Share

Breaking Marriage With My Billionaire Husband (Tagalog)
Breaking Marriage With My Billionaire Husband (Tagalog)
Author: Your Sunshine

CHAPTER 1 (Mainit na Gabi)

Author: Your Sunshine
last update Last Updated: 2024-07-05 19:32:24

Dahan-dahang iminulat ni Solene ang kanyang mga mata. Tila napakabigat ng talukap niyon pero unti-unti niya itong dinilat para mailibot ang paningin sa buong kwarto. Puti at kahoy ang kombinasyon ng lugar. Mukhang mamahalin. Pero pakiramdam niya ay napakabigat ng katawan niya. Napatingin siya sa kanyang kanan. Doon ay bigla siyang kinabahan. May katabi siyang lalaki. Lalaking hindi niya kilala. 

Nag-vibrate ang phone ng lalaking katabi niya kaya naman mas lalong lumakas ang kabog ng dibdib ng dalagang si Solene. Gusto na niyang umalis sa lugar na ito at tumakas. But she can’t do that now. Ano bang ginawa niya? Ganon na ba siya kapusok kagabi para mahantong siya sa ganito? How can she sleep with a stranger? Hindi naman siya pinalaking ganito ng mga magulang niya. 

Sinagot ng lalaki ang tawag kaya tumigil na ito sa pag-ring.

“Yes?” wika nito  sa kabilang linya.

“Hmm, mukhang kagigising mo lang, Dude. Nakadali ka na naman ba ng babae kagabi? Ano? Sexy ba at balingkinitan ang katawan?” mapanuksong wika nito.

Napatingin si Holden sa babaeng nakahiga katabi niya. Ramdam niya pa rin sa mga palad niya

kung gaano kanipis at kalambot ang bewang nito kagabi.

“Shut up, Stefano.” Awat niya sa kaibigan.

“Anyway, kalian ba ang get together natin? When are you free? Hirap talaga kaya big time ang barkada. Hindi mahagilap.” Pag-iiba ng topic ni Stefano sabay biro pa. Matagal na niya itong kaibigan si Stefano. Stefano is a doctor. Halos lahat na yata ng bagay tungkol sa buhay ni Holden ay alam na nito.

“I’ll be free in the next days to come. I’ll message you.”

“Okay! Bakit hindi mo kaya yayain ang asawa mo? Dalhin mo naman nang makilala ng lahat. You know, the one that you married a year ago?” nakangisi pa nitong wika sa kabilang linya thinking that his friend will like his idea.

Agad na nag-iba ang timpla ng mukha ng binata. Hindi siya natutuwa na marinig ang sinabi ng kaibigan niya. Ni hindi pa nga siya nagsasawa sa pagiging binata niya. Being tagged as married is a big no for him. If it weren’t for his Grandma ay hinding-hindi siya magpapakasal sa kung sinong cheap na babae lang. He doesn’t like marriages though.

“No need. She won’t be called my wife soon. Hihiwalayan ko na kung sino man ang babaeng iyon. Dahil lang naman kay Grandma kaya ko siya pinakasalan. Glad she's at peace now at mas nagiging malakas pa siya araw-araw.”

Tila nagulat naman si Stefano sa sinabi nito at napakunot noo pa. “What? So hihiwalayan mo nga siya? Paano kung hindi siya pumayag? O ang Grandma mo? Anong plano mo sa kanya?”

“As if may magagawa siya? I am Holden Anderson, Stefano. I have my ways. By hook or by crook. Tss. Isa pa, papayag siya kung ayaw niyang magkaroon siya ng problema. If you're thinking about Grandma, ako na lang ang bahalang magpaliwanag sa kanya.”

 

“Ang tindi mo talaga, Dude. Hindi bale, kung kailangan mo ng prescription diyan sa ka-bitter-an mo, daan ka lang sa hospital. Sige ka, baka hindi ka na makahanap ng babaeng totoo

mong mamahalin dahil diyan.” Pagbibiro pa nito.

“Baka gusto mong ma-confine sa sarili mong hospital ngayon na? Parang ang dami mong oras?” Pagbabanta pa ni Holden.

“Ito naman. Nagbibiro lang, e. Sige na. I’ll hang up. Busy pala ako dito sa

hospital. Ciao!” The call ended.

Simple lamang na niyakap ni Solene ang katawan niya habang mariing nakapikit sa ilalim ng kumot. Naririnig niya ang mga yabag ng paa ng binata na papalapit sa kanya. Tinapunan lang siya ng tingin nito dahil inaakala nitong natutulog pa rin si Solene. She heard him tss saka ito pumasok sa banyo para mag-shower.

