LOGINNagising si Elena sa malamig na dampi ng hangin mula sa kurtinang unti-unting gumagalaw. Maaga pa. Tahimik ang buong mansyon, pero ramdam niya ang presensiya nito.
Si Nathan. Paglingon niya, nandoon ito sa gilid ng kama, nakaupo, may hawak na tasa ng kape. Ang suot nito ay simpleng polo, bahagyang bukas ang unang butones, at sa likod ng malamig nitong titig ay may kung anong lambing na ngayon lang niya nakikita. “Good morning,” malumanay nitong bati. “Morning,” mahina niyang sagot. “Natulog ka ba nang maayos?” “Yeah,” sagot niyang pilit, bagaman alam niyang hindi totoo. Ang buong gabi, paulit-ulit sa isip niya ang boses ni Nathan sa telepono. The plan worked. She’s mine now. Lumapit ito, inilapag ang kape sa mesa, at walang sabi-sabing hinaplos ang pisngi niya. Mainit ang palad nito. Mahigpit, pero maingat. “Mukhang sobra ang kaba mo kagabi,” bulong ni Nathan. “You shouldn’t be. Everything’s under control.” Under control. Iyon ang mga salitang bumasag sa kalma niya. Ngumiti siya, pilit. “Siyempre. Sino ba naman ang mag-aalala kung kasama kita, ‘di ba?” Tumawa si Nathan, mababa, halos bulong. “That’s right.” Pagkatapos, marahan nitong hinawakan ang kamay niya. “You don’t have to pretend, Elena. You can trust me.” Trust. Muli, parang may kumurot sa loob niya. Paano ako mag titiwala sa tao na parang may tinatago? Pero bago pa siya makasagot, hinapit na siya nito papalapit. Mabilis, ngunit hindi marahas. Ang pagitan nila ay halos wala na. Naririnig niya ang tibok ng puso nito, kalmado, sigurado. “Tell me,” bulong ni Nathan habang nakatitig sa mga labi niya, “natatakot kaba sakin?” Sandaling natahimik si Elena. Ang sagot na gusto niyang sabihin ay oo. Pero ang lumabas sa labi niya ay isang ngiti. “Should I be?” Ngumiti rin ito. “No. You shouldn’t.” Bago pa siya makaiwas, marahan nitong hinalikan ang gilid ng labi niya, isang halik na hindi agresibo, pero sapat para patigilin ang paghinga niya. This isn’t part of the plan, bulong niya sa isip. Pero bakit tila hindi gumagana ang utak niya kapag ito ang lumalapit? Paglayo ni Nathan, hinaplos nito ang buhok niya at sabay sabing, “You look beautiful when you’re quiet.” Hindi niya alam kung insulto o papuri iyon, pero ramdam niya ang pang-aangkin sa bawat salita. “Lagi mo ba 'yan sinasabi sa mga babae mo?” malamig niyang balik. Ngumiti ito, bahagyang umiling. “Only to the one who keeps me awake at night.” Tila may kakaibang kirot ang linya ni Nathan, isang timpla ng pagnanasa at pagmamay-ari. Tumalikod siya, hindi para umiwas, kundi para itago ang pagkalito. Ang plano niya ay malinaw. Gamitin si Nathan para makapag higanti, maging bahagi ng mundo nito, at saka siya gamitin para sa proteksyon. Pero habang nakikita niya kung paano ito ngumiti, kung paanong bigla itong nagiging totoo sa ilang sandali, parang nagugulo ang linya sa pagitan ng paghihiganti at pag-ibig. Naramdaman niya ang paglapit nito sa likod niya, at ang init ng hininga sa batok niya. “I know you’re thinking too much again,” bulong ni Nathan. “Stop overanalyzing everything. Just… stay.” Tumingin siya sa repleksyon nila sa salamin. Nandoon si Nathan, ang lalaking gusto niyang wasakin. Pero sa parehong salamin, nakita rin niya ang sarili niya, ang babaeng hindi na sigurado kung hanggang saan ang kakayahan niyang magkunwari. “Bakit parang… parang may tinatago ka?” tanong niya, halos hindi naririnig. Ngumiti ito. “If I told you, it wouldn’t be fun anymore.” At tuluyan nitong tinalikuran ang usapan, iniwan siyang nakatulala sa salamin. Pagkaalis ni Nathan sa silid, mabilis siyang napaupo sa kama. Inabot niya ang cellphone sa tabi ng nightstand. Walang signal. Typical. Laging ganoon tuwing