Accueil / Romance / Bound to My Ruthless Ex / Chapter 2 — Three Years Without Him

Partager

Chapter 2 — Three Years Without Him

Auteur: Mariyah
last update Date de publication: 2026-06-11 21:47:38

Three years.

Tatlong taon na mula nang tuluyang lumabas si Elena Rose sa buhay ni Damian Vale. Tatlong taon na mula nang iwan niya ang mansion na minsang tinawag niyang tahanan. At sa loob ng tatlong taon na iyon, natutunan niyang may mga bagay na hindi mo kailangan kalimutan para lang magpatuloy.

May mga sugat na mananatili. May mga alaala na kahit pilitin mong ibaon, babalik at babalik pa rin. Pero hindi ibig sabihin noon na kailangan mong manatiling mahina.

Dahil si Elena Rose ay hindi na ang dating Elena na umiiyak sa isang tahimik na kwarto habang naghihintay sa lalaking palaging wala. Hindi na siya iyong babaeng umaasa na isang araw ay mapapansin siya ni Damian.

Ngayon, siya ang babaeng pinapansin ng lahat.

"Ms. Rose, ready na po ang presentation para sa meeting natin mamaya."

Napatingin si Elena mula sa laptop niya nang marinig ang boses ng assistant niya. Ngumiti siya nang bahagya bago sumagot.

"Thank you, Mia. Pakicheck na rin ulit yung designs bago natin ipakita sa clients."

Tumango ang dalaga. "Yes, ma'am."

Pagkalabas nito, sandaling nanatiling tahimik si Elena sa loob ng opisina. Napatingin siya sa paligid. Malaking pagbabago ang nangyari sa kaniya mula nang umalis siya sa poder ng asawa niya.

Dati, ang mundo niya ay umiikot sa isang tao. Ngayon, may sarili na siyang mundo.

Ang Rose Atelier ay nagsimula lamang bilang isang maliit na negosyo. Ilang piraso lang ng design ang ginagawa niya noon. Ilang clients na halos hindi niya kilala. Walang malaking pangalan. Walang malaking puhunan at walang tulong mula sa kahit sino.

Lalo na kay Damian at iyon ang ipinagmamalaki niya.

Dahil bawat tagumpay na meron siya ngayon ay pinaghirapan niya. Hindi niya ginamit ang apelyidong Vale. Hindi niya ginamit ang pera ng dating asawa niya. Hindi niya ginamit ang koneksyon nito.

Gusto niyang patunayan sa sarili niya na kaya niyang tumayo nang mag-isa. Na hindi siya naging mahalaga dahil asawa siya ng isang bilyonaryo.

Mahalaga siya dahil siya si Elena Rose.

Huminga siya nang malalim habang tinitingnan ang logo ng kanyang kumpanya. 

Rose Atelier.

Pangarap niya ito noon at ngayon sa wakas ay naging totoo na. Pero sa kabila ng lahat ng tagumpay niya, may isang bagay pa rin na hindi niya kayang takasan.

Ang nakaraan.

Napatingin siya sa drawer ng kanyang mesa. Dahan-dahan niya iyong binuksan. Nandoon pa rin ang isang lumang larawan. Larawan nila ni Damian iyon na magkasama sila sa isang beach. Pareho silang nakangiti at sa picture na iyon, hindi siya mukhang babae na nasasaktan. Sobrang saya niya sa picture.

Dahil noon, naniwala siya. Naniwala siyang siya at si Damian ay panghabambuhay na. Akala niya talaga pang forever na eh. Pero parang siya lang pala ang naniniwala non.

Napangiti siya nang mapait. 

"Ang tanga mo talaga, Elena." Mahina niyang bulong sa sarili.

Hindi niya alam kung bakit itinago niya pa ang larawan na yon. Siguro dahil kahit gaano niya kamuhian ang nakaraan, parte pa rin iyon ng buhay niya.

Parte pa rin niya si Damian kahit ayaw niyang aminin. Naging parte din ito ng buhay niya.

---

Samantala, sa kabilang bahagi ng Pilipinas ay ibang klaseng mundo naman ang ginagalawan ni Damian Vale.

Ang Vale Corporation ay mas lumaki kaysa dati. Mas maraming branches na ngayon, mas nagkaroon ng maraming investors at mas nagkaroon ng malaking pangalan.

Sa mata ng publiko, wala siyang talo. Siya ang tipo ng lalaki na kapag pumasok sa isang silid, lahat ay tumatahimik. Isang tingin lang niya, alam na ng lahat kung sino ang may control.

"Sir, the Singapore investors are already waiting."

Hindi inalis ni Damian ang tingin sa mga papeles sa harap niya.

"Move the meeting."

Natigilan ang assistant niya. "Sir?"

"I said move it."

"Pero sir, malaking deal po ito."

Huminto si Damian at dahan-dahan siyang tumingin at agad namang natahimik ang assistant niya.

"Do you think I don't know that?"

"No, sir."

"Then stop reminding me."

Tumango agad ang assistant. "Yes, sir."

