Parang wala sa sarili na lumabas si Trixxie sa clinic. Hawak ang reseta sa mga kailangan niyang inumin na vitamins at ang kopya ng ultrasound report ay bumalik siya sa kanyang sasakyan. Maingat niyang Isinilid sa kanyang sling bag ang ultrasound report. Mahirap ng magpakampante at baka mabuking siya ng pamilya. Hindi kaagad niya pinaandar ang sasakyan at nakatunganga lang siya sa manibela. Bumuntonghininga siya at nangingilid ang luha na napahawak sa impis pa na tiyan. Disappointed siya sa sarili. Hindi dahil wala siyang pagmamahal sa buhay na nasa kanyang sinapupunan kundi isang bata na naman ang isisilang na hindi kilala ang ama. Napasigok siya at napatingin sa kalangitan. Ayaw niya sisihin ang sinuman. Alam niya sa sarili na nagpabaya siya. Paano na si Trevin? Paano na ang paghahanapbuhay kung muli ay buntis siya sa ikalawang pagkakataon sa iisang lalaki? Nagtatalo ang kanyang isip kung ipapaalam niya kay Gavin ang kalagayan
Hindi mawari ni Gavin kung paano palulubagin ang loob ng nobya. Nasaktan niya ito. Patunay ang marka ng mga palad nya na naiwan sa pisngi ni Dianne. Magsisi man ay nagawa niyang masakyan ito sa unang pagkakataon sa loob ng kanilang tatlong taon na relasyon. “Come on, Dianne. Umuwi muna tayo kina Tatay Guillermo. I’m sorry at nasampal kita. I promise it won’t happen again.” Ngunit walang narinig si Gavin na salita mula dito kundi ang pagtangis lamang. Namamalisbis ang luha nito sa mga pisngi at ang itsura ng nobya ay talagang nakakaawa kung titingnan. Napasabunot si Gavin sa buhok sa kawalan ng salitang maaaring magpakalma sa nobya. “Just let me be, Gavin. At kung anuman ang mga plano natin, let's put it on hold.” May pinalidad na turan ni Dianne at kaagad na sumakay sa kotse nito. Pinaharurot nito ang sasakyan papalayo sa lugar na ‘yon. Pumasok sa sasakyan niya si Gavin. Sa nobya na niya mismo nanggaling ang mga katagang iyon.
Twis15 Isang linggo na ang nakalipas ay hindi pa rin gumaling si Trixxie. Ayaw niyang isipin na lumala ang vertigo niya. Baka nga sa paglilihi niya iyon. Ayaw muna niyang ipaalam sa mga magulang ang kalagayan. Ayaw niyang muling ma-disappoint sa kanya ang mga ito. Ngayon na okay na sila ng kapatid at hipag ay nagpapasalamat siya na hindi itinuturing na iba ni Erica ang anak niya. Kahit gigil na gigil ito sa Kuya Harvey ay siya namang giliw nito kay Trevin. Nakatulong ang pananatili nila sa kanilang mansion dahil kahit tanghali na siyang nagigising ay may mag-aasikaso ng anak. Nang hapon na iyon ay dinalaw siya ng kaibigan na sina Barbie at Trinity. Buti pa ang mga ito at may mga asawa na at masaya sa kanilang buhay. Samantalang siya ay nasa miserable na sitwasyon. Doon sila pumwesto sa veranda ng kwarto ni Trixxie. The usual na pwesto nila kahit noong kabataan nila. Kaunting kamustahan at maya maya pa ay naghatid si Yaya Pa
Naging madalas ang pagdalaw ng mga kaibigan ni Trixxie sa kanya na sina Trinity at Barbie. Hindi naging kabagot-bagot ang pananatili ni Trixxie sa kanila pero nagulantang siya ng malaman mula sa kanyang agent na si Peter na ang mga naka-schedule niyang mga mural na pawang sa mga mayayaman na kliyente ay nakansela na lahat. Ayon dito, may isang taong maimpluwensya raw ang nasa likod ng pagpapa-blacklist sa kanya. Isa lang ang pumasok sa isip ni Trixxie ang may kagagawan noon. Ang taong malaki ang galit sa kanya. Ayaw niyang mambintang dahil iniiwasan na niya ang masamang ugali na iyon at hanggang maari ay nakabase na pagdedesisyon sa kung ano ang katotohanan. Buo na ang kanyang loob sa magiging pasya. Ingat na ingat si Trixxie sa kanyang galaw para hindi mahalata ng pamilya ang pagbubuntis. Buti na lang at kahit tatlong buwan na ang tiyan ay hindi pa rin ito halata kaya madalas ay pajama at maluwag na tshirt ang sinu
