Mag-log in
Hingal na hingal na ako kakatakbo, basang basa at puro putik na ang laylayan ng wedding gown na suot ko, at sa bawat hakbang ko ay nagiging mas mabigat ito kaya mas nahihirapan akong bilisan ang aking pagtakbo.
Kanina ko pa sinusubukang takasan ang mga lalaking humahabol sa akin— ang mga tauhan ni Marcus. Hindi ko na alam kung ilang oras na lumipas simula nang buksan ko ang pinto ng bridal car at tumalon palabas bago pa man kami makarating sa simbahan. Ang tanging alam ko lang, kailangan kong lumayo. Kailangan kong takasan ang impiyernong inihanda ni Marcus Albaladejo para sa akin.
“Nasaan na siya?!” narinig ko ang sigaw ng isang lalaki mula sa malayo.
Napapikit ako nang mariin at sumandal sa isang kotseng nakapark sa gilid ng kalsada. Ang mga tauhan ni Marcus. Hindi sila titigil hangga't hindi ako nahuhuli at naibabalik sa altar. Para kay Marcus, isa akong magiging pambayad utang sa laki ng halagang kailangang bayaran ng mga magulang ko sa kan’ya.
Dapit-hapon na, mapansin kong nagdidilim ang paligid. Hindi ko alam kung saang subdivision na ang napasok ko, kung anong lugar na ba ito.
Hindi na ako nag-isip. Sa takot na baka makita ako ng mga tauhan ni Marcus na nag-iikot sa kalsada, mabilis akong sumulot sa bahagyang nakabukas na gate. Ang mga paa ko ay tila kusa nang naglalakad patungo sa malaking pinto ng mansyon. Pagpihit ko ng doorknob, nagulat ako nang hindi ito nakalock.
Agad akong pumasok at isinara ang pinto nang mabilis, halos hindi na ako makahinga sa takot. Kay pilit kong kinakalma ang sarili.
Hindi ako pwedeng mahanap ni Marcus! Ayaw kong maging laruan ng lalaking iyon.
Sandali kong nilibot ang tingin ko sa loob ng mansion. Malaki ito pero parang walang katao-tao. Sa gitna ng malawak na sala, doon ko nakita ang isang lalaki. Nakaupo siya, may hawak na baso, at bakas sa kanyang mukha ang isang matinding pagdadalamhati na tila mas malala pa sa dinaranas ko ngayon.
Agad na sumalubong ang kilay nito nang mapansin niya ako. Agad siyang tumayo, ang kanyang mga mata ay naniningkit habang sinusuri ang aking kabuuan—isang babaeng bigla nalang pumasok sa loob ng bahay niya, hinihingal, takot.
Bakas sa mukha nito ang pagtataka kaya sandali akong napalunok.
“Please, help me!” pakiusap ko. Halos mawalan na ako ng boses dahil sa tuyong lalamunan. “He's after me!”
Tinitigan lang niya ako. Hindi ko siya kilala, at alam kong mukha akong baliw sa suot ko, pero wala na akong ibang mapupuntahan.
“Sino ka? Paano ka nakapasok?” agad na tanong niya, ang boses ay mababa pero may awtoridad, bagaman bakas ang kalasingan. “Guard!” sunod pang tawag niya.
Muli akong inakyat ng takot. Kapag tinawag niya ang mga guard, baka ibalik nila ako sa kalsada kung saan naroon naghahanap ang mga tauhan ni Marcus. Bago pa siya makasigaw muli, mabilis akong lumapit at idiniit ang aking hintuturo sa kanyang labi. Ramdam ko ang init ng kanyang hininga na amoy alak.
“I don't have time to explain,” mahinang saad ko, nangingilid ang mga luha ko sa takot. “J-just please, hide me. Please.” Pagmamakaawa ko.
Hindi pa siya nakakasagot nang biglang may dumagundong na katok mula sa labas. Sunod sunod na malalakas na katok.
Nanigas ang buong katawan ko. Sila na 'yon. I knew it was them.
Kahit pa mukhang naguguluhan at galit, nakita ko ang bahagyang paglambot ng kanyang ekspresyon. Hinila niya ako nang mabilis at itinago sa gilid, sa isang madilim na sulok kung saan hindi ako agad makikita mula sa pinto.
Inayos niya ang kanyang sarili, pinunasan ang labi, at binuksan ang pinto.
