로그인-Ava-Unti-unting nawala ang pag-aalala sa kanyang mukha at bigla itong lumiwanag at saka malawak na ngumiti sa akin. “Kilala mo din ako?”“Ikaw si Frederick na palaging nagpapadala ng pera sa inay.” mahina kong turan. Noong ayaw magbigay ng sustento ng tatay ko, nagugulat na lang ako dahil may dumadating na pera sa amin at galing daw ito kay Frederick Samonte sabi ng inay.Pero ni kusing ay wala kaming ginalaw dito dahil mahigpit na bilin sa akin ng inay na hindi daw namin iyon pera at wala kaming karapatan na galawin ito.At ngayon nga ay nakilala ko na sa wakas ang taong nagpapadala nito.“I’m sorry…” mahinang sambit niya bago pinahid ang kanyang mga luha. “Ngayon lang ako nakadalaw sa kanya. Hindi ko alam na may sakit pala siya.”Tahimik ko siyang pinagmasdan. Kulay gray na ang lahat ng kanyang buhok at nakasuot siya ng polo shirt na checkered. Hindi ko alam kung anong nangyari sa paa niya, pero may hawak siyang tungkod at mukhang hindi siya makakapaglakad kung wala nito.“Sir Fre
-Ava-“Oh my God! Ano ‘yang suot mo?” nakangiwing bulalas niya. “Daddy! Tignan mo ‘yung suot ng anak mo! Baka makita siya ng mga tao, sabihin nilang pinapahirapan natin siya dito sa bahay! At saka nakakatakot! Mukha siyang mangkukulam!”Napalingon naman sa akin si Kardo, at nang makita ang itsura ko, biglang nagsalubong ang makakapal niyang mga kilay. “Ano ba ‘yang suot mo? Lahat ng mga pinaglumaang damit ng kapatid mo ibinigay niya lahat sa’yo. Bakit hindi isa sa mga iyon ang isuot mo?”Bumaba ang mga mata ko sa suot ko, bago napataas ang isang kilay ko nang muling tignan ang tatay ko. “Anong problema niyo sa suot ko? Presentable naman siya at walang mga butas. At dito ako kumportable.”Pati ba naman damit na suot ko gusto pa rin nilang pakialaman?Pinaikutan ako ng mga mata ni Ada bago siya humalukipkip at pinandilatan ako ng mga mata. “Kailangan bang magkaroon muna ang mga ito ng butas para itapon? Alam mo bang isang beses ko lang isinusuot ang mga damit ko? Pagkatapos nito ay ipin
-Ava-At ako naman ang pinamulahan ng mukha kaya natawa siya ng malakas nang hampasin ko siya sa braso. “Magtigil ka nga, Marcus! Kaibigan lang ang tingin ko sa’yo!”“Ouch!” kunwari ay nasasaktang napahawak siya sa kanyang dibdib, bago kami nagtawanan ng malakas.Nagising ako dahil sa malalakas na boses na nagmumula sa ibaba. Tinatamad akong nag-inat bago dahan-dahang bumangon sa kama at sumilip sa labas ng kuwarto ko.Ilang araw na rin mula nang magsimula akong pumasok sa eskwelahan, at sa buong linggong iyon, ni minsan ay hindi ko nakita si Daniel.Sabi ni Marcus, nasa abroad daw ito para sa isang business trip. Hindi ko tuloy alam kung dapat ba akong magtampo.Pero bakit naman ako magtatampo? Wala naman kaming relasyon. Pero sinabi lang naman niya na gusto niya akong mapangasawa.Napabuntong-hininga ako ng malalim.Umasa ba ako? Siguro. Kahit papaano, oo.Akala ko pa naman seryoso siya, mukhang hindi pala. Dahil dito, hindi ko maiwasang isipin na baka pinaglalaruan lang niya ang da
-Ava-Napangiti siya at bahagyang umiling. “Nope. Lumipat si James sa America noong high school, kaya tatlo lang kaming nag-aral dito. Tapos kami lang ni Daniel ang magkaklase because, you know... Yael took up Law tapos Business ad naman kami ni Daniel.”Tumango ako bilang tugon.Habang naglalakad sa hallway, hindi ko maiwasang maging malikot ang mga mata ko.Halos lahat ng estudyanteng madaanan namin ay napapatingin sa akin. May ilan na pabulong na nag-uusap, may mga nagtataka, at mayroon ding palihim na tumitingin na para bang kinukumpirma kung ako nga ba ang taong nakita nila sa balita, o ako si Ada.Nagkunwari na lang akong hindi ko iyon napapansin. Ayokong hayaang maapektuhan ako ng mga tingin nila.“Come on,” sabi ni Marcus nang huminto kami sa harap ng cafeteria. “Hindi pa tayo kumakain. Gusto kong matikman mo ang favorite naming kainin dito.” Itinulak niya ang pinto, at sabay kaming pumasok sa loob. At dahil puno ng estudyante ang cafeteria, halos lahat ay napatingin na naman
