Share

Chapter 2

Author: LadyinRed
last update Last Updated: 2025-04-10 06:01:24

Mahigpit ang pagkakahawak sa kanya ni Bree. Parang bahagyang lumubog ang puso ni Adam para kay Bree, ngunit maya-maya’y malumanay itong ngumiti. Tiningnan ni Adam ang kamay ni Bree, tila may nais sabihin. Ngunit bago pa siya makapagsalita, nabura ang ngiti niya nang mapatingin kay Isabella.

"Kung gano'n, isang buwan. Kilala ko ang ugali mo, Isabella. Isa kang taksil. Sana maging tapat ka sa kasunduan natin ngayon. Kapag may binabalak ka pang iba, magbabayad ka."

Bahagyang ngumiti si Isabella bago sumagot, “Sige. Makikipagtulungan ako sa lahat ng bagay, basta’t nakahanda kang samahan ang iyong anak.”

Pinagkrus niya ang mga braso bago ipinagpatuloy ang sasabihin at matapang niyang idinugtong, “Bilang isang ama, hindi ba’t nararapat lang na bigyan mo si Aaliyah ng regalo para sa kanyang kaarawan?”

Sa sinabi ni Isabella, biglang may naramdamang guilt si Adam para sa bata.

Makaraan ang ilang minuto.

Nakayakap si Aaliyah sa bisig ni Isabella habang lulan sila ng kotse. Sa puntong iyon, ramdam ni Isabella ang pagkaawa sa anak at ang matinding pangungulila nito sa kanyang ama.

Papunta na sila sa tahanan ng pamilya Kingsley—ang mansyon.

"Mom, nandoon ba talaga si Dad?" nanginginig ang boses ni Aaliyah. Pilit man niyang pinipigilan ang emosyon, hindi niya maitago sa kanyang mga mata ang pag-asa.

Hinaplos ni Isabella ang likod ng anak at malambing na sumagot, "Siyempre."

Biglang nagliwanag ang mga mata ni Aaliyah. "Ah… Mommy, huwag mong sasabihin kay Dad na may sakit ako, ha? Natatakot kasi ako na baka hindi siya matuwa."

Parang sinakal ang dibdib ni Isabella sa sinabi ng anak. Namasa ang kanyang mga mata. Bahagya niyang hinaplos ang buhok ni Aaliyah at mahina niyang wika, “Sige, ipinapangako ko, anak.”

Iniunat ni Aaliyah ang kanyang munting daliri. Alam ni Isabella ang ibig sabihin nito kaya’t hinawakan niya ito gamit ang kanyang daliri.

"Hindi ako magbabago sa loob ng isang daang taon..." matamis ang ngiti ni Aaliyah.

Ngunit sa mga mata ni Isabella, naging malabo ang lahat.

Ang kanyang anak.

Ang nag-iisang kadugo na mayroon siya sa mundo.

Malapit nang lumisan.

Ngunit bago iyon, gusto muna niyang bigyan ito ng munting ilusyon.

Pagdating sa tahanan ng pamilya Kingsley, unang bumaba ng sasakyan si Aaliyah habang inaalalayan ni Isabella. Kinuha ng mayordoma ang kanilang mga bagahe.

"Nandiyan ba ang sir mo?" tanong ni Isabella sa mayordoma.

Tumango ito. "Opo," sagot bago muling bumalik sa ginagawa.

Nakahinga nang maluwag si Isabella nang makumpirma na naroon si Adam. Mula nang sila'y ikinasal, bihirang umuwi si Adam sa bahay nila, at si Aaliyah ay nakikita lamang ang kanyang ama sa telebisyon.

Kinarga ni Isabella si Aaliyah papasok sa mansyon. Maliwanag ang loob dahil sa malaking chandelier sa gitna. Buhay na buhay ang paligid mula sa mga muwebles at paintings sa pader. Kung hindi mo alam ang pinagdaraanan ng pamilya, iisiping isa itong perpektong tahanan.

Tila may hinahanap ang mga mata ni Isabella. Sa wakas, nakita niya ito—si Adam, nakaupo sa sofa sa living room.

