LOGINKamusta po kayo.
Kinagabihan, binalot ng matinding katahimikan ang mansyon. Umuulan sa labas, at ang tunog ng mga patak ng tubig sa malalaking salamin ng estate ay nagbibigay ng isang nakakapanlumong himig.Nakatayo si Charlotte sa harap ng pinto ng master suite. May dala siyang tray na naglalaman ng mainit na gatas at mga bitamina ni Vanessa.Nanginginig ang kaniyang mga kamay, hindi dahil sa lamig ng aircon, kundi dahil sa bigat ng konsensyang dala-dala niya nitong mga nakaraang araw.Bawat pag-iwas niya kay Niorr ay tila isang kutsilyong humihiwa sa kaniyang dibdib. Hindi niya maintindihan kung bakit sa tuwing magkakatitigan sila ng bilyonaryo, pakiramdam niya ay siya ang asawa, at hindi si Vanessa.Isang malaking kasalanan ang magkaroon ng ganoong pakiramdam sa taong pag-aari na ng iba—lalo na ng babaeng nagligtas sa kaniya sa hirap.Huminga nang malalim si Charlotte bago kumatok at dahan-dahang binuksan ang pinto.Pagkapasok niya, nadatnan niya si Vanessa na nakaupo sa gilid ng kama.Madilim ang
Lumipas ang mga araw matapos ang huling pagtatalo nina Niorr at Vanessa sa loob ng master suite.Umaga. Ang sikat ng araw ay tumatagos sa malalaking bintana ng dining hall.Nakaupo si Vanessa sa dulo ng mahabang hapag, humihigop ng kaniyang decaffeinated tea. Sa kabilang dulo, abala si Niorr sa pagbabasa ng kaniyang business tablet habang pormal na umiinom ng kaniyang itim na kape.Tahimik. Hindi man lang sila nag-uusap. Ngunit ang mga mata ni Vanessa ay hindi nakatuon sa kaniyang asawa, kundi sa babaeng tahimik na nag-aayos ng mga bulaklak sa gilid ng silid—si Charlotte.Simula nang bumalik sila mula sa dalawang araw pagkatapos mastranded ng bagyo—napansin ni Vanessa ang isang kakaibang tensyon na bumabalot sa dalawa.Hindi iyon agad mapapansin ng mga kasambahay o ng mga guwardiya.Ngunit para kay Vanessa, na sanay basahin ang bawat galaw ng mga tao upang makapanlamang, ang mga maliliit na detalye ay hindi niya pinalalagpas.“Charlotte,” tawag ni Niorr. Ang baritono nitong boses ay b
Binalot ng katahimikan ang silid ni Vanessa, ang tanging maririnig ay ang mabilis at marahas na paglipat niya ng mga pahina ng makapal na kontrata.Ilang oras na siyang nakaupo roon, nakasandal sa headboard ng kaniyang kama, nasa ilalim ng liwanag ng isang maliit na lampshade.Ang mga mata niya ay mapanuri.Binasa niya ang bawat linya, bawat clause, bawat legal na terminolohiya na sinulat ng mga pinakamagagaling na abogado sa bansa.Section 4: Division of Assets. Section 7: Spousal Support. Section 12: Separation and Dissolution of Marriage.Sa bawat pahinang binabasa niya, mas lalong humihigpit ang hawak niya sa papel. Ang katotohanan ay pilit na ipinamumukha sa kaniya ng mga nakasulat na salita. Ang kasalukuyan niyang legal na posisyon ay nagbibigay sa kaniya ng napakaliit na kapangyarihan.Naprotektahan ni Niorr ang kaniyang sarili nang perpekto.Ang mga shares nito sa kumpanya, ang mga real estate properties sa buong mundo, ang mga offshore bank accounts—lahat ng iyon ay nakapan
Ang lamig ng aircon ay tumagos sa kaniyang manipis na nightgown, ngunit mas malamig ang katotohanang sumampal sa kaniyang pagkatao.Nakatayo si Vanessa sa gitna ng marangyang suite, ang kaniyang mga paa ay tila ipinako sa sahig. Ang bawat salita ni Niorr ay parang mga basag na bubog na pilit isinaksak sa kaniyang utak.Temporary shield. Financial settlement. Desperate charade.Narinig niya ang pagbukas ng shower mula sa loob ng banyo. Ang tunog ng lagaslas ng tubig ay tila nanunuya sa kaniya. Hindi siya umalis. Sa halip na sumunod sa utos ng bilyonaryo na lumabas, isang mainit at naglalagablab na emosyon ang unti-unting pumalit sa kaniyang pagkabigla. Galit.Isang malalim, madilim, at nakakapasong galit.Lumipas ang labinlimang minuto bago muling bumukas ang pinto ng banyo.Lumabas si Niorr, nakasuot ng isang itim na silk robe, ang kaniyang buhok ay basa pa at nakatulo ang ilang butil ng tubig sa kaniyang matipunong dibdib.Bahagya siyang natigilan nang makitang naroon pa rin si Vanes
