MasukSa loob ng main foyer ng Figarlan Estate, kanina pa palakad-lakad si Vanessa pabalik-balik sa ibabaw ng mamahaling Persian rug.Nakasuot siya ng isang eleganteng silk slip dress at may nakasampay na cashmere shawl sa kaniyang mga balikat. Bawat tunog ng sasakyan na nagdadaan sa labas ay nagpapahinto sa kaniya, umaasang iyon na ang Maybach ni Niorr.Kahapon pa siya hindi mapakali. Nang malaman niyang nawalan ng kuryente at na-stranded sina Niorr at Charlotte sa mismong villa dahil sa mudslide, nagwala ang kaniyang imahinasyon.Wala siyang pakialam kung anong mangyari kay Charlotte; ang tanging nasa isip niya ay kung paano ito makakaapekto sa kaniyang asawa, at higit sa lahat, sa estado niya bilang 'asawa'.“Bakit ba ang tagal nilang dumating?!” inis na bulong ni Vanessa, kinakagat ang kaniyang maayos na manikyur na mga kuko.Siya ang tunay na naghihirap dito. Kailangan niyang siguraduhin na pagbalik ni Niorr, makikita siya nitong nag-aalala, ang perpektong asawa na laging nakaantabay s
Sa loob ng Maybach ay namayani ang nakakabinging katahimikan.Sa buong biyahe, tila may isang hindi nakikitang pader na naghihiwalay sa kanila sa backseat. Nakaupo si Charlotte sa pinakadulo ng upuan sa gawing kanan, halos idikit na niya ang kaniyang balikat sa malamig na pinto ng sasakyan para lang makasiguro na may malaking espasyo sa pagitan nila ni Niorr.Ang kaniyang paningin ay mariing nakapako sa labas ng bintana. Pinagmasdan niya ang mga natumbang puno at ang putik sa gilid ng kalsada, pilit inililibang ang sarili sa anumang makita para lamang hindi niya mapansin ang matapang at panlalaking amoy ni Niorr na pumupuno sa air-conditioned na sasakyan.Ngunit kahit anong pilit niya, bawat pagliko ng sasakyan, bawat mahinang pag-usad ng katabi niya ay tila nakakarating sa kaniyang balat. The physical distance was there, but the emotional tension was suffocating.Niorr, for his part, was doing everything he could to give her space.Nakasandal siya sa kabilang dulo, may hawak na isang
Hindi na muling umulan nang sumapit ang madaling araw.Ang marahas na pag-ungol ng hangin na nagpuyat sa buong kabundukan kagabi ay napalitan ng nakakabinging katahimikan. Ngunit para kay Charlotte, ang paghupa ng bagyo sa labas ay kabaligtaran ng nagwawalang unos sa loob ng kaniyang dibdib.Hindi siya nakatulog.Nakabaluktot si Charlotte sa ibabaw ng kaniyang kama, yakap-yakap ang sariling mga tuhod habang nakatitig sa puting kisame ng kwarto. Ang maputlang liwanag ng umaga ay unti-unting pumapasok mula sa bintana, ngunit hindi nito kayang pawiin ang lamig na nararamdaman niya mula pa kagabi.O mas tamang sabihing, hindi nito kayang pawiin ang init na nag-iwan ng marka sa kaniyang buong pagkatao.Wala sa sariling iniangat ni Charlotte ang kaniyang nanginginig na mga daliri at marahang hinaplos ang kaniyang ibabang labi. Bahagya pa rin itong maga. Nang ipikit niya ang kaniyang mga mata, parang sirang plaka na nag-replay sa kaniyang isipan ang mga nangyari sa main lounge.Ang amoy ni N
And Nior kissed her.Ang unang pagdampi ay puno ng tanong, ng pag-aalinlangan, na tila sinusubukan ni Niorr kung aatras ang dalaga. Ngunit nang maramdaman niyang bumuntong-hininga si Charlotte at sumandal sa kaniyang halik, the emotional restraint of the previous days completely broke.Naging mas malalim, mas mapilit ang halik ni Niorr. Binitawan niya ang kamay ni Charlotte at inilipat ang kaniyang braso sa maliit na baywang ng dalaga, hinahapit ito papalapit sa kaniyang dibdib hanggang sa wala na ni isang pulgadang espasyo ang namamagitan sa kanila.Napasinghap si Charlotte sa tindi ng emosyon na sumabog sa kaniyang sistema. Ibinuka niya ang kaniyang mga labi, hinahayaan ang lalaki na angkinin ang bawat hininga niya.Ang kaniyang mga kamay, na kanina ay nakakapit lamang sa braso nito, ay dahan-dahang gumapang pataas patungo sa malalawak na balikat ni Niorr, hanggang sa maikawit niya ang kaniyang mga
