Share

4

4

That's it. I can't believe that I did it. I can't believe what just happened. Tulala ako habang ang mga kasama ko ay nakapag-ayos na dahil malapit ng mag alas syete at kailangan na naming pumunta sa lobby para sa DTR namin.

"Hoi! Anong problema mo? Bakit hindi ka pa gumagalaw d'yan?" Tanong ni Seji nang mapansing nakaupo lang ako at nakatitig sa kung saan.

"Kanino 'to?" Halos takbuhin ko ang distansya namin ni Hennah nang hawak-hawak na niya ang white longsleeve na isinuot sakin ni Maddix kagabi nang ihatid niya ako sa labas ng kwarto namin.

Hinablot ko iyon sa kanya at nag-iwas ng tingin.

"Anong problema mo?" Kunot noong tanong ni Hennah nang nagulat siguro sa biglaan kong paghablot sa damit sa kanya.

"Lumabas ka ba kagabi?" Tanong ulit ni Seji habang nakatitig sa hawak ko. "Hindi ma nagsusuot ng ganyan ah," dugtong pa niya.

"H-Hindi ako lumabas," utal kong sambit.

I don't know. I'm confused. I should be happy, right? That's a huge improvement, but why am I thinking about our kiss last night instead of the next thing I'm going to do to get closer to him?

I'm just 18, but I've already kissed some guys. Kissing is not new to me, but why is it so hard to get rid of it in my mind?

Napabuntong hininga ako. Of course. What do you expect? He is 26 years old, way older than you, Aliyah.

 Mas marami siyang experience. Ang magandang itsura niya ang malaking ebidensya na marami nang dumaang babae sa buhay niya. I can't believe myself na sa gitna ng galit ko sa kanya ay ilang minutong nawala sa isip ko kung bakit ko ginagawa ang lahat para mapalapit sa kanya. I was so distracted by the way his lips owned mine. His lips are so good.

Sana lang ay hindi ko muna siya makita ngayon. 

Alam ko na kailangan ko siyang lapitan at gumawa ng paraan, pero hindi ko maiwasang hilingin na sana hindi ko siya makita ngayon. Naiinis ako sa sarili sa naging epekto sa'kin ng halikan namin kagabi. 

I looked so drunk while kissing him. Nasarapan ako sa halik niya at hindi ko iyon matanggap.

Malaking tulong sa'kin ang pagpunta roon kagabi. Hindi na ako nahihilo. I don't know why it suddenly became easy to endure the sea sickness I was feeling right now.

Medyo mabigat ang pakiramdam ko nang tuluyan kaming bumaba dahil iyon sa kulang ako ng tulog. I can't sleep after what happened. I was busy signing the DTR when I felt someone standing beside me. His familiar perfume says who he is. Even if I don't look, I already know.

Humigpit ang hawak ko sa ballpen at nagpatuloy sa pagpirma kahit na ang ilang nandoon ay binati na si Maddix. Napaayos lang ako sa pagkakatayo nang sinuko ako ni Seji na nasa kabilang side ko. Napapikit ako bago umayos sa pagkakatayo.

I heard him talking to the manager kaya hindi ako nag-angat ng tingin.

"Yes, Sir. We have already informed the other ship na paglilipatan mo," sambit ng manager kaya napaangat ang tingin ko.

Aalis siya? Napansin nito ang pag-angat ko ng tingin kaya sumulyap ito sa'kin, pero nag-iwas din naman agad siya ng tingin.

"Okay," simpleng ani na nito bago tumalikod.

"Aalis ka?" Huli na nang mapansin na mali ang bigyaan kong pagtanong ng ganoon. Lahat ng mata nila ay nalipat sa'kin at ang iba pang regular employee ay tinaasan ako ng kilay.

Natigil ito sa pag-alis at sumulyap sakin. Namula ang mukha ko sa kahihiyan. Okay. What the hell, Aliyah?

"I-I mean... I'm ah... I'm sorry." Gusto ko na lang lamunin ako ng lupa sa subrang kahihiyan. Siniko ako ni Seji at ang tanging nagawa ko ay mapapikit.