nasa loob sila ng mansion. The plan worked. She’s mine now. Paulit-ulit. Parang sirang plaka sa isip niya. Sino ang kausap niya kagabi? Kanino niya sinabing “I got her”? Hindi siya mapakali. Sa likod ng mga yakap at ngiti, may parte sa kanya na gustong umalis, pero may mas malakas na boses sa loob niya na nagsasabing, Huwag pa. Hindi pa tapos. Malapit ka na. Muli siyang tumingin sa labas ng bintana. Sa malayo, nakita niya si Nathan na may kausap sa veranda sa ibabang bahagi ng mansyon. Pareho ang suot nitong polo. May hawak na cellphone, pero ngayon ay hindi niya marinig ang kahit ano. Ngunit isang bagay ang malinaw: may ngiti itong hindi niya pa nakikita noon, ngiting parang panalo na sa isang laban na hindi pa nagsisimula. At sa loob ni Elena, isang apoy ang muling nagliyab. Sabay bulong niya "Kung may tinatago ito, kailangan ko malaman dahil hindi pwedeng humadlang ito sa plano ko" Pero habang sinusubukang itago ni Elena ang kanyang tunay na emosyon, hindi niya napansin, mula sa likod ng kurtina, isang maliit na pulang ilaw ang kumikislap sa sulok ng silid. Isang camera. At sa kabilang dulo ng bahay, si Nathan ay nakatitig sa live feed, tahimik na ngumiti. “She’s already falling,” bulong nito. “At that’s exactly what I want.”Mainit ang sikat ng araw nang maisipan ni Elena na lumabas. Wala siyang ibang intensyon kundi ang gumala, magpahinga, at pansamantalang kalimutan ang mga gumugulo sa isip niya — si Nathan, ang mga salita ni Adrian, at ang mga hinalang hindi mawala sa isipan niya. Pero sa likod ng lahat ng ito, may isa siyang malinaw na direksyon: ang hustisya at paghihiganti. Suot niya ang simpleng blouse at high-waist jeans, at isang pares ng dark glasses na halos magtago sa kalahati ng mukha niya. Nasa loob siya ngayon ng isang kilalang mall sa siyudad, naglalakad sa kahabaan ng corridor habang tumitingin sa mga display. Pero bago pa man siya makalayo, biglang napatigil si Elena. Sa di-kalayuan, sa isang tindahan ng mga mamahaling pabango, nakita niya ang isang pamilyar na mukha. Si Vanessa. Agad na bumilis ang tibok ng puso niya. Para bang bigla siyang binalikan ng lahat ng sakit at pang-aapi na naranasan niya noon sa kumpanya. Ang mga ngiting mapanghamak, ang mga lihim na bulungan, ang araw n
Mula pa kagabi, hindi mapakali si Elena. Halos hindi siya nakatulog, puro tanong ang bumabalot sa isip niya. Ang bawat kilos ni Nathan, bawat ngiti, bawat salita—lahat ay tila may kahulugan. Ngunit sa kabila ng lahat ng iyon, wala pa rin siyang konkretong patunay. Puro hinala. Puro tanong na walang kasagutan.Kaya nang dumating ang umaga, nagpasya siyang kumilos. Tahimik niyang sinuyod ang mansyon, tila isang multo na naglalakad sa pagitan ng mga lihim.Bawat hakbang ay may tunog ng kaba.Bawat pintong binubuksan ay parang bitag.Hanggang sa makarating siya sa opisina ni Nathan—isang silid na bihira niyang pasukin. Laging naka-lock, at tanging si Nathan lang ang may susi. Ngunit kagabi, bago sila matulog, napansin niyang naiwan nitong bukas nang bahagya ang pinto.“Perfect,” bulong niya sa sarili, at marahang binuksan iyon.Sa loob ay malamig, masyadong tahimik. Amoy mamahaling pabango, halong leather at usok ng tabako. Sa gitna ng mesa ay may mga dokumento, folders, at isang laptop n
