Se connecter-Ava-Wala na akong pakialam kung pagpyestahan man ako ng mga alta-sosyedad na bisita. Tutal, hinusgahan na rin naman nila ako matapos marinig ang lahat ng sinabi ni Chantal.“Chantal Harrison!” Malakas ang sigaw ko kaya napahinto sina James at Chantal at napalingon sa akin.“Sino ka ba sa akala mo, ha?” Dinuro ko rin siya sa mukha at biglang nanlaki ang kanyang mga mata. Napansin kong napakapit siya ng mahigpit kay James.Sa gilid ng aking paningin, nakita kong pasugod na rin si Ada para awatin ako, pero mabilis siyang pinigilan ni Daniel sa pamamagitan ng paghawak sa kanyang braso.“What did you say?” gulat na tanong ni Chantal habang nagngingitngit sa galit.Napangiti ako nang bahagya. Mukhang hindi niya inaasahang may lakas akong sagutin at kalabanin siya.“Ang sabi ko,” dahan-dahan kong ulit, “sino ka ba sa inaakala mo para husgahan mo ako ng ganyan?” Humakbang ako palapit sa kanya. “Hindi mo ako kilala.” Sandaling tumigil ang tingin ko sa kanya bago ako muling nagsalita. “At puw
-Ava-“Chantal, shut the fvck up!” sigaw rin ni James. Hindi man lang niya inalintana na naroon sina Daniel at ang iba pang mga bisita at nanonood sa amin. “Get out of here! We're in the middle of a game!”Nagulat si Chantal sa sinabi ni James. Unti-unting namula ang kanyang mga mata habang pilit niyang pinipigilan ang pagluha.Bago pa muling lumala ang komosyon, mabilis na sumingit ang host.“Okay, guys!” malakas nitong anunsyo habang pilit na pinananatiling masigla ang tono ng boses. “Looks like we don't have a winner! Walang nakakuha ng ating grand prize! Sayang naman!”Kasabay niyon ay pinatugtog ang malakas na musika upang maagaw ang atensyon ng mga bisita.Ngunit huli na, dahil halos lahat ng mata sa bulwagan ay nakatutok na sa akin. At alam ko na agad kung ano ang iniisip nila.Ako na naman, ang babaeng may masamang reputasyon. Ang babaeng nanggugulo sa buhay ng mga mayayaman. Sigurado akong iniisip nilang sinasadya kong akitin si Dr. James dahil na rin sa mga isinisigaw at ak
-Ava-“Ava...”Nasa malalim pa rin ako ng pag-iisip habang hindi inaalis ang tingin kay Tanya nang maramdaman kong hinawakan ni James ang balikat ko.“I'm gonna tie this handkerchief over your eyes now, okay?” Bago pa man ako makasagot, marahan na niyang itinali ang panyo sa aking mga mata.At sa isang iglap, nilamon ng dilim ang aking paningin.Napahawak ako sa aking mga mata, ngunit nakatali na ang panyo sa mga ito. “Dr. James, anong ginagawa mo?” nagtataka kong tanong.“Don't worry, I'm here to help you out. Ipanalo natin 'to, Ava,” mahina niyang bulong sa aking tenga.Hindi ko alam kung bakit, pero mas lalo akong kinabahan sa gagawin naming laro.“Ready na ba ang lahat? Okay... go!” malakas na sigaw ng host, at bigla Naguluhan ako.Ano nang gagawin ko ngayon?“Ava, walk in a straight line!” narinig ko ang malakas na utos ni James, kaya naman dahan-dahan akong naglakad nang diretso, habang kinakapa ng mga kamay ko ang hangin sa paligid upang masigurong wala akong mababangga.Ano b
-Ava-“I’m really sorry, Ava. “I just needed to get away from Chantal for a while. She's starting to suffocate me. I just want to breathe and relax for a little bit.” nakangiti ngunit halos pabulong niyang sabi. “And I think, ang larong ito ang solusyon.”Napatingin akong bigla sa guwapo niyang mukha. Hindi ko akalaing may pagkaisip-bata rin pala ang seryoso at tahimik na doktor na ito.“Sandali lang,” mahina ko ring bulong. “Alam ba nina Daniel na kayo na ni Chantal?”Mariin siyang umiling. “Nope. Hindi nila puwedeng malaman. Lalo na si Daniel. Kapag nalaman niya, siguradong ilalayo nila si Chantal sa akin.”May halong kaba ang boses niya, at doon ko lang napansin na bahagyang nanlalamig ang kamay niyang nakahawak sa pulsuhan ko. Parang totoo talagang natatakot siyang mabunyag ang lihim nilang relasyon.Gusto ko din sanang sabihin na sana disiplinahin niya rin ang jowa niya dahil sobra talagang maldita nito, pero itinikom ko muna ang bibig ko dahil hindi ko pa naman lubos na kilala