 

Pakiramdam ni Solene ay namaga ang buo niyang katawan sa sakit niyon. Nagugunita niya pa sa alaala niya kung gaano siyang naging kamapusok kagabi. Bawat ulos ng lalaking katabi niya ay siya ring sinasabayan ng kanyang katawan. Ramdam niya na parang napunit ang ibabang bahagi niya matapos ang mainit na pagsasalo kasama ang isang estranghero kagabi. Nananakit ang buo niyang katawan. Nanunuyo ang kanyang lalamunan. Marahan ang bawat naging kilos niya. Inilibot niya ang paningin sa magarang hotel kung nasaan siya ngayon nang bigla niyang maramdaman ang lamig na tila nanuot sa buo niyang katawan. Hubo’t hubad lamang siya. Nanigas siya bigla nang maramdaman ang presensya ng lalaking kasama niya. Doon ay tila namutla siya. Naalala niyang bigla ang asawa niya na pinakasalan niya isang taon na ang nakalilipas. Ano bang pinasok mong ito, Solene? Nakakahiya ka! Aniya sa isipan.

 

Biglang nakaramdam ng awa si Solene para sa asawa nung lalaki. Kung sino man

ito, sobrang lungkot siguro niyon kapag nalaman niyang makikipaghiwalay na sa

kanya ang asawa niya. At talaga namang sinuko niya ang sarili niya sa kung sino-sino lang? Feeling niya ay napakadumi niyang babae. 

Nang maramdamang tuluyan nang nakapasok sa banyo ang lalaki ay agad na nagmamadaling pinagdadampot ni Solene ang damit niya saka iyon sinuot. Nilisan niya ang lugar na iyon. Pumara siya ng taxi. Tila traumatic pa rin sa kanya ang mga narinig niya. Until everything flashed into her memory. Kung paano at kailan nagsimula ang lahat. Kung hindi dahil sa Mama niya ay hindi naman sana siya magpapakasal agad. Pero iyon ang huling kahilingan ng Mama niya sa kanya. Na makapag-asawa siya nang hindi ito mag-isa lalo pa at mahina na ang Mama niya. May mga bagay na

hindi na nito magagawa pa para kay Solene. 

Continue to read this book for free
Scan code to download App

Latest chapter

  • Breaking Marriage With My Billionaire Husband (Tagalog)    CHAPTER 20 ( New Face)

    Natatarantang napabalikwas ng bangon si Solene. Muntik na niyang makalimutang mag-isa ang nanay niya sa hospital. Kailangan na niya itong dalawin. Masyado siyang na-busy nung family dinner. Alam naman niya na bumubuti na ang lagay ng nanay niya pero kailangan pa rin nitong matutukan. Iyon pa nga ang kailangan niyang ipag-alam kay Grandma Lustria.Inilibot niya ang tingin sa paligid. Alas syete na ng umaga. Wala si Holden. Nasaan kaya siya? Tanong niya sa kanyang isipan. Iniisip niya na baka hindi na ito nakauwi. Pero saan naman kaya ito nagpunta at hindi na ito nakauwi pa? Buong gabi siyang pinaghintay nito.Inayos niya ang kanyang sarili para magmukhang disente siya sa paglabas ng kwarto. Bumungad sa kanya si Grandma Lustria sa may labas ng kwarto niya. Bahagya siyang nagulat.“Grandma!” aniya habang nakangiti. Niyakap niya ito.“Ano? Kumusta ang gabi ninyo ng aking apo? Magkaka-apo na ba ako sa tuhod, Solene?” tila excited nitong tanong. Bakas ang tuwa sa mga mata nito.Simpleng nap

  • Breaking Marriage With My Billionaire Husband (Tagalog)    CHAPTER 19 (The Ex's Is Back)

    Inis na tiningnan ni Solene ang sarili niya sa salamin. Nandito siya ngayon sa loob ng kwarto nilang mag-asawa. Basang-basa ang dress na suot niya. She wiped her make-up dahil sira na rin naman ito. Naiinis siya kay Isabel. Pero mas naiinis siya kay Holden. Hindi man lang siya nito pinakinggan.“Bwiset ka talaga kahit kailan, Holden Anderson! Ni hindi mo man lang ako pinagsalita muna.” Banas niyang wika habang pilit na tinatanggal ang make-up niya.Pagkatapos niyon ay sunod niyang hinubad ang dress na suot niya. Gusto pa sana niya itong isuot ng matagal pero wala na, madumi na. Hindi niya naman magawang umiyak pa dahil inis ang nararamdaman niya. She walked around naked trying to look for her clothes pero hindi niya ito makita.Asan na ba ‘yun? Aniya sa isipan.Nang walang anu-anoy bumukas ang pinto ng kanilang kwarto.Gulat na napatitig si Solene sa imahe ng lalaking nakatayo sa may pintuan. Si Holden. Nakatitig sa kanya at tila hindi rin makapaniwala sa nakikita niya.Hindi nagawang

  • Breaking Marriage With My Billionaire Husband (Tagalog)    CHAPTER 18 ( Welcome to the Family)

