about him."
Mahina niyang sabi sa sarili pero kahit anong gawin niya, bumabalik ang alaala.
Kung paano siya nito tinitigan, kung paano siya nito niyakap noon. Kung paano siya nito pinaniwala na siya ang babaeng pipiliin nito habang buhay at kung paano siya nito sinaktan.
Napapikit siya.
Hindi siya pwedeng maging mahina. Hindi siya pwedeng bumalik sa dating Elena. Pero nang tumunog ang cellphone niya, napatingin siya agad. Hindi niya kilala ang number at nang sagutin niya...
Tumigil ang paghinga niya.
"Hello, Elena."
Boses pa lang ay kinabahan na siya. Isang boses na kahit ilang taon niyang hindi narinig, kabisado pa rin niya.
Damian.
Napahigpit ang hawak niya sa cellphone.
"What do you want?"
Tumahimik sa kabilang linya at kahit hindi niya nakikita, alam niyang hindi sanay si Damian sa ganoong tono mula sa kanya. Dati, kapag tinatawag siya nito, malambing pa ang boses niya.
"I know about your company."
Nanigas ang panga niya. Sinabi na nito ang bagay na yon nong nagkita sila sa isang event.
"Of course you do." Walang gana niyang sagot.
"Elena."
"What?"
Huminga nang malalim si Damian. "I can help you."
Napangiti siya nang mapait. There it was.
"At kapalit?"
Isang katahimikan na sapat nang sagot.
Napailing siya. "Alam ko may kapalit yan."
"Meet me tomorrow."
"I don't need your help." Mabilis niyang sagot dito.
Langya! Nakaya kong itayo nang mag-isa ang negosyo ko. Kaya ko ring ayusin to ngayon ng mag-isa, bulong niya sa sarili. Hindi niya kailangan ng tulong nito.
"Elena—"
"I said no."
At bago pa ito sumagot ay pinatay niya ang tawag.
---
Kinabukasan ay hindi niya inaasahan na pupunta mismo si Damian sa opisina niya. Pero hindi na siya nagtaka.
Dahil iyon si Damian. Kapag may gusto ito, hindi ito naghihintay. Gumagawa agad ito ng paraan.
Lumabas si Elena mula sa conference room nang makita niya ito sa lobby. Nakatayo si Damian Vale sa gitna ng mga empleyado niya. Nakasuot na naman ito ng black suit at sobrang cold ng expression nito.
"Damian."
Lumingon ito at saglit ay nakita niya ang kakaibang emosyon sa mga mata nito. Parang may gusto itong sabihin pero pinigilan lang nito.
"Elena." Lumapit ito sa kaniya. "Let's talk."
"Kung tungkol ito sa tulong mo, malinaw na ang sagot ko."
"You're being stubborn."
Natawa siya. "And you're still controlling."
Nagtagpo ang mga mata nila at ilang segundo, walang nagsalita sa kanilang dalawa. Dahil pareho nilang alam na hindi lang negosyo ang tinutukoy nilang dalawa.
"You haven't changed." Sabi ni Damian.
"Neither have you."
---
Hindi niya maintindihan ang sarili kung paano siya napapayag ni Damian na pakinggan daw muna niya ang offer nito. Siguro hindi naman masama kung pakinggan niya ngayon. Baka naman kasi may matino pala itong sagot sa mga problema niya.
Kaya heto sila ngayon, nasa private meeting room ng building, inilapag ni Damian ang isang folder sa harapan niya pero hindi niya ito agad binuksan.
"Ano ito?"
"A solution."
"Dami mong sinasabi."
Nakita pa niya ang pagtigas ng panga ni Damian. Ayaw talaga nitong binabara ito.
Binuksan niya ang folder at doon niya nakita ang proposal na kung tatanggapin niya ay maliligtas ang Rose Atelier.
Napahawak siya sa papel. Alam niyang hindi mahirap iyon kay Damian. Alam niyang kaya nito iyon. Kung tutuusin, kaya nitong ayusin ang problema niya sa isang araw.
Pero may isang kondisyon at alam niyang darating iyon.
"What do you want?"
Matagal siyang tinitigan ni Damian. Hindi niya rin alam kung saan galing ang lakas ng loob niya upang tanungin ito. Paano pala kung hindi niya kaya ang gusto nito diba?
"Marry me again."
