Home / Romance / Breaking Rules: The Sweetest Risk / Chapter 28—After The Wedding

Share

Chapter 28—After The Wedding

Author: sweetjelly
last update publish date: 2026-01-23 23:54:22
Jyrone

“Anong tinago?”

Napigil ko ang hininga ko. Para akong sinuntok sa sikmura, na hindi man lang ako nakapalag.

“Jyrone…” nanginginig ang boses niya. Halatang pinipigil ang luha.

Gusto kong sumagot agad, pero walang lumabas na boses. Parang may humigop ng lahat ng hangin sa loob ng dibdib ko.

Maging sina Anessa at Bart ay hindi rin makasagot, hindi makagalaw.

“Ferly…”

Humakbang ako palapit, isang beses lang. Hahawakan ko sana ang kamay niya, pero umatras siya, inilayo ang kamay. Maliit na gal
sweetjelly

Goodnight po sa lahat... Paisa-isa muna...

| 6
Continue to read this book for free
Scan code to download App
Locked Chapter

Latest chapter

  • Breaking Rules: The Sweetest Risk   Chapter 60 — His Secret

    JyroneTuluyang pumasok si Daniel sa loob ng presinto nang hindi man lang lumilingon. Diretso lang ang lakad niya, parang may hinahabol. Parang natatakot na maunahan siya.“Sir…” mahinahong tawag ng imbestigador sa tabi ko. “Papasok pa po ba kayo, o susundin na lang po natin siya?”Hindi agad ako sumagot. Sa halip, napatingin ako kay Ferly.Nakatutok pa rin ang tingin niya sa pintong pinasukan ni Daniel.Hindi ko man mahulaan ang nasa isip niya, malinaw sa mukha niya ang pagtataka.“Hey…” Marahan kong hinaplos ang likod niya.Saka lang siya tumingin sa akin. May lungkot sa mga mata niya. Matamlay, parang kinakabahan.“Are we going in?” tanong ko, mahinahon ang boses.Tumango siya at siya ang unang naglakad. Hindi na niya kami nilingon.Sinundan ko ang mabagal niyang paglalakad.Kada hakbang niya, parang pinipiga ang puso ko.Ang gusto ko lang naman noon ay mahalin si Ferly at maging masaya kami kahit kumplikado ang sitwasyon.But shit.Para kaming pinaparusahan.Puro na lang problema

  • Breaking Rules: The Sweetest Risk   Chapter 59 — Demand

    JyroneHindi ako mapakali buong araw.Kaharap ko nga ang telebisyon, parang nag-e-enjoy sa pinapanood, pero ang totoo, wala roon ang isip ko. Hindi ko nga alam kung ilang beses ko nang tinapik ang dibdib ko; ilang beses na rin akong uminom ng tubig. Sandali lang gumagaan ang pakiramdam ko, pero wala rin.Hindi pa rin naaalis ang bigat. Ang sikip pa rin ng dibdib ko. Ang hirap huminga.Paulit-ulit na bumabalik sa isip ko ang boses ni Papa. Ang paraan ng pagsabi niya, hindi galit, pero mas mabigat. Mas bumaon sa puso ko.Find the courage.Napapapikit ako. Kasunod kasi niyon ang imahe ni Mama. Kung paano siya ngumiti kanina, kung paano niya ako niyakap, na parang wala siyang kahit anong duda sa akin.Parang walang mali.“Jyrone…”Napamulat ako at napatingin kay Ferly na nasa tabi ko lang, pero hindi ko ramdam kanina.Tahimik lang siya, pero halata sa mga mata niya na matagal na niya akong pinagmamasdan.“Are you okay?”Mabilis akong tumango kahit hindi naman totoo. “Yeah. I’m fine.”Hind

  • Breaking Rules: The Sweetest Risk   Chapter 58 — Not Yet

    JyroneParang huminto ang oras pagkatapos magsalita si Ferly.Napatingin kaming lahat sa kanya.Umawang pa ang labi ko.Si Tita Felicia ang unang nakabawi. Pumihit ang katawan niya sa direksyon namin.“Ano?” Naguguluhan ang boses niya. Nanliit ang mga mata. “Bakit naman, Anak?”Bahagya siyang napasandal sa upuan habang nakatingin kay Ferly, tila hindi agad naproseso ang sinabi nito.“Hindi ba ito naman ang gusto ninyo? Nagmamadali nga kayo…” dagdag niya.Hindi agad sumagot si Ferly.“Desidido na kayong magpakasal agad. Ngayon na pumapayag na kami, ikaw naman ang umaayaw,” puno ng dismaya ang boses ni Lola Paz.Nakagat ni Ferly ang ibabang labi niya. Ako naman ay pinisil ang kamay niya.Huminga siya nang malalim bago tumingin sa mama niya.“Hindi po sa ayaw ko,” sabi niya.Mahina ang boses niya, pero malinaw.“Mali po kasi ang timing.”Napakunot ang noo ni Tita Felicia.“Anong ibig mong sabihin?”“May problema pa tayo, Ma.” Tumingin siya kay Lola, matapos sa mga magulang ko. “Hindi pa

