Share

CHAPTER 5

last update Terakhir Diperbarui: 2025-09-25 11:10:46

BROKEN LOVE C5

3RD POV

“Daddy, Mommy. Ano po ba ‘yang pinagsasabi niyo? Ano pong boyfriend?” Natatawa na wika niya sa kanyang mga magulang, dahil wala pa sa isip niya ang pumasok sa isang relasyon.

“Kung ganun, bakit mo ginawa ‘yon?” Tanong sa kanya ng kanyang ina.

“May gusto po sana akong sabihin sa inyo Mommy, Daddy.” Wika niya habang tumabi sa kanila.

“Ang totoo po, nakita ko na naman ang batang si Vanz Piamonte.” Lalong na-pakunot ang noo ng kanyang ama, dahil sa narinig nito mula sa kanya.

“Ano ang ibig mong sabihin?”

“P-paano siya nakarating sa bahay?” Taka na tanong ng kanyang ina, dahil kilala niya ito.

“Hanggang ngayon po ay tinatawag niya pa rin akong mama, ang akala niya ako ang kanyang ina.” Na-pahinga nang malalim ang kanyang ama, habang nakatingin sa kanya ang kanyang ina.

“Hindi ko rin maintindihan ang sarili ko Daddy, Mommy, dahil naawa talaga ako sa kanya.”

“Naiintindihan kita Anak, hindi mo kasalanan ‘yon, sadyang pinalaki ka lang namin ng daddy mo na may m
Lanjutkan membaca buku ini secara gratis
Pindai kode untuk mengunduh Aplikasi
Bab Terkunci
Komen (3)
goodnovel comment avatar
Alexis Mapalad Venzon
bkit po wala chapter??
goodnovel comment avatar
Alexis Mapalad Venzon
update pa po..
goodnovel comment avatar
Lyca Jane Salazar
isang chapter lang author
LIHAT SEMUA KOMENTAR

Bab terbaru

  • Broken Love   CHAPTER 8

    BROKEN LOVE C8 3RD POV Nang makalabas sa building ay sasakay na sana siya sa kanyang kotse. Pero natigilan siya nang makita niya si Bon na nakatayo sa tapat ng building nila. Napa-kunot ang noo niya, habang nakita itong naglalakad patungo sa kanya, hindi niya naman napigilan na mapasinghap nang makita itong muntik nang matuma. Mabuti nalang at inalalayan ito ng mga tauhan nito. “Anong ginagawa mo rito?” Tanong niya kay Bon, nang makalapit ito sa kanya. Hindi naman ito kumibo at ngumiti lang. napatitig siya rito nang makita itong ngumiti, dahil sa ilang beses silang magkaharap ay ngayon niya lang ito nakitang ngumiti.“Bakit hindi mo ako pinuntahan?” Tanong nito sa kanya, habang ang mga mata nito ay namumugay na nakatingin sa kanya. “Hindi ka si Vanz, para puntahan ko.” Sagot niya rito, habang nakita itong nailing. “Mukhang gusto mong bumalik pa ako sa pagiging bata, para lang alagaan mo ako.” Napa-kunot ang kanyang noo, dahil sa narinig niya mula rito. “Alagaan? Bakit naman kit

  • Broken Love   CHAPTER 7

    BROKEN LOVE C7 3RD POV“Pwede bang ipaliwanag mo sa akin kung ano talaga ang nangyari?” Tanong sa kanya ng kanyang lola Viol. “Alam mong matagal na nating kalaban sa negosyo ang mga Piamonte.” Muling wika nito. “Alam ko Lola.. Pero bata po si Vanz at kailangan niya ako.” Napa-kunot ang noo nito, dahil sa kanyang sinabi. “Kailangan? Bakit ikaw ba ang kanyang ina?” Bigla siyang natahimik, dahil sa sinabi nito sa kanya. “Alam mong simula pa noon ay hindi na nagkakaintindihan ang pamilya natin.” “Pero wala na ang kanilang mga magulang Lola.” Sagot niya rito. “Pero nariyan ang lolo at lola nila. Bakit hindi sila ang pina-aalaga mo sa bata?” Muli siyang natigilan, dahil sa sinabi nito sa kanya. “Lola, pwede bang hayaan na muna natin si Violet. Wala rin namang alam ang bata.” Wika ng kanyang ina rito. “Pero paano kung inutusan lang nila ang bata, para magmanman sa atin?” Na-patingin siya kay Vanz, dahil sa sinabi ng kanyang lola. “Masyado lang kasing nakapagtataka, na bigla nalang

