Share

Chapter 2: First Day

Eliz’s Point of View

Kring! Kring!

The heck? I glanced at my alarm clock and realized that I was late, as usual. First day of school tapos late? Whatever, wala na silang pakealam doon. Isang beses palang naman eh, besides, hindi nagfo-focus ang campus sa attendance.

At isa pa, hindi naman na literal na first day ng pasukan ngayon. Pinilit kasi ako ni Lolo Sevastian na pumasok kahit na ilang weeks nalang ang natitira para sa school year na ito. Pero syempre, first time nila ako makikita.

Sinong baliw na estudyante ang mag-eenroll kung kailan patapos na ang school year? Malamang ako.

"Ma’am Eliz, nakahanda na po ang pagkain sa baba." I heard from the outside of my room, probably one of the maids. "Got it. I’m coming," walang ganang sabi ko at dumiretso na sa bathroom dahil talagang ang lagkit ng pakiramdam ko.

Hindi na kasi ako nakapagpalit kagabi dahil sobrang napagod ako. I didn't spend much time in the bathroom because I was running out of time. Nag-half bath nalang din ako dahil baka kapusin ako sa oras. Si Nathan kasi, niyaya pa ako sa mall kaya late na akong naka-uwi. Pero sulit naman dahil inilibre niya ako.

"Goodmorning, sweetie," bati ni mommy na agad din dumiretso sa mesa para tulungan yung mga maid sa pagpe-prepare.

"Morning," sabi ko, diretso salampak sa upuan at tsaka kumain nang mabilis. "Where’s dad?"

"Naku,iyang si Ahrvy talaga. Huwag mo ng hanapin at baka nagkukulong na naman iyon sa office niya."

Umalis si mom ng naghihimutok at dumiretso sa kusina. Mahirap talaga kapag masipag magtrabaho, kapos ang oras sa pamilya pero si mom lang naman ang problemado. Napansin ko na wala akong kasama kumain, nasaan na yung bwiset kong kapatid? Kadalasan ay lagi siyang nauuna gumising kaysa sa akin.

Si Shanize ay kabaliktaran lahat ng katangian ko, pero syempre mas maganda ako.

Papalabas na ako ng magawi ang tingin ko sa malawak naming garahe. Gamitin ko kaya yung isang kotse na regalo sakin ni dad noong 18th birthday ko? Sa totoo lang ay ngayon ko lang ito nakita ng malapitan dahil doon ako nag-celebrate ng birthday ko sa Japan.

May lisensya naman ako, so why not? Hindi din naman siguro masamang ipagyabang ko ang kotse ko, gumastos si dad ng billion para lang bulukin ang kotse na’to? Kinuha ko ang wallet ko kung saan nakatago yung susi ng kotse, pero kasabay noon ang pag-vibrate ng cellphone ko.

Sino naman ang tatawag ng ganito ka-aga? Tsaka konti lang naman nakaka-alam nang number ko—ah, alam ko na.

"Bakit?" bagot na sabi ko sa kabilang linya, binuksan ko ang pintuan ng kotse at ini-start ang sasakyan.

"Wow! Wala manlang hello or goodmorning?"

"Really, Nathan? What do you want? Spill it." Habang nagsasalita ay sinenyasan ko ang guard namin na buksan yung gate. Sa kabilang banda ay naka-kunot parin ang noo ko habang kausap ang tukmol kong pinsan.

"Nasaan kana ba? Malapit na mag-start ang klase eh."

"Malapit na," sabi ko at nagsimula ng pa-andarin ang kotse palabas ng garahe. Malapit na naman talaga ako ah? Malapit na umalis.

"At gaano kalapit yung ‘Malapit na’?" Saglit akong napa-irap at tiningnan ang cellphone ko, patayin ko na kaya si Nathan—I mean yung tawag? Paano ako makakapag-drive kung ginugulo niya ako?

"Malapit ng umalis. Gets?" Iyon ang huli kong sabi at pinatay na ang tawag. Huwag na siyang mag-alala sa pasalubong dahil baka ipakain ko sa kanya yung isang box ng chocolates, ewan ko lang kung hindi siya magka-diebetes.

Mabuti nalang at kaibigan ni dad yung may-ari ng Driving Academy dito, nabigyan na agad ako ng lisensya kahit hindi nag-driving test. I know it sounds crazy, pero marunong naman ako mag-drive sa ligtas na paraan.