“Yes?” rinig kong saad niya. Pilit niyang inaayos ang kanyang pagkakatayo, pilit itinatago ang tama ng alak.
“Did you see someone wearing a wedding gown?” tanong ng isang boses na pamilyar sa akin—isa sa mga tauhan ni Marcus na kanina pa humahabol sa akin.
“What? N-No, and stop disturbing me,” sagot ng lalaki. Ginamit niya ang kanyang malamig at matigas na tono.
“But, I saw her run this wa—”
“This is a fucking private property!” bulyaw niya, malakas na kahit ako ay nagulat at halos mapatalon sa kinatatayuan ko, “If you're looking for someone, go to the police! Get out of my sight before I call my lawyers for trespassing!”
Wala akong narinig na sagot mula sa mga lalaking humahabol sakin, ilang sandali pa, narinig ko ang mahinang yabag ng mga paalis na lalaki , walang nagawa ang mga ito.
Habang nanatili akong nakatago, ang puso ko ay parang sasabog na sa kaba. But finally! Natapos na rin ang halos isang araw na habulan at taguan. Nakahinga ako ng maluwag at halos mapaupo sa sahig dahil sa relief na nararamdaman ko.
Hinarap ako ng lalaki matapos niyang isara ang pinto. Kalmado lang siyang nakatingin sakin, mula ulo hanggang paa. Parang sinusuri ang bawat bahagi ng pagkatao ko.
“Now,” wika niya habang muling sumandal sa pader, "Who the hell are you, and why did you run away on your wedding?”
Something big! Tommorow.Napahawak ako nang mahigpit sa gilid ng aking mesa, ramdam ang panginginig ng aking mga daliri. Something big. Bukas. Paano ko gagawin iyon kung halos himatayin na ako sa kaba kanina sa loob ng opisina niya?Hindi ko magagawa kaagad ‘to! Sobrang hirap ng pinagagawa ni Marcus.Mariin akong napapikit at ibinalik sa bulsa ang phone ko. Sandali akong napaangat ng may biglang tumikhim sa harap ng desk ko. Ang babaeng bumangga sa akin, secretary ni Niro.As usual, layag na layag parin ang cleavage nito na animo’y ikinaganda niya.Dahan-dahan siyang lumapit, mga tingin na akala mo kakainin ako ng buhay.“Sylviea, right? bilib din talaga ako sa kapal ng mukha mo,” panimula niya, panimulang saad nito na ikinataas ng kilay ko. “How did you make it here? Ginapang mo ba ang boss namin? Social climber na gold-digger??”Nanigas ako sa kinauupuan ko, parang gusto kong manampal ng wala sa oras dahil sa sinabi niya.Mariin akong napapikit, humugot ng malalim na paghinga at h
“I need an executive assistant.” Parang naputol ang dila ko sa sinabi niya. Is he trusting me that much?“Actually, my Executive Assistant just filed for a resignation yesterday. She is actually based in US kaya nagresign siya nang malamang dito ulit ako mag-fufucos sa Figarlan Tower. You see, I just got back a month ago from US. And it’s demanding job, Viea. You'll be with me 24/7. Meetings, travel, handling my confidential files... it's a high-stakes position.”Confidential files. Iyon ang kailangan ni Marcus. Iyon ang magliligtas sa pamilya ko.“I-I can do it, Niro. Promise. I won't let you down,” mabilis kong sagot.Isang matagal na katahimikan ang muling namayani. Pagkatapos ay dahan-dahang tumango si Niro. Isang tipid na ngiti ang sumilay sa kanyang labi.“Alright. If that's what you want, the position is yours. You start tomorrow,” aniya. Tumayo siya at lumapit sa akin. Hinawakan niya ang mukha ko at hinalikan ako sa dulo ng aking ilong. “But remember, inside this office, I am
