Sa wakas ay sumara na ang pinto, sa huling pagkakataon ay nakita ni Agatha ang mukha ng kanyang asawa bago niya makita ang mukha ng ibang lalaki.
Humugot ng malalim na hininga ang babae bago siya nagsimula. Sa tagpong ito mariing tumututol ang kanyang puso, ngunit ang kanyang matinding pagmamahal sa kanyang asawa na si Oscar ang nagtulak sa babae na gumawa ng isang nakakabaliw na bagay—Ang makipagtalik sa kanyang katulong.
Malamig nga ang hangin sa silid na iyon, ngunit para kay Agatha, mainit pa rin ang kanyang pakiramdam. Kasing init ng kanyang pusong nagnanais lumabas agad sa silid na ito.
Hanggang sa bigla siyang tinawag ng isang malalim na boses ng lalaki, ang kanyang katulong.
"Ma'am Agatha, uminom po muna tayo!"
Pag-aalok ni Thaleon ng inumin para sa among babae. Isang alak na espesyal na inihanda para sa kanila.
Sadyang nag-order si Oscar ng alak para sa kanilang dalawa.
Lumingon si Agatha na may malamig na mukha.
Sa totoo lang, ayaw kailanman ng babae na gawin ang nakakabaliw na bagay na ito. Ngunit ang mga pagpipilit ng kanyang asawa at pamilya ang nagtulak sa kanya na sumuong sa pinagbabawal na kasalanan—ang pakikisiping sa hindi mo legal na asawa para lamang magdalang tao siya.
"Hindi po ba kayo umiinom, Ma'am Agatha?" muling tanong ni Thaleon.
Hinawakan ng babae ang kanyang nahihilong ulo, sinisisi ang sarili na ngayon ay nakulong sa isang kumplikadong relasyon.
Alam ni Thaleon kung ano ang nasa puso ng babae. Hindi rin niya ito pinilit na makipag-ugnayan sa kanya.
"Malungkot ka no Ma'am Agatha dahil sa plano ni sir Oscar? Nagsisisi ka ba ma'am Agatha sa ating kasunduan? Kung nagsisisi ka po ma'am, hindi ako mag-aatubiling kanselahin ang ating kontrata at ibabalik ko na lang ang pera kay sir Oscar!"
"No… Wag na! Hindi mo kailangang gawin iyon. Hindi ko kakanselahin ang ating napagkasunduan. Kailangan ko lang ng kaunting oras, please lang! Sobrang sakit ng ulo ko. Just let me rest to relax, kahit saglit lang!" pakiusap ni Agatha.
Tumango naman at naintindihan ni Thaleon ang gusto ng babae. Hindi na rin siya nagtanong pa. Naaawa lang siya sa kalagayan ni Agatha na hindi maganda ang pakiramdam ngayong gabi.
Paano matatanggap ng babae ang kanyang binhi ng maayos kung si Agatha ay hindi kumportableng ang kalagayan.
"Pasensya na po, ma'am Agatha. Naiintindihan kong hindi maganda ang pakiramdam niyo. Kung gusto niyo po ma'am Agatha, mamasahihin ko ang ulo at leeg mo para maibsan ang pananakit. Kadalasan kasi eh ang mga kalamnan sa ganong mga parte ay naninigas at nagdudulot ng pagkahilo! Dati nga, sa probinsya namin ay madalas kong minamasahe ang ulo ng nanay ko dahil madalas manakit ang kanyang ulo, pagkatapos kong masahihin siya ay hindi na siya nahihihilo at gumaan ang pakiramdam niya!" alok ni Thaleon na nanatiling magalang bilang karaniwang katulong ni Agatha, bagaman ang kanyang hitsura ngayon ay mukhang napaka-macho at matikas hindi mukhang isang katulong.
Sandaling nag isip si Agatha, may katotohanan ang sinabi ni Thaleon.
Walang masama kung hihingi siya ng tulong sa lalaki upang masahihin ang kanyang ulo.
"Totoo bang marunong kang magmasahe?" sagot ni Agatha.
Tumango si Thaleon habang nakangiti.
"Kung hindi ka naniniwala, ma'am Agatha, pwede mo namang subukan ngayon!" sagot ni Thaleon na may buong buong kumpiyansa.
Pagkatapos ng ilang sandali ng pag-iisip, pumayag si Agatha na magpamasahe.
