共有

Chapter 5

作者: Zerorizz
last update 最終更新日: 2025-10-21 21:54:36

Arguelles Grand Ball —

Kumikinang ang mga chandelier sa kisame, halos masilaw sa liwanag ng ginto at kristal. Sa bawat mesa ay may mamahaling alak, mamon na imported, at mga mukha ng makapangyarihan. Mga kilalang negosyante, pulitiko, at personalidad ang naroon, lahat ay nakasuot ng pormal, bawat kilos ay elegante at kalkulado. Ang gabing ito ay hindi basta party. .

Tahimik ang lahat nang umakyat ito sa entablado.

“Ladies and gentlemen,” malalim, mabagal at kontrolado ang boses ni Nathan. “Tonight… isn’t just about power or legacy. It’s about a promise. A future I choose to build with her.”

Lumingon ito kay Elena, at para bang ang buong mundo ay lumiit sa pagitan ng mga titig nila. “I want you all to meet… the woman who will stand beside me. Elena Madrigal.”

Sunod-sunod na palakpakan ang sumabog sa paligid. Ang iba ay lumapit agad, bumati, nakipagkamay.May mga babaeng nakatingin nang may halong inggit, at mga lalaking halatang gustong makilala siya ng mas personal. Sa paningin ng lahat, isa siyang babae na pinili ng isang makapangyarihang lalaki.

“This is your world now,” bulong ni Nathan habang patuloy ang palakpakan. “And it suits you.”

Ngumiti si Elena—hindi iyon ngiti ng babaeng nagmamahal. Ngiti iyon ng babaeng may sariling plano.

Nagtuloy ang gabi sa masasarap na pagkain at mga mahahabang usapan. May mga tumigil para magpa-picture sa kanila, may mga kumukumpas ng wine glass habang bumubulong ng mga pagbati. Habang si Nathan ay abala sa pakikipag-usap sa ilang mga investor, tahimik lamang si Elena sa tabi niya. Pinagmamasdan ang bawat galaw, bawat tingin ng mga tao. Ang daming mukha. Ang daming lihim.

.

Sa isang iglap, natanaw niya si Nathan sa kabilang dulo ng bulwagan, may kausap itong dalawang tao: isang babae at isang lalaki. Hindi niya maaninag kung sino dahil nakatalikod ang mga ito, ngunit tila pamilyar ang tindig ng babae. Mabilis niyang inilingon ang ulo. Wag muna ngayon, sabi niya sa sarili. Hindi niya ito pwedeng pagtuunan. Hindi ngayon.

Lumalim ang gabi. Unti-unting kumonti ang mga bisita habang ang mga tauhan ni Nathan ay abala na sa pag-aayos ng venue. Isa-isang pinapatay ang mga ilaw ng chandelier, at ang tahimik na tugtugin ay unti-unting humihina. Tumayo si Nathan at ngumiti sa kanya.

“I’ll make a quick call,” sabi nito. “Just stay here.”

Tumango siya. Naiwan si Elena malapit sa veranda, pinagmamasdan ang mga ilaw sa labas ng gusali. Ang hangin ay malamig, pero mas malamig ang bigat sa dibdib niya.

Ilang sandali pa, may pamilyar na boses siyang narinig. Mababa. Kalma. Mapanganib.

Si Nathan. May kausap sa telepono.

Hindi siya lumapit nang direkta. Dahan-dahan siyang naglakad, sapat lang para marinig ang boses nito.

“The plan worked. Flawlessly.”

Tahimik ang paligid. Tanging boses lang ni Nathan ang naririnig. May tono itong sigurado, parang isang tao na sanay na sanay manghawak ng kapalaran ng iba.

 “She’s mine now. No one touches what’s mine”

Parang tumigil ang oras sa pandinig niya. Siya? Siya ba ang tinutukoy? 

Napalunok siya. Muli siyang umatras nang marinig ang huling linya, ang linyang parang latay sa balat.

“I got her. She’s exactly where I want her.”

Nanlamig ang palad niya. Mabilis ang tibok ng puso. Pilit niyang pinipigilan ang tunog ng takong ng sapatos habang tahimik na umaatras. I got her. Bawat salitang iyon ay parang matalim na kutsilyo na dahan-dahang bumabaon sa dibdib niya.

Pagbalik ni Nathan, wala ni katiting na bakas ng tensyon sa mukha nito. Nakasuot pa rin ang pamilyar na ngiti, yung tipong ngiti ng taong alam niyang siya ang may hawak ng lahat ng baraha.

“Everything alright?” tanong ni Nathan nang makita siyang nakatayo sa veranda.

Ngumiti siya, pilit na kalmado. “Of course.”

Lumapit ito at hinawakan ang kanyang baba. Mabilis pero banayad. Ibinuka ang kanyang labi nang bahagya at pinatingin siya sa mga mata nito. “Good,” bulong nito, mababa, halos parang isang utos. “I like it when everything goes my way.”

