LOGINHumabol... Goodnight...
FERLYNapatayo si Mama.Nagpalipat-lipat ang tingin niya kina Papa at Jyrone, na parang pinaghahambing ang hitsura ng dalawa.“Si Jyrone… anak mo?” Napuputol at nanginginig ang boses ni Mama.Namula na rin ang mga mata niya na parang maiiyak na.Mas humigpit ang pagkakahawak ni Jyrone sa kamay ko nang iamba at ituro siya ni Mama.Akmang tatayo si Papa para hawakan ang mga braso ni Mama, ngunit marahas siyang itinaboy at winaksi nito.Tuluyan na ring pumatak ang mga luha ni Mama.“Kailan pa? Kailan mo pa nalaman na anak mo si Jyrone? Answer me, Daniel!”Napasinghap ako. Ramdam kong nadudurog si Mama, pero hindi ako makalapit sa kanya. Wala akong magawa kundi panoorin lang siya.“Noong unang araw na pumunta siya rito,” yuko ang ulo na sagot ni Papa.Umiiyak na tumawa naman si Mama. Isang tawang puno ng pait at panlulumo.“Gano’n na katagal? Dios mio, Daniel… Pinagmukha n’yo kaming tanga! Nanood ka lang na inasawa ng anak mo ang anak ko.”Bago ko pa mapigilan si Jyrone, mabilis na siyang
FERLYIlang minuto na kaming nakatayo sa harap ng lumang bahay, pero hindi ko pa rin magawang humakbang papasok. Nakatingin lang ako sa pintong ilang hakbang ang layo mula sa amin. Ilang beses kong naiisip kung ano ang magiging unang reaksyon nina Mama at Lola sa pagkikita namin pagkatapos ng ilang buwang walang komunikasyon. Pero ngayong nandito na kami, parang biglang nawala lahat ng naiisip kong sasabihin. Nang tumawag si Fernan at sabihing pumunta ako rito, nagulat ako. Kinabahan nang sobra. Nagdalawang-isip. Bakit, matapos ang ilang buwan, bigla nila akong pinapapunta? Pero sa huli, pumayag ako. Umaasang patatawarin na nila kami.“Ferly.”Napalingon ako kay Jyrone nang marahan niyang pinisil ang kamay kong hawak niya.“If you’re not ready to see them, we can leave.”Umiling ako.“Nandito na tayo.”Tumingin ako ulit sa bahay.“Wala nang atrasan.”Sandali niya akong pinagmasdan bago siya bahagyang tumango.Sabay kaming bumuga ng hangin at sabay na naglakad papasok sa lumang b
FERLY“Jyrone, ano na naman ba ’yan?”Napapailing ako habang nakatingin sa bitbit ni Jyrone.“Shoes for the baby…” Nakangiting inangat niya ang isang pares ng sapatos.Kinuha ko iyon at ibinalik sa lalagyan.“Hindi pa ’yan magagamit ni baby.”Nandito kami ni Jyrone sa mall para mamasyal. Kanina pa kami naglilibot para mamili ng mga gamit para sa baby namin.“Sister-in-law… Ito, bagay kay baby.”Napahawak ako sa noo ko nang makita ang denim pants na hawak ni Leandro.Kinuha ko rin iyon mula sa kaniya.“Talagang magkapatid kayo. Puro hindi pa magagamit ni baby ang binibili ninyo.”Parehong humaba ang nguso nila.Itinuro ko ang mga lampin, baby mittens, at damit para sa newborn.“Ito ang kailangan natin.”Halos lahat ng magagamit ko sa araw ng panganganak ay nabili na nila.“Sigurado ka bang kumpleto na ’to?”Tinitingnan ni Jyrone ang laman ng cart.“Oo.”Napangiti na lamang ako habang pinapanood ko silang pumipila na sa counter.Umupo muna ako dahil medyo nangalay na ang mga paa ko.Hin