Iginagalaw ni Agatha ang kanyang mga ulo pataas at pababa upang maging senyales na pinapayagan niya ang katulong na hawakan ang kanyang ulo.
"Alright, massage my head well okay? Where do you want me to sit?" sagot ng babae na tila pumipili ng tamang posisyon.
"Doon na lang po kayo umupo, ako na po ang aakyat sa kama!" sagot ni Thaleon na naghahanda nang umakyat sa Big size na kama.
"Okay!" Nakaupo na rin si Agatha sa kanyang lugar.
Pagkatapos, dahan-dahang umakyat si Thaleon at ipinuwesto ang sarili sa likod ng kanyang amo.
Ang mabangong amoy mula sa katawan ni Agatha ay sapat na upang bahagyang guluhin ang konsentrasyon ni Thaleon.
Ang amoy ay napaka bango at lambot, nang aakit ang aroma nito sa ilong ng lalaki at gustong halimuyakin ang bango ng amo niya.
"Napakabango ng katawan ni ma'am Agatha, tiyak na napakahusay ng babaeng ito sa pag-aalaga sa sarili niya. Diyos ko, napakakinis ng kanyang balat, walang anumang bahid. Kung ako ang kanyang asawa, hindi ko hahayaan ang ibang lalaki na tumingin sa kanyang kagandahan lalo na ang makipagtalik. Talagang napaka kakaibang asawa ni sir Oscar!" bulong ni Thaleon sa kanyang isip.
Hindi pa nararamdaman ni Agatha ang kamay ni Thaleon na minamasahe ang kanyang ulo, kaya naman agad na nagreklamo ang babae habang lumingon sa gilid.
"Thaleon, bakit ang tagal? What are you thinking about, sure ka bang marunong ka?" tanong niya ng may diin.
Napasinghap si Thaleon, nawala ang kanyang focus dahil sa pagmumuni-muni niya. Napabalik siya sa wisyo mg marinig ang boses ni Agatha na tumatawag sa kanya.
"Ah, eh wala po ma'am, sorry po! Humahanga lang po ako sa inyo. Mahal na mahal niyo po talaga si Sir Oscar no, kahit ayaw niyo sakin ay pumayag kayo na manatili sa silid na ito kasama ako!" sabi ni Thaleon.
Bumuntong-hininga si Agatha at sa pagkakataong ito ay ayaw na niyang pag-usapan iyon.
"Hayaan mo na, ayaw kong pag-usapan yan. Bilisan mo, just focus on massaging my head, masakit na talaga ang ulo ko!" asik ni Agatha na sa loob loob ay naghahanda para sa espesyal na masahe mula sa katulong nila.
"Sige po, Ma'am!"
Ang matipunong kamay ni Thaleon ay nagsimulang hawakan ang ulo ni Agatha.
Pagkatapos ay dahan-dahan nitong minamasahe ang ulo ng amo, alam na alam ng lalaki kung saan ang mga nerve point para maibsan ang sakit ng ulo.
Bumaba ang kanyang kamay, eksakto sa batok ng amo niya.
"Ahmm, ang galing rin ng masahe mo Thaleon, hindi na gaanong tensyonado ang ulo!" bulong ni Agatha habang tinatamasa ang malambot na masahe.
Lalong ipinikit ni Agatha ang kanyang mga mata habang ang masahe ni Thaleon ay nagpaparelax sa kanya.
Hanggang sa huli, sa hindi malamang dahilan, ang masahe ni Thaleon ay biglang nagpakaba kay Agatha.
Dahil napakalambot ng pagmamasahe ng lalaki at napakalapit sa katawan niya, lalo na nang pindutin ni Thaleon ang kanyang batok at bumaba sa balikat at itaas na bahagi ng dibdib ang kilos nito.
Ang dalawang mata ni Agatha ay sumulyap sa ibaba kung saan ang malaking kamay ni Thaleon ay halos umabot na sa kanyang dalawang malambot na umbok.
Nagsimulang maging hindi regular ang kanyang paghinga, na parang alam ni Thaleon kung nasaan ang mga nerve point niyang maaaring magparelaks at magbigay ng pleasure sa kanya.
"Kumusta ang pakiramdam nyo, Ma'am, masarap ba?" bulong ng lalaki sa tainga ni Agatha.