Home / Romance / Broken Love / CHAPTER 102

Share

CHAPTER 102

Author: Darkshin0415
last update Last Updated: 2025-09-01 12:37:24

BROKEN LOVE C102

3RD POV

“Anong nangyari sa inyo?” Tanong niya kay Emma at leo, habang nakita itong namumulot ng pagkain sa isang basurahan. Hindi sila sumagot sa kanya, at niyuko lang ang kanilang mga ulo.

“Sagutin niyo ako!” Sigaw niya, habang hindi na iwasan na mapaluha. Aaminin niya na malaki ang galit na nararamdaman niya sa kanila. Pero nasasaktan siya ngayong nakita silang ganito.

“A-Anak..” Mahinang sambit ni Emma sa kanya.

“S-sana mapatawad mo si mommy..” Hikbing wika nito sa kanya.

“Alam kung walang kapatawaran ang ginagawa namin, pero.. Pero sana mapatawad mo kami..” Iyak na wika nito, kaya hindi niya napigilan ang sarili niya na lapitan ito at yakapin sana. Pero agad itong umatras at umiling.

“’Wag! Mabaho ako.. Hindi mo ako dapat yakapin Anak, alam mo bang ito ang nababagay sa amin, dahil sa ginawa namin sa ‘yo..” Napa-iling siya dahil sa narinig niya rito.

“Aaminin kung malaki ang galit ko sa inyo, pero hindi ko kayang makita kayong ganito..” Napatingin sa kanya si
Continue to read this book for free
Scan code to download App
Locked Chapter

Latest chapter

  • Broken Love   CHAPTER 19

    BROKEN LOVE C193RD POV Nang marinig niya ang mga yapak na papalapit ay mabilis siyang bumalik sa upuan at inayos ang kanyang tali. Alam niya kasi na hindi ito si Lira, dahil kaalis lang nito. Nang bumukas ang pinto ay nakita niya ang babaeng pumasok. Alam niyang si Mia ito, dahil iba ang suot nitong damit kay Lira. Habang nilapitan siya nito ay napatingin ito sa paper bag na nasa sahig. “Kumain kana pala.” Wika nito, habang tiningnan ang mga lalaking nasa likuran nito. “Dito niyo ilagay ‘yan.” Turo nito, habang nilagay ng mga lalaki ang isang sofa. Matapos nilang ilagay ito ay agad na silang lumabas, habang umupo si Mia, sa sofa at nakatingin sa kanya. “Pinapakain kana pala ni Lira.” Wika nito, habang tinitigan niya ito. “Bakit mo ginawa sa akin ‘to?” Tanong niya habang hindi ito sumagot. “Wala naman akong maalala na kasalanan na ginawa ko sa ‘yo..” Muling wika niya rito. “Wala ka naman talagang kasalanan. Ang naging kasalanan mo lang naman ay naging mayaman ka.” Sagot nit

  • Broken Love   CHAPTER 18

    BROKEN LOVE C18 3RD POV “’Wag kang mag-alala. Hindi kita idadamay sa kalokohan na ginagawa ng kapatid mo, kaya sana ‘wag kang mag-bago Mia..” Wika niya, habang napangiti ito sa kanya. “’Wag kang mag-alala Sir, hindi ko hahayaan na mapahamak ka, at hindi po ako si Mia, ako si Lira.” Sagot nito sa kanya, habang may ngiti sa labi. “Dito ka lang muna Sir, bibili langa ko ng pagkain niyo, anong oras na rin kasi. Tanggalin ko lang ‘tong tali mo sa kamay, dahil hindi pa naman ‘yon babalik si Mia.” Wika nito, habang mabilis na tinanggal ang tali niya. “’Wag din po kayong lumabas Sir, dahil may mga tauhan po siya sa labas, baka mapahamak po kayo.” Muling wika nito matapos nitong tanggalin ang kanyang tali. “Ito rin ang susi ng gate, kung sakaling biglang bumalik si Mia, tumakbo kayo patungo ro’n Sir.” Hindi niya napigilan na mapangiti, habang kinuha ang susi. “Ako na ang bahala sa sarili ko, mag-ingat ka rin Lira.” Sagot niya rito. Nang makaalis si Lira ay muli niyang naisip si Mia. ‘

  • Broken Love   CHAPTER 17

    BROKEN LOVE C17 3RD POV Dahan-dahan na nag-dilat ng mga mata si Lukas, dahil sa ingay na naririnig niya, muli niyang ipinikit ang kanyang mga mata dahil sumasakit pa ang kanyang ulo. Pero nang marinig niya ang isang boses ay agad siyang nagdilat ng kanyang mga mata. ‘Mia..’ Gulat siyang napatingin sa dalawang babae na nasa harapan niya. “Sir, ayos lang po ba kayo?” Napa-kunot ang kanyang noo na tumingin sa babaeng lumapit sa kanya, kita niya sa mukha nito ang pag-aalala.“’Wag mo nga siyang lapitan!” Sigaw ng isang babae, habang papalapit ito sa kanya. Lalo siyang nagulat nang makita niya ang mukha nito. “B-bakit dalawa kayo?” Utal na tanong niya sa dalawa. “Tumigil ka!! ‘Wag mong pakawalan ‘yan!” Galit na sigaw nito nang tangkang tanggalin ng isang babae ang tali niya sa kanyang kamay. “Bakit niyo ginawa ‘to?” Galit na tanong niya habang tinitingnan ang dalawang babae. “’Wag ka nang magalit Sir, hindi niya sinasadya na gawin ‘to sa ‘y-.” “Anong hindi?! Sinadya ko para makuha