Tahimik ang umaga, pero hindi mapakali ang isip ni Elena. Ang mga sinabi ni Adrian kagabi ay paulit-ulit na tumatakbo sa kanyang ulo—ang boses nitong puno ng pagsisisi, ang mga salitang “hindi lahat ng laban ay nakikita mo sa harap mo, minsan nasa tabi mo na.”Pinikit niya ang mga mata. Hindi niya gustong paniwalaan. Hindi niya kayang paniwalaan.“Hindi… hindi siya totoo,” mahina niyang bulong sa sarili habang nakatitig sa tasa ng kape sa mesa. “Matagal na akong niloko ni Adrian. Ano pa bang bago?”Sinubukan niyang itapon ang mga alaala. Kung totoo mang may utos, kung totoo mang may mas malaking tao sa likod ng lahat, wala na siyang pakialam. Ang mahalaga lang ngayon ay makuha niya ang hustisya. Ang paghihiganti.Tumayo siya mula sa upuan at humarap sa salamin. Ang babaeng nakikita niya roon ay malayo na sa Elena Madrigal na dating umiiyak dahil sa pag-ibig. Ang babaeng ito ay matapang, malamig, at mapanganib.“Hindi ako biktima,” bulong niya. “Ako ang magiging dulo nila.”Kinuha niya
Ang umaga ay dumating na may kakaibang katahimikan. Hindi na ito ‘yung uri ng tahimik na may banta, kundi tahimik na may kasamang paghinga ng bagong simula. Sa loob ng bahay, ang mga kurtina ay bahagyang sumasayaw sa ihip ng hangin, at sa unang pagkakataon, may amoy na ng tinapay at kape — hindi ng dugo o usok. Nasa kusina si Aurora, nakasuot ng simpleng daster, habang pinagmamasdan ang nag-aalab na apoy sa kalan. Tahimik ang lahat maliban sa huni ng ibon sa labas. Pagkatapos ng lahat, ganoon lang pala kasimple ang hinahanap niya — kapayapaan. Lumapit si Samuel, bagong gising at bahagyang magulo pa ang buhok. Wala na sa mukha nito ang dating lamig. Sa halip, may bakas na ng pagod na gustong magpahinga. “Ang bango,” sabi niya habang naupo sa mesa. “Hindi ko akalaing mararanasan ko ulit ‘to — amoy ng kape, amoy ng bahay.” Ngumiti si Aurora. “Mararanasan mo pa rin ‘yan, kung titigilan mo na ang pag-iisip ng nakaraan.” “Hindi ko kayang kalimutan,” sagot niya habang pinagmamasdan ang
Tahimik ang umaga, pero hindi ang isip ni Elena.Nakaupo siya sa veranda, may hawak na tasa ng kape na hindi man lang nabawasan. Kanina pa siya nakatingin sa kawalan, pero ang totoo, paulit-ulit niyang binabalikan ang mga detalye.Ang mga tanong na hindi niya masagot.Paano alam ni Nathan ang mga bagay tungkol sa kanya — mga bagay na hindi niya kailanman binanggit kahit kanino?“You don’t have to pretend, Elena. You can trust me.”Ang linyang iyon, binalikan niya ng paulit-ulit. Paano niya nasabi iyon? Paano niya alam na nagkukunwari siya?Sinubukan niyang kalmahin ang sarili, pero habang tumatagal, mas lalo lang niyang nararamdaman ang takot na may mas malalim pa sa likod ng lahat.Hindi lang ito basta lalaking may kapangyarihan. Si Nathan ay parang nilalang na planado ang bawat galaw, bawat salita, bawat kilos — parang lahat ay may dahilan.Lumabas siya sa veranda, dumungaw sa malawak na hardin. May ilang tauhan na naglilinis, tahimik, halos hindi nag-uusap.Sa kanan, nakita niya si
Nagising si Elena sa malamig na dampi ng hangin mula sa kurtinang unti-unting gumagalaw. Maaga pa. Tahimik ang buong mansyon, pero ramdam niya ang presensiya nito.Si Nathan.Paglingon niya, nandoon ito sa gilid ng kama, nakaupo, may hawak na tasa ng kape. Ang suot nito ay simpleng polo, bahagyang bukas ang unang butones, at sa likod ng malamig nitong titig ay may kung anong lambing na ngayon lang niya nakikita.“Good morning,” malumanay nitong bati.“Morning,” mahina niyang sagot.“Natulog ka ba nang maayos?”“Yeah,” sagot niyang pilit, bagaman alam niyang hindi totoo. Ang buong gabi, paulit-ulit sa isip niya ang boses ni Nathan sa telepono. The plan worked. She’s mine now.Lumapit ito, inilapag ang kape sa mesa, at walang sabi-sabing hinaplos ang pisngi niya. Mainit ang palad nito. Mahigpit, pero maingat.“Mukhang sobra ang kaba mo kagabi,” bulong ni Nathan. “You shouldn’t be. Everything’s under control.”Under control. Iyon ang mga salitang bumasag sa kalma niya.Ngumiti siya, pili

![Just One Night [Tagalog]](https://acfs1.goodnovel.com/dist/src/assets/images/book/43949cad-default_cover.png)





