LOGINCHAPTER ONE
MAGANDA ang sikat ng araw ng umagang iyon. Tamang-tama sa gagawin niyang magdidilig sa mga orchids at iba pang alagang halaman sa may garden nila. Linggo kasi kaya malaya niyang nagagawa ang gusto na walang mang-iistorbong trabaho sa kanya. Sa totoo lang, ang pag-aalaga niya ng halaman ang siyang matatawag niyang libangan. Masyado kasi siyang busy sa pagmamanage ng business nila, ang Poseur de Salon and Spa na mula ng hinawakan niya ay lalong lumago at mas dumami ang branches nila sa metro manila. Five years ago ay namatay sa isang plane accident ang parents nila ni Aliza kaya siya na ang nagpatakbo ng business nila. Samantalang si Aliza naman na noon ay kakagraduate lang ng elementary. Masakit sa kanya na maagang maulila sa magulang ngunit para sa bunso niyang kapatid ay naging matatag siya. Parang isang napakalaking responsibilidad ang agad na nakapatong sa balikad niya ng mga panahon iyon. But now, masasabi niyang stable na silang dalawa ni Aliza, financially and emotionally. Second year college na din ito sa kursong Nursing. "Papasok na ako sa school, Ate. " Pagkahalik sa pisngi niya ay nagmamadaling lumabas ito ng gate nila. Nagtaka siya nang hindi nito dinala ang kotse. "Teka, Aliza! Hindi mo ba dadalhin ang kotse mo?" "Coding, Ate." Tumango-tango siya. Patalikod na siya ng may marealize na parang may mali sa sinabi nito. "Sunday ngayon it means walang coding at wala din siyang klase sa school!" Tuluyan na siyang lumabas ng gate nila para habulin ang kapatid ngunit kahit na anino nito ay hindi na niya nakita. Umiiling-iling siya. Mukhang nautakan na naman siya nito. Papasok na sana siya sa loob ng bahay ng makarinig siya ng isang malakas na pagtikhim mula sa likuran niya. "Good Morning, Ms. Sexy! Kamusta umaga mo? Nagbreak fast ka na ba?" Sunod-sunod na tanong ni Yasser sa kanya. Nakapang-jogging na get up at halatang ready ng mambola ng mga girls. "Ito, nawalan na ng gana." Natawa ng malakas ito sa sinabi niya at inakbayan si Didrey James. "Pare, ang sungit talaga ng mahal mo kahit kailan." "Excuse me? Ikaw yata ang hindi pa kumakain, Yasser. Kung ano-anong kalokohan kasi ang sinasabi mo." nakataas-kilay na sabi niya. Imbes na sumagot ay inalis lang nito ang pagkakaakbay ni Yasser at parang hindi siya nakikita o nag-eexist sa paningin nito. Sabagay, ilang taon na din ba silang hindi nakikibuan after their breakup? Almost seven years? "Let's go, Yasser." Pagkasabi niyon ay tumakbo na ito palayo sa kanila. Napaismid siya. Napakayabang at hambog talaga ang lalaking iyon. "Madapa ka sana." malakas na bulong niya na ikinatawa ulit ni Yasser. "Huwag naman baka masira ang kagwapuhan ni DJ." "So what? Wala akong pakialam sa kagwapuhang sinasabi mo." "Malaki. Paano mo ulit siya magugustuhan?" Napasimangot siya sa sinabi nito. Hobby na talaga nitong tuksuhin silang dalawa ni DJ. "Lumayas ka na nga sa harapan ko." Padabog na sinara niya ang gate nila. Narinig pa niya ang malakas na halakhak ng mokong bago ito umalis. Iisang village lang kasi ang tinitirhan nila ni DJ kaya hindi nakapagtakang magkita pa din sila. Sa Hermoso Avenue na kasi sila pinanganak at lumaki ni Aliza kaya gustuhin man niyang hindi na muling makita kahit maski ang anino ng lalaking iyon ay hindi maaari. Lalo pa't may mga gatherings na nagaganap sa village. Naisip niya din na ipakulam na lang si DJ ngunit nagbago ang isip niya. Isinumpa na lang niya saksi ang mga taong nakakita ng pag-aaway nila dati na hinding-hindi na ito sasaya sa buhay. Kahit kailan ay hindi niya makakalimutan ang ginawa nitong panloloko at pananakit sa puso niya noon. Lalo siyang nagagalit tuwing naaalala niya ang sinabi nito sa kanya. Na masyado daw makitid ang isip niya at hindi siya