Share

Chapter 5: Medical Bills

Alas onse na ng tanghali nakarating si Trixxie sa hospital. Buti na lang at andun ang Kuya Harvey niya at siyang salitan na nagbabantay kay Trevin kasama ng mga magulang. Isang nakangiting Trevin ang sumalubong kay Trexxie. 

"Mama." Inangat nito ang mga braso, tanda na gusto nito yumakap sa ina. Kung meron man pambawi sa mga kamalditahan ni Trixxie noong kabataan niya ay si Trevin iyon. Disiotso lang siya nang mabuntis at kailanman ay hindi niya inisip na isang disgrasya ang nangyari sa kanya. Unplanned but not unwanted. 

"Kumusta ka anak?" malambing niyang tanong atsaka hinalikan ang tuktok ng ulo nito. 

"Na-miss po kita, Mama." Hinalikan din Trevin ang pisngi ng ina. 

"Ay, ang sweet naman ng mag-ina." Ang singit ni Harvey 

na ngayon ay may bitbit na pagkain na nasa tray. "Oh, kumain ka muna Trixxie." Tinanggap ni Trixxie ang tray ng pagkain at tumungo na sa sofa bed para kumain. 

"Nag-rounds na ang Doctor kanina ni Trevin at mamayang hapon malalaman kung sino ang compatible na donor ni Trevin, " sabi ni Harvey sa kapatid na ngayon ay abalang sumusubo ng pagkain. Bandang alas tres ng hapon ay bumalik ang mga magulang nila para maging kapalit sa pagbabantay.

“Anak baka bukas ay nandito na si Bebang para maging kasama mo sa pagbabantay kay Trevin. Nagbakasyon muna sandali doon sa pinsan nya sa Navotas. Nakipagkita doon sa mga kamag-anak niyang galing ng Canada. Kako ay sulitin na niya dahil magiging abala sa susunod na linggo," pagbibigay ng impormasyon ng ina sa anak.

“No problem Mom. Balak ko talaga sana maghanap ng makakasama ni Trevin eh. Ngayon lang naman medyo maluwag kami financially. Halos tatlong taon din kaming hirap sa pera. Kita mo naman pati sakit ni Trevin hindi ko na nabantayan.” Doon ay biglang pumatak ang mga luha ni Trixxie. Dagli niyang pinunasan iyon at ayaw niyang maging madrama sa harap ng mga magulang. Bata pa lang siya ay ayaw na ayaw niya na umiiyak sa harapan ng ibang tao. Kahit pa sa mismong pamilya niya. Para kay Trixxie, kahinaan ang pagluha. Pero lahat iyon ay nabago simula ng siya ay naging ina. 

Ang Trixxie na bratinella noon ay napakalambot na ng puso ngayon. Hindi naman totally nawala ang m*****a attitude. Minsan ay lumalabas pa rin iyon lalo at sinasagad ang pasensya niya. Pero ang pasensya niya ay napakataas na ngayon.

“Don't cry anak. Andito kami ng Dad at Kuya mo para alalayan ka. Kung nagtapat ka lang sana ay naging maayos ang buhay ninyong mag-ina. Walang magulang na kayang tiisin ang anak. Siguro ay natatakot ka kay Enrico at Erica? Mababait naman ang mga iyon. Ni hindi nga nakatikim iyang kapatid mong tanga doon sa biyenan at asawa niya.” Ang nakakunot na noong saad ni Senyora Anatalia at nakatingin sa panganay niya.

“At paano ako nasingit sa usapan? Wala eh. Mahal ako ng biyenan ko. Namimiss ko na nga ang anak ko. You will really like her Trix. Kung si Trevin ay kamukha ko, well except for the complexion. Si Natalie ko ay kamukhang-kamukha at kaugali mo pa. Parang nagkapalit tayo ng anak.” Nakangising turan ni Harvey.

"And why are you laughing?” naguguluhan na tanong ni Trixxie sa kapatid.

“The young Trixxie. M*****a, ma-attitude, bossy at selosa.” Humagalpak na ng tawa si Harvey sa mga description na ginamit sa kapatid. Totoo din naman ang sinabi nito kaya imbes na magalit ay na-amuse si Trixxie. At siya pa yata ang pinaglihian ng hipag? O sadyang matapang ang dugo ng mga Angeles?