Nakita rin ito ni Aaliyah kaya't nagliwanag ang kanyang mga mata. Ibinaba siya ni Isabella at tinapik sa balikat. "Sige, lumapit ka na sa Daddy mo."

Maingat na lumapit si Aaliyah. Tila nag-aalangan ang kanyang maliit na katawan. Huminto siya sa medyo malayong distansya at mahinang tinawag, "Dad..."

Bahagyang gumalaw ang mga mata ni Adam. Narinig niya ang pagdating nila kanina, pero hindi niya ito sinalubong. Wala siyang pakialam.

Ngunit nang marinig ang tinig ng batang tumatawag sa kanya bilang “Dad,” sandali siyang natigilan. Nang lumingon siya at nakita ang inosenteng mukha nito, halos kakambal ni Isabella, may kung anong pagtanggi siyang naramdaman.

Napalunok siya at mahinang tumugon, "Hmm."

Pormal ngunit malamig na pakikitungo. Kinuha niya ang isang kahon ng regalo sa tabi at iniabot kay Aaliyah.

"Regalo ko para sa kaarawan mo."

Hindi makapaniwala si Aaliyah at may halong pag-aalinlangan ang tinig nang magsalita, “Salamat po…”

Nanlamig ang mga mata ni Isabella. Hindi siya nasiyahan sa naging reaksyon ni Adam. Lumapit siya at hinaplos ang ulo ng anak.

"Aaliyah, buksan mo na. Tingnan natin kung ano ang regalo ni Daddy mo."

Masayang ngumiti ang bata at binuksan ang kahon. Nang makita ang laman nito, bahagya siyang natigilan. Ngunit agad din siyang ngumiti.

“Salamat po ulit, Daddy. I really like it po.”

Isang pares ng diamond earrings ang laman. Nang makita ito ni Isabella, tila may kumurot sa kanyang dibdib. Kumunot ang kanyang noo. Pinilit niyang huwag magalit. Sa halip, malamig ang kanyang boses nang magsalita:

“Aaliyah, gabi na. Di ba’t nangako tayo kay Uncle na matutulog tayo nang maaga? Huwag kang mag-alala, bukas ipapasyal ka ni Daddy, okay ba iyon?”

Tumango ang bata at matipid na ngumiti.

Bahagyang gumalaw ang mga mata ni Adam sa narinig—lalo na sa salitang "Uncle." Tila may naiisip siya.

Masunuring tumango si Aaliyah. Kahit hindi niya nagustuhan ang regalo, masaya siyang makita ang kanyang Mommy at Daddy na magkasama. Sapat na iyon.

Sinabi ng kanyang ina na kung ayaw niyang malaman ni Daddy kung sino ang doktor niya, kailangan niya itong tawaging "Uncle." Kaya kailangan niyang makinig kay Doctor Uncle at matulog na.

“Sige!”

“Yaya, pasuyo kay Aaliyah. Kailangan na niyang magpahinga. Salamat.” Ngumiti si Isabella at pinanood ang yaya habang inaakyat ang bata.

Muling hinarap ni Isabella si Adam na tahimik lang nakatayo. Hawak niya ang pares ng hikaw nang harapin ito.

“Mr. Adam Kingsley, alam kong busy ka. Pero kahit hindi ka seryoso sa pagbibigay ng regalo, hindi mo ba naiisip na hindi angkop ang diamond earrings para sa isang apat na taong gulang na bata?”

Nang marinig ni Adam ang “Mr. Adam Kingsley,” nakaramdam siya ng lamig.

“Wala nang mabibilhan ng regalo sa oras na ito. Hiniram ko lang iyan kay Bree pansamantala…”

"Isang pagkakamali ito, dahil wala nang susunod na pagkakataon, Adam."

Wala nang susunod na pagkakataon—iyon ang gustong tukuyin ni Isabella. Hindi na niya mahihintay ang susunod na kaarawan ni Aaliyah.

Sa dulo ng living room ay may maliit na bookshelf. Lumapit dito si Isabella. Pinipigil ang sakit sa puso, kinuha niya ang isang kwentong pambata na inihanda kanina.