Tumango lang si Elena kahit kumakabog ang dibdib niya. Hindi niya puwedeng ipakita kahit anong emosyon ngayon.

Pagdating sa mansyon, binuksan ni Nathan ang pinto ng sasakyan para sa kanya. Gentle. Polido. Parang ginoo. Parang walang ginawang kahit ano. Ngunit kahit gaano pa ito kaingat, hindi mabura sa isip ni Elena ang malamig na boses nitong narinig kanina.

“Sleep well, Mrs. Arguelles,” bulong nito bago tuluyang pumasok sa loob ng bahay.

Dahan-dahan siyang umakyat sa sariling silid. Pagbukas ng ilaw, bumulaga ang repleksyon niya sa salamin, eleganteng bestida, perpektong makeup, mukha ng isang reyna. Pero sa loob niya… hindi siya reyna. Isa siyang bihag. Isang piraso sa mas malaking laro.

He got me? bulong niya sa sarili. No… I’ll get him first.

Habang nakatingin siya sa salamin, unti-unting bumalik sa isip niya ang eksaktong tono ng boses ni Nathan sa telepono. Lahat ng linya. Lahat ng bawat salita na parang banta.

“The plan worked. Flawlessly.”

Naramdaman niyang kumirot ang dibdib niya, hindi dahil sa sakit ng katotohanan, kundi dahil sa simula ng apoy sa loob niya. Kailangan niyang malaman kung kanino iyon sinabi. Kung para saan. At kung… siya ba talaga ang tinutukoy.

Tahimik ang paligid, ngunit sa loob niya ay isang mabigat na tanong ang hindi na niya mabura.

Was that… about me? Or am I just overthinking again?

この本を無料で読み続ける
コードをスキャンしてアプリをダウンロード

最新チャプター

  • Bound to the Billionaire's Desire   Chapter 174

    Hindi sumabog ang balita kinabukasan—unti-unti itong kumalat, parang alon na hindi marahas pero hindi rin mapipigilan. Sa industriya, ganoon talaga ang tunay na impluwensiya. Hindi kailangang sigawan; sapat na ang marahang pag-usad para maramdaman ng lahat.Maaga muling nagising si Elena, pero hindi na iyon dahil sa adrenaline o tensyon. May kakaibang steadiness sa kilos niya habang naghahanda ng kape. Tahimik ang umaga, at sa kauna-unahang pagkakataon matapos ang mahabang panahon, hindi niya iniisip kung ano ang magiging reaksyon ng mundo sa susunod niyang galaw. Ang iniisip niya lang ay kung ano ang tama.Si Nathan ay nasa balcony, nakatayo, nakatanaw sa lungsod. May hawak siyang phone pero hindi ito bukas—parang dekorasyon na lang. Nang maramdaman niyang lumapit si Elena, ngumiti siya nang bahagya.“Alam mo,” sabi niya, “may nagtanong sa’kin kagabi kung kailan ka magsasalita. Kung kailan ka lalaban nang harapan.”Umupo si Elena sa tabi niya. “At anong sagot mo?”“Sinabi kong hindi

  • Bound to the Billionaire's Desire   Chapter 173

    Hindi agad nagbukas si Elena ng social media kinabukasan. Hindi na iyon bahagi ng umaga niya. Mas mahalaga sa kanya ang unang oras ng araw—ang malinaw na isip bago pumasok ang ingay ng mundo. Tahimik siyang nagkape habang nakaupo sa dining table, pinagmamasdan ang liwanag na dahan-dahang pumapasok sa bintana. Si Nathan ay nasa kabilang dulo ng mesa, may hawak na tablet, pero ramdam ni Elena na hindi rin talaga ito nakatuon sa binabasa. Pareho silang nakikinig sa katahimikan—isang katahimikang punô ng kahulugan.“May update,” sabi ni Nathan matapos ang ilang sandali. Hindi niya tinaasan ang boses, parang ayaw gambalain ang balanse ng sandali. “Yung mga articles… nagsisimula nang mag-backtrack ang ibang outlets.”Hindi nagulat si Elena. Tumango lang siya at humigop ng kape. “Natural lang. Ang ingay, may expiration.”“Pero alam mo,” dagdag ni Nathan, “hindi pa tapos ‘to. Hindi titigil sina Veronica at Vanessa sa ganitong klase ng galaw.”Ngumiti si Elena—hindi mayabang, kundi malinaw ang

