공유

Chapter 060

작가: Author Rain
last update 게시일: 2026-05-08 22:53:33

-Ava-

Maaga akong gumising kinabukasan. Agad akong naghanda at nagluto ng babaunin kong pagkain patungong hospital. Hanggang ngayon, masama pa rin ang loob ko dahil sa pagbigay nila ng kidney sa ibang pasyente na dapat sana ay para sa nanay ko.

Kaya nagluto ako ng masarap na pagkain para kahit man lang sa ganitong paraan ay mapawi ang lungkot at sama ng loob na nararamdaman ko. Pero hindi pa rin ako nawawalan ng pag-asa. Alam kong makakahanap ako ng kidney na match para sa inay, at gagaling siy
이 작품을 무료로 읽으실 수 있습니다
QR 코드를 스캔하여 앱을 다운로드하세요
잠긴 챕터

최신 챕터

  • Brother-in-Law's Wrong Bed   Chapter 064

    -Ava-Parang huminto sa pag-inog ang mundo nang tuluyan na akong lumabas at tumayo sa gitna ng entablado. Lahat sila ay mukhang na-shock nang makita ako. Tumalon ang kanilang mga mata mula kay Ada papunta sa akin, at mula sa akin pabalik naman kay Ada.Napaawang ang kanilang mga labi habang tinitignan ang kalmado kong ekspresyon, pero napapangiwi ako sa tuwing tumatama ang liwanag ng kanilang mga camera sa aking mga mata. “Ikaw ba ‘yung nasa video?” biglang nagtanong ang isa sa mga reporter.“Oo.” hindi kumukurap na sagot ko. “Ako ‘yung babaeng nasa video.”Iyon lang ang pwede kong sabihin at wala nang iba pa. Iyon ang mahigpit na bilin ng tatay ko.Para akong robot na nakatayo lang doon at hindi gumagalaw habang hinihintay ang susunod nilang gagawin.Sunod-sunod na ang ibinabato nilang katanungan sa akin, at ang iba naman ay pang-iinsulto at panglalait ang natanggap ko, pero hindi na ako umimik pa pagkatapos kong umamin na ako ang nasa video.May narinig pa ako na minura ako at pina

  • Brother-in-Law's Wrong Bed   Chapter 063

    -Ava-Sa mahabang mesa ay nakaupo sina Ada, Kardo at Tanya. Nagulat ang buong bansa sa kumakalat na video sa int3rnet, at base sa pagkakarinig ko kanina kay Florence habang nasa loob kami ng kotseng minamaneho niya, nagbayad ng malaking halaga si Kardo sa isang video expert para ipabura ang lahat ng mga kopya na kumalat sa s0cial media.Pero siyempre, hindi maiwasang may ibang tao pa rin na nakapag-d0wnload nito. Kaya siguro tahimik din ang mga tao sa hospital dahil naagapan ang pagkalat ng video, at wala ni isa man sa kanila ang nakapanood.Pero dahil sikat na personalidad ang asawa ni Ada na si Daniel Harrison, malaki ang epekto nito sa mga taong nasa paligid nila. Hindi ito basta-bastang issue na puwedeng balewalain lamang. Hindi rin basta-basta palalampasin ng mga reporter ang ganitong klase ng kaganapan, lalo na’t asawa ng isang maimpluwensiyang tao ang sangkot sa iskandalong ito. Siguradong magiging laman ito ng mga headlines at mabilis na papatok sa publiko, lalo na sa mga tao

  • Brother-in-Law's Wrong Bed   Chapter 062

    -Ava-“Ingrid!” humahangos na pumasok ako sa loob ng ward, at nakita ko siyang nakaupo sa tabi ng inay. Awang ang kanyang mga labi habang may pinapanood sa kanyang cellphone.Hindi na ako nag-aksaya pa ng oras. Agad kong inagaw mula sa kanya ang cellphone at tinignan kung anong pinapanood niya,“Ano ’to?” kunot ang noong tanong ko bago ko iniharap sa kanya ang screen ng kanyang phone.Pero unti-unti ay nakahinga ako ng maluwag dahil ibang video ang pinapanood niya.“Ano ba ‘yan, Ava! Bakit ba basta-basta ka na lang nang-aagaw ng cellphone? Ang sarap-sarap ng nood ko dito eh.” tumayo siya at muling kinuha sa kamay ko ang kanyang cellphone. “Sorry. Akala ko kasi…” kagat-labing sagot ko.“Akala mo ano?” lumipat siya sa tabi ni Aling Mercy na kasalukuyang nanonood din ng kung ano sa kanyang cellphone. Mabuti na lang talaga at walang cellphone ang nanay ko. Tahimik lang siyang nakaupo at nagbabasa ng pocketbook sa kanyang kama, pero nang makita niya ako, agad niya itong ibinaba. “Anak, a