“Bilang isang responsableng ama, sasamahan mo ako ngayong gabi upang basahan ng kwento si Aaliyah bago matulog.” Nakatalikod siya kay Adam.

"Hindi ko kaya," malamig ang sagot ni Adam.

Para bang inasahan na iyon ni Isabella. Humarap siya. “Ayos lang. Tuturuan kita. Kailangan mo lang akong samahan sa pagbabasa.”

Pinigilan ni Adam ang pagkainip at malamig na sumagot, "Hmm."

Bahagyang naglakad si Isabella. Paglagpas niya kay Adam, huminto siya at nagsalita habang hawak ang libro, “Ayaw mo akong makita, hindi ba? Kapag nakatulog na si Aaliyah, puwede ka nang umalis para samahan si Miss Morgan. Basta bumalik ka bago ihatid ang bata sa kindergarten bukas.”

Bahagyang gumalaw ang mga mata ni Adam. Kunot-noo siyang tumingin kay Isabella.

Noon, ginawa ni Isabella ang lahat para mapanatili siya sa tabi niya. Minsan pa nga, nagkunwari itong may sakit upang pilitin siyang bumalik.

Akala ni Adam isa na namang pakana ito. Kaya lumamig ang kanyang tingin.

"Hindi na kailangan. Sa guest room na lang ako matutulog ngayong gabi."

Walang pagbabago sa ekspresyon ni Isabella nang humarap muli.

“Tara na.”

Magkasunod silang umakyat sa hagdan at tinungo ang kwarto ni Aaliyah.

Sa unang pagkakataon, magkasamang pumasok ang mag-asawa sa kwarto ng anak.

Nakakatawa—limang taon na silang kasal, pero ngayon lang unang beses na tumuntong si Adam sa kwarto ni Aaliyah.

Pagpasok, umupo si Isabella sa tabi ng kama, hawak ang kwento ng prinsesang sirenang walang ngipin. Hinaplos niya ang noo ng bata bago nagsimulang magbasa.

Si Aaliyah, palihim na sinulyapan si Adam na tahimik lang sa likuran ni Isabella—walang ekspresyon sa mukha.

Ang ganitong atmospera… Ang ganitong tingin…

Lahat ng ito ay bago para kay Adam.

Maraming beses niyang gustong umalis ng kwarto. Ngunit kapag naiisip niya si Bree, tiniis niya. Isang buwan lang naman.

"At sa puntong ito, ang sirena ay naging bula at bumalik sa dagat..."

Banayad ang tinig ni Isabella, parang agos ng ilog.

Tinignan ni Adam si Isabella sa ilalim ng malambot na ilaw. Sa kanyang payat na pigura at simpleng ganda, nakatuon ang buong atensyon nito kay Aaliyah.

Bahagyang nagbago ang tingin ni Adam.

"Mom, gusto kong uminom ng gatas," biglang sabi ni Aaliyah.

Naisip ni Isabella na ito na ang pagkakataon para bigyan ng sandaling oras ang mag-ama.

“Sige, gagawa si Mommy ng gatas para sa’yo.”

Tumayo siya agad.

Gusto ring tumayo ni Adam ngunit tinignan siya ni Isabella na para bang nagtatanong. Naintindihan ni Adam ang ibig sabihin nito kaya’t nanatili sa kanyang kinauupuan.

Lumabas si Isabella at isinara ang pinto.

Tahimik ang kwarto.

Ramdam ni Adam ang tingin ni Aaliyah.

Bahagya niyang iginalaw ang mga mata. “Bakit?”

Sa unang pagkakataon, nagsalita ang kanyang ama sa kanya...

Naramdaman ni Aaliyah na parang may bumara sa kanyang dibdib.

“Dad, natutuwa ako na pumunta ka ngayon.”

Maingat niyang ipinahayag ang kasiyahan sa nanginginig na tinig.

Dumaan ang tingin ni Adam sa mga matang puno ng pag-asa. Tila nabigla siya.

“Bakit?”

Hindi niya lubos maintindihan—halos hindi pa nga sila nagkikita.