“Well, maswerteng bata. At good luck sa iyo Kuya. Tingnan ko lang kung makakatawa ka pa pag nagdalaga na si Natalie mo.” Ngiting aso naman ang iginawad niTrixxie sa kapatid. Mukhang na-trigger niya si Harvey dahil naging seryoso ito.

“Subukan lang nila na pakialaman ang anak ko. Uubusin ko ang lahi nila.” 

“Sus, matapang pero tanga naman!” singit ni Senyor Arthur na lumapit pa sa anak na panganay. “Anak, tsaka mo na problemahin iyan. Wala ka bang bilib sa pagdidisiplina ni Erica sa anak mo? Alam mo ba Trixxie? Sa lahat ng bata na nakilala ko si Natalie lang ang nakita kong bata na hindi mapili sa ulam. Mabubuhay kahit kangkong lang ang ulam. Sus! Iyong ibang bata? Kahit anak mahirap mapili sa ulam. Atsaka disiplinado pa kamo. Pag napunta sa mansion, siya ang nagliligpit ng mga laruan niya. May tamang etiketa pa sa hapag kainan, ” mayabang na pagbibida ni Senyor Arthur sa apo.

Nalungkot i Trixxie. Hindi pa siya nakahingi ng tawad kay Erica sa lahat ng kabalbalan na ginawa noon dito. Kaya pinangako niya sa sarili na kapag naging matagumpay ang operasyon ni Trevin ay doon sa Hacienda sila mananatili.

“Alam ko na ang inaalala mo iha. Huwag kang mag-alala Iha, kung ang mga Santillan ang inaalala mo ay makampante ka na. Tiyak mapapatawad ka ni Erica at Enrico,” pagbibigay kasiguruhan ng ina sa anak na biglang nanamlay.

Napangiti si Trixxie sa sinabi ng ina. Kahit noon pa man ay alam niyang mabait si Erica. Naiinis lang siya dito dahil lahat ng crush niya ay dito nagkakagusto. At para sana mapansin ng mga crush ay inaaway niya si Erica. Talagang isa siyang m*****a na bata at palaging nagpapadala sa udyok ng kanyang dalawang kaibigan na si Trinity at Barbie. Hindi sila tatawagin na Tres Bratinellas ng San Bartolome High ng walang dahilan. At ang paborito talaga nilang apihin noon ay si Erica. Hindi naman pisikal kundi ay verbal. Pero dahil sa isang insidente noong dose anyos sila ay mas lalong naging notoryus siyang bratinella sa paningin ng lahat. Kapag talaga bata ka pa at napasama sa mga masamang impluwensya ay tiyak na mawawalay ka sa tamang landas.

“You're laughing at your attitude when you were younger Trix?” Natatawa si Harvey sa pananahimik ni Trixxie.

“Ang kapal! As if hindi ka rin enjoy na enjoy sa panunukso kay Erica noon! Umamin ka nga Kuya? Siguro crush mo na talaga si Erica kahit noon pa ano? Kahit noong mukha siyang tibo at payatot pa?” nakangisi na ganti ni Trixxie sa kapatid niya.

“Siguro, it's more of a fascination. Especially with her expressive brown eyes at 'yong pinipigilan niyang maiyak sa tuwing tutuksuin siya. I enjoyed teasing her by the way.”

Nailing na lang si Trixxie sa naging takbo ng usapan nilang magkapatid. Sabihin pa ay parang bumalik sila sa pagkabata. Iyong pagtutuksuhan at parang wala silang nagawang mali sa isa’t isa.

Biglang bumukas ang pinto at pumasok si Gavin. Naging seryoso si Trixxie at Harvey. “I filed for a leave para makatulong sa pagbabantay sa anak ko,” 'yon kaagad ang bungad ni Gavin sa kanila.

“Hindi na sana muna since wala pa namang resulta,” poker face na sabi ni Trixxie. Kung kanina ay magaan ang atmosphere ng kwarto ngayon ay pakiramdam niya ay biglang bumigat.

“Anak ko siya kaya okay lang. And I will pay for all of his medical bills and all medication post-surgery.”

     

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status