LOGIN-Ava-Ang sabi niya, nag-text daw sa kanya si Bobby at kinukuha raw nito ang bago kong number. Noong una, napakunot pa ang noo ko.“Bobby?” Hindi ko agad naalala kung sino ang tinutukoy niya. Pero ilang segundo lamang ang lumipas bago ko biglang naalala kung sino iyon. “Wait… si Buknoy?”Natawa ako nang malakas nang maalala ko siya. “Bobby talaga ha?” Nakarating lang ng Canada, gumanda na agad ang pangalan.Pero iyon naman talaga ang tunay niyang pangalan. Nakasanayan lang naming lahat na tawagin siyang Buknoy simula pagkabata. Hindi ko nga alam kung paano nagsimula ang palayaw niyang iyon.Siguro dahil bata pa kami noon at may kung ano siyang ginawa na naging dahilan para matawag siyang ganoon. At kahit ilang taon na ang lumipas, Buknoy pa rin ang tawag namin sa kanya. Pero ngayon, bigla na lamang siyang naging Bobby.Pero unti-unting nawala ang ngiti ko nang maalala ko kung bakit niya kinukuha ang bago kong number. Ano kayang kailangan niya sa akin? Hindi ko maiwasang kabahan.Lalo
-Ava-Nang maramdaman kong gumalaw ang doorknob ng kuwarto, bigla akong napadilat. Kanina pa ako nakahiga at nagpapahinga, pero hindi pa talaga ako tuluyang nakakatulog. Kaya nang marinig ko ang mahinang pag-ikot ng doorknob, agad akong napatingin sa pinto.Malalim akong bumuntong-hininga at dahan-dahang bumangon para salubungin si Daniel. Ngunit pagtingin ko sa kanya, agad na namula ang mukha ko.Basa pa ang buhok niya, at kumikintab pa ang ilang patak ng tubig sa kanyang balikat at dibdib. Ang tanging suot lamang niya ay ang basang swimming trunks niya.Napakurap ako at mabilis na umiwas ng tingin. “Anong nangyari sa’yo? Nasaan ’yung towel mo?”Hindi na ako naghintay ng sagot niya. Agad akong tumayo at kumuha ng malinis na tuwalya mula sa closet. Lumapit ako sa kanya at saka ko pinunasan ang basa niyang buhok, pero bigla niyang hinawakan ang kamay ko at tinitigan ako nang diretso sa mga mata.“You know how much I love you, right?” seryoso niyang tanong.I simply stared at him. Tuman
-Daniel-Agad na nagbago ang mukha niya. Kitang-kita ko ang sakit na sumilay sa kanyang mga mata, na para bang bawat salitang binitiwan ko ay isa-isang dumurog sa natitira niyang pag-asa.“So, hindi mo talaga ako kailanman nagustuhan?” Mahina ang tanong niya. Bagama’t kalmado ang kanyang boses, ramdam ko ang matinding panginginig sa ilalim nito. “Mahal mo na ba siya?”Hindi ko kailangang sagutin si Ada. Alam ko ang sagot. Mahal na mahal ko si Ava. Ilang beses ko na ring ipinakita at sinabi iyon sa kanya, ngunit ngayon ko lamang napagtanto kung gaano kalalim ang nararamdaman ko para sa asawa ko.May kung anong dahilan na hindi ko maipaliwanag kung bakit gusto ko siyang palaging kasama. Gusto kong nasa tabi niya ako kahit wala naman kaming kailangang pag-usapan. Kahit magkatabi lamang kami at tahimik, sapat na iyon para maging payapa ang pakiramdam ko.At kapag nasa office ako, madalas kong nahuhuli ang sarili kong iniisip kung ano na kaya ang ginagawa niya sa bahay. May mga pagkakataon
-Daniel-Hindi ko na siya hinintay pang magsalita. Umakyat ako sa hagdan at dumiretso sa lounge chair kung saan ko iniwan ang tuwalya ko.Pero hindi pa man ako nakalalayo ay bigla kong narinig ang malakas niyang sigaw. “Daniel! Help! Help me, Daniel!”Agad akong napalingon, at nanlaki ang mga mata ko nang makita kong unti-unti siyang lumulubog sa tubig habang desperadong hinahampas ng kanyang mga kamay ang ibabaw nito.“I… I’m having cramps! Help!”Hindi na ako nag-aksaya pa ng oras. Binitawan ko ang towel na hawak ko at agad akong tumalon pabalik sa pool at saka mabilis na lumangoy patungo sa kanya. Nang tuluyan ko siyang maabot, agad ko siyang hinawakan at inalalayan paitaas, sinisiguradong hindi siya tuluyang malulunod.“Hold on!” mariin kong sambit habang pilit siyang hinihila patungo sa gilid ng pool.Nang makalapit kami sa gilid, agad siyang kumapit sa akin. Parehong nakapulupot ang mga braso niya sa leeg ko at saka siya nagsimulang humagulgol.Hinaplos ko ang kanyang likod at s
