Se connecterHindi lahat ng laban nakikita sa mata ng ibang tao. Minsan, ang pinakamahirap na laban ay iyong tahimik mong nilalabanan habang nakangiti ka sa harap ng lahat.
At iyon ang matagal nang ginagawa ni Elena Rose.
Tatlong taon niyang pinatunayan sa sarili niya na kaya niya. Kaya niyang mabuhay nang wala si Damian Vale. Kaya niyang tumayo kahit wala ang apelyido nito.
Kaya niyang magtagumpay nang hindi umaasa sa isang lalaking minsang naging buong mundo niya. At ginawa niya iyon.
Ang Rose Atelier, na dati ay isang simpleng pangarap lang na sinusulat niya sa isang notebook, ay isa nang kilalang luxury design company sa Quezon City.
Hindi man kasing laki ng mga kumpanya ng mga bilyonaryo, pero pinaghirapan niya iyon. Bawat design at bawat client. Lahat iyon kanya at lahat ng iyon ay kinaya niya.
Kaya naman nang makita niya ang report sa harapan niya nang umagang iyon, hindi niya agad matanggap ang nakasulat doon.
"Ma'am Elena..."
Dahan-dahang napatingin si Elena sa assistant niyang si Mia at agad niyang napansin ang pag-aalala sa mukha nito. Hindi niya ito madalas makitaan ng pag-aalala ang assistant niya dahil si Mia ay sanay sa pressure. Sanay ito sa mga biglaang pagbabago sa schedule at problema sa negosyo nila.
Pero ngayon? Halatang may hindi magandang balita.
"Ano'ng nangyari?"
Tahimik na lumapit si Mia at inilapag ang tablet sa mesa.
"Ma'am, tungkol po sa Luminare Group."
Huminto ang kamay ni Elena habang inaayos ang mga papeles. Ang Luminare Group. Isa iyon sa pinakamalaking projects ng Rose Atelier. Hindi lang pera ang nakataya roon kundi mga empleyado niya, mga plano niya, at ang taong naniniwala sa kaniya.
"May problema ba sa contract?"
Hindi agad sumagot si Mia at doon pa lang, alam na niya na may malalang nangyari.
"Kinansela po nila."
Saglit na natahimik ang buong opisina at parang biglang nawala ang lahat ng tunog.
"Cancel?"
Tumango si Mia. "May bago po silang pinili."
Dahan-dahang sumandal si Elena sa kanyang upuan. Pero hindi siya nagpanic, hindi siya sumigaw sa frustrations at hindi siya nagwala. Dahil natutunan niya na ang isang leader ay hindi pwedeng basta-basta gumuho sa harap ng mga tao niya.
"Who took the project?"
Nagkatinginan muna sila ni Mia bago ito sumagot.
"Vale Corporation po."
At doon, sa isang segundo ay parang bumalik ang lahat. Lahat ng alaala niya sa lalaking CEO ng corporation na yon. Parang bigla siyang nanlamig na lahat ng alaala na iyon ay tila nagkaroon ng video presentation sa utak niya.
Napakuyom ang kamay ni Elena sa ilalim ng mesa.
Tatlong taon niyang iniwasan ang pangalan na iyon pero isang araw lang ay ganito ang mangyayari. Isang balita lang ang narinig niya pero bumalik agad ang lahat ng sakit na akala niya matagal nang natutunan niyang kontrolin.
"Ma'am?"
Bumalik siya sa realidad nang marinig ang boses ni Mia.
"Okay lang po ba kayo?"
Ngumiti si Elena pero hindi umabot sa mga mata niya. Hindi siya dapat magpakita ng kung anong emotion sa assistant niya tungkol sa nakaraan niya.
"I'm fine." Isang sagot na ilang beses na niyang ginamit kahit hindi naman talaga totoo. "May magagawa tayo. Hanapan natin ng ibang investors."
"But ma'am, malaking part po ng expansion plan natin ito."
Alam niya. Alam na alam niya. Kapag nawala ang project na iyon, maaapektuhan ang buong kumpanya nila. Pero higit sa lahat, alam niyang may dahilan kung bakit nangyari iyon.
