Share

Chapter 21

Penulis: LadyinRed
last update Terakhir Diperbarui: 2025-06-17 11:44:11

“Ginawa mo na ang lahat Isabella para magkaroon ka ng anak. Ngayon kasalanan mo kung bakit hindi naging malusog ang bata. Bakit mo ako sinisisi?” Wika ni Adam at tumalikod din.

Ngunit wala pa ring bakas ng init sa kanyang mukha. May halong panunuya pa nga sa kanyang mga mata habang nakatingin ito kay Isabella.

“Nakalimutan mo na ba kung paano mo ako ginamit, kung paano mo ako winalanghiya at pilitin ang sarili mo para lang maipagbuntis ang batang ’yan?

Dahil gustung-gusto mo ng anak, sige, bibigyan kita ng isa pa.” Giit pa nito.

Habang sinasabi ito ni Adam, lumapit siya kay Isabella at hinawakan ang baba nito, at bigla na lamang itong nangahas halikan si Isabella.

Nakakasuka. Lubos na nakakasuka! Ito ang naramdaman ni Isabella.

Hindi niya inakala na ganun kadiin ang kanyang mararamdaman ng mga sandaling ito. Ngunit namulat siya at ginamit ang kanyang buong lakas para itulak palayo si Adam.

“Hiwalay na tayo, Adam! Pwede ba, magpakita ka naman ng konting kahihiyan!” Galit nitong siga
Lanjutkan membaca buku ini secara gratis
Pindai kode untuk mengunduh Aplikasi
Bab Terkunci

Bab terbaru

  • Breaking the Heart of my Untrustworthy Husband   Chapter 21

    “Ginawa mo na ang lahat Isabella para magkaroon ka ng anak. Ngayon kasalanan mo kung bakit hindi naging malusog ang bata. Bakit mo ako sinisisi?” Wika ni Adam at tumalikod din.Ngunit wala pa ring bakas ng init sa kanyang mukha. May halong panunuya pa nga sa kanyang mga mata habang nakatingin ito kay Isabella.“Nakalimutan mo na ba kung paano mo ako ginamit, kung paano mo ako winalanghiya at pilitin ang sarili mo para lang maipagbuntis ang batang ’yan?Dahil gustung-gusto mo ng anak, sige, bibigyan kita ng isa pa.” Giit pa nito. Habang sinasabi ito ni Adam, lumapit siya kay Isabella at hinawakan ang baba nito, at bigla na lamang itong nangahas halikan si Isabella.Nakakasuka. Lubos na nakakasuka! Ito ang naramdaman ni Isabella. Hindi niya inakala na ganun kadiin ang kanyang mararamdaman ng mga sandaling ito. Ngunit namulat siya at ginamit ang kanyang buong lakas para itulak palayo si Adam.“Hiwalay na tayo, Adam! Pwede ba, magpakita ka naman ng konting kahihiyan!” Galit nitong siga

  • Breaking the Heart of my Untrustworthy Husband   Chapter 20

    Bagamat matindi ang sakit na nararamdaman ni Isabella sa kanyang puso, wala itong sinabi kumpara sa kirot na nararamdaman niya sa kanyang dibdib.Sa mga sandaling ito, kinuha ni Marco ang cellphone mula sa bulsa ng kanyang pantalon at inabot ito kay Isabella.“May tumatawag yata sa telepono mo, nag vibrate siya e.”Pagkakita niya sa pangalan sa caller ID, bahagyang ngumisi si Isabella ng may paghamak.Agad niyang pinatay ang tawag at itinapon lang ang telepono sa gilid.‘Kung wala siya noong kailangan ko siya, anong silbi ng pagdating niya ngayon?’ Ito ang salitang tumatakbo sa isip ni Isabella na hindi niya direktang masabe. Samantala, si Adam ay tumingin sa pinatay na tawag, ang mukha niya ay napaka dilim.Talagang walang hiya siyang babae at hindi marunong tumanaw ng utang na loob.Sa sandaling iyon, pumasok ang assistant na si Zandro sa loob ng opisina ni Adam.Nag-aalangan pa itong tumingin kay Adam, ngunit inilapag pa rin niya ang mga dokumento sa mesa.“Mr. Kingsley, masusi ko

  • Breaking the Heart of my Untrustworthy Husband   Chapter 19

    Nang maramdaman ang malamig na simoy sa kanyang likuran, hindi na ininda ni Isabella ang lahat. Buong lakas siyang nagpumiglas. Sa kanyang pagka taranta, tinadyakan niya si Lucio sa masilang bahagi ng katawan ng isang lalaki. Dahil dito, nagkaroon siya ng pagkakataong makawala. Umakyat siya sa mesa at mabilis na nagtangkang buksan ang pinto para makatakas.Nang bumukas ang pinto, natanaw ni Isabella ang pag-asang makaligtas. Ngunit sa sandaling iyon, parang may humagupit sa kanyang anit at bumagsak ang sampal ni Lucio.“Walang hiya kang malandi ka! Gusto mo talagang mamatay!” Galit na sabi ni Lucio.“Tulong!”“Bitawan mo ako! Huwag mo akong hawakan!”Nakita na ni Isabella ang pag-asa—paanong papayag siyang hilahin pabalik? Kumapit siya ng mahigpit sa hamba ng pinto gamit ang dalawang kamay, ayaw niyang bumitaw.Hindi siya pwedeng basta na lang sumuko. Hindi siya papayag!“Tulong?” Bahagyang nakangiti si Lucio na parang nanghahamak. “Akin ang buong establisyemento na ito. Sino ang tutu