Pagkaalis nito ay bumalik ang katahimikan. Isang bagay na hindi nawala sa buhay ni Damian. Kahit gaano kalaki ang kumpanya niya. Kahit gaano karaming tao ang nakapaligid sa kanya. Mag-isa pa rin siya.

Dahil ang tanging taong gusto niyang makasama ay wala na. Napatingin siya sa isang maliit na frame sa gilid ng desk niya. Isang lumang litrato ang nakapatong don at picture iyon ni Elena.

Alam niyang hindi na dapat siya naglalagay pa ng picture ni Elena sa mesa niya pero hindi niya kayang itapon iyon. Hindi niya kayang itapon ang mga alaala nila.

Tatlong taon na.

Tatlong taon mula nang mawala ito sa piling niya pero hanggang ngayon, kabisado pa rin niya lahat. Ang paborito nitong kape, ang paraan ng pagngiti nito kapag natutuwa, at ang ugali nitong kagatin ang labi kapag nag-iisip.

Mga bagay na dati niyang hindi binibigyan ng halaga. Ngayon, iyon ang mga bagay na bumabalik sa kaniya tuwing gabi.

Napahawak siya sa litrato at hinaplos ang mukha ni Elena doon. Aminin man niya o sa hindi, hindi naging madali sa kaniya nang iwanan siya nito. Siguro dahil nasanay siya na palagi itong nasa tabi niya.

"Masaya ka ba ngayon, Elena?"

Tanging katahimikan ang sagot at iyon ang pinakamasakit dahil hindi niya alam. Hindi na niya alam kung ano ang buhay ng babaeng minsang naging buong mundo niya.

Noong una matapos ang divorce, naniwala siyang babalik ito. Akala niya galit lang ito. Akala niya kailangan lang nitong lumamig ang ulo. Pero lumipas ang isang buwan, isang taon, hanggang sa naging dalawang taon.

At hindi bumalik si Elena.

Doon niya unti-unting naintindihan. Hindi siya iniwan ni Elena para saktan siya. Iniwan siya nito dahil tuluyan na itong nasaktan.

At iyon ang bagay na hindi niya matanggap.

Si Damian Vale, ang lalaking kayang bilhin ang kahit anong gusto niya, ay walang magawa para makuha ulit ang isang bagay na hindi naman talaga niya pag-aari.

Ang puso ni Elena.

---

Kinagabihan, nakaupo si Elena sa kanyang condo habang nakatingin sa sa buong syudad.

Tahimik ang paligid at iyon ang palagi niyang gusto. Iyong walang nag-uutos sa kaniya o nagdidikta ng mga dapat niyang gawin. Simple lang naman kasi ang gusto niya, payapa at malaya siya.

Simpleng bagay na matagal niyang hinanap.

Kinuha niya ang cellphone niya nang biglang may pumasok na email. Akala niya tungkol iyon sa trabaho. Pero nang makita niya ang pangalan ng sender, biglang tumigil ang paghinga niya.

Vale Corporation.

Nanigas ang kamay niya. Matagal niyang tinitigan ang pangalan. Parang isang simpleng salita lang iyon pero sapat para bumalik ang lahat. Ang lahat ng sakit at galit na nararamdaman niya.

At ang pagmamahal na pilit niyang itinago.

Dahan-dahan niyang binuksan ang email at doon niya nakita ang isang mensahe.

"Ms. Elena Rose, we would like to schedule a meeting regarding your company."

Continuez à lire ce livre gratuitement
Scanner le code pour télécharger l'application

Dernier chapitre

  • Bound to My Ruthless Ex   Chapter 5 — Back to the Vale Mansion

    May mga lugar na kahit matagal mo nang iniwan, hindi mo pa rin kayang kalimutan. Hindi dahil gusto mong balikan. Kundi dahil minsan, ang lugar ang nagiging saksi sa mga bagay na hindi mo na kayang sabihin.At ganoon ang Vale Mansion para kay Elena Rose.Tatlong taon niyang hindi nakita ang bahay na minsang naging tahanan niya. At ngayon, muli siyang nakatayo sa harap ng malaking gate ng mansyon sa Tagaytay.Tahimik siyang nakatingin sa napakalawak na property habang unti-unting binubuksan ng security ang gate. Pareho pa rin naman, halos wala ngang nagbago.Ang mahabang driveway na napapalibutan ng mga puno. Ang hardin kung saan siya minsang naglakad tuwing umaga. Ang malaking fountain sa gitna ng property.Ganon pa rin ang lahat mula nang umalis siya. Walang nagbago sa mga property nito sa bahay.Pero siya? Hindi na siya ang parehong Elena na umalis dito.Mahigpit niyang hinawakan ang hawakan ng kanyang bag."Ma'am Elena?"Napalingon siya sa driver. "Okay lang po ba kayo?"Napatingin