-Ava-“But your body says otherwise, baby. Alam kong namiss mo rin ako,” nakangising bulong ni Daniel bago niya ako hinapit sa baywang at marahang hinalikan sa noo.“Ano ba!” naiinis na itinulak ko siya palayo sa akin, pero para lang akong nagtulak ng matibay na pader. Hindi man lang siya natinag. Sa halip, lalo pa niyang hinigpitan ang pagkakayakap sa akin.Bago pa ako muling makaiwas, marahan niyang hinawakan ang magkabila kong pisngi at mabilis na dinampian ng halik ang aking mga labi.Napaawang ang bibig ko sa pagkabigla, at kinuha niya ang pagkakataong iyon para ipasok ang kanyang dila sa loob. Ginalugad niya ang kasulok-sulukan ng aking bibig, at isang ungol ang narinig ko, hindi ko alam kung galing iyon sa akin o sa kanya. Napatitig ako sa kanya, hindi dahil sa halik, kundi dahil sa kung gaano ko iyon namiss.Sa loob ng ilang araw na hindi kami nagkita, ilang beses kong pinilit kalimutan ang pakiramdam na ito. Pinilit kong kumbinsihin ang sarili kong wala na akong dapat maramd
-Ava-“Sino ‘yan?” napaatras ako sa pagkagulat nang marinig ang malakas na boses ni Tanya, kasunod ng yabag ng mga sapatos nila.Sa sobrang kaba ko na baka mahuli nila ako, tuluyan na akong napatigil sa aking kinatatayuan. Kahit gusto kong tumakbo palabas ng grotto, parang nanigas ang mga paa ko at tumangging gumalaw ang mga ito.Ngunit bago pa man ako tuluyang mawalan ng pag-asa, bigla na lamang may malaking kamay na humawak sa aking braso at saka ako hinila papasok sa loob.Sa isang iglap, bumagsak ako sa matipunong dibdib ng isang lalaki. Pinihit niya ako paharap sa kanya at saka niya ako hinila sa pinakalikod ng malaking batuhan upang tuluyan kaming matakpan nito.Natulala akong bigla nang mapatingala sa lalaking humila sa akin. At nang makilala ko kung sino siya, halos maluwa ang mga mata ko sa sobrang gulat.“D-Daniel?” nauutal kong sambit. “Anong ginagawa mo dito?”Paano siya nakapasok dito nang hindi dumadaan sa harap ng grotto? May iba pa bang daanan bukod pa doon?Sa halip n
-Ava-“Hi, do I know you?” tanong ni Daniel na kay Ingrid nakatutok ang paningin. Nakayuko at pilit itinatago ang mukha ko sa kulot kong buhok para hindi niya ako makilala. Isang tingin niya pa lang sa akin, siguradong malalaman niya kung sino ako dahil magkamukhang-magkamukha kami ng asawa niya.
-Ava-Kumislap ang mga mata ko nang makita ang resulta ng magic na mga kamay ni mamang Rosa sa harap ng salamin. Hindi ko akalaing may igaganda pa pala ako.“Ava! Ang ganda-danda mo! Pwede ka na talagang mag-artista!” tuwang-tuwang bulalas ni Ingrid habang pinagmamasdan ang new look ko. “Baka hindi
-Ava-“Salamat, Ingrid.” hinawakan ko siya sa kamay at marahang pinisil ito bago ako naglakad patungo sa pinto at sumilip sa labas. Nang makita kong nandoon pa rin si Carlito at nakabantay sa labas, lalong tumibay ang paniniwala ko na hinihintay niya ako.Lumapit akong muli kay Ingrid na bumalik n
-Ava-Tumingin siya sa akin at saka ngumiti. “So fvcking beautiful, baby.” at halos mapatili ako nang dampian niya ito ng halik.“Daniel!” galit na pagsita ko sa kanya, pero tinawanan niya lang ako.“You’re hot when you get angry.” komento niya at saka sinimulang kuskusin ng loofa ang parteng iyon
![Just One Night [Tagalog]](https://www.goodnovel.com/pcdist/src/assets/images/book/43949cad-default_cover.png)