Continue to read this book for free
Scan code to download App

Latest chapter

  • Breaking the Heart of my Untrustworthy Husband   Chapter 106

    Hindi na nakaimik si Marco nang makita niya ang ganoong klaseng tingin, kaya napilitan siyang tumango.“Sige, ipinapangako ko sa’yo.”Pagkarinig nito, sa wakas ay nakahinga nang maluwag si Isabella, ngunit nawalan din siya ng malay dahil sa matinding sakit.Nang makita ni Marco na nawalan ng malay si Isabella, agad na nawala ang lambing sa kanyang mukha at napalitan ng galit at pagkabahala. Nanggigigil siya sa galit—hinding-hindi niya palalagpasin si Adam!Agad niyang kinuha ang cellphone at tinawagan si Luis.“Kailangang ituloy na agad ang plano natin!”“Masyado kang padalus-dalos,” kalmadong sagot ni Luis. “Marco, pareho tayong nasa teknikal na larangan. Alam mong ang pinakamahalagang katangian natin ay ang pagiging kalmado.”Nakasandal si Marco sa pader habang tanaw mula sa salamin si Isabella na natutulog sa hospital bed. Hindi siya karaniwang padalos-dalos, ngunit pagdating kay Isabella, palagi siyang nawawalan ng kontrol.Buti na lang at si Luis ay kalmado sa lahat ng pagkakatao

  • Breaking the Heart of my Untrustworthy Husband   Chapter 105

    Tinitigan ni Isabella si Adam na nakatayo sa harap niya, halatang hindi komportable, at litong-lito ang kanyang mukha. Ni hindi niya maintindihan kung bakit ba’t tila ba alanganin ang kilos ng lalaking ito."Hahanapan kita ng pinakamahusay na doktor, ‘yung siguradong hindi ka iiwan ng pilat," sa wakas ay sinabi ni Adam.Pero para kay Isabella, napakakatawa nito at malamig siyang tumugon, "Kung yan lang ang dahilan ng paghingi mo ng tawad, huwag na lang.""Isabella, ano ba talaga ang gusto mo?" Tanong ni Adam, halatang litong-lito habang tinitingnan ang babae sa kanyang harapan.Hindi niya maintindihan kung saan na napunta ang babaeng dating sunod lang nang sunod sa kanya. Bakit ngayon ay punong-puno na ito ng tinik? Paano nangyari ito?Habang pinagmamasdan niya si Isabella, nagsimula siyang makaramdam ng pangungulila—sa babaeng dating sumusunod sa bawat salita niya, at sa babaeng siya lamang ang tinitingnan."Gusto kong makipag-divorce at takasan ka gamit ang mana na iniwan sa akin ng

  • Breaking the Heart of my Untrustworthy Husband   Chapter 104

    Ngayon, puno ng guilt, tensyon, at pagsisisi ang puso ni Marco. Labis siyang nalulungkot at natatakot na baka may masamang mangyari kay Isabella.Marahang niyakap ni Isabella ang baywang ni Marco at naramdaman ang kanyang panginginig. Masakit iyon sa kanyang puso at dama niyang napaka-api ng kanyang kalagayan.Kapag may kinahaharap na sakit at panganib, kayang piliin ni Isabella na maging matatag—at kailangan niyang maging matatag. Ngunit ngayong may yumakap at nagmalasakit sa kanya, ang lahat ng hinanakit na matagal niyang pinigilang maramdaman ay bigla na lamang bumalik, at sa kanyang puso'y parang binabalatan siya nang buhay.Ang magkaibang damdaming iyon ang siyang lalong nagpalito kay Isabella. Sa gitna ng kanyang kalituhan, mas lalong tumibay ang kanyang damdamin habang yakap si Marco.Noon pa, noong araw na nawala si Aaliyah, kinuha na niya pabalik ang lahat ng pagmamahal at pag-asang ibinigay niya kay Adam. At ngayon, ang lalaking minahal niya noong kabataan niya ay muling nag