Hindi simpleng negosyo lang. Dahil kung si Damian Vale ang nasa likod nito at hindi ito basta-basta gumagalaw.
---
Nang gabing iyon, halos lahat ng ilaw sa opisina ng Rose Atelier ay patay na. Maliban sa ilaw sa opisina ni Elena. Mag-isa siyang nakaupo habang nakatingin sa mga financial reports. Puno ng mga numbers ang reports na yon, puno ng mga plano at kung ano-ano na umiikot sa isip niya.
Sa totoo lang, hindi siya takot sa problema. Ang mas kinatatakutan niya ay ang katotohanan na baka hindi lang negosyo ang target na pabagsakin.
Kundi baka siya na mismo.
Napalunok siya saka kumuha ng isang basong tubig na nasa tabi niya saka iyon ininom. Nanginginig pa ang mga daliri niya. Hindi sa kaba kundi sa inis at galit niya na naghalo-halo na.
Tatlong taon niyang itinayo ang buhay niya. Hindi niya hahayaang sirain iyon ng kahit sino. Kahit pa ang taong minsang sumira sa kanya. Mas lalong hindi siya papayag na muli pa siyang masira sa iisang tao lang.
Tumunog ang cellphone niya kaya agad niyang tinignan ang screen. Pangalan ni Attorney Lucas ang nakasulat kaya agad niyang sinagot ang tawag.
"Hello?"
"Elena, may nahanap akong kakaiba."
Naging alerto siya sa sinabi nito. Napaayos pa siya ng upo.
"About the contract?"
"Yes."
Humigpit ang hawak niya sa phone. "What is it?"
"Someone leaked your proposal."
Nanigas siya. "What?"
"Yung details ng offer mo sa Luminare. Hindi iyon pwedeng malaman ng competitor unless may access sila."
Natahimik siya sa sinabi nito. Isa lang naman ang ibig sabihin no’n eh, meaning may traydor na nakapalibot sa kaniya. May taong nagbigay ng information.
"May idea ka kung sino?"
"Not yet."
Napatingin siya sa madilim na bintana ng opisina. Hindi niya alam kung sino ang kalaban pero isang bagay ang malinaw. Kailangan niya ng taong kayang lumaban sa ganitong klase ng laro. At ayaw man niyang aminin, iisa lang ang taong naiisip niya.
---
Makalipas ang dalawang araw. Ginaganap ang annual business gala ng mga pinakamayayamang negosyante sa Makati. Isa ito sa pinakamalaking event ng taon. Dati, pumupunta siya sa ganitong klase ng event bilang asawa ni Damian Vale. Pero ngayon?
Pumunta siya bilang Elena Rose.
Isang babae na may sariling pangalan.
Suot niya ang isang elegant na black dress. Simple pero classy. Hindi niya kailangan ng sobrang kintab para mapansin. Dahil ang confidence niya mismo ang naging dahilan kung bakit siya napapansin.
Pagpasok niya sa ballroom, ilang tao agad ang tumingin sa kaniya. May ipa na nakita niyang nagbulungan.
"Siya ba si Elena Rose?"
"Ex-wife ni Damian Vale?"
"Ang laki ng pinagbago niya."
Bulungan na narinig naman niya. Pero hindi siya naapektuhan. Hindi na siya iyong dating Elena na nasasaktan sa opinyon ng ibang tao. Pero nang maramdaman niya ang isang pamilyar na tingin. Hindi niya napigilan ang paghinto.
—-
Parang tumigil ang mundo ni Damian ng ilang segundo.
Dati, ilang beses niyang gustong makita ito at ngayon ay nangyari na. Pero bakit parang gusto niyang tumakas?
Nanatili siyang nakatayo habang ang mga mata niya ay tila nakapako na sa ganda ng nakikita niya. And for the first time, nawala ang pagiging kalmado niya. Dahil hindi naman niya talaga inaasahan na makikita niya ito ngayon.
Hindi niya inaasahan na ganito na kaganda ang makikita niya. Isa lang naman ang nakita niyang maganda, walang iba kundi si Elena.