Natigilan si Vanessa. Ang matalim na katotohanan ay pilit na idinidikdik sa kaniya, ngunit tumanggi ang kaniyang isip na tanggapin ito.“Why can’t you just look at me, Niorr? At least you can see I’m not just some cheap woman like you think.” galit na sumbat ni Vanessa, ang kaniyang mga mata ay namumula na sa nagbabadyang mga luha. “Kahit pagbali-baliktarin ang mundo, Nior. We are legally married! Hindi ba dapat ay itrato mo ako nang tama?!”“Kung hind imo ako magawang pagbalingan ng atensyon, kahit shares or properties nalang, Nior! That will make me feel better! Kasal tayo, sa mata ng batas may karapatan na ako sa yaman mo, hindi ba?”Mabilis na naglakad si Niorr patungo sa maliit na bar counter sa loob ng suite at nagbukas ng isang bote ng whiskey. Nagbuhos siya ng kaunti sa baso, hindi dahil gusto niyang uminom, kundi para pakalmahin ang inis na unti-unting namumuo sa kaniyang sistema.Nilingon niya si Vanessa, ang kaniyang tindig ay nananatiling makapangyarihan at hindi natitinag
Nang tuluyang sumara ang pinto, tila gumuho ang lahat ng lakas sa mga tuhod ni Charlotte.Napaupo siya sa sahig, mahigpit na nakakapit sa gilid ng kama habang pilit na hinahabol ang kaniyang paghingaAlam ni Charlotte na hindi naniwala si Vanessa. Kilala niya ang kaibigan. Sa likod ng mapagkunwaring ngiti nito ay isang matalim na pagdududa na kailanman ay hindi madaling mapapawi.Isang matinding bugso ng konsensya ang muling sumakal kay Charlotte. Pinagtataksilan niya ang babaeng kumupkop sa kaniya.Kahit na alam niyang pera lang ang habol ni Vanessa, ang katotohanang asawa ito ni Niorr sa papel ay sapat na para durugin siya sa kahihiyan.Lumipas ang ilang araw.Ang tensyon sa loob ng Figarlan Estate ay naging nakakasakal.Lalo na kay Charlotte.Kung nasa dining hall si Niorr tuwing umaga, pinipili ni Charlotte na kumain sa kusina kasama ang mga kasambahay.Kung naririnig niya ang mga yabag ng bilyonaryo patungo sa East Wing, mabilis siyang nagtatago sa library o sa hardin. Desperado
Ang byahe pauwi sa bahay ko ay mabilis at tahimik. Nang makapasok kami sa loob, tila nakahinga ako nang maluwag. Iba ang hangin dito.Inilapag ko si Niorr sa sofa at mabilis kong ini-lock ang pinto. Napasandal ako sa pintuan, pumikit nang mariin, at doon ko hinayaan ang isang patak ng luha na kumaw
SYLVIEA DE GUZMAN’S POINT OF VIEW“Hahaha! Habulin mo ako! Hindi mo ako mahuhuli!”Umalingawngaw ang pamilyar at mataginting na tawa ni Niorr sa buong parke. Para itong pinakamasarap na musika sa pandinig ko, isang melody na limang taon kong ipinagkait sa sarili ko at limang taon kong pinangarap na
Niro’s Point of ViewIbinagsak ko ang cellphone sa ibabaw ng mesa.Mommy.Umaalingawngaw ang salitang 'yon sa utak ko. Ang bilis.Ilang araw palang ang lumpas, at ngayon, tinatawag na niya itong Mommy nang may ganun kalaking saya sa boses?Kakaibang inis ang gumapang sa katawan ko pero hindi ko mai
“You fucking like him wiping your lips, huh?” madiin at mababang tanong niya.Inilapit niya ang kaniyang mukha sa akin, ang hininga ay humaplos sa balat ko. Tumindig ang mga balahibo sa batok ko. Isang kakaibang pakiramdam ang gumapang sa buong katawan ko.“N-Niro, ano ba...” mahinang usal ko, inil