  • Broken Love   CHAPTER 6

    BROKEN LOVE C6 3RD POV “Akala ko umalis kana?” Tanong niya kay Bon, matapos siyang makalapit dito.“Hinintay talaga kita.” Sagot nito sa kanya. “M-may problema ba?” “Si Vanz, ayaw niyang kumain. Simula pa kaninang umaga.” Namilog ang kanyang mga mata, dahil sa narinig niya mula rito. “A-anong ibig mong sabihin? Anong hindi pa kumain?” “Baka nagtampo siya, dahil hinahanap ka niya.” Hindi niya na iwasan na makaramdam ng lungkot, dahil sa sinabi nito sa kanya. “Nasa’n siya ngayon?” Tanong niya rito, dahil hindi niya maiwasan na mag-alala sa bata. “Nasa bahay, hindi na rin siya nagtangka na umalis ng bahay.” “Pwede mo ba akong samahan sa inyo?” “Oo..” Sagot nito sa kanya.Sa kotse na siya ni Bon sumakay, at ang kanilang mga tauhan ay nasa unahan at likuran nila. “Bakit hindi nalang ang driver mo ang nagmamaneho?” Tanong niya rito. “Mas maganda kung ako nalang.” Sagot nito habang nasa daan ang atensyon.Nang makarating sila sa bahay ay agad niyang tinungo ang silid ni Vanz. Nap

  • Broken Love   CHAPTER 5

    BROKEN LOVE C5 3RD POV “Daddy, Mommy. Ano po ba ‘yang pinagsasabi niyo? Ano pong boyfriend?” Natatawa na wika niya sa kanyang mga magulang, dahil wala pa sa isip niya ang pumasok sa isang relasyon. “Kung ganun, bakit mo ginawa ‘yon?” Tanong sa kanya ng kanyang ina. “May gusto po sana akong sabihin sa inyo Mommy, Daddy.” Wika niya habang tumabi sa kanila. “Ang totoo po, nakita ko na naman ang batang si Vanz Piamonte.” Lalong na-pakunot ang noo ng kanyang ama, dahil sa narinig nito mula sa kanya. “Ano ang ibig mong sabihin?” “P-paano siya nakarating sa bahay?” Taka na tanong ng kanyang ina, dahil kilala niya ito. “Hanggang ngayon po ay tinatawag niya pa rin akong mama, ang akala niya ako ang kanyang ina.” Na-pahinga nang malalim ang kanyang ama, habang nakatingin sa kanya ang kanyang ina. “Hindi ko rin maintindihan ang sarili ko Daddy, Mommy, dahil naawa talaga ako sa kanya.” “Naiintindihan kita Anak, hindi mo kasalanan ‘yon, sadyang pinalaki ka lang namin ng daddy mo na may m

  • Broken Love   CHAPTER 4

    BROKEN LOVE C4 3RD POV “Pumasok muna tayo sa loob.” Wika sa kanya ni Bon. Masama niya naman itong tiningnan kaya napatitig ito sa kanya. “Hindi mo ba ako naririnig?” Muling wika nito. “Hindi ako bingi, para hindi ka marinig.” Sagot niya. Nang makapasok sa loob ng bahay nila ay inis siyang napatingin dito. “Wala kabang balak na buksan ang ilaw?” “Naka-bukas na ‘yong ilaw, ano pa bang gusto mo?” “Namumulubi kana ba?” Lalong napa-kunot ang noo nito, dahil sa tanong niya rito. “Ano ang ibig mong sabihin?” “Kung hindi mo kayang bayaran ang ilaw ako ang magbabayad, kaya buksan niyo ang ilaw.” Utos niya sa mga katulong. “Gusto ko lang malaman mo, na hindi ako kumportablem kapag walang ilaw.” Muling wika niya, kaya inutusan ng binata ang mga katulong na buksan ang lahat ng ilaw. Nang magliwanag ang buong paligid ay nakikita niya sa mukha ng bata ang saya. “Mama, pinabalik mo na ang ilaw sa buong bahay!” Tuwang wika nito, habang mahigpit siyang niyakap, kaya napangiti siya rito. N

  • Broken Love   CHAPTER 3

    BROKEN LOVE C33RD POV “I-ikaw..” Utal na wika niya sa bata nang makita niya ito. “A-anong ginagawa mo rito?” Tanong niya habang binuhat ito. Napatingin din siya sa paligid, para tingnan kung may kasama ba ito. “Mama, galit kaba sa akin?” Iyak na tanong nito sa kanya. “H-hindi, pero pwede bang sabihin mo sa akin, kung ano ang ginagawa mo rito?”“Pinuntahan kita Mama..” Sagot nito, kaya napa-pikit siya sa kanyang mga mata. “Alam mo bang delikado itong ginagawa mo?” Wika niya habang tumango ito. “Halika nga.” Binuhat niya ito at balak niya sana itong dalhin sa labas, pero naisip niya na baka pagalitan siya ng kanyang pamilya, lalo na ng kanyang ama. “Dito ka muna, ‘wag kang umalis. Kukunin ko lang ang kotse sa loob.” Wika niya habang tumango ito. “Hindi ka magtatagal Mama?” Sagot nito habang umiling siya rito. “Babalik agad ako, kaya ‘wag kang umalis dito.” Wika niya at tumango ito sa kanya. Dali-dali niya namang kinuha ang kanyang bag, pati na rin ang susi ng isa niyang kotse

Bab Lainnya
Jelajahi dan baca novel bagus secara gratis
Akses gratis ke berbagai novel bagus di aplikasi GoodNovel. Unduh buku yang kamu suka dan baca di mana saja & kapan saja.
Baca buku gratis di Aplikasi
Pindai kode untuk membaca di Aplikasi
DMCA.com Protection Status