marunong umintindi o tumanggap ng paliwanag. Ano pa ba ang maaaring maging paliwanag kapag nakita mong may kahalikang iba ang boyfriend mo? Napailing siya. Mas mabuti pang ipagpatuloy na lang niya ang pagdidilig ng mga halaman niya kaysa aksayahin ang galit at panahon niya kay DJ. Busy na ulit siya sa mga halaman niya ng makarinig siya ng pagsutsot. Paglingon niya ay nakita niya si Camille na nasa gate nila at kumakaway sa kanya. "Ang aga mo namang mambulahaw ng kapit-bahay." agad na bungad niya habang pinagbubuksan ito ng gate. "Ikaw naman, ang aga-aga para magsungit. Teka, kumain ka na ba?" "Hindi pa, talagang hinihintay kita alam ko namang dito ka makikikain eh." Natatawang tinapik nito ang braso niya. "Masyado ka talaga. Masama bang masarapan sa mga luto mo?" "Nang-uto ka pa. Ang sabihin mo, hindi ka pa din natututong magluto." "Hindi, ah. Tinatamad lang akong magluto talaga." pagkakaila nito. Halos sabay silang lumaki ni Camille at ito ang masasabi niyang bestfriend talaga niya. Kahit-kailan ay hindi sila nag-iwanang magkaibigan lalo na nang mamatay ang mga magulang niya. Alam na alam nila ang lahat ng sikreto ng isa't-isa. "Oo na lang. Sinigang sa bangus ang niluto ko for breakfast." "Tamang-tama. Gutom na ako." Mas nauna na itong pumasok sa kanya. Naabutan na niya itong naghahain para sa kanilang dalawa. "Nasaan na pala si Aliza?" tanong nito sa pagitan ng pagsubo. Napakalakas talagang kumain nito na para bang may paligsahan lagi. Nagtataka nga siya kung saan nito nilalgay ang kinakain nito at parang hindi man lang tumataba. "Pumasok sa school kanina lang." "School? Okey lang siya? Sunday kaya." Nagkibit-balikat na lang siya. "Baka may project na gagawin." "Ang sabihin mo baka nakipagdate." Natahimik siyang bigla sa sinabi nito. Posible nga siguro na nakipagdate nga ito. Napapansin niya kasi na parang lagi na itong late kung umuwi ng bahay . Hindi kaya may boyfriend na ang kapatid niya? "Baka may jowa na si Aliza." Napatingin siya kay Camille. Na voice out nito ang nasa isip niya. "Sa tingin mo?" "Ano ka ba naman, dalaga na yang si Aliza kaya natural lang na makaboyfriend siya. Remember? Kasing edad mo siya ng maging kayo ni DJ at okey naman yun kina Tita diba?" "Yun na nga eh. Ayokong maranasan niya ang sakit na naramdaman ko dati." "Hindi naman lahat ng relasyon, nauuwi sa hiwalayan." "Really? Eh anong tawag mo dun sa relationship mo kay Joenard? Michael? Lester? Hindi ba't sa hiwalayan din ang bagsak niyo?" "May mga bagay talaga na mahirap ipaliwanag. Ang sakin kasi nafall-out of love ako. Kaysa naman patagalin ko pa ang relasyon namin at patuloy na lokohin ko pati ang sarili ko na mahal ko sila, mas okey na makipaghiwalay na lang." "Nafall out of love? O baka naman sa simula palang hindi ka naman pala na-inlove sa kanila?" Hindi ito nakakibo sa sinabi niya. Pinagmasdan niya ang mukha ng kaibigan at alam niya na alam nito ang bagay na tinutukoy niya. "Nagkikita pa ba kayo ni Cenon?" Biglang itong nabulunan sa sinabi niya. "Ano bang kalokohan yan, Jullie?" agad na sabi nito ng makabawi sa pagkabigla. "Pati ba naman ako lolokohin mo?" Kahit wala itong sinasabi sa kanya, alam niyang matagal na itong may lihim na pagtingin kay Paul Cenon. Isa ito sa walong barkada nina DJ. "May girlfriend na siya, Camille. Ang alam ko malapit na silang ikasal." Bumakas sa magandang mukha ng kaibigan niya ang pait at sakit sa binalita niya. "K-kailan pa?" Umiling siya. "I heard it from a friend na nagkataon na friend niya din ang girlfriend ni Cenon. Pero ang alam ko, wala pang date. Paano yan, friend? May panahon ka pang kidnapin si Cenon." "You think so?" "Ang alin?" "Ang kidnapin si Cenon." "Baliw ka na talaga." "Yeah." Ngumiti lang ito ng mapait