Binaling muli ni Niro ang tingin sa akin, at sa isang iglap, bumalik ang lambot sa kanyang mga mata. “Are you hurt? Ano'ng ginagawa mo rito?”“D-dinalhan lang kita ng lunch,” mahina kong sagot, pilit na inaayos ang sarili habang nakasandal pa rin sa dibdib niya. “N-naisip ko kasi na baka hindi ka pa kumakain.”Isang tipid na ngiti ang sumilay sa kanyang labi. “You came all the way here just for this?” Kinuha niya ang mga bitbit ko.At imbes na bitawan ang beywang ko, muli siyang yumukod para ipasok ang isang kamay niya sa ilalim ng tuhod ko, carrying me papasok sa loob elevator. “Let's go to my office.”Sa loob, banayad akong binaba ni Niro pero nanatiling nasa beywang ko ang isang beywang niya. Pagkasara ng pinto, agad siyang tumingin sa akin. Sobrang lapit ng mukha niya, rinig na rinig ko ang bawat paghinga niya.Sandali akong napalunok, akmang iiwas ng tingin ng bigla niyang hinarap ang katawan niya sa katawan ko, inabot ang isang kamay ko. Pinned it against the wall of the elevato
Nanginginig ang mga kamay ko habang pinanonood ang video na ipinadala ni Marcus.His office. 10:00 AM.Wala na akong oras para mag-isip. Mabilis akong pumasok sa kwarto ko, kinuha ang folder sa ilalim ng unan, at isinilid iyon sa isang paper bag kasama ang ilang gamit ko para hindi paghinalaan.Mabuti na lang at nakaalis na si Niro, malaya akong makakaalis ngayon. Agad akong lumabas ng gate, ni hindi na ako nagpaalam sa guwardiyang bantay sa gate. Basta tuloy tuloy lang akong naglakad palabas at nag abang ng masasakyan.Kasing bigat ng kaba, takot at guilt sa dibdib ko ang dala kong impormasyon ngayon, pero wala akong magagawa. Wala akong ibang choice kundi maging puppet ni Marcus! Wala akong ibang pagpipilian kung gusto ko pang mabuhay ang pamilya ko.Pagdating ko doon, hindi na ako nagpaligoy-ligoy pa. Padabog kong inilapag ko ang folder sa harap niya.“Ayan na ang gusto mo. Tigilan mo na ang pamilya ko,” matigas kong saad, kahit ang totoo ay nagtatapang tapangan lang ako, nanlalamb
Sylviea De Guzman’s Point Of ViewBumukas ang pinto at iniluwa nito si Niro. Hindi tulad kagabi, maaliwalas na ang mukha nito. Nakangiti ito sa akin kaya alam kong wala itong kamalay-malay sa ginawa ko sa study room niya.Pero kahit ganoon, para akong inuusig ng konsensya ko. Ang folder na iyon—ang patunay ng kasalanang ginagawa ko, at mga gagawin ko pa—ay nasa ilalim ng unan ko lang.“I'm done preparing breakfast, let’s eat,” aniya, his voice is still calm.Sinubukan kong ngumiti pabalik, ngunit alam kong namumutla ako. "O-okay ka na ba? A-ako dapat ang nagluluto ngayon lalo na’t may sakit ka—"Sandali itong napatawa ng mahina, “I think the way you gave me those medicine works like a charm. Ang bilis kong gumaling,”Napakagat-labi ako, biglang namula. Hinalikan ko nga pala siya kagabi!“Viea, are you okay? You look like you've seen a ghost. Hindi ka ba nakatulog ng maayos? Or... is it because of that kiss last night?” nakakalokong saad nito na mas lalong ikinaputla ko.Hindi ko na al
“Viea … sinong kausap mo?”Halos lumukso ang puso ko sa sobrang kaba, daig ko pa ang babaeng nagtataksil sa asawa dahil sa takot na nararamdamn ko. Pakiramdam ko nanuyot ang lalamunan ko.“Ugh… sina Mama…” pagsisinungaling ko.Shit!“L-lumabas lang ako dahil akala ko nakatulog kana,” pagpapaliwanag ko.Muli, dahan dahan akong lumapit. Pilit kong kinakalma ang kaba na nararamdaman ko.Huh! Viea, buhay ng pamilya mo ang nakasalalay dito. Gawin mo nalang ang iniutos ni Marcus para matapos na ang lahat ng ito.Pero si Niro…Nanatili lang ang mga mata ni Niro sa akin, seryoso pero halata na mabibigat ang talukap niya. Maya maya pa inabot nito ang kamay ko, “It’s okay. Alam kong kailangan nilang malaman na okay ka lang pagkatapos mong mawala ng ilang lingo…” anito.God! He’s so understanding.Inabot nito ang kamay ko at bahagyang pinisil, “I’ll go to sleep, can you just stay here? Hanggang sa makatulog ako?” request nito na parang bata.Tumango ako, umupo sa kama sa tabi niya. Muli siyang