Nakalapit na siya nang husto kay Niorr. Ang kaniyang magkabilang kamay ay mahigpit na nakakapit sa braso ng bilyonaryo, ang kaniyang mga daliri ay nakabaon sa lambot ng cashmere sweater nito, dama ang nanigas na kalamnan ng lalaki sa ilalim ng tela.“I-I'm sorry...” nauutal at nanlalaking-matang bulong ni Charlotte. Akma siyang bibitaw at aatras pabalik sa kaniyang pwesto upang humingi ng tawad sa kaniyang kapangahasan.Ngunit bago pa man tuluyang makawala ang kaniyang mga kamay, mabilis na gumalaw si Niorr.Inabot ng bilyonaryo ang kamay ni Charlotte na nakapatong sa kaniyang braso. Hindi nito tinabig ang dalaga. Sa halip, marahan ngunit mahigpit nitong hinawakan ang nanginginig na kamay ni Charlotte, pinipigilan itong lumayo.“It’s okay. I've got you. The glass is bulletproof and storm-grade. It won’t break,” mababang bulong ni Niorr, ang boses nito ay isang matibay na angkla sa gitna ng bagyo ng emosyon ni Charlotte.Niorr gently steadied her. Ngunit nang makalma na ang dalaga... n
Nang matapos ang kanilang hapunan, unti-unting pinawi ng katahimikan ang mga huling halakhak na nagpalitan sa pagitan nilang dalawa.Sa sandaling iyon, pagkatapos nilang pagsaluhan ang simpleng pagkain sa ilalim ng liwanag ng kandila, pakiramdam ni Charlotte ay nag-iba ang takbo ng mundo.Tahimik na iniligpit ni Manang Flor at ng isa pang maid ang mga walang-lamang plato, nag-iiwan lamang ng dalawang baso ng tubig at isang mahinang ngiti bago sila tuluyang nagpaalam upang magpahinga na sa kabilang bahagi ng villa.Dahil wala pa ring kuryente at nananatiling delikado ang labas dahil sa hagupit ng bagyo, walang ibang pagpipilian ang dalawa kundi ang manatili sa main lounge.Ang silid ay maluwang, napalilibutan ng matataas na bintanang yari sa makapal na salamin kung saan tanaw ang nagngangalit na ulan at paghampas ng hangin sa mga puno ng pino. Ngunit sa loob, ang kapaligiran ay balot ng init mula sa fireplace at ng ginintuang liwanag ng mga kandilang nagkalat sa mga mesa at estante.Na
Sylviea’s Point of View Nanatili akong nakapikit.Ang bawat paghinga ko ay sumasabay sa mabigat at mainit na paghinga ni Niro. Pinakiramdaman kung unti-unti bang lalapit ang mukha niya.Ang kaniyang pamilyar na amoy, isang pinaghalong mamahaling scent at ang natural na amoy ng isang Niro Figarlan
Napakaganda ng panahon. Tirik ang araw pero may malamig na simoy ng hangin na humahaplos sa aming mga balat. Nasa isang pampublikong parke kami na eksklusibo para sa mga VIP at mayayamang pamilya.Nakatayo lang ako sa ilalim ng malaking puno ng acacia, nagtatago sa init, habang pinapanood ang dalaw
Sylviea’s Point of View “You must obey everything I say. Now strip, dance, seduce me... do it smoothly and ride!” Umalingawngaw ang mga malamig at mapang-alipustang salita ni Niro sa buong kwarto. Nakatayo siya sa paanan ng kama, nakatingin sa akin mula sa itaas, inaantay ang tuluyan kong pagka
***SEVEN MONTHS LATERNIRO'S POINT OF VIEWCold. That’s the only thing I felt right now.Pitong buwan. Pitong buwan mula nang patayin ni Sylviea ang natitirang emosyon sa puso ko.Sa loob ng pitong buwan na iyon, walang ibang ginawa ang Figarlan Empire kundi ang lamunin ang mga kalaban sa negosyo.