  • Bound to the Billionaire's Desire   Chapter 172

    Hindi pa rin sinagot ni Elena ang mensahe ni Vanessa kinabukasan. Hindi dahil wala siyang lakas ng loob, kundi dahil mas malinaw na ngayon sa kanya ang isang katotohanan: hindi lahat ng imbitasyon ay paanyaya—ang iba, bitag.Maaga siyang nagising, mas maaga kaysa karaniwan. Tahimik ang apartment, at si Nathan ay nasa kusina na, nagtitimpla ng kape. Walang usapan muna. Walang tanong. Isang sulyap lang na sapat na para magkaintindihan sila—pareho nilang alam na may paparating na mas mabigat na yugto.Habang umiinom ng kape si Elena, binuksan niya ang tablet. Hindi social media. Hindi balita. Internal reports. Confidential summaries. Dito siya mas nakatutok ngayon—sa mga galaw na hindi nakikita ng publiko.May bagong update mula sa team niya.“Ma’am,” saad ng mensahe, “may indikasyon na sinusubukan ng kabilang kampo na pumasok sa network ng isa sa potential partners natin. Hindi direkta, pero obvious ang intensyon.”Hindi nagulat si Elena. Hindi rin siya nainis. Bahagya lang siyang humin

  • Bound to the Billionaire's Desire   Chapter 171

    Hindi agad sumagot si Elena sa mensaheng iyon. Hindi dahil wala siyang sasabihin—kundi dahil alam niyang minsan, ang hindi pagsagot ang pinakamalinaw na tugon.Ilang oras ang lumipas bago niya tuluyang ibinaba ang phone at tumingin sa kisame ng kwarto. Tahimik ang gabi. Naririnig niya ang mahina at pantay na paghinga ni Nathan sa tabi niya, mahimbing ang tulog matapos ang mahabang araw. Sa sandaling iyon, ramdam ni Elena ang bigat at linaw ng lahat ng nangyayari—hindi bilang pressure, kundi bilang confirmation.Tama ang galaw niya.Kinabukasan, muling bumalik ang mundo sa normal nitong bilis. Mga meeting, emails, deadlines—pero may kakaibang pagbabago sa hangin. Sa bawat tawag na pumapasok, sa bawat pangalan na lumalabas sa screen, ramdam ni Elena na may pag-iingat na ngayon ang mga tao. Hindi na sila basta nagtatanong. Hindi na sila nagdidikta. Mas madalas, nakikinig.Sa opisina, habang nakatingin siya sa floor-to-ceiling window, pumasok si Mia na may hawak na tablet.“Ma’am,” wika n

  • Bound to the Billionaire's Desire   Chapter 170

    Hindi agad naramdaman ng publiko ang epekto ng gabing iyon. Walang headline kinabukasan. Walang leaked photos. Walang blind item na sapat ang detalye para makabuo ng kwento. At iyon mismo ang dahilan kung bakit naging epektibo ang lahat.Sa mundo ni Elena, ang pinakamapanganib na galaw ay iyong hindi napapansin.Sa mga sumunod na araw, tila walang nagbago sa ibabaw. Patuloy ang ingay nina Veronica at Vanessa—mga interviews na puno ng malalaking salita, collaborations na ipinipinta bilang “game-changing,” at curated posts na may eksaktong timpla ng mystery at arrogance. Ngunit sa ilalim ng lahat ng iyon, may bahagyang pag-alog. Maliit. Halos hindi makita. Pero sapat para sa mga marunong tumingin.Sa opisina ni Elena, tahimik ang umaga. Walang emergency meetings. Walang raised voices. Ngunit bawat departamento ay gumagalaw na parang iisang organismo—may ritmo, may direksyon.“Mia,” wika ni Elena habang tinitingnan ang dashboard sa malaking screen, “status ng third-party partners?”“Two

  • Bound to the Billionaire's Desire   Chapter 169

    Hindi agad dumating ang sagot matapos ipadala ni Elena ang Set the terms.At iyon ang eksaktong inaasahan niya.Ang mga taong sanay magkontrol ng sitwasyon ay hindi komportableng hinahamon. Kailangan muna nilang timbangin kung paano babawiin ang kapangyarihang akala nila ay hawak pa rin nila. Sa pagitan ng katahimikan at paghihintay, doon nasusukat kung sino ang unang kakurap.Sa loob ng tatlong araw, walang mensahe. Walang follow-up. Walang kahit anong indikasyon ng direksyon. Ngunit sa mundo ni Elena, ang kawalan ng sagot ay sagot na rin.Sa ikaapat na araw, dumating ang imbitasyon.Isang pribadong dinner. Walang press. Walang entourage. Neutral ground—isang bagong bukas na restaurant sa itaas ng isang gusali na tanaw ang buong siyudad. Hindi iyon basta pagpupulong; isa iyong pahayag. Isang pagtatangkang ilagay ang lahat sa parehong mesa, sa parehong ilaw, sa parehong distansya ng kapangyarihan.Binasa ni Elena ang detalye nang walang pagbabago sa mukha. Isinara niya ang tablet at t

続きを読む
無料で面白い小説を探して読んでみましょう
GoodNovel アプリで人気小説に無料で!お好きな本をダウンロードして、いつでもどこでも読みましょう!
アプリで無料で本を読む
コードをスキャンしてアプリで読む
DMCA.com Protection Status