Napaunat si Trixxie nang dumating ang isang lalaki. Kamukhang-kamukha ng matanda na isinugod nila sa hospital. Nang makita nito ang bag ng ina sa kanyang tabi ay kaagad siya nitong nilapitan. “Ito po ang gamit ng pasyente, Sir.” Inabot ni Trixxie ang luxury purse ng matanda at iginiya ang anak na si Trevin palapit sa kanya. “Kayo po ba Misis ang nagdala kay Mama dito sa hospital?” tanong nito. Napangiti itong nakatingin sa mag-ina na tumulong sa ina. “Opo, Sir. Hindi ko na ginalaw ang kanyang gamit at kaagad na tumawag na lang ng ambulansya. Teka, paano nyo po nalaman na andito ang Mama ninyo?” usisa ni Trixxie. “Well, first of all thank you for saving my Mom. May diabetes siya at karaniwan na sa kanya ang mahimatay kapag masyadong bumababa ang kanyang blood glucose. At dahil mahilig siyang tumakas ay may inilagay akong tracking device sa kanyang cellphone. I'm Brandt Buenaventur
Brandt couldn't believe his eyes. And what did that lunatic have something to do with Trixxie Angeles? Hanggang dito ba naman ay nagkalat ang babaeng ito? Mga tanong na nais niyang bigyang linaw. Matapos magising ang kanyang ina sa hospital kahapon ay hindi siya tinigilan nito na hanapin ang taong tumulong dito. And as a dutiful son ay sinunod ang kagustuhan ng kanyang ina. Ang hindi alam ni Trixxie ay may microchip ang business card na binigay niya rito. Knowing his mother, he anticipated na hihilingin nito na hanapin ang tagapagligtas nito. Pinaandar ni Brandt ang kanyang motor at nilapitan ang mag-ina. Nagulat si Trixxie nang may pumaradang motor. Naka-helmet ang rider at hindi niya kilala kaya bilang proteksyon ay niyakap niya ang anak. “Relax, it's me Brandt.” Isang nakakasilaw na ngiti ang iginawad ni Brandt sa mag-ina. “How are you little fella?” Bumaba na siya sa kanyang motor at lumapit sa mag-ina. Ginusot ni Brandt an
Napaisip si Trixxie sa sinabi ni Brandt. Ang tindi pala ng suklam sa mga puso ng mag-inang Dianne at Dina. Kung ganoon ay dapat nga na iwasan si Gavin. Ang tindi ng mga pinagdaanan ng mag-inang Belinda at Brandt. Nakikita niya ang kanilang sarili sa mga ito lalo at katulad ng ginang ay isa siyang dalagang ina. Ni hindi man lang siya sinuyo ni Gavin kahit man lang sa kapakanan ng anak nila. Kaya hindi na rin dapat na malaman nito na magkakaroon ng bagong anak ito sa kanya. “I will call the apartelle owner na babayaran ko na lang ang bookings ninyo at ipapakuha sa driver na si Kuya Mando ang mga gamit niyo ni Trevin.” Ginagap ni Brandt ang mga kamay ni Trixxie at pinisil iyon. “This is for you and your children. I won’t give that woman the satisfaction of ruining someone. This mansion is heavily guarded and well-equipped with surveillance cameras. Hindi na rin nila kami natunton dito ni Mommy. And as I've said I'm always out of the country because of my job a
Nagkagulo sa mansion ng mga Angeles. Hindi na nakontak ng mag-asawang Anatalia at Arthur at bunsong anak. At nang magtungo sila sa townhouse na inuupahan ay wala din silang nakalap na impormasyon kung saan nagtungo ang anak. Tanging hinagpis ang nadama ng mga magulang ni Trixxie sa kanyang biglaang pagkawala. “Trixxie, nasaan ka na ba pumunta anak?” Naiiyak na si Senyora Anatalia habang walang sawang paulit-ulit na tinitip ang cellphone. Si Senyor Arthur naman ay tahimik na nakaupo lang sa sofa habang iniisip ang susunod na hakbang. Dumating si Harvey na galing pa sa Free range chicken farm. “Mama, may napansin ba kayo kay Trixxie bago siya umalis?” tanong ni Harvey sa ina. “Wala naman anak. Maliban na lang sa palagi niyang inu-update kami ng Papap mo sa kalagayan ni Trevin ay wala siyang nababanggit na problema. Dios ko anak, nasaan na kaya ang kapatid mo?” Humagulgol na ang ina sa pag-aalala sa anak at