sa kanya. Magkaibigan nga sila, pareho silang bigo sa pag-ibig. MONDAY. Back to reality. At ang reyalidad na iyon ay kailangan niyang asikasuhin ang business nila. Iyon lang kasi ang inaasahan nilang magkapatid. Although, marami narin siyang naiipon sa bangko ay hindi pa din siya dapat mapanatag. Maraming umaasang pamilya sa salon nila. "Good morning, Ate." masiglang bati sa kanya ni Aliza. "Ready na ang breakfast." Naramdaman niya na niyakap siya nito mula sa likuran niya. "Galit ka ba, Ate? Sorry kung late na ako nakauwi kagabi." "Ayos lang sana na umuwi ka ng late pero at least nainform mo agad ako para hindi ako nag-aalala sayo." "Sorry na, Ate. Please?" Napabuntong-hininga siya. Kailan ba niya natiis ang kapatid niya? "Oh siya sige na. Pero next time, magtetext kapag gagabihin ng uwi okey? Kumain ka na baka malate ka pa sa school." Masiglang kumain ito ng almusal. Nagkukwento ito ng may napansing siyang kakaiba sa braso nito. "Ano yan?" Hahawakan sana niya ang maitim-itim na pasa sa braso nito ng bigla itong napapiksi. "Saan mo nakuha yang pasa na yan?" "T-tumama sa pader, Ate." mailap ang matang sabi nito. "Ganoon ba? Mag-ingat ka na next time." Tumango lang ito sa kanya at tahimik ng kumain. Maya-maya ay tumayo na ito at humalik sa pisngi niya. "Mauna na ako, Ate. Baka malate na ko eh." "Gusto mo bang ihatid na kita?" "No need na. Bye." Nagtatakang tinanaw niya ang papalayong kapatid. Pakiramdam niya ay parang may kakaiba dito.CHAPTER SIX - Mr. Playboy PUMASOK na rin siya sa office kinabukasan. Gusto pa sana niyang bantayan si Ali ngunit mapilit ito na kaya na nito ang sarili. Medyo okey na rin kasi ang pakiramdam nito kaya hinayaan na lang niya. Mahigpit din naman niyang binilin ito sa mga kasama nila sa bahay kaya hindi na siya gaanong nag-aalala. Papalabas na nang gate ang kotse niya ng mapansin niyang may nakaparadang sasakyan sa tapat nang bahay nila. Napakunot-noo siya ng makita niya si Yasser na ngayon ay nakasandal sa kotse nito. Ano na naman kaya ang kailangan ng isang ito? Inihinto muna niya ang kotse sa tapat nito bago niya binuksan ang bintana. "Anong masamang kaluluwa ang nagdala sayo dito, Yasser?" Narinig niya ang pagtawa nito sa sinabi niya. Napakagwapo nito ng mga oras na yun. Hindi mapagkakailang habulin talaga ito ng mga girls. Lutang na lutang kasi ang appeal nito sa suot na longsleeve. "Good morning, Ms. Beautiful." He smiled at her na naging dahilan upang lumabas ang pantay-
Chapte Five - (Unheard Feelings) "A-ATE, okey lang ako. Hindi niyo ko kailangang dalin sa hospital.." umiiling na sabi ni Aliza sa kanya. Nagsalubong ang kilay niya. "Anong hindi kailangan? Nakikita mo ba ang kalagayan mo ngayon? Namimilipit ka na sa sakit!" "M-masakit lang ang puson ko, ate. Please, okey lang ako." "Pero hindi-" "Sabi ng okey lang ako eh! Please, leave me alone!" Pagkasabi nun ay nagtalukbong na ito ng kumot. Nag-alala man ay wala na siyang nagawa sa kapatid. Nanghihinang napalabas na lang siya ng kwarto nito. Pero nagbilin muna siya kao Manang na bantayan maigi ang kapatid niya. Kapag hindi pa bumuti ang lagay nito ay siya na ang magtatakbo dito sa hospital sa ayaw at sa gusto nito. Mahalaga sa kanya ang kapatid niya. Ito lang ang nag-iisang dahilan kaya nabubuhay siya sa mundo. "Pakibantayan na lang siya ng maigi, Manang. Huwag niyo po iiwan si Ali." walang ganang sabi niya. Dumeretso siya sa study room niya. Pagkaupo ay binuksan niya ang drawer at kinu
