登入Hindi nagpatinag si Vanessa.
“Hindi mo kailangang kilalanin ang bata ngayon. Pwede tayong mag-DNA test kapag pwede na,” sagot ni Vanessa, ang boses niya ay nagiging mas kalmado ngunit mapanganib.
Pumitik ang mga daliri ni Vanessa patungo sa nagkalat na mga dokumento sa ibabaw ng lamesa ni Niorr.
“Pero ngayon, meron kang mas malaking problema. The European Merger. Nabalitaan ko sa lobby pa lang.”
&nbs
Hindi nagpatinag si Vanessa.“Hindi mo kailangang kilalanin ang bata ngayon. Pwede tayong mag-DNA test kapag pwede na,” sagot ni Vanessa, ang boses niya ay nagiging mas kalmado ngunit mapanganib.Pumitik ang mga daliri ni Vanessa patungo sa nagkalat na mga dokumento sa ibabaw ng lamesa ni Niorr.“Pero ngayon, meron kang mas malaking problema. The European Merger. Nabalitaan ko sa lobby pa lang.”Umikot ang mga mata ni Niorr at mas lalong dumilim ang kaniyang aura.“Ano ang mangyayari,” patuloy ni Vanessa, ang labi ay umarko sa isang ngiting demonyo, “kapag nalaman ng mga banyagang investors mo, na ang CEO ng Figarlan Empire, isang kumpanyang kilala sa matatag na moralidad at pamilya... ay nag-iwan ng isang desperada at buntis na babae sa kalsada matapos siyang abusuhin?”Kumuyom ang mga kamao ni Niorr.&n
Bumukas nang malakas ang pinto, lumikha ng isang malagim na tunog sa loob ng napakalaking opisina.Ang buong kwarto ay gawa sa mamahaling marmol at salamin. Sa gitna, nakatayo sa harap ng malaking bintana na tinatanaw ang buong lungsod, ay si Niorr Figarlan.May hawak itong baso ng whiskey, habang ang kabilang kamay ay nasa bulsa. Sa paligid ng malaking mahogany desk ay nakaupo ang tatlong lalaking abogado, halatang nasa kalagitnaan ng isang maselang diskusyon.Lahat sila ay napatigil at napatingin sa pumasok.Dahan-dahang lumingon si Niorr.Ang kaniyang mga mata ay dumapo kay Vanessa. Sa isang iglap, ang temperatura sa loob ng buong opisina ay tila bumagsak sa zero degrees.Nakilala agad ng bilyonaryo ang babae. Ang dumi na pilit niyang ipinatapon dalawang buwan na ang nakararaan. Ang babaeng nangahas na lasonin siya.Umusok ang ilong ni Niorr. Ang kaniyang panga ay tumigas na parang asero.“Sir, humihingi po kami ng pasensya, nagpumilit po siya—” tarantang pumasok ang mga guwardiya,
Ang main headquarters ng Figarlan Empire ay isang naglalakihang palasyo ng asero at salamin na nakatayo sa gitna ng pinakamayamang distrito ng siyudad.Ang gusaling ito ay simbolo ng yaman at walang hanggang kapangyarihan ni Niorr Figarlan. Ang sinumang tumuntong dito ay awtomatikong kinakain ng kaba at intimidasyon.Ngunit hindi si Vanessa.Pagbaba niya mula sa isang murang taxi, itinaas niya ang kaniyang baba. Suot ang kaniyang itim na blazer at pulang lipstick bilang sandata, naglakad siya papasok ng malaking glass doors ng gusali na parang siya ang nagmamay-ari nito.Ang tunog ng kaniyang takong ay mariin at punong-puno ng kumpiyansa.Sa malawak na lobby, sinalubong siya ng ilang mga nakatinging mata. Ang kaniyang ganda ay matalim, mapanganib.Lumapit siya sa front desk. Ang receptionist, na nakasuot ng perpektong uniporme, ay nag-angat ng tingin.“Do you have an appointment, Ma'am?” propesyonal na tanong ng receptionist.Tinitigan ito ni Vanessa nang malamig. Walang kurap.“I am