  • Breaking the Heart of my Untrustworthy Husband   Chapter 18

    Tapos na ang lahat. Wala na si Adam sa buhay ni Isabella, at ang kasal nila ay ganap nang nagwakas. Kaya ayaw na ni Isabella na patuloy pang bitbitin ang sirang alaala ng nakaraan nilang dalawa ni Adam.Hinubad niya ang singsing sa kanyang daliri at kalmadong nagsalita, “Mas mahal pa ito sa isang malaking bahay. Kunin mo na. Ibinta mo kung gusto mo. Basta huwag mo na akong guluhin kailanman.” Saad ni Isabella habang iniaabot ang singsing sa taong kausap niya. Ngumiti lang si Ismael sa kanya, tila ba matagal na niyang hinihintay ang sandaling iyon. “Isay, alam kong ikaw ay masunurin. Ako na lang ang natitira mong kamag-anak sa mundong ito. Huwag kang mag-alala, hindi kita pababayaan.” Nakangiti naman na sagot ni Ismael. Napansin niya ang pagkapayat ng dalaga at agad na inalok ito. “Pumayat ka nitong huli. Gusto mo bang lumabas tayo’t kumain?” Saad pa nito. Pagkakita niya sa singsing, tila bumalik ang dating Ismael—masaya, mapag-alaga, parang noong sila’y magkasama pa noong bata si I

  • Breaking the Heart of my Untrustworthy Husband   Chapter 17

    “Huwag mong kapalan masyado 'yang pagmumukha mo, Isabella!” saad ni Adam habang nakakunot ang noo. Ang konsensyang naramdaman niya ay nawala sa isang iglap.Noong una, inakala niyang matalino at kalmado si Isabella. Pero ngayon, tila nawalan na ito ng bait.“Sino bang makapal ang mukha? Hiwalay na tayo, pero ikaw itong paulit-ulit na nagpapakita sa akin. Ano bang gusto mong mangyari? Napagtanto mo bang mahal mo na pala ako matapos akong mawala? At gusto mo na naman akong makasama? Paano na si Bree mo—na parang isang perlas na pinahahalagahan?” wika ni Isabella sabay tawa nang malakas. Ang mga mata niya ay puno ng pangungutya at pagkamuhi—parang mga punyal na tumutusok sa puso ni Bree.“Ah... Adam, kung siya talaga ang gusto mo, handa akong umiwas,” nag-aalanganing sabi ni Bree kay Adam. “Nasa piling mo ako dahil mahal kita, hindi dahil sa iba. Kung ayaw mo na sa akin, sabihin mo na lang nang direkta,” dagdag pa niya, at nagsimulang pumatak ang kanyang mga luha. Agad niya ring pinuna

  • Breaking the Heart of my Untrustworthy Husband   Chapter 16

    "Ako ang ina ni Aaliyah. Walang ibang nagmamahal sa kanya nang higit pa sa pagmamahal ko. Paano ko siya isusumpa para mamatay?!" Pasigaw ang huling salita ni Isabella dahil sa matinding galit."Mas gugustuhin ko pang ako na lang ang mamatay!" dagdag pa niya.Tawa sa gitna ng galit at kawalan ng pag-asa—ganito na ngayon si Isabella.Marahil ay dahil totoo at lantad ang sakit at pagkabaliw sa kanyang mga mata, samantalang unti-unting nanghihina ang puso ni Adam.“Paano... nangyari ’yon?” tanong ni Adam, may halong pagtataka.“Syempre hindi mo alam! Ano ba ang alam mo? Minahal mo ba si Aaliyah? Pinahalagahan mo ba siya? May bone cancer siya. Bone cancer!” Diniinan pa ni Isabella ang huling dalawang salita.“Tanging hiling lang niya ay makasama ang kanyang ama sa mga huling araw niya, pero anong ginawa mo? Nakikipaglandian ka sa babaeng ’yan!”Tinitigan ni Isabella ang grupo ng mga walang kuwentang tao sa harap niya, umaapaw ang matinding galit sa kanyang mga mata.Kaya niyang tiising maa

Bab Lainnya
Jelajahi dan baca novel bagus secara gratis
Akses gratis ke berbagai novel bagus di aplikasi GoodNovel. Unduh buku yang kamu suka dan baca di mana saja & kapan saja.
Baca buku gratis di Aplikasi
Pindai kode untuk membaca di Aplikasi
DMCA.com Protection Status