-Ava-Ayoko nang marinig pa ang mga sinasabi niya. Masyado akong nadismaya sa desisyon niya.“Ava…” umiiyak na sambit ni Ingrid sa pangalan ko, pero hindi na ako sumagot pa. “Ava, please. Makinig ka naman sa akin. Sana mainitindihan mo ang desisyon ko.”Tahimik lang akong humihikbi habang takip-takip ng kamay ko ang bibig ko.“Ava,” nang marinig ko ang boses ni Yael, huminga muna ako ng malalim at pilit na pinakalma ang sarili ko bago ako muling nagsalita.“Yael, pumayag ka na hindi magdemanda si Ingrid?” tanong ko sa kanya, at sinigurado kong may himig ng galit ang tono ng boses ko. “Bakit wala kang binabanggit sa akin?”“She just told me this morning,” sagot naman niya. “And I have no choice but to follow what she wants. Inaaway niya ako, Ava. Ayokong magkagalit kami ni Ingrid and you know the reason why.”Oo naman. Alam kong mahal na niya ang kaibigan ko, kaya kahit labag sa kalooban niya ay mas pinili niyang sundin ang gusto nito. “So, hindi na talaga kayo magsasampa ng kaso?” gu
-Ava-“Huwag kang mag-alala, anak. Hindi mangyayari iyang mga sinasabi mo. Kailangan pa natin siya kaya hindi ko siya pwedeng paalisin.” sagot naman ni Kardo, at napangisi na lang ako bago ako pumasok sa loob ng kuwarto at agad na tinawagan ang number ni Yael.“Yael, kasama mo ba si Ingrid?” tanong ko sa kanya nang sagutin niya ang tawag ko.“Yeah. Nandito ako sa hospital ngayon.” sagot niya, at nakarinig ako ng pagsarado ng pinto. “What happened, Ava? Nabalitaan ko yung nangyari dito sa hospital. Kumusta ka?”“Okay na ako. Nandito ako ngayon sa bahay ng tatay ko.” sabi ko sa kanya bago ko nilock ang pinto at saka ibinagsak ang katawan ko sa malaki at malambot na kama.“What? Bumalik ka pa talaga diyan pagkatapos ng ginawa niya sa’yo?” hindi makapaniwalang bulalas niya. “What if bugbugin ka ulit niya? You shouldn’t have come back there, Ava. Gusto mo bang sampahan siya ng kaso?”“Kailangan kong bumalik dito, Yael. May kukunin akong mga dokumento dito.” pahayag ko, at nang maalalang pu
-Ava-“Mam Ad… Ava?” tumaas ang kilay ni Cinderella nang mapagbuksan niya ako ng pinto. Nang akmang isasarado niya ulit ito ay sinipa ko ito pabukas kaya napaatras siya, Dire-diretso naman akong pumasok sa loob ng bahay.“Nasaan ang magaling mong amo?” nanlilisik ang mga matang tanong ko sa kanya,
-Ava-Para akong binuhusan ng malamig na tubig. Sinaktan siya ng lalaking humabol sa kanya!“Saang hospital kayo?” agad na tanong ni Marcus.Binanggit ni Ada ang pangalan ng ospital bago muling humagulgol.“Please… hurry up! Hindi ko alam ang gagawin ko dito. I need your help, Marcus” sabi ni Ada b
-Ava-Pagdating sa kuwarto, binuksan ko ang pinto gamit ang keycard na himalang hindi nawala mula sa bulsa ng short na suot ko. “Daniel, kailangan na nating pumunta sa doktor para ma-check ang sugat mo.” Pinigilan ni Ada na pumasok sa kuwarto ko si Daniel. Hawak niya ang braso nito at pilit itong
-Ava-“Hindi naman, pero gusto ko sana munang kumain, Marcus,” sagot ko. Kahapon pa ng umaga kami walang kain ni Daniel, at pakiramdam ko ay nanghihina na ang buong katawan ko sa sobrang gutom.Agad na nagbago ang ekspresyon ni Marcus.“Oh, I'm sorry. Hindi ko man lang naisip na kahapon pa pala kay