  • Bound to My Ruthless Ex   Chapter 4 — The Impossible Deal

    Hindi na dapat siya magulat.Alam ni Elena Rose na kapag pumasok siya sa mundo ni Damian Vale, hindi magiging madali ang lahat. Tatlong taon niyang iniiwasan ang lalaking iyon. Tatlong taon niyang sinubukang burahin ang lahat ng alaala nila.Pero isang pagkikita lang, isang tingin lang at parang bumalik lahat ng bagay na pilit niyang itinago.Ang sakit, ang galit at iyong pagmamahal na ayaw niyang aminin na hindi pa talaga tuluyang nawala. Akala niya nakausad na siya. Fake news lang pala.Kaya nang bumalik siya sa opisina kinabukasan at makita ang sunod-sunod na problema ng Rose Atelier, hindi na siya nagulat. Parang sinusubukan siyang subukin ng tadhana."Ma'am Elena."Napatingin siya kay Mia na hawak ang ilang folder. "Another problem?"Mabilis na lumapit ang assistant niya."I tried contacting the other investors po, pero most of them backed out."Dahan-dahang napapikit si Elena. Hindi niya kailangan ng paliwanag. Alam na niya, kapag ang isang malaking kumpanya ang umatake sa isang

  • Bound to My Ruthless Ex   Chapter 3 — The Unexpected Reunion

    Hindi lahat ng laban nakikita sa mata ng ibang tao. Minsan, ang pinakamahirap na laban ay iyong tahimik mong nilalabanan habang nakangiti ka sa harap ng lahat.At iyon ang matagal nang ginagawa ni Elena Rose.Tatlong taon niyang pinatunayan sa sarili niya na kaya niya. Kaya niyang mabuhay nang wala si Damian Vale. Kaya niyang tumayo kahit wala ang apelyido nito.Kaya niyang magtagumpay nang hindi umaasa sa isang lalaking minsang naging buong mundo niya. At ginawa niya iyon.Ang Rose Atelier, na dati ay isang simpleng pangarap lang na sinusulat niya sa isang notebook, ay isa nang kilalang luxury design company sa Quezon City.Hindi man kasing laki ng mga kumpanya ng mga bilyonaryo, pero pinaghirapan niya iyon. Bawat design at bawat client. Lahat iyon kanya at lahat ng iyon ay kinaya niya.Kaya naman nang makita niya ang report sa harapan niya nang umagang iyon, hindi niya agad matanggap ang nakasulat doon."Ma'am Elena..."Dahan-dahang napatingin si Elena sa assistant niyang si Mia at

  • Bound to My Ruthless Ex   Chapter 2 — Three Years Without Him

    Three years.Tatlong taon na mula nang tuluyang lumabas si Elena Rose sa buhay ni Damian Vale. Tatlong taon na mula nang iwan niya ang mansion na minsang tinawag niyang tahanan. At sa loob ng tatlong taon na iyon, natutunan niyang may mga bagay na hindi mo kailangan kalimutan para lang magpatuloy.May mga sugat na mananatili. May mga alaala na kahit pilitin mong ibaon, babalik at babalik pa rin. Pero hindi ibig sabihin noon na kailangan mong manatiling mahina.Dahil si Elena Rose ay hindi na ang dating Elena na umiiyak sa isang tahimik na kwarto habang naghihintay sa lalaking palaging wala. Hindi na siya iyong babaeng umaasa na isang araw ay mapapansin siya ni Damian.Ngayon, siya ang babaeng pinapansin ng lahat."Ms. Rose, ready na po ang presentation para sa meeting natin mamaya."Napatingin si Elena mula sa laptop niya nang marinig ang boses ng assistant niya. Ngumiti siya nang bahagya bago sumagot."Thank you, Mia. Pakicheck na rin ulit yung designs bago natin ipakita sa clients."

  • Bound to My Ruthless Ex   Chapter 1 — The Divorce Papers

    Tahimik ang buong mansion ng mga Vale.Napakalaki ng bahay, napakaganda, at punong-puno ng mamahaling gamit na halos parang museum. Marble floors, malalaking chandelier, at mga paintings na sigurado siyang mas mahal pa kaysa sa isang ordinaryong bahay. Napabuntonghininga siya habang pinagmamasdan ang mga iyon sabay napangiti na lang siya nang mapait.Pero sa kabila ng lahat ng meron ang bahay na ‘to, hindi niya maramdaman na tahanan to eh. Hindi na.Hindi kailanman naging tahanan ang mansion na to para sa kanya. Balewala talaga ang karangyaan kung hindi mo naman ramdam.Dahan-dahang ibinaba ni Elena Rose ang tasa ng kape sa ibabaw ng mesa habang nakatingin sa bakanteng upuan sa kanyang harapan. Isang oras na siyang naghihintay. Alam niyang hindi darating si Damian sa tamang oras. Sa eksaktong oras na napag-usapan dahil si Damian Vale iyon.Ang lalaking laging inuuna ang negosyo kaysa sa kahit ano. Kahit pa ang asawa niya. Mas importante dito ang negosyo kahit pa buhay niya ang kapalit

Plus de chapitres
Découvrez et lisez de bons romans gratuitement
Accédez gratuitement à un grand nombre de bons romans sur GoodNovel. Téléchargez les livres que vous aimez et lisez où et quand vous voulez.
Lisez des livres gratuitement sur l'APP
Scanner le code pour lire sur l'application
DMCA.com Protection Status