  • Breaking Rules: The Sweetest Risk   Chapter 57 — The Same Name

    JyroneHindi ko alam kung ilang minuto na akong hindi humihinga habang naghihintay na may sumagot sa tanong ni Mama.“Daniel…?” Ulit niya.Mas mahina ang boses niya, pero malinaw kong naririnig.Para akong natuod. Ni kaunting galaw, hindi ko na magawa. Pero ang mata ko, diretso ang tingin kay Mama at Papa na tahimik lang sa tabi ni Papa. Ang mata, blangko na parang malalim ang iniisip.Isang buntong-hininga ang nagpapihit sa ulo ko. Si Tita Felicia. Nakapatong ang mga kamay sa kandungan niya. May bahid ng pagtataka ang mga mata habang nakatingin kay Mama at Papa.Si Lola Paz naman ay rin hindi gumagalaw sa kinuupuan niya. Nakapatong pa rin ang mga kamay niya sa tungkod habang diretso rin ang tingin kina Mama at Papa.Ramdam ko ang marahang paghila ni Ferly sa laylayan ng T-shirt ko.Sobrang mahina pero sunod-sunod.Huminga ako nang mabagal. Pinilit kong ngumiti sa kanya, kahit ang totoo, ang sakit na ng ulo ko. Parang puputok na ang ugat sa sintido ko.Kaunti na lang, malalagutan na

  • Breaking Rules: The Sweetest Risk   Chapter 56 — That Name

    JyroneHuminga ako nang dahan-dahan. Pinilit kong paluwagin ang dibdib ko na kanina parang may nakadagan.Tama si Ferly, hindi dapat ako pahalata. Kung magpapadala ako sa tensyon, baka ako rin mismo ang maging dahilan na mabuking kami.Nagpakawala ako ng pigil na buntong-hininga bago ulit humakbang.Sandaling napako ang tingin ni Mama sa akin.Hindi ko alam kung napansin niya ang panginginig ko kanina.Pero ngumiti siya.Nagpatuloy ako sa paglalakad.Maingat na inilapag ni Ferly ang tray ng sandwich.Nilapag ko rin ang bitbit ko at kumuha ng dalawang baso ng juice. Iniabot ko kay Mama at Papa.“Here, Ma, palamig muna kayo.”Sumulyap din ako kay Papa na alam kong inobserbahan ako.“Thank you,” sabi nila habang tinatanggap iyon.Nag-abot din si Ferly ng juice sa mama at lola niya.Sabay pa silang uminom ng kaunti at ngumiti.Pero ang tingin ni Mama ay nakatuon na kay Fernan na tahimik lang na nanonood ng telebisyon kasama si Daniela.“May maliit pa pala kayo… ilang taon na siya?” Nabalin

  • Breaking Rules: The Sweetest Risk   Chapter 55 — That One Question

    JyroneHindi na ako nakatulog pagkatapos ng tawag ni Leandro.Kanina pa akong nakahiga, pero hindi ko maalala kung ilang beses akong pumikit at dumilat. Bawat sandali, iisang bagay lang ang umiikot sa isip ko.Si Mama.Ang posibleng pagkikita nila ni Daniel.Ipinatong ko ang braso sa noo ko. Hindi ko ma-imagine ang sandaling magkita sila. Alam ko, para silang mga tren na magbabanggaan kapag nagkataong nagkrus ang landas nila.Napabuga ako ng hangin habang nakatitig sa kisame.Madilim pa ang paligid; kita sa siwang ng bintana, pero alam kong malapit nang mag-umaga.Tahimik ang buong bahay. Wala akong marinig kundi ang mahinang tik-tak ng orasan at ang paghinga ni Fernan sa kabilang bahagi ng kama.Napalingon ako sa kanya.Mahimbing ang tulog niya; nakatagilid at nakasimangot pa rin kahit tulog.Babantayan niya raw ako, pero para namang mantika siya kung matulog.Napailing ako at muling napatingin sa kisame.Kung darating sina Mama at Papa dito at magkita sila ni Daniel, sigurado akong s

  • Breaking Rules: The Sweetest Risk   Chapter 19 — The Man I Want to Grow Old With

    Tumawa ako. ’Yong tawang siguradong magpapakulo sa dugo ni Daniel at Calvin, pero magbubura sa duda ni Ferly. Inayos ko ang tinidor sa plato niya at dahan-dahang inangat ang kamay ko, pinahid ang gilid ng labi niya gamit ang hinlalaki ko.Napahawak din siya sa labi niyang may bahid ng creamy sauce.

    last updateLast Updated : 2026-03-22
  • Breaking Rules: The Sweetest Risk   Chapter 20 — Testing

    Paghinto ng kotse, agad akong bumaba at tahimik kong pinagbuksan si Ferly ng pinto.Tahimik din siyang bumaba, inayos ang bag sa balikat niya, at sandaling tumingin sa akin.Mula nang umalis kami sa restaurant, ganito na kami. Pasulyap-sulyap lang sa isa’t isa, pero wala ni isa sa amin ang sumubok m

    last updateLast Updated : 2026-03-22
  • Breaking Rules: The Sweetest Risk   Chapter 21—Hard To Ignore

    Ilang ulit akong lumunok, inaalis ang humarang sa lalamunan kong pumipigil sa pagsasalita ko.Si Ferly, napatitig sa akin. Seryoso ang mukha habang tumayo nang maayos, pero ni saglit, hindi ako tinantanan ng tingin.Kita ko ring unti-unting nanginig ang labi niya, na parang maiiyak na.I held her ga

    last updateLast Updated : 2026-03-22
  • Breaking Rules: The Sweetest Risk   Chapter 17—Playing the Hero

    JYRONEHindi ko mapigilan ang mapailing habang nagsasalita si Mr. Olivar sa harap ko.Siya ang supplier na sinasabi ni Calvin na nakausap nila ni Daniel kahapon. Siya rin ang mismong tinawagan ko para kausapin ang lalaking iyon. Ang hindi ko inasahan—magkakilala pala sila ni Calvin, na old friend ni

    last updateLast Updated : 2026-03-21
More Chapters
Explore and read good novels for free
Free access to a vast number of good novels on GoodNovel app. Download the books you like and read anywhere & anytime.
Read books for free on the app
SCAN CODE TO READ ON APP
DMCA.com Protection Status