When I glanced at him, I saw his lips rise. I thought he was going to say something more, but he completely turned her back and left us.

"What was that?" Natatawa pang sambit ni Hennah habang nakatingin sa'kin.

"Ayos ka lang?" Seji asked, and I saw her curious stare.

I was about to say that I was fine, but I noticed the manager's sharp look at me. Okay. I should zip my mouth. Why did you think and ask that, Aliyah?

"In my office, Miss," mariin na utos ng Manager.

Nakita ko ang pag-aalala ni Seji nang sulyapan ko siya. I smile at her to assure her that I'll be okay. Sumunod ako sa sinasabi niyang office niya. Pagpasok na pagpasok ko ay hinarap niya agad ako.

"Do you know who you just asked a question about, Miss?" Naitikom ko ang labi at umiling.

As if naman pwede kong sabihin na oo, kilala ko iyon, kahalikan ko nga iyon kagabi eh! Damn it, Aliyah! Mapapagalitan ka na nga, nagawa mo pang mag-isip ng pabalang na sagot?

"Yes, Ma'am. He is the owner of this ship," nakayukong sambit ko.

Napatalon ako sa gulat nang hampasin niya ang lamesa niya.

"Alam mo naman pala, eh bakit kung makapagtanong ka ay girlfriend ka niya? Aalis ka? You asked that kind of question, and that was insane! That was the owner of this cruise ship, Miss. Nakakahiya. Ano na lang ang sasabihin ni Mr. Villaranza?!" Madiin na sambit nito.

"I-I'm sorry po," utal na sambit ko dahil medyo nakakatakot ang pagtaas ng boses niya.

"And who are you to asked him kung aalis ba siya? Are you out of your mind?" Patuloy pa niya.

Lumapit siya at hinawakan ang name tag ko. I know that I am wrong for asking that. Ang kapal nga ng mukha ko, pero hindi ko maiwasang mag-alala na baka kapag umalis siya ngayon ay mahihirapan nanaman akong hagilapin siya.

"Miss Aliyah Degiulda. I'm warning you. Kapag mauulit pa ito ibabagsak kita sa performance mo rito," sambit niya bago lumapit sa upuan niya.

Marami pa sana itong pangaral, pero nagpasalamat ako nang tumunog ang cellphone niya at kinailangan niya iyong sagutin.

I have so many things to do, but instead of going back to the lobby to finish signing the DTR, I walked to his room. I sighed before opening the door and almost celebrated when it probably wasn't locked.

Mabilis ko iyong sinara dahil baka may biglang makakita sakin sa pagpasok sa kwarto niya. Pagkasara ko ay siya ring pagtama ng mata namin. Again, I saw the rose on his lips. He adjusts his necktie while looking at me. He was not even surprised when I entered.

"Aalis ka?" Pag-uulit ko sa tanong ko sa kanya.

"Ganyan ka ba talaga? Walang preno ang labi mo. Ang sarap mong patahimikin," sambit niya agad at hindi pinansin ang sinabi ko.

"So aalis ka nga?" Irita kong sambit.

"I just want to inform you that I am your boss here, Miss Liyah," sambit nito bago tumalikod at kunin ang relo sa gilid.

"Give me your number then," walang pakundangan kong sambit.

Hindi siya nagsalita. Nang sulyapan niya ako ay tinignan niya ako gamit ang seryosong tingin.

"What happened last night was a mistake. Pinagbigyan lang kita. You're just a fucking kid who wants to feel like an adult. Kalimutan natin ang nangyare. You're just curious, Miss Liyah. And besides, hindi ako mahilig sa bata."

Hindi ako makapaniwala sa sinabi nito. So after what happened last night, wala lang iyon? Mas lalong naging mapait ang timpla ko dahil buong gabi ko iyong inisip, hindi ako nakatulog, pero siya ay parang wala lang iyon. Nakakahiya. I expect something.

Achievement? The hell! And what did he said? Pinagbigyan niya ako? Pinagbigyan niya lang ako?

