Mag-log in-Ava-Pagkabukas ko nito ay bumungad sa akin ang napakaraming damit na maayos na nakasabit ayon sa kulay at disenyo. Halatang mahilig siyang mamili ng mga branded na damit. Napakamot ako sa batok. Hindi naman siguro magagalit ang babaeng ito kung hihiram na naman ako ng damit niya. Tutal, siya rin naman ang may kasalanan kung bakit wala akong maisuot ngayon.Kung hindi niya sinira ang dress ko kagabi, hindi sana ako mapipilitang manghiram muli. Mabuti na lang at halos magkapareho kami ng pangangatawan kaya hindi ako mahihirapang pumili ng isusuot.Matapos maghanap ng ilang sandali, isang simpleng puting T-shirt at isang maong na shorts ang napili ko."Hihiramin ko muna ito," mahina kong bulong na para bang naririnig niya ako.Mabilis akong nagpalit ng damit bago ko maingat na itinupi ang hinubad kong pantulog at inilagay iyon sa laundry basket.Pagkatapos ay nagtungo ako sa banyo. Naghilamos ako ng mukha gamit ang malamig na tubig at nagtoothbrush. Nang matapos ako, muli kong sinukla
-Ava-Pagkatapos kong maligo, bahagya akong sumilip sa labas ng banyo at hinanap ng aking mga mata si Chantal. Hanggang ngayon kasi ay wala pa rin ang hinihingi kong tuwalya at pamalit na damit.Nang makita ko siyang mahimbing nang natutulog sa kanyang kama, bigla na namang kumulo ang dugo ko. Hindi talaga ako sineseryoso ng babaeng ito!Nakakuyom ang mga kamao kong lumabas ng banyo. Wala akong pakialam kahit patuloy na tumutulo ang tubig mula sa buhok ko pababa sa aking dibdib at katawan, na nag-iiwan ng maliliit na bakas sa sahig habang naglalakad ako.Pero napahinto ako sa mismong paglabas ko, dahil sa ibabaw ng sofa ay may nakatiklop na isang malinis na puting tuwalya. Katabi nito ang isang pares ng manipis na pantulog, at sa ibabaw naman nito ay isang bagong underwear na may nakakabit pang price tag.Hindi ko namalayang kusang sumilay ang ngiti sa aking mga labi.Mukhang pagkatapos pala akong bwisitin ay tahimik niyang inilagay roon ang mga kailangan ko. Sabi ko na nga ba eh! Ala
-Ava-Hindi ko pinansin si Chantal at dire-diretso akong umakyat sa ikalawang palapag ng bahay at pinagbubuksan ang mga pinto ng kuwarto.“Hey! Stop!” sinubukan niya akong pigilan, pero huli na. Nabuksan ko na ang kuwartong kulay pink lahat ang makikita sa loob. Mula sa kurtina hanggang sa kubrekama, pink ang kulay ng mga ito. Pati ang sofa at ang throw pillow dito ay kulay roses din. Sa totoo lang, hindi siya cute. Ang sakit sa mata.Mabilis siyang humarang sa pinto at bukas ang mga brasong pinigilan ako sa pagpasok nang akmang hahakbang ako papunta sa loob.“Hindi ka pwede dito! Layas!” sigaw niya sa mukha ko. “Doon ka matulog sa ibang kuwarto!”“Ah talaga? Gusto mong gisingin ko ang daddy mo at isumbong sa kanya kung anong ginagawa mo sa akin? Di ba ang sabi niya, dito ako sa kuwarto mo ako matutulog, hindi lang ngayong gabi, kung hindi sa buong buwan ng pagtatrabaho ko para putulin ‘yang sungay mo, kaya tumabi ka diyan.” tinabig ko ang kamay niya at saka ako dire-diretsong pumasok
-Ava-Hindi ko inaasahan ang gagawin sa akin ni Daniel. Siniil niya ng mariing halik ang aking mga labi, at kahit anong pagpupumiglas ang gawin ko ay ayaw niya akong bitawan. Sobrang higpit ng pagkakayakap niya sa akin.Nararamdaman kong bumibigay na naman ako. Gumaganti na rin ako ng halik sa kanya, pero nang damhin niya ng kanyang palad ang isang dibdib ko, bigla akong napalayo sa kanya at napabalikwas ng bangon.“Daniel, ano ba!” naiinis na inirapan ko siya at saka padabog na inayos ko ang laylayan ng suot kong dress at hinila ito pababa. “Hindi na natin ‘to pwedeng gawin! Buntis na si Ada!”“What?” natatawang saad niya bago isinuklay ang mga daliri sa buhok pagkatapos niyang bumangon. “You seriously believe na akin ang batang dinadala niya, eh wala ngang nangyari sa amin kahit minsan. Hindi ko siya ginalaw Ava, and of all people, dapat ikaw ang nakakaalam niyan.”“Ha? Bakit ako? Malay ko sa inyong dalawa!” pagtataray ko sa kanya, at hindi makapaniwalang tinitigan niya ako, pero hi