  • Breaking the Heart of my Untrustworthy Husband   Chapter 103

    Tahimik ngunit malamig ang tingin ni Isabella habang pinagmamasdan si Adam na galit na galit.“Ikaw ang nag-utos na pumunta ako sa technical department,” kalmado ngunit matigas ang boses niya. “Ngayon, nandito ka para manggulo. Hindi ka ba nahihiya? Sigurado ka bang gusto mong pag-usapan natin ‘to dito sa opisina?”“Miss Russo,” singit ni Bree sa mahinang boses, may halong panunumbat at kunwa’y malasakit. “Ginawa mo na nga iyon sa labas, tapos ngayon parang ikaw pa ang matuwid sa harap ni Adam?”“Hindi naman mapagtanim ng galit si Adam,” patuloy niya. “Kung magso-sorry ka lang, patatawarin ka niya. Di ba, Adam?”Hindi na maintindihan ni Isabella kung saan kumukuha ng kapal ng mukha ang babaeng ito para magsalita sa harap niya.Tiningnan niya si Bree ng seryoso at malamig.“Ikaw ang pinaka-walang karapatang magsalita rito.”“Ha?!” nanlaki ang mata ni Bree, hindi makapaniwala sa narinig. Hindi niya akalaing haharapin siya ni Isabella—at sa harap pa ni Adam!Nang makita niyang walang say

  • Breaking the Heart of my Untrustworthy Husband   Chapter 102

    Sa halos lahat ng bagay sa Cebu, ayos na ang lahat. Marami pa ring kailangang asikasuhin si Isabella, kaya’t hindi na niya inintindi kung anong iniisip ni Adam. Basta’t nag-book na siya agad ng ticket pabalik.Samantala, may natanggap na mga litrato si Adam. Nasa mga larawan si Isabella at si Marco na magkasamang pumasok sa hotel, at makikita ring inihatid ni Isabea si Marco palabas.Unti-unting humigpit ang hawak ni Adam sa mga larawan, hanggang sa parang mabali ang mga ito sa kanyang kamay. Pati panga niya ay mariing nakakuyom.Kahit kailan ay hindi talaga pinansin ni Adam si Isabella—ni hindi nga niya ito itinuring na mahalaga. Pero sa pangalan, siya pa rin ang “Mrs. Kingsley”. At ang ginawa niyang ito? Isa itong malaking pambabastos! Para siyang sinampal sa mukha!“Ah Adam, anong nangyari sa’yo?” tanong ni Bree habang palapit sa kanya, halatang nag-aalala. Marahan niyang hinila ang manggas ng suot ni Adam. “Mag-empake na ba tayo? Uuwi na tayo?”Nang makita niya ang litrato sa kama

  • Breaking the Heart of my Untrustworthy Husband   Chapter 101

    Even if it's just a little sadness, sapat na upang wasakin ang lakas ng loob na pinaghirapan ni Isabella buuin.Malalim siyang huminga at nagpasya nang umalis sa lugar na hindi naman angkop para sa kanya. Ngunit pagtalikod niya, nasalubong niya ang dalawang lalaking paparating.Lasing ang dalawang lalaki, at ang mga ngiti nila ay puno ng kasibaan, kabastusan, at kahalayan.Napaatras si Isabella sa gulat at hinawakan agad ang anti-wolf spray mula sa kanyang bag.“Ano bang gusto ninyong gawin?”“Ha? Ano pa ba? Syempre kung ano ang natural na ginagawa ng lalaki kapag may magandang babae!”“Ang ganda mo, iha... sarap mo sigurong kasama.”Nagkatinginan ang dalawa at sabay na ngumiti ng napaka bastos.Nang maramdaman ni Isabella ang masamang balak nila, nasuka siya sa sobrang pandidiri.Agad niyang ini-spray-an ng anti-wolf spray ang mga lalaki at mabilis na tumakbo palayo nang hindi na inintindi kung ano ang nangyari sa kanila.Ilang hakbang pa lang ang naitakbo niya ng mabangga siya sa is

More Chapters
Explore and read good novels for free
Free access to a vast number of good novels on GoodNovel app. Download the books you like and read anywhere & anytime.
Read books for free on the app
SCAN CODE TO READ ON APP
DMCA.com Protection Status