-Daniel-Pagkatapos naming mag-dinner ni Ava, inihatid ko muna siya sa kuwarto. Hindi sumabay sa amin sina Mommy at Ada dahil umalis daw sila sabi ni Manang Huling, at hindi ko na kailangan pang itanong kung saan sila nagpunta. I know they went shopping again. Si Chantal naman ay siguradong nasa ospital pa at nakatambay sa office ni James. Lately, palagi silang sabay umuuwi dahil sa follow-up ni Chantal para sa cyst sa dibdib niya.Kanina rin pala ay inutusan ko si Chantal na pumunta sa school at alamin kung maaari pang bumalik si Ava kahit dalawang buwan na itong hindi pumapasok.Now that I’ve seen the determination in Ava’s eyes and how badly she wants to continue her studies, I realized that finishing school would be good for her.Gusto talaga niyang makatapos at balang araw ay makapagpatayo ng sarili niyang business. At kung iyon ang pangarap niya, gusto kong suportahan siya sa abot ng aking makakaya.Mas maganda kung may diploma siya. Hindi lamang para magkaroon siya ng mas mara
-Ada-Makabuluhan ang mga salitang binitawan ni Mommy Helen, pero hindi ko agad naunawaan kung saan niya gustong makarating. Kumunot ang noo ko habang nakatingin sa kanya, pilit na inuunawa ang bawat salitang sinasabi niya.“Magkamukha kami.” inulit ko ulit ang salitang iyon. Of course, we’re twins! Duh! Ano ba naman ‘tong matandang ‘to! Gusto kong matawa sa sinabi niya. Pero nanatili akong tahimik at nagkunwaring naguguluhan.“Paano ka nakasisiguro na hindi niya ginagamit ang pagiging magkamukha ninyo para lapitan ang anak ko sa sarili niyang paraan?” tanong niya, at nanlaki ang mga mata ko.Sa wakas, naintindihan ko rin ang ibig niyang ipahiwatig. Ibig sabihin ba nito, ginagamit ni Ava ang mukha namin para mapalapit kay Daniel?Biglang sumiklab ang galit sa aking mga mata. Napahigpit pang lalo ang pagkakahawak ko sa laylayan ng damit ko habang unti-unting nabubuo sa isip ko ang isang posibilidad na ayaw kong tanggapin.“Ano po sa tingin ninyo ang dapat kong gawin, Mommy?” tanong ko
-Ava-“Marcus, halika na. Kailangan na ni Ava na magpahinga.” hinila na ni Ada si Marcus sa kamay.“Pero may sasabihin pa daw sa akin si Ava.” mariin namang tumutol si Marcus.“Okay lang, Marcus. Bukas na lang. Gusto ko na ring magpahinga.” sabi ko, at agad naman siyang tumango.“Okay. Maaga nga pa
-Ada-“Huwag nang maraming tanong, Ada.” tinapik ni mommy ang mga paa ko kaya nalaglag ang mga ito sa sahig. I couldn’t help but roll my eyes at her. Ang sakit ha!“Kung ako sa’yo, asikasuhin mo na lang ang asawa mo. Gawin mo ang lahat para magsiping na kayo. At siguraduhin mong mabubuntis ka sa u
-Ava-“Hoy, Ava! May hindi ka ba sinasabi sa akin, ha?” tanong ni Ingrid habang sinusubuan ko ng pagkain ang inay. Hindi na kami nakapag-usap kanina ni Ingrid pagkatapos naming iwanan sina Daniel sa labas ng ward dahil inasikaso ko na ang nanay ko. Tapos ipinatawag pa ako ng doktor at sinabi sa aki
-Daniel-Nang matapos kaming kuhanan ng picture ng babaeng kamukha ni Ada, agad siyang tumalikod at umalis na lang ng basta-basta. I stood there, rooted to the spot, my brows slowly knitting together in confusion. Hindi ko na alam kung ano ba talagang nangyayari. She looked exactly like Ada. The s