May mga lugar na kahit matagal mo nang iniwan, hindi mo pa rin kayang kalimutan. Hindi dahil gusto mong balikan. Kundi dahil minsan, ang lugar ang nagiging saksi sa mga bagay na hindi mo na kayang sabihin.At ganoon ang Vale Mansion para kay Elena Rose.Tatlong taon niyang hindi nakita ang bahay na minsang naging tahanan niya. At ngayon, muli siyang nakatayo sa harap ng malaking gate ng mansyon sa Tagaytay.Tahimik siyang nakatingin sa napakalawak na property habang unti-unting binubuksan ng security ang gate. Pareho pa rin naman, halos wala ngang nagbago.Ang mahabang driveway na napapalibutan ng mga puno. Ang hardin kung saan siya minsang naglakad tuwing umaga. Ang malaking fountain sa gitna ng property.Ganon pa rin ang lahat mula nang umalis siya. Walang nagbago sa mga property nito sa bahay.Pero siya? Hindi na siya ang parehong Elena na umalis dito.Mahigpit niyang hinawakan ang hawakan ng kanyang bag."Ma'am Elena?"Napalingon siya sa driver. "Okay lang po ba kayo?"Napatingin
Hindi na dapat siya magulat.Alam ni Elena Rose na kapag pumasok siya sa mundo ni Damian Vale, hindi magiging madali ang lahat. Tatlong taon niyang iniiwasan ang lalaking iyon. Tatlong taon niyang sinubukang burahin ang lahat ng alaala nila.Pero isang pagkikita lang, isang tingin lang at parang bumalik lahat ng bagay na pilit niyang itinago.Ang sakit, ang galit at iyong pagmamahal na ayaw niyang aminin na hindi pa talaga tuluyang nawala. Akala niya nakausad na siya. Fake news lang pala.Kaya nang bumalik siya sa opisina kinabukasan at makita ang sunod-sunod na problema ng Rose Atelier, hindi na siya nagulat. Parang sinusubukan siyang subukin ng tadhana."Ma'am Elena."Napatingin siya kay Mia na hawak ang ilang folder. "Another problem?"Mabilis na lumapit ang assistant niya."I tried contacting the other investors po, pero most of them backed out."Dahan-dahang napapikit si Elena. Hindi niya kailangan ng paliwanag. Alam na niya, kapag ang isang malaking kumpanya ang umatake sa isang
Hindi lahat ng laban nakikita sa mata ng ibang tao. Minsan, ang pinakamahirap na laban ay iyong tahimik mong nilalabanan habang nakangiti ka sa harap ng lahat.At iyon ang matagal nang ginagawa ni Elena Rose.Tatlong taon niyang pinatunayan sa sarili niya na kaya niya. Kaya niyang mabuhay nang wala si Damian Vale. Kaya niyang tumayo kahit wala ang apelyido nito.Kaya niyang magtagumpay nang hindi umaasa sa isang lalaking minsang naging buong mundo niya. At ginawa niya iyon.Ang Rose Atelier, na dati ay isang simpleng pangarap lang na sinusulat niya sa isang notebook, ay isa nang kilalang luxury design company sa Quezon City.Hindi man kasing laki ng mga kumpanya ng mga bilyonaryo, pero pinaghirapan niya iyon. Bawat design at bawat client. Lahat iyon kanya at lahat ng iyon ay kinaya niya.Kaya naman nang makita niya ang report sa harapan niya nang umagang iyon, hindi niya agad matanggap ang nakasulat doon."Ma'am Elena..."Dahan-dahang napatingin si Elena sa assistant niyang si Mia at
Three years.Tatlong taon na mula nang tuluyang lumabas si Elena Rose sa buhay ni Damian Vale. Tatlong taon na mula nang iwan niya ang mansion na minsang tinawag niyang tahanan. At sa loob ng tatlong taon na iyon, natutunan niyang may mga bagay na hindi mo kailangan kalimutan para lang magpatuloy.May mga sugat na mananatili. May mga alaala na kahit pilitin mong ibaon, babalik at babalik pa rin. Pero hindi ibig sabihin noon na kailangan mong manatiling mahina.Dahil si Elena Rose ay hindi na ang dating Elena na umiiyak sa isang tahimik na kwarto habang naghihintay sa lalaking palaging wala. Hindi na siya iyong babaeng umaasa na isang araw ay mapapansin siya ni Damian.Ngayon, siya ang babaeng pinapansin ng lahat."Ms. Rose, ready na po ang presentation para sa meeting natin mamaya."Napatingin si Elena mula sa laptop niya nang marinig ang boses ng assistant niya. Ngumiti siya nang bahagya bago sumagot."Thank you, Mia. Pakicheck na rin ulit yung designs bago natin ipakita sa clients."
Tahimik ang buong mansion ng mga Vale.Napakalaki ng bahay, napakaganda, at punong-puno ng mamahaling gamit na halos parang museum. Marble floors, malalaking chandelier, at mga paintings na sigurado siyang mas mahal pa kaysa sa isang ordinaryong bahay. Napabuntonghininga siya habang pinagmamasdan ang mga iyon sabay napangiti na lang siya nang mapait.Pero sa kabila ng lahat ng meron ang bahay na ‘to, hindi niya maramdaman na tahanan to eh. Hindi na.Hindi kailanman naging tahanan ang mansion na to para sa kanya. Balewala talaga ang karangyaan kung hindi mo naman ramdam.Dahan-dahang ibinaba ni Elena Rose ang tasa ng kape sa ibabaw ng mesa habang nakatingin sa bakanteng upuan sa kanyang harapan. Isang oras na siyang naghihintay. Alam niyang hindi darating si Damian sa tamang oras. Sa eksaktong oras na napag-usapan dahil si Damian Vale iyon.Ang lalaking laging inuuna ang negosyo kaysa sa kahit ano. Kahit pa ang asawa niya. Mas importante dito ang negosyo kahit pa buhay niya ang kapalit







