LOGINWhat do you think Renzo should do? :D
RENZODay 1Tinitigan ko yung contract sa desk ko. Meron ng signatures. Sa akin. At kay Maya.30 days. 30 days para buuin ang tiwala. O tapusin ang lahat. Hindi ko alam kung anong resulta ang mas gusto ko. Tumunog ang phone ko. Si Margaret. “Andito na po si Ms. Cruz. Papasukin ko na po?”“Give me two minutes. Then send her to Conference Room A.”Kinuha ko yung case files at nagpunta sa conference room.Pagpasok ko, natigilan ako. Andun si Maria Ysabel. Hindi si Maya.Of course, it’s understandable. Kailangan niyang magpanggap pa rin or parang inannounce na namin sa mundo yung panlolokong ginawa niya. And I would not want that to happen. Kahit galit ako sa kanya. I would prefer her to keep things the way they are.Smart move.Ang hirap lang this time because I know that it’s Maya, my ex-wife underneath.Ngayon, mas nakikita ko na. Yung slight nervousness niya sa kung paano ina-adjust niya yung bracelet niya. She has mannerisms na nakikita ko kay Maya na ginagawa rin naman ni M
RENZOTiningnan ko si Maya. Nakatayo pa rin pero obviously nasaktan sa sinabi ko. “Hold on,” sabi ko kay Margaret bago takpan ang phone. “Nasa ‘yo na ba ang lahat ng evidence para bukas?” tanong ko kay Maya.“Yes, sir,” sagot niya agad. Voice back to Maria Ysabel mode. Professional. “Lahat ay ready na. I’ll send it to your email tonight.”“Good.” In-open ko na yung phone. “Confirm the meeting. 2PM. Conference Room A. And tell Atty. Galang that Ms. Cruz will send preliminary documents tonight.”“Understood, sir. Is there anything else?”“No, that’s all.”I hung up. Then I turned to Maya.“So. Tomorrow. 2PM…”“Wait lang po,” sabi niya.Natigilan ako. “What?”May tina-type siya sa phone niya. Mabilis. Nakakunot ang noo niya sa pag-concentrate. “Anong ginagawa mo?”“One minute lang po,” sabi naman niya. Natapos siyang magtype. Tapos kumuha siya ng notebook sa bag niya at nagsulat naman. “Maya, what…”“Konti nalang, sir,” sabi niya. Ni hindi tumitingin sa akin. Pinanood ko siya magsul
RENZOMy vision went red. Wala pang one week after namin mag-sign ng annulment papers. Naka-move on na siya agad?I walked over. Hindi ko kayang pigilan sarili ko. “Maya,” sabi ko. Mas mabigat ang tono ko sa gusto ko. “I need to talk to you. About the audit reports.”Lumingon siya sa akin. At nakita kong nanlumo yung ngiti niya. Yung liwanag niya kanina, dumilim.Napalitan ng takot at pag-aalala. “Audit reports, sir?” Ulit niya. “Akala ko… Akala ko lahat ng work-related ay kay Ma’am Marga ko po sasabihin. Yun po yung sabi niyo.”@#$!Tama siya. Yun nga pala yung sabi ko.“Iba ‘to,” sabi ko agad kahit nagmamadali yung utak ko sa pag-iisip ng excuse. “It’s… It’s urgent. Regarding… regarding some discrepancies sa Q2 findings. Kailangan nating i-clarify bago yung meeting bukas sa legal.”Smooth. Mukhang may sense. “Oh,” reaksiyon niya. “Mag-send nalang po ako ng email…”“Now,” sabi ko. “It needs to be now.”Tumingin ako kay Carlos. Cold. Dismissive. “We’ll need privacy. Company busi
MAYA“Naalala mo yung nasa 7-eleven tayo?” pagpapatuloy niya. “Nung nagpakita yung asawa mo. Dun ko lang nalaman na kinasal ka na pala.”Napatingin ako sa malayo. “Sa totoo lang, nabasag yung puso ko nun.”Napahawak siya sa dibdib niya at nangiti ng bahagya. Tapos tumingin sa akin ng seryoso.“Alam ko nasasaktan ka ngayon. Nakikita ko. At alam kong dahil yun sa kanya.”“Hindi naman…” ide-deny ko sana. Pero dere-deretso siya magsalita. “Ayokong i-take advantage yun. Hindi ko siya balak palitan or anything like that. Gusto ko lang malaman mo na may nakakakita sa’yo sa kung sino ka talaga. May nagpapahalaga sa ‘yo. At kung anuman nangyari sa inyo ni Mr. Alcantara, anumang nasabi niya o ginawa niya, hindi mababago nun yung halaga mo. Worth it kang mahalin. Worth it kang piliin.”Nangilid ang luha ko. Dahil natumbok niya kung anung nararamdman ko. Feeling ko wala akong kwentang tao. Kaya iniiwan ako ng mga mahal ko sa buhay. Si Nanay. Si Renzo. Hindi ko deserve mahalin. Hindi ko deserve
MAYA Masakit sa akin na naghiwalay kami. Pero mas masakit sa akin na ako ang naging dahilan kung bakit nasaktan si Renzo. Hindi niya deserve. At wala akong magawa para i-comfort siya dahil ayaw niya akong makita. “Dapat ba vase yan?!” Tanong sakin ni Carlos na nagpabalik sa akin sa ulirat. “Hindi naman. Abstract yan,” pagtatanggol ko sa sarili ko. “Abstract… Mukhang clay na pinaglaruan ng kinder.” Natawa ako. Pakiramdam ko kahit papano, gumagaan yung pakiramdam ko. Parang escape sa lahat. Kay Renzo. Sa annulment. Sa pakiramdam ng itinataboy. Sa guilt sa kasalanan. Sa kahit konting minuto, pakiramdam ko normal na tao ako. “Thank you,” sabi ko kay Carlos. “Sa pagpapagaan ng kalooban ko.” “Anytime,” sabi ni Carlos. “Basta kailangan mo, andito lang ako…” Pagkatapos naming magpalayok, nag-lakad-lakad kami. “Ice cream?” sabi ni Carlos habang itinuturo yung isang ice cream shop. “Huwag na…” “Sige na,” sabi niya. “Kelan ka ba huling bumili nang dahil trip mo lang. Walang
RENZO“Nasa fields… sir. Bakit po?” She was using her real voice this time. Maya’s voice.Parang may kumurot sa dibdib ko. Don’t let it affect you, Renzo. “Come to my office. Now. We need to sign the annulment papers.”Tumahimik siya. “I understand,” sagot niya. Malungkot ang boses.I hung up bago pa ako ma-sway. After an hour, there was a knock on the door. “Come in.” Pumasok si Maya. Naka-Maria Ysabel mode pa rin siya. Probably out of professionalism. Ayaw niyang maka-apekto sa trabaho niya yung personal life niya. Tsk. She’s a good worker talaga. Kung hindi lang nagkaganito…“Sit,” I said. Voice hard.Umupo naman siya. I slid the paper across the desk. Pinirmahan ko na yung part ko. “Sign these.”TIningnan niya yung mga papel. Tapos tumingin sa akin. Nangingilid ang luha. “I’m sorry,” sabi niya. “For… for everything. Sa pagsisinungaling Sa paggamit sayo. Sa pagtataksi sa yo. Alam kong hindi ko deserve ang kapatawaran mo. Alam kong ako ang gumawa nito sa sarili ko. Stil