Kinabukasan, ang maliit na inuupahang kwarto ay binalot ng nakakabinging katahimikan.Nakaupo si Vanessa sa gilid ng lumang kama, ang kaniyang mga kamay ay mahigpit na nakakuyom sa ibabaw ng kaniyang mga hita.Sa loob ng banyo, nasa kamay ni Charlotte ang tatlong murang pregnancy test na binili niya gamit ang kaniyang huling pera.Isang minuto. Dalawang minuto. Tatlong minuto.Bumukas ang pinto ng banyo.Nakatayo si Charlotte, nanginginig ang buong katawan. Ang kaniyang mga mata ay puno ng luha ng pinaghalong takot at hindi makapaniwalang emosyon.Dahan-dahan siyang naglakad palapit kay Vanessa, hawak ang tatlong puting plastic sticks.“V-Vanessa...” humihikbing usal ni Charlotte, inilapag ang mga pregnancy test sa ibabaw ng kama.Lahat iyon, walang mintis. Dalawang malinaw at pulang linya.Positive.Tinitigan ni Vanessa ang mga marka. Hindi siya umiyak. Hindi siya natakot.Sa halip, isang dahan-dahan, mapanganib, at nakakalokong ngiti ang sumilay sa kaniyang mga labi.Hinawakan niya
Dalawang buwan.Dalawang buwan na ang lumipas mula nang marahas na itapon si Vanessa palabas ng Grand Imperial Hotel na parang isang walang kwentang basura.Sa loob ng animnapung araw na iyon, tila naging isang nabubuhay na bangkay si Vanessa sa loob ng kanilang maliit at mainit na inuupahang apartment.Ang mga pangarap niyang makatakas sa kahirapan, ang mga penthouse, ang mga mamahaling bag—lahat ng iyon ay naging isang mapait na alaalang patuloy na sumusugat sa kaniyang ego araw-araw.Ang init ng lumang electric fan ay hindi sapat upang pawiin ang lagkit ng tag-araw, lalo na't halo-halo ang amoy ng usok mula sa kalsada at ang murang instant noodles na kanilang pinagsasaluhan.Isang mabigat na buntong-hininga ang pinakawalan ni Charlotte habang inilalapag ang dalawang platitong may tig-isang pandesal sa ibabaw ng kanilang maliit na lamesa.Kakasahod niya lamang mula sa kaniyang bagong trabaho bilang isang tagahugas ng pinggan sa isang maliit na karinderya, ngunit halos ubos na agad a
Isang malakas na kalabog ang umalingawngaw sa loob ng isang maliit at madilim na apartment unit nang sipain ni Vanessa ang lumang pinto.“Bwisit!!” sigaw ni Vanessa, ang kaniyang boses ay paos at puno ng galit na hindi niya nailabas kanina.Napasigaw sa gulat si Charlotte, na kanina pa palakad-lakad sa sala habang kinakagat ang kaniyang mga kuko sa sobrang pag-aalala. Nang makita niya ang kalagayan ng kaniyang kaibigan, agad siyang napatakbo papalapit.“Vanessa! Hala, anong nangyari sa 'yo?!” tarantang tanong ni Charlotte, pinagmamasdan ang nagdurugong tuhod ni Vanessa, ang punit na laylayan ng damit nito, at ang mukhang sirang-sira ang make-up.Sa halip na sumagot, nagwala si Vanessa. Pinagpapalo niya ang mga unan sa lumang sofa, inihagis ang isang maliit na vase na basag sa sahig, at paulit-ulit na sinipa ang maliit na lamesa.“Wala! Walang nangyari! Hindi ko nakuha ang pera! Wala akong nakuha kahit isang kusing!” histerikal na sigaw ni Vanessa, humagulgol nang malakas habang napasa
Habang naglalakad kami pabalik, nangyari ang hindi inaasahan.Dahil sa pagdami ng mga tao na papunta sa stage para sa grand raffle, biglang nagkagulo ang daloy ng mga naglalakad. Isang grupo ng mga naghahabulang bata ang biglang sumulpot mula sa gilid. Isa sa kanila ang malakas na nabunggo sa braso
SYLVIEA’S POINT OF VIEWHindi ko kailanman inakala na darating ang araw na ito.Nakatayo ako sa gitna ng isang napakalawak na eco-park na eksklusibong nirenta ng Figarlan Group.Ang buong paligid ay ginawang isang malaking amusement park—may mga higanteng inflatables, maliliwanag na carousel, mga f
“Wag na nating pag-usap ang tapos na Niro—”Napapikit siya nang mariin. Ang kaniyang panga ay umigting. “I was a monster. I was hurting so deeply that I wanted to drag you down to the same hell I was in. At ngayon... hinding-hindi ko na mapapatawad ang sarili ko dahil doon.”Bumuntong-hininga ako,
Sylviea’s Point of ViewHalos wala akong naging tulog.Sa bawat pagpikit ng aking mga mata, bumabalik sa akin ang boses ni Niorr bago siya tuluyang lamunin ng antok kagabi.“I hope I can have both my mommy and daddy... together.”Ang inosenteng hiling na iyon ng anak ko ay winawasak ang damdamin ko