-Daniel-“May tao!” mahina ngunit gulat na bulalas ni Manang Huling nang mapansin ang babaeng mahimbing na nakahiga sa malaking kama. “Si Ma'am Ava ba 'yan, Sir?”Despite the darkness inside the room, Manang Huling's eyesight was still remarkably sharp. She recognized the young woman almost immediately. At hindi nga siya nagkamali. As I walked closer and got a good look at the peaceful face resting on the pillow, my lips unconsciously curved into a faint smile. Siya nga, wala nang iba.“Manang,” mahina kong tawag habang hindi inaalis ang tingin ko kay Ava. “Doon mo na lang muna dalhin sa ibang kuwarto ang bisita. Ako na ang bahala rito.”Tumaas ang isang kilay ni Manang Huling at binigyan ako ng mapanuksong tingin.“Don't tease me like that, Manang,” natatawa kong sabi.Pabiro ko siyang itinulak palabas ng silid.Narinig ko pa ang marahan niyang halakhak, na para bang may alam siyang hindi ko alam, bago ko tuluyang isinara ang pinto.The beautiful woman was curled up on the bed, sle
-Daniel-Habang inaanunsyo ng Mommy ko sa harap ng lahat na buntis si Ada, napansin kong tahimik na umalis si Ava. Wala siyang imik habang dahan-dahang lumalayo sa ballroom. Mukha siyang tuliro at tila biglang nawalan ng sigla.Maybe she was just tired or baka naman nagselos siya sa biglaang pag-aanunsyo ng mga magulang ko na buntis si Ada.Ako man ay hindi makapaniwala sa narinig ko.How could Ada be pregnant when nothing had ever happened between us? Kahit minsan, hindi ko siya ginalaw. At malinaw pa sa memory ako na hindi siya ang nakaniig ko noong gabi ng aming kasal.Hindi ko ikinatuwa ang plano ng babaeng nasa tabi ko, ang babaeng inaakala pa rin ng lahat na asawa ko. Gustong-gusto ko siyang komprontahin at itanong kung sino ang tunay na ama ng batang dinadala niya.Pero wala na akong pakialam kung sino man iyon. What I couldn't accept was her forcing me to take responsibility for something I had never done. Kapag ginawa niya iyon, hindi ako magdadalawang-isip na ilabas ang CCT
-Ava-Marahas kong pinahid ang mga luha ko sa pisngi at mabilis na naglakad palabas ng hospital. Agad akong pumara ng taxi at nagpahatid sa Alonzo Group, ang kumpanyang pag-aari ni Tanya. Hindi ko alam ang address ng bahay nila kaya doon muna ako magpapahatid. Kilala naman siguro ng mga driver ang
-Ava-“Hoy, Ava! May hindi ka ba sinasabi sa akin, ha?” tanong ni Ingrid habang sinusubuan ko ng pagkain ang inay. Hindi na kami nakapag-usap kanina ni Ingrid pagkatapos naming iwanan sina Daniel sa labas ng ward dahil inasikaso ko na ang nanay ko. Tapos ipinatawag pa ako ng doktor at sinabi sa aki
-Daniel-“This is the woman you wanted to be investigated?” Nakataas ang kilay na tanong ni Detective Carlos nang iabot ko sa kanya ang phone ni Carlito.I nodded my head. “Yeah. Can you do it or not?”Hindi siya sumagot. He typed something on his laptop and then showed the screen to me.Naningkit
-Daniel-“Okay.” I sighed in defeat. “But behave. Ayokong naririnig na nakikipag-away ka sa school. Oo nga pala, ibinigay mo na ba kay James ‘yung cheke na ipinadala ko para dito sa hospital?” tanong ko nang bigla ko itong maalala.“Yeah, I already received it.” sagot ni James. “Thanks, Daniel. Mal







