Share

Chapter 3: Do Not Enter

Eliz’s Point of View

Blah blah blah.

 Ang boring. Noong nasa Japan ako ay madalas kaming mag-experiment sa laboratory. Samantalang dito naman sa Pilipinas, puro discussion at lessons. I-suggest ko kaya kay Lolo Sevastian na i-renovate ang lab para magamit ng mas maraming estudyante? Nakakpagod din kasing umupo ng mahabang oras.

Pinagsisisihan kong sinunod ko ang utos ni Lolo na ituloy ko ang pag-aaral dito. Napansin ko din na hindi na nakikinig yung iba sa tinuturo. Kapag kasi mga formula at equation, talagang mapapatulala kana lang talaga eh no? Bakit pa nila tinuturo iyan kung sa huli ay gagawa lang din naman ng sariling formula ang mga estudyante?

 Saglit akong napasulyap sa wallclock at napansin na limang minuto na lamang at tapos na ang huling subject ngayong umaga. Kanina kasi ay biglang nagka-emergency meeting si Ma’am Gomez kaya maagang nag-end yung klase.

"Class, dismissed." Nagliwanag ang mga mukha ng kaklase ko ng marinig iyon.

Kahit naman ako, favorite ko ang dalawang salita na ‘yon. Nanatili lang ako sa kinauupuan ko habang nilalaro ang ballpen sa kamay ko,sinulyapan ko si Nathan na hinahanap pa din yung phone niya.

Tumayo na ako at lumapit sa kanya. "Ano na?! Gutom na ako eh!" sambit ko at pinag-krus ang mga braso ko. Kung pagmamasdan mo siya, para siyang naghuhukay ng ginto. Pambihira naman, mukhang basurahan ang bag ni Nathan.

"Wait—Eto!" sabi niya at pinakita ang phone niya na may nakakapit pang tape at kung ano-anong basura.

"Yan kase, parang lungga ng ahas yung bag mo, ang gulo. Baka may sawa na dyan ah? Tuklawin ka sana," walang-ganang sabi ko at hinila siya palabas ng classroom dahil gutom na gutom na talaga ako.

Medyo malayo yung cafeteria mula dito, kailangan pa naming dumaan sa garden. Isa lang yung cafeteria dito pero I swear, sobrang laki niya. "So dito kana mag-aaral, permanently? I mean, hindi kana babalik sa Japan?"tanong ni Nathan at napabuntong-hininga ako.

Ano pa nga ba? Nandito na ako eh.

"Pakiramdam ko ay hindi na papayag si Lolo Sev na umalis ulit ako, maging ang parents ko ay nag-eexpect na din na hindi na ako aalis pa ng bansa natin,"sabi ko. Twenty-years old na ako pero parang tingin sa akin ni Lolo ay kailangan ko pa ng isang-daang bodyguards. Si Lolo kasi eh, masyadong strict pagdating sakin.

Kaya ko naman ang sarili ko dahil marunong ako ng martial arts tapos marunong din ako sa paghawak ng baril pero hindi ko naman specialty ang pakikipag-basag ulo. Minsan lang?

"Eliz, wait lang. Ibibigay ko lang to kay Shin," sabi niya at tinuro yung lalaki na malapit sa garden kasama ang ilang mga kalalakihan. Tumango na lamang ako at pinagpatuloy ang paglalakad.

Ilang hakbang palang ang nagagawa ko ng biglang...

"Ayyy!"sigaw ko ng may maramdaman akong kakaibang pwersa sa may kanang paa ko. Mabuti na lamang ang mabilis kong naibalanse ang katawan ko at itinuon ko ang aking dalawang kamay sa lupa at nag-tumbling.

Whoo! Mabuti at alam ko pa yung moves na iyon. Natutunan ko kasi iyon sa gymastic.

"Nice moves!"

Nagpapasalamat ako sa diyos at mabilis pa sa kidlat ang