Share

Chapter 4: DNA Test

Isang nang-aarok na tingin ang ipinukol ni Harvey kay Gavin bago nagsalita. “Magpa-DNA paternity test para makasigurado ka na anak mo nga si Trevin.” Seryosong suhestiyon ni Harvey sa minsan ng naging karibal.

“Hindi na kailangan.” Tipid na sagot ni Gavin dito na hindi man lang tinapunan ng tingin si Harvey.

“I insist, ” sabat ni Trixxie. “Mas mabuti ng sigurado ka. After all atay mo ang nakasalalay, ” may himig ng sarcasmo ang boses ni Trixxie.

“Okay.”  

Nang araw na iyon ay isinagawa ang mga test kay Gavin at Harvey. Naisingit pa ang paternity test na pinagpipilitan ni Trixxie at Harvey. Nagtataka si Trixxie kung bakit andun pa rin si Gavin pagkatapos ng test dahil ang alam niya ay palagi itong busy sa trabaho. Pero bandang alas kwatro ng hapon ay nagpaalam na itong umuwi at naiwan na lang ang amang si Guillermo. 

Kinagabihan ay nagpaalam si Trixxie sa anak na uuwi muna at babalik kinabukasan dahil kailangan niya kumuha ng gamit at magpahinga. Wala naman itong tutol dahil aliw na aliw sa mga Lolo at Lola nito. 

Nakauwi na si Trixxie sa townhouse na inuupahan bandang alas nuwebe ng gabi. Kakatapos lang n’yang maligo at nakasuot lang ng silk robe nang mag-ring ang kanyang cellphone. Hindi niya kilala ang nakatatak na numero pero sinagot niya ito.

“Hello?”

“Trixxie, nasa labas ako ng townhouse mo. Buksan mo ang gate.” Kaagad naputol ang linya. Hindi pamilyar ang boses ng tumawag kaya sinilip ni Trixxie sa bintana kung iyon. Nanlaki ang mata niya ng mapag sino ang nasa labas. Magbibihis pa sana siya kaya lang ay bumubusina na ang sasakyan nito at ayaw niyang makabulahaw ng mga kapitbahay at medyo malalim na ang gabi.

Dali-daling lumabas ng kwarto si Trixxie at ng bahay at binuksan ang gate. Kaagad na pumasok ang sasakyan ni Gavin sa garahe. Tumalikod si Trixxie at nagmamadaling pumasok sa bahay para ituloy ang naudlot na pagbibihis. Paakyat na siya sa apat na baitang na hagdan papasok sa kanyang kwarto nang umagapay si Gavin sa kanya. Napalingon si Trixxie dito at hinawakan ang mga kamay nito para tanggalin na ngayon ay nakahawak sa kanyang balikat.

Isang pilyong ngiti ang sumilay sa labi ni Gavin. Sakto ang kanyang pagdating at may lalapain naman pala siya uli. Nabitin siya kagabi sa alindog ni Trixxie. Napakunot ang noo ni Gavin ng makita na may disgusto sa magandang mukha ni Trixxie.

“You agreed last night to my condition. You can't back out now.” Itinulak ni Gavin si Trixxie papasok sa kwarto nito. 

Kaagad na ni-lock ni Gavin ang pinto at diretsong hinablot si Trixxie. Kaagad na hinubaran ni Gavin si Trixxie at namilog ang mga mata ng makitang walang saplot ito sa ilalim ng silk robe nito. Itinulak niya ito sa kama at nagmamadaling naghubad na rin ng damit. Puting brief lang ang naiwan ni Gavin sa katawan.

Muling ginawa ni Gavin ang bagay na iyon na walang sagabal. Mag-isa lang si Trixxie sa townhouse nito at solo nila ang lugar. Pagkatapos niyang mailabas ang init ng katawan, niyakap niya si Trixxie ngunit hindi ito pumayag na halikan niya ito sa labi.

“Bakit ayaw mo? Tanong dito at sinundan ang pagbaling ng mukha nito. Kumawala si Trixxie sa pagkakayapos ng binata sa kanya at isinuot ang roba na nasa lapag. Hinarap niyang muli ang binata.

“Siguro naman ay satisfied ka na sa serbisyo ko kaya itigil na natin ito.” Walang emosyon na sabi ni Trixxie. Ayaw niya pa rin tingnan si Gavin.

“Nakukulangan pa rin ako sa performance mo. Paano ba iyan? Hindi ba malinaw ang sinabi noong nakaraan na kailangan ko ma-satisfy? O baka kailangan mo na maghanap ng ibang donor para sa anak mo.”

“Ang sama mo para gamitin ang anak ko para sa pansarili mong kahayukan. Anak mo rin naman siya Gavin.”

“Hindi pa naman napapatunayan na anak ko siya di ba? So, habang wala pa ang resulta ay kailangan mo pa rin akong pagsilbihan” nakangising pahayag nito kay Trixxie.

“Hanggang kailan?”

“Hanggang napatunayan na anak ko nga si Trevin.”

Kaya ng gabing iyon ay napuno ng ungol at halinghing ni Gavin ang buong kwarto ni Trixxie. Sarap na sarap ito sa paglamutak sa katawan ng kaniig habang si Trixxie ay nandidiri sa sarili. Ayaw niya bigyan ito ng kasiyahan kaya halos magdugo na ang labi sa pagpigil na makalikha ng kaunting ingay. Pakiramdam nito kasi ay mas masahol pa siya sa isang p**a sa mga ginawa ni Gavin sa kanyang katawan. Lahat na yata ng alam nitong posisyon ay ipinagawa sa kanya. Naririnig na niya ang tilaok manok ng tinantanan siya ni Gavin. 

Pag-alis nito ay doon ibinuhos ni Trixxie ang luha. Awang-awa siya sa sarili dahil parausan nga ang turing ni Gavin sa kanya. Bakas sa katawan niya ang mga ebidensya ang magdamag na pagpapakasasa ni Gavin sa katawan niya. Pero para sa anak lahat ay titiisin niya. Ngayon niya naiintindihan ang mga taong gipit sa kanyang pinagdaanan.

Nang mahimasmasan si Trixxie ay hinamig ang sarili at nag-text sa ina para sabihin na tanghali na siya makakarating sa hospital. Naubos ang kayang lakas sa mga pinaggagawa ni Gavin sa kanya at ayaw niya na pumunta sa ospital na mukhang puyat at haggard.

******

Madaling araw ng umuwi si Gavin sa apartment niya. Wala doon ang ama lalo at ito na ang nag-volunteer na bantayan si Trevin lalo at dahilan niya na marami siyang tatapusin na trabaho. Ang hindi  nito alam, si Trixxie pala ang trabaho niya.

Masayang masaya si Gavin lalo at nakaganti na siya sa sinapit niya halos limang taon na ang nakaraan. Akalain ba niya na masarap ang isang Trixxie Angeles! Hindi naman niya masyadong maalala ng malinaw ang nangyari sa kanila sa nakaraan.

Natabunan na kasi ng komprontasyon nila ni Harvey ang namagitan sa kanila ni Trixxie. Pero, hinamig niya ang sarili. Hindi siya dapat matuwa kay Trixxie. Amanos na sila lalo at ginulo nito ang buhay niya. At hindi niya ipagpapalit ang relasyon nila ni Dianne.

Muntik na niya makalimutan si Dianne. Nang dahil kay Trixxie ay muntik na niyang nakalimutan ang babaeng ihaharap niya sa altar at makakasama sa habang buhay-- si Dianne.

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status