FERLYIlang minuto na ang lumipas matapos umalis si Papa Daniel.Heto at tahimik lang akong nakaupo sa tabi ni Jyrone.Hindi ako nagsalita. Hindi ko ginambala ang pananahimik niya.Naiintindihan ko kasi siya.Kailangan niya munang huminga.Maging ako, gusto ko rin munang huminga. Gusto ko munang gumaan ang pakiramdam ko.Nahaplos ko na lang ang tiyan ko saka napahilig ako sa balikat ni Jyrone, na hanggang ngayon ay hindi pa rin gumagalaw.Ipinikit ko muna ang mga mata ko. Pinakikinggan ang malakas na tibok ng puso niya.Panay haplos lang ako sa tiyan ko habang bumabalik sa isip ko ang huling sinabi ni Papa bago siya umalis.I don't know... I need more time to think.Napalingon ako kay Jyrone nang bahagya siyang gumalaw. Nakatingin na siya ngayon sa p***o kung saan lumabas si Papa kanina.Yumakap ako sa kanya, baka sakaling mapansin niya ako.At oo, lumingon siya.Pero hindi pa rin siya nagsasalita.Paulit-ulit lang siyang bumubuga ng hangin.Marahil ay pinoproseso pa rin niya ang lahat
FERLY“Sige na, puntahan n'yo na siya…” sabi ni Mama habang tinatapik ang balikat ni Jyrone. Pagkatapos ay ngumiti siya sa akin.Pero si Jyrone...Halatang nag-aalangan. Hindi niya maalis ang tingin sa mama niya.Parang may gusto siyang itanong pero nahihirapan siyang magsalita.“Ferly, sige na. Puntahan n'yo na siya. Kanina pa siya naghihintay.”“Opo, Ma...” Inilingkis ko ang kamay ko sa braso ni Jyrone at tinitigan ko siya sa mga mata.Tumango lang siya at sumabay sa akin sa paglalakad.Pero ang bagal ng mga hakbang namin.Pagdating namin sa living room, agad na tumayo si Papa.Ngumiti siya, pero pilit.Bumitiw ako kay Jyrone at niyakap ko siya.“Kumusta ka po, Pa?” Hinaplos ko ang likod niya.“Ayos na ako… sa awa ng Diyos.” Kumawala kami sa yakap ng isa't isa. “Binigyan pa ako ng isa pang pagkakataong mabuhay.”Kay Jyrone na ang tingin niya habang sinasabi iyon.Pero si Jyrone, hindi pa rin gumagalaw sa kinatatayuan niya.Nagbago na rin ang ekspresyon niya.Kung kanina ay gulat at
FERLYMahigit isang buwan na ang lumipas mula nang makalabas ako ng ospital.Nakabalik na rin kami sa Maynila. Bumalik na rin siya sa pagiging COO.Ako lang ang hindi pa bumabalik sa pagiging doktor. Ayaw pumayag ni Jyrone, kasi ayaw niyang mapagod ako.Hindi man perpekto ang buhay namin sa ngayon, maayos na kami.Unti-unti nang bumabalik sa dati ang takbo ng buhay namin ni Jyrone.Hindi… iyon lang ang pilit naming ginagawa.Oo, madalas na kaming ngumingiti. Nagagawa na rin naming magbiruan.May mga pagkakataong nakakalimutan naming may mabigat pa ring bahagi ng buhay namin na hindi pa naaayos.Pero may mga gabing napapahinto ako. Biglang sumisikip ang dibdib ko.'Yong pakiramdam na may kulang.Ang pamilya ko.Napatingin ako sa phone ko. Nandito kasi ako sa kusina. Wala si Jyrone, kaya sumubok na naman akong tawagan sila.Pero hindi pa rin sila sumasagot.Choice talaga nilang huwag akong kausapin.Kasi nakikita naman nila ang pangalan ko sa screen.At kahit masakit, pinipilit kong una