At isa lang din ang tumatakbo sa isipan niya ngayon, hindi na ito ang Elena na iniwan niya.
Mali, hindi na ito ang Elena na nang-iwan sa kaniya.
Mas gumanda ito, mas nagkaroon ng self-confidence at higit sa lahat, hindi na ang babaeng palagi siyang hinihintay..
Kahit kinakabahan siya ay pinili ng mga paa niya na humakbang papalapit kay Elena. Mas lumakas ang pagkabog no’n nang mas malapit na siya dito. Sinasabayan ng dibdib niya ang kaniyang bawat hakbang.
"Elena."
Isang pangalan pero sapat para bumalik ang sakit. Nasaktan din naman siya nong umalis ito. Parang nawalan siya ng spark at kulay sa buhay niya.
"Damian."
Tinawag din siya nito pagaling. Pero ibang-iba ang pagbigkas nito sa pangalan niya. Sobrang lamig na para bang hindi sila dating mag-asawa.
At iyon ang mas masakit para kay Damian. Dahil dati, sa paraan pa lang ng pagtingin nito sa kanya, alam niyang mahal siya nito.
Pero ngayon, wala na talaga.
"I heard about your company."
Napangiti si Elena nang bahagya sa sinabi niya.
"Of course you did."
"What does that mean?"
"Nothing."
Pero pareho nilang alam na may ibig sabihin ang sinabi nito pero binalewala niya ang lahat at mas lumapit pa siya ng kaunti sa dati niyang asawa.
"You don't have to handle everything alone."
Napatawa si Elena. Isang mahinang tawa na puno ng sakit.
"That's funny."
"Funny? Bakit?" Tumingin siya diretso sa mga mata nito.
"Dahil ikaw ang nagsabi niyan."
Nanahimik si Damian. Hindi niya akalain na sasagutin siya nito ng ganon. Bago pa makasagot si Damian, may tumawag sa kanya.
"Ms. Rose!"
Napatingin si Elena sa likuran nito at pagkatapos ay tiningnan siya ulit. Wala na talaga siyang makitang pagmamahal sa mga mata nito.
"I have to go."
At naglakad na ito palayo.
Katulad kung paano ito lumayo sa kaniya noon.
May mga lugar na kahit matagal mo nang iniwan, hindi mo pa rin kayang kalimutan. Hindi dahil gusto mong balikan. Kundi dahil minsan, ang lugar ang nagiging saksi sa mga bagay na hindi mo na kayang sabihin.At ganoon ang Vale Mansion para kay Elena Rose.Tatlong taon niyang hindi nakita ang bahay na minsang naging tahanan niya. At ngayon, muli siyang nakatayo sa harap ng malaking gate ng mansyon sa Tagaytay.Tahimik siyang nakatingin sa napakalawak na property habang unti-unting binubuksan ng security ang gate. Pareho pa rin naman, halos wala ngang nagbago.Ang mahabang driveway na napapalibutan ng mga puno. Ang hardin kung saan siya minsang naglakad tuwing umaga. Ang malaking fountain sa gitna ng property.Ganon pa rin ang lahat mula nang umalis siya. Walang nagbago sa mga property nito sa bahay.Pero siya? Hindi na siya ang parehong Elena na umalis dito.Mahigpit niyang hinawakan ang hawakan ng kanyang bag."Ma'am Elena?"Napalingon siya sa driver. "Okay lang po ba kayo?"Napatingin
Hindi na dapat siya magulat.Alam ni Elena Rose na kapag pumasok siya sa mundo ni Damian Vale, hindi magiging madali ang lahat. Tatlong taon niyang iniiwasan ang lalaking iyon. Tatlong taon niyang sinubukang burahin ang lahat ng alaala nila.Pero isang pagkikita lang, isang tingin lang at parang bumalik lahat ng bagay na pilit niyang itinago.Ang sakit, ang galit at iyong pagmamahal na ayaw niyang aminin na hindi pa talaga tuluyang nawala. Akala niya nakausad na siya. Fake news lang pala.Kaya nang bumalik siya sa opisina kinabukasan at makita ang sunod-sunod na problema ng Rose Atelier, hindi na siya nagulat. Parang sinusubukan siyang subukin ng tadhana."Ma'am Elena."Napatingin siya kay Mia na hawak ang ilang folder. "Another problem?"Mabilis na lumapit ang assistant niya."I tried contacting the other investors po, pero most of them backed out."Dahan-dahang napapikit si Elena. Hindi niya kailangan ng paliwanag. Alam na niya, kapag ang isang malaking kumpanya ang umatake sa isang