10 minutes later…

Pagpasok ko palang ng gate ay marami ng mata ang nakatingin sa akin. No wonder, ganyan ang tingin nila, sino ba naman ang magta-transfer kung dalawang linggo nalang ay magtatapos na ang school year?

"Who's that girl?"

"May transferee na naman, for sure weak yan."

“Akala ko ba ay bawal ang may kulay ang buhok dito sa campus? Hindi niya siguro alam,” sabi pa noong isang girl.

Malamang alam ko, dahil ako lang naman ang nagpatupad noon matagal na panahon na ang nakakaraan dahil ayokong may kaatulad akong hair color.

“She’s ugly huh.”

Ganito ba ang mga estudyanteng pumapasok dito? Maloloka ako sa inyo ah?

Akala mo naman kung sinong kagandahan ang nag-sabi eh mukha namang tuko. Ang laitera eh sila naman ang kalait-lait.

"Maganda siya boi!"

"Pero parang kilala ko siya?"

Sa hindi kalayuan ay natanaw ko na ang aking napaka-bait na pinsan. Minsan ay natatawa nalang din ako kapag naiisip ko na nagka-gusto siya sa akin. I repeat, hindi po ako fan ng family stroke. "Yow insan!"bati sakin ni Nathan.

Akmang yayakapin niya ako pero bigla akong umatras. There is one thing na ayaw ko sa kanya, yung perfume niya. Madaming nagsasabi na mamahalin at mabango iyon pero mukhang ayaw ng ilong ko, kaya ayaw kong niyayakap niya ako eh.

Hello? Kakapit sakin yung amoy, duh~

"Na-miss lang naman kita eh, akalain mong tumagal ka ng two years ka sa Japan?"sabi niya at kinuha ang bag ko para siya na ang magdala. Gwapo, mayaman, at higit sa lahat, gentleman. Saan ka pa? Package deal talaga ang mga Cortejo, huwag na kayo magtaka.

*

"So class, we have a tranferee here. Ms. Cortejo, please introduce yourself."

Tumayo ako at nagsimulang magbulong-bulongan ang mga estudyante sa loob ng section namin. Bulong pero dinig ko? Wow ha.

"Parang pamilyar siya."

"Feeling ko nakita ko na siya somewhere ."

"Siya yung nanglalandi kay Nathan my loves!"

My loves? Yuck! Saan nila kukuha iyang mga ganyan? I’m so glad that they didn’t recognize me, like…nasa labas lang yung napalaking tarpaulin ng pagmumukha ko or sadyang hindi lang talaga nila natatandaan ang pangalan ng apo ni Lolo Sevastian.

"I'm Eliz Cortejo. Nag-aral ako sa Japan ng dalawang taon at lumipat dito dahil... nami-miss ko dito," pagpapakilala ko at pilit na ngumiti sa kanila. Gosh, ayokong sabihin na Lolo ko ang may-ari nitong school. Hangga’t maaari ay itatago ko iyon. Pero darating din yung point na malalaman nila.

Nakita ko ang iba't-ibang klase ng reaksyon sa mga mukha nila. May walang pake, meron namang manghang-mangha sa akin at may mga parang papatayin ako sa tingin. Remember, sa mata ng kababaihan, nilalandi ko ang pinsan ko. Ayoko nalang isipin.

"Are you related to our Principal Sevastian Cortejo?"tanong ni Ma'am Gomez at tumingin sakin.

Tss, napakapake-elamera sa buhay. Ayoko ngang sabihin eh. "Maybe? Can I sit now?" tanong ko at tumango naman si Ma'am Gomez. Buti at naka-lusot ako.

Pero may isa pa akong kailangang gawin. Nadaanan ko yung nagsabi na nilalandi ko daw kuno yung pinsan ko. Mabuti at nasa may gilid lang din siya naka-upo. "What?" Maarteng tanong niya ng sandaling tumigil ako sa tapat niya.

"Sasabihin ko lang, hindi ako nanlalandi ng pinsan ko," sabi ko at napa-awang naman ang labi niya.

I can’t predict if she’s surprised or what, and trust me, ang epic ng itsura niya. As if naman naman na papatulan ka ni Nathan. Duh~

Ayaw kaya ng pinsan ko sa mga malalandi at mukhang clown! Yung feeling na naging coloring book na yung mukha niya sa sobrang kapal ng make-up? Nararamdaman pa ba niya yung mukha niya?

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status