    Tila maingat ang bawat hakbang ni Solene. Lalo na nang papalapit sila nang papalapit sa pamilya ni Holden. Hindi naman sobrang dami ng tao sa garden kung saan ini-held ang dinner. Parang apat o limang pamilya lang ang naririto pero lahat sila ay nakasuot ng magagarang damit. May iba rin mga bisita bukod sa pamilya ng mga Anderson. Naroon din daw ang ilan sa mga kaibigan at kaanak ng mga ito. Mukang gusto talaga ni Grandma Lustria na ipakilala si Solene sa angkan nila.Nang makapunta sa gitna ang dalawa ay nagsitinginan ang mga bisita sa kanila sabay ngiti. Ang iba’y nagbubulungan pa. Hindi maulinigan ni Solene kung anong pinag-uusapan o sinasabi ng mga ito pero sa tingin niya ay hindi naman siya pinag-iisipan ng masama.Maya-maya pa ay umakyat si Holden sa stage hawak-hawak niya pa rin ang kamay ni Solene at tila inaalalayan ito. Inabot sa kanya ng secretary niya ang mic. At that moment, naguluhan siya bigla. Akala niya ba, ayaw ni Holden na malaman ng lahat na siya ang asawa? E bakit

  • Breaking Marriage With My Billionaire Husband (Tagalog)    CHAPTER 17 (FAMILY DINNER PART 2)

    “Perfect!” tanging naibulalas ng make-up artis na binayaran ni Holden para ayusan ang kanyang asawa sa dinner na ‘to. Hindi naman na-inform si Solene na may pa-ganito pa pala kahit simpleng dinner lang. Siguro ganon na lamang talaga ang takot ni Holden na humarap itong hindi presentable sa harap ng pamilya niya lalo pa at hindi lang si Grandma Lustria ang makakasama nila ngayong gabi kundi pati na rin ang uba pa nitong mga angkan. Nag-aalangan pang tingnan ni Solene ang sarili niya sa salamin. Perfect ba talaga ang pagkakaayos sa kanya? Baka naman hindi maganda at mapagtawanan lang siya. Ni hindi naman kasi siya nagmi-make-up. “Maam, tingnan niyo na ang sarili niyo sa salamin. H’wag kayong matakot.” natatawa pang bulong ng babaeng make-up artist. Naiilang na ngumiti si Solene. Saka niya dahan-dahang sinulyapan ang sarili. Napahawak siya sa mukha niya. Ang maputla niyang balat ay tila nagkaroon ng buhay. Her lips were plummed. Her cheeks were rosy. The make-up is light pero buhay n

  • Breaking Marriage With My Billionaire Husband (Tagalog)    CHAPTER 16 (Family Dinner)

    Hindi makapaniwala si Solene na iniligtas siyang muli ni Holden sa mga supladong security ng mansiyon nila. Hindi naman siya judgemental pagdating sa mga security pero pakiramdam niya talaga ay feeling tagapagmana ang mga iyon. "You haven't been formally introduced to the whole family yet. Kaya hindi ka nakilala ng mga security."Hindi siya nakapagsalita. Bakit pakiramdam niya mali niya pa rin? "Aren't you going to say anything?" Napatingin sa kanya si Solene nang may pagtataka. Sa dami ng nangyayari sa buhay niya, nasi-speechless na lang talaga siya at madalas na tulala. "Tapos na 'yon. Sa tingin ko ay hindi mo na rin naman ako dapat pang ipakilala sa buo mong angkan dahil hindi naman na tatagal ang kasal natin." Walang kabuhay-buhay na sagot ng dalaga.Tila napaangat ng kanyang kilay si Holden. "At sa 'yo pa talaga nanggaling 'yan? Well, can't you atleast savor the days na asawa mo pa ako? Tsk."Tila uminit ang ulo ni Solene sa narinig. Savor? Paano niya lalasapin ang ganitong bu

  • Breaking Marriage With My Billionaire Husband (Tagalog)    CHAPTER 15 (Saved Again)

    SARIWA pa rin sa isipan ni Solene ang mga katagang binitawan ni Holden kanina nung nasa sasakyan pa sila. Habang paulit-ulit iyon na nagpi-play sa utak niya ay naninindig ang balahibo niya. She can still feel his soft hands laying on her chest. Mariin siyang napapikit. Kasabay non ay ang pag-iling iling niya.Hindi ito maaari. Bakit ko ba siya iniisip? Bakit ba ako nagpapaapekto sa mga sinasabi niya? Iyon ang tumatakbo sa kanyang isipan habang nagbibihis siya. Tiningnan niya ang kanyang repleksyon sa harapan ng salamin at doon nakita niya ang sugat sa kanyang mukha at katawan. Buti na lang ay maari pang matakpan ng concealer ang sugat sa mukha niya. Ang sa katawan naman, kinakailangan na niyang magsuot ng jacket nang hindi iyon makita ng Mama niya. Sobrang tahimik ng bahay simula nang mamalagi sa hospital ang mama niya. Siya na lang ang nananatili rito at kailan man, hindi na bumalik ang Papa niya. Hindi na rin naman niya hinahangad na bumalik pa ito kung puro pasakit at paghihirap lan

More Chapters
Explore and read good novels for free
Free access to a vast number of good novels on GoodNovel app. Download the books you like and read anywhere & anytime.
Read books for free on the app
SCAN CODE TO READ ON APP
DMCA.com Protection Status