Buong araw kong inabala ang sarili ko para kalimutan iyon. Kakalimutan ko ang kahihiyan na iyon sa ngayon, pero hindi ibig sabihin ay susuko ako. Mas lalo ko lang gustong kunin ang loob niya at iwan kalaunan.

"I'm telling you to stop, Aliyah. Just focus on your work immersion," tanging nasabi ni Bella.

Gusto ko lang ng may kausap kaya tinawagan ko siya, and end up saying what happened here. 

"You are just wasting your time. Just accept the fact that you are just a kid for him," pangarap pa niya.

"You know why I'm doing thi--"

"But you know that you are just wasting your time. Kahit kailan hindi mo mapapa-ibig ang isang Maddix Villanueva. He is known to be womanizer. Papalit-palit ng mga babae. The last time he linked with the famous celebrity. I'm sorry for asking this, but I want to know who you are? Who do you think are you para mapa-ibig ang isang business tycoon kagaya niya?"

Natahimik ako at napatitig sa kawalan. Tulog na ang mga kasama ko, but I was here at the balcony cabins talking to Bella and thinking something. 

Am I really wasting my time? 

"Just wait for the karma to get even, Aliyah," huling sambit nito bago magpaalam dahil lumalalim na ang gabi.

The next day, minabuti kong pagtuonan ng pansin ang pagtatrabaho ko sa barko. May times na bigla-bigla na lang sumusumpong ang sea sickness na nararamdaman ko, but there's a time na maayos ang pakiramdam ko at malaking tulong iyon para mas maging maayos ang trabaho ko.

 Kailangan kong ayusin ang trabaho ko lalo na at pansin ko na medyo binabantayan ako ng manager, animo'y naghahanap ng butas para tuluyan akong ibagsak.

"Ayan nanaman siya," napasulyap ako kay Seji nang sabihin niya iyon.

Pareho kami ngayon ni Seji na nailagay sa lobby ng hotel. Last time ay sa restaurant ako nalagay, at ngayon ay dito. Huling lipat na namin ito dahil dalawang araw na lang ay matatapos na ang work immersion namin. 

The company gave us an extra day and one night to relax dahil sa ika sampung araw namin ay nasa gitna pa ng dagat ang barko.

Sinulyapan ko ang sinasabi ni Seji. Isa sa pasaherong americano na ilang beses ng lumapit para humingi ng cellphone number ko. Napapikit ako sa irita.

"Hi, Beautiful," bati nito at kahit medyo irita dahil mapilit ito ay nginitian ko pa rin siya. 

"Hello, Sir. I hope you are enjoying staying here," nakangiti kong sambit.

"Of course I am, but I would more than enjoy staying here if you gave me your number this time."

Bumuntong hininga ako. Kahapon pa siya pabalik-balik para manghina ng number ko at ilang beses akong nag bigay ng palusot.

"Ibigay mo na at iblock mo na lang kapag tapos na ang work immersion," bulong ni Seji.

Gusto kong imirap, pero pinigilan ko ang sarili. Pasahero siya at kailangan na kahit na subrang inis na ang nararamdaman ko ay ngumiti pa rin ako.

"Okay, Sir. Give me your phone, and I'll put my cellphone number there, but I can't promise to reply immediately because I have work."

Lumaki ang ngiti niya at binigay sakin ang phone niya. Nilagay ko ang numero ko at binigay agad sa kanya.

"Thanks, Sweety," masayang sambit nito bago tumalikod, pero napakurap-kurap ako nang sabay-sabay na bumati ang ilang empleyado sa lobby.

"Good afternoon, Sir," bati ni Seji kaya napasulyap ako sa gilid namin, and I saw him now staring at me with his dark eye.

"Good afternoon," He said it using a baritone voice.

Sinundan ko siya ng tingin nang tumalikod siya at tuluyang umalis. May dalawa itong kasama. Isang babae at isang lalake. Ngumuso ako at iniwas na lang ang tingin sa dinaanan niya.

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status