  • Broken Love   CHAPTER 16

    BROKEN LOVE C16 3RD POV Habang patungo sila sa bahay ng mga magulang niya ay napatingin pa rin siya kay Mia, hindi niya pa rin kasi akalain na ganun ka mahal ang binili nitong pagkain. “Kuya!!” Sabay na sigaw ng dalawa niyang kapatid at lumapit kay Mia. “Ate Mia, binilhan mo ba kami ng laruan?” Tanong ni Levi rito. “Oo, ito oh!” Napatingin siya sa kinuha nitong robot. “Ang ganda ‘di ba?” Muling wika nito, habang sabay na tumango ang kanyang mga kapatid. “Dadalhin mo ba talaga sila?” Tanong ng kanyang ina, habang humalik siya rito. “Kailangan Mommy, dahil kung hindi ba magawawala na naman sila.” Sagot niya rito. “Mia! Halika, may papakita ako sa ‘yo.” Tuwang wika ng kapatid niyang si Addison dito. “Pupuntahan ko lang sila siya Sir.” Paalam nito sa kanya. “Ate Mia, bilisan mo ha, dahil maglalaro tayo!” Sigaw ni Landon dito. “Mabuti nalang at mabait si Mia.” Ngiting wika sa kanya ng kanyang ina. “Saan mo pala siya nakilala Anak?” Tanong nito. “Sa opisina Mommy, nakita ko la

  • Broken Love   CHAPTER 15

    BROKEN LOVE C15 3RD POV Naisipan niyang umuwi nalang at ‘wag nang matulog sa bahay ng kanyang mga magulang, dahil tulog na rin naman ang dalawa niyang kapatid. “Apo, akala ko ba rito ka matutulog?” Tanong sa kanya ng kanyang lola. “Baka sa susunod nalang po Lola, nakalimutan ko kasi na may mga documents pa akong kailangan pag-aralan.” Sagot niya rito. “Sige Apo, mag-ingat ka.” Wika nito, habang tumango siya. Nang makapasok sa kanyang kotse ay sumandal siya sa upuan at pinikit muna ang kanyang mga mata. Inaantok na rin siya at gusto na niya sanang matulog. “Sir, nandito na po tayo.” Wika ng kanyang driver, kaya agad siyang nagdilat ng kanyang mga mata. “Sige, magpahinga na rin kayo.” Wika niya habang lumabas ang isang tauhan niya at binuksan ang pinto ng kotse. Mabilis din siyang lumabas at pumasok sa bahay. “Kumain na po ba kayo Sir?” Gulat siyang na-patingin kay Mia, dahil nasa gilid ito ng pinto at nakapatay ang ilaw. “Anong ginagawa mo r’yan?” Tanong niya rito. “Hinihint

  • Broken Love   CHAPTER 14

    BROKEN LOVE C14 3RD POV Magtatanong sana siya rito, pero natigilan siya nang makita niya ang kanyang ama at lolo na lumbas. “Muna na kami Lukas, may mahalaga lang kaming pupuntahan.” Wika ng kanyang ama. Nang makapasok sa kanyang opisina ay iniisip niya pa rin ang sinabi sa kanya ni Mia, kaya kinuha niya ang kanyang phone at tinawagan ang kanyang tauhan. “Alamin mo ang buong pagkatao ni Mia.” Utos niya, nang sagutin nito ang tawag niya. Agad din niyang binaba ang kanyang phone nang makitang pumasok ang kanyang secretary. Nang sumapit ang hapon ay nagpaalam sa kanya si Mia, na may pupuntahan kaya hindi na niya ito sinama. “Kuya!!” Tuwang sigaw ng kanyang mga kapatid. “Si Mommy?” Tanong niya sa yaya ng mga kapatid niya.“Umalis po sila Sir, kasama ang daddy niyo.” Sagot nito. “Apo..” Tuwang wika ng lola niya, habang nilapitan niya ito. “Saan sila pumunta Lola?” Tanong niya matapos niya itong halikan sa pisngi. “Pupuntahan daw ang mga magulang ng daddy mo.” Sagot nito sa kanya

More Chapters
Explore and read good novels for free
Free access to a vast number of good novels on GoodNovel app. Download the books you like and read anywhere & anytime.
Read books for free on the app
SCAN CODE TO READ ON APP
DMCA.com Protection Status