登入Buong aakala ni Dyvenna na pinakasalan siya ng kanyang boyfriend dahil sa mahal siya nito. Ngunit, natuklasan niyang matagal na pala siyang niloko ng kasintahan at yaman ng pamilya lamang ang habol ni Kent. He betrayed her and she suffered. Ang tanging paraan lamang para makalaya sa kanya ay ang divorce papers. Sa paghilom ng mga sugat ay may nakilala si Dyvenna ng isang doctor at ito ang kanyang long time crush noong college. Kaya niya bang muling buksan ang puso niyang nasaktan? Paano kung bumalik ang dating asawa at humingi ng kapatawaran? Kaninong puso ba matatagpuan ang true love?
查看更多"I'm happy for you, anak." "Thanks dad." Si daddy nang makalapit sa amin. Nakita ko kung gaano siya masaya na kasal na ako. Akala niya kasi dati na, hindi seryoso si Kent sa akin at wala siyang balak na pakasalan niya ako. "Lilipat na ba agad kayo ng bahay?" tanong nito at nakatingin siya kay Kent. Si mommy naman ay busy sa kausap niya ngayon na business woman at kakilala niya na invited sa kasal, kasama niya si daddy at magkatabi lang sila. Lumingon si Kent sa akin, magkahawak kamay pa rin kami at parang ayaw na naming bitawan ang isa't-isa. "Kung ano po ang gusto ng asawa ko dad, iyon po ang masusunod." aniya na siya namang kinabalingan ni daddy sa akin. "Hmm, baka sa Sunday na po kami lilipat ng bahay, bago kami pumunta ng ibang bansa para sa honeymoon namin daddy." tumango si daddy na parang alam niya na ang mangyayari after this reception. Kasal na kami ni Kent kaya wala naman sigurong masama kung ito ang pag-uusapan namin, hindi na hadlang kay daddy ang pagmamahalan naming
"Congratulations Mr and Misis Jimenez." Masayang bati ng mga bisita sa aming dalawa nang asawa ko. Sa wakas sa ilang taon na paghihintay ay ikinasal na kaming dalawa at ngayon isa na kaming ganap bilang mag-asawa. Isa na ako ngayong Misis Jimenez. Napapangiti ako dahil pangarap ko ito na ikasal kami, akala ko hindi na matutuloy pero ang saya no'ng araw na nagpropose sa akin si Kent. Nakita ko pa lang ang singsing at lumuhod siya at kahit hindi niya pa sinabi ang buong tanong niya ay nag-yes agad ako. Wala ng paligoy-ligoy at baka bawiin niya pa. Akala ko dati, wala ng tatanggap sa akin. Nagkaroon kasi ng peklat itong kalahating katawan ko especially ang mukha ko dahil sa isang trahedya na nangyari sa akin. At sa limang taon naming magkasama bilang boyfriend at girlfriend ay sa altar din ang bagsak naming dalawa. Tanggap n'ya ako, hindi siya nandidiri sa akin. "Thank you... Thank you so much." walang paglagyan ang saya ko. "Thank you - are you tired mahal?" tanong ni Kent s
“Miss Esmerald, nakahanda na po ang kotse.” Lumingon ako sa nagsasalita na tauhan ko. O matatawag ko na bodyguard at driver. "Thank you.” iyan lamang ang nasabi ko at kinuha sa kanya ang susi at tuluyan ng sumakay ng kotse. Dahil gusto kong mapag-isa kaya ako na muna ang magda-drive ng aking sasakyan. I went to London for vacation, to unwind, to heal and to forget what happened. I'm already healed and I guess handa na ako para kalabanin ang mga taong sumira sa pagkatao at sa pamilya ko. Pero uunahin ko muna ang mismong target ko at unti-unti kong ipaparanas sa kanila ang salitang paghihiganti. Umuwi ako ng Pilipinas para hanapin ang totoong salarin, ang totoong suspect dahil sila ang dahilan ng paghihirap ko ng ilang taon, sinira nila ang buhay ko. Ibabalik ko rin sa kanila ang lahat-lahat at itatama ko ang mali.Sa mga taong ito. Ang animo’y mabait, maraming lihim palang tinatago na mabaho. Habang nakahinto ang sasakyan ko pagkarating sa stop light. Bumaling ako sa kab






Maligayang pagdating sa aming mundo ng katha - Goodnovel. Kung gusto mo ang nobelang ito o ikaw ay isang idealista,nais tuklasin ang isang perpektong mundo, at gusto mo ring maging isang manunulat ng nobela online upang kumita, maaari kang sumali sa aming pamilya upang magbasa o lumikha ng iba't ibang uri ng mga libro, tulad ng romance novel, epic reading, werewolf novel, fantasy novel, history novel at iba pa. Kung ikaw ay isang mambabasa, ang mga magandang nobela ay maaaring mapili dito. Kung ikaw ay isang may-akda, maaari kang makakuha ng higit na inspirasyon mula sa iba para makalikha ng mas makikinang na mga gawa, at higit pa, ang iyong mga gawa sa aming platform ay mas maraming pansin at makakakuha ng higit na paghanga mula sa mga mambabasa.
評論