CHAPTER THREESUBSOB siya sa pagbabasa ng reports ng may magpop-up na message sa email niya. Nang mapagsino ang sender ay mabilis niya inopen at binasa. Galing kay Red ang mensahe. Red ang pinangalan niya sapagkat hindi niya alam kung sino ito. Lagi kasing red color ang ginagamit nito sa pag-email sa kanya.Bigla na lang kasi itong nagmessage sa kanya. Noong una ay mga quotes and sayings ang pinapadala nito hanggang sa nagtanong ito kung pwede ba silang maging magkaibigan kahit thru email lang. At first, hesitant siya na tanggapin ang inaalok nitong friendship. Ngunit hindi din niya napigilan ang sarili hanggang sa sagutin niya ang mga emails nito. Kapag may pinagdadaanan siyang problema, mapapamilya o negosyo man, ay nagagawa niyang iconfide dito. Hindi naman siya nabigo sapagkat helpful talaga ang mga advises and comments nito lalo na sa negosyo. Aaminin niyang naging malaki na rin ang role nito sa buhay niya. Bakit nga ba hindi? Bukod sa negosyo at pag-aalaga sa kapatid niya ay
CHAPTER TWONANG araw na yun ay nagpasya siyang bisitahin ang branch niya sa Alabang. Minabuti niya kasing mag-inspection sa mga branches nila at makapagmeeting na din sa mga managers niya. Wala naman siyang dapat ipag-alala na malulugi ang isa man sa mga branches niya sapagkat maganda ang reptusyon ng salon and spa niya at mga kilalang tao ang mga kliyente nila.Nakikipag-usap siya sa manager niya ng may maring siyang pagtikhim mula sa likod niya. "Good morning, Jullie.""Paul.." Inalis nito ang shades kaya mas lalong lumutang ang kagwapuhang taglay nito. Hindi niya masisisi si Camille kung magkagusto man ito kay Paul. Sino nga bang hindi mahuhumaling sa lalaking ito? Bukod sa gwapo na ay tanyag pa ito sa profession nito. Isa itong sikat na Oncologist."Napakahard-working mo talaga. Masyado pang maaga para magtrabaho. Parehong-pareho kayo ng isang taong kilala ko." nakangiting sabi nito sa kanya.Kahit hindi niya itanong kung sino ang tinutukoy nito ay kilala na niya. Hindi kasi li
CHAPTER ONE MAGANDA ang sikat ng araw ng umagang iyon. Tamang-tama sa gagawin niyang magdidilig sa mga orchids at iba pang alagang halaman sa may garden nila. Linggo kasi kaya malaya niyang nagagawa ang gusto na walang mang-iistorbong trabaho sa kanya. Sa totoo lang, ang pag-aalaga niya ng halaman ang siyang matatawag niyang libangan. Masyado kasi siyang busy sa pagmamanage ng business nila, ang Poseur de Salon and Spa na mula ng hinawakan niya ay lalong lumago at mas dumami ang branches nila sa metro manila. Five years ago ay namatay sa isang plane accident ang parents nila ni Aliza kaya siya na ang nagpatakbo ng business nila. Samantalang si Aliza naman na noon ay kakagraduate lang ng elementary. Masakit sa kanya na maagang maulila sa magulang ngunit para sa bunso niyang kapatid ay naging matatag siya. Parang isang napakalaking responsibilidad ang agad na nakapatong sa balikad niya ng mga panahon iyon. But now, masasabi niyang stable na silang dalawa ni Aliza, financially and
PROLOGUEPADABOG na nilapag ni Jullie ang cellphone sa table. Halos mag-iisang oras na siyang naghihintay sa coffee shop pero wala pa ding Didrey James na lumilitaw.Muli niyang pinulot ang cellphone at nanggigigil na nagtext.'ANO? KONTI NA LANG ILILIBING NA KO WALA KA PA!'Sinadya niyang nakabold lahat ng letra para malaman nitong galit na talaga siya.First year highschool palang ay naging sila na ni DJ. Wala naman problema sa part ng mga parents nila sapagkat malaki ang tiwala ng mga ito sa kanilang dalawa ng binata. Lalo na kay DJ na siyang inaasahan na magmanage ng mga business ng pamilya nito at ganoon din sa kanya bilang panganay na anak.Nag-count down siya sa isip. Sa loob ng five minutes at wala pang DJ na nagpaparamdam sa kanya ay sasadyain na niya ito sa school nito. This day is their first year anniversary kaya para sa kanya ay nakapaespesyal ang araw na ito.Nang matapos ang five minutes self count down niya ay padabog siyang tumayo mula sa kinauupan at dumeretso palaba