Hindi lahat ng laban nakikita sa mata ng ibang tao. Minsan, ang pinakamahirap na laban ay iyong tahimik mong nilalabanan habang nakangiti ka sa harap ng lahat.At iyon ang matagal nang ginagawa ni Elena Rose.Tatlong taon niyang pinatunayan sa sarili niya na kaya niya. Kaya niyang mabuhay nang wala si Damian Vale. Kaya niyang tumayo kahit wala ang apelyido nito.Kaya niyang magtagumpay nang hindi umaasa sa isang lalaking minsang naging buong mundo niya. At ginawa niya iyon.Ang Rose Atelier, na dati ay isang simpleng pangarap lang na sinusulat niya sa isang notebook, ay isa nang kilalang luxury design company sa Quezon City.Hindi man kasing laki ng mga kumpanya ng mga bilyonaryo, pero pinaghirapan niya iyon. Bawat design at bawat client. Lahat iyon kanya at lahat ng iyon ay kinaya niya.Kaya naman nang makita niya ang report sa harapan niya nang umagang iyon, hindi niya agad matanggap ang nakasulat doon."Ma'am Elena..."Dahan-dahang napatingin si Elena sa assistant niyang si Mia at
Three years.Tatlong taon na mula nang tuluyang lumabas si Elena Rose sa buhay ni Damian Vale. Tatlong taon na mula nang iwan niya ang mansion na minsang tinawag niyang tahanan. At sa loob ng tatlong taon na iyon, natutunan niyang may mga bagay na hindi mo kailangan kalimutan para lang magpatuloy.May mga sugat na mananatili. May mga alaala na kahit pilitin mong ibaon, babalik at babalik pa rin. Pero hindi ibig sabihin noon na kailangan mong manatiling mahina.Dahil si Elena Rose ay hindi na ang dating Elena na umiiyak sa isang tahimik na kwarto habang naghihintay sa lalaking palaging wala. Hindi na siya iyong babaeng umaasa na isang araw ay mapapansin siya ni Damian.Ngayon, siya ang babaeng pinapansin ng lahat."Ms. Rose, ready na po ang presentation para sa meeting natin mamaya."Napatingin si Elena mula sa laptop niya nang marinig ang boses ng assistant niya. Ngumiti siya nang bahagya bago sumagot."Thank you, Mia. Pakicheck na rin ulit yung designs bago natin ipakita sa clients."
Tahimik ang buong mansion ng mga Vale.Napakalaki ng bahay, napakaganda, at punong-puno ng mamahaling gamit na halos parang museum. Marble floors, malalaking chandelier, at mga paintings na sigurado siyang mas mahal pa kaysa sa isang ordinaryong bahay. Napabuntonghininga siya habang pinagmamasdan ang mga iyon sabay napangiti na lang siya nang mapait.Pero sa kabila ng lahat ng meron ang bahay na ‘to, hindi niya maramdaman na tahanan to eh. Hindi na.Hindi kailanman naging tahanan ang mansion na to para sa kanya. Balewala talaga ang karangyaan kung hindi mo naman ramdam.Dahan-dahang ibinaba ni Elena Rose ang tasa ng kape sa ibabaw ng mesa habang nakatingin sa bakanteng upuan sa kanyang harapan. Isang oras na siyang naghihintay. Alam niyang hindi darating si Damian sa tamang oras. Sa eksaktong oras na napag-usapan dahil si Damian Vale iyon.Ang lalaking laging inuuna ang negosyo kaysa sa kahit ano. Kahit pa ang asawa niya. Mas importante dito ang negosyo kahit pa buhay niya ang kapalit