  • Brother-in-Law's Wrong Bed   Chapter 061

    -Ava-“Aba, matapang ka na ngayon ah. Sige. Tignan natin kung hanggang saan aabot ang tapang mo kapag nakausap ko na ang nanay mo. Hindi mo ba alam na lahat ng sinasabi ko, sinusunod ng walang kwenta mong ina!” pasalya niya akong hinila sa balikat at saka binuksan ang pinto. Bigla akong nataranta. Baka nga puntahan niya ang nanay ko at kausapin ito. Hindi pwede! Hindi maaari! Agad akong humarang sa dadaanan niya. “Anong tulong ang kailangan mo?” halos maiyak na tanong ko sa kanya.Totoo ang sinabi niyang makikinig sa kanya ang inay. Hindi ko alam kung anong ginawa niya sa nanay ko at kayang-kaya niya itong pasunurin kahit ano pa man ang sabihin niya. Mas lalong hindi ko maintindihan kung bakit ganoon na lang ang takot ng inay sa demonyong ito, na para bang isang salita lang niya ay sapat na para mapasunod siya.Napangisi naman siya nang marinig ang sinabi ko. Naupo siya sa sofa at saka idinutdot muna ang sigarilyo bago muling nagsalita. “Tulungan mo ang kapatid mo. May kumakalat si

  • Brother-in-Law's Wrong Bed   Chapter 060

    -Ava-Maaga akong gumising kinabukasan. Agad akong naghanda at nagluto ng babaunin kong pagkain patungong hospital. Hanggang ngayon, masama pa rin ang loob ko dahil sa pagbigay nila ng kidney sa ibang pasyente na dapat sana ay para sa nanay ko.Kaya nagluto ako ng masarap na pagkain para kahit man lang sa ganitong paraan ay mapawi ang lungkot at sama ng loob na nararamdaman ko. Pero hindi pa rin ako nawawalan ng pag-asa. Alam kong makakahanap ako ng kidney na match para sa inay, at gagaling siya. Gagaling siya at makakauwi kami ng probinsya.Pagkatapos maligo, biglang tumunog ang cellphone ko na nasa ibabaw ng kama. Nakita kong may text si Ingrid.“Ava, nasaan ka na? May naghahanap daw sa’yo dito sa hospital at gusto kang makausap. Kanina pa pabalik-balik ang nurse dito.”Kumunot ang noo ko. Sino naman ang maghahanap sa akin eh wala naman akong ibang kakilala dito, maliban sa pamilya ng tatay ko.“Sino daw?” reply ko sa kanya bago ako mabilis na nagbihis.“Hindi ko alam eh. Pumunta ka

  • Brother-in-Law's Wrong Bed   Chapter 059

    -Daniel-“Mommy, I… I have…” at bigla na lang itong bumahing kunwari. “Nagpacheck ako noong isang araw kay James dahil masama ang pakiramdam ko, and he prescribed medicine for me, but I don’t know if it’s really an antibiotic. Sinisipon kasi ako non, mommy.” Ako naman ngayon ang sinenyasan niya na manahimik. Itinikom ko ang bibig ko hindi dahil takot ako sa spoiled-brat kong kapatid, kung hindi dahil ayoko ding mag-alala sina mommy sa kalagayan niya.“You’re sick?” nag-aalalang tanong ni mommy. “Bakit hindi ka nagsasabi sa amin? Kailan ka pa may sipon? Are you okay now? At ikaw, Daniel! Bakit hindi mo inaalagaan itong kapatid mo? May sakit na pala, bakit wala ka man lang sinasabi sa amin?”“Ha? Bakit ako na naman ang may kasalanan?” sa akin na naman napunta ang sisi. Ang hirap talaga kapag panganay. “Hindi ko nga alam na may sipon ‘yan eh. May sarili akong buhay. Kayo ang magkakasama dito sa bahay tapos ako ang sisisihin niyo?”“Don’t worry, mom. James is taking good care of me.” pu

더보기
좋은 소설을 무료로 찾아 읽어보세요
GoodNovel 앱에서 수많은 인기 소설을 무료로 즐기세요! 마음에 드는 작품을 다운로드하고, 언제 어디서나 편하게 읽을 수 있습니다
앱에서 작품을 무료로 읽어보세요
앱에서 읽으려면 QR 코드를 스캔하세요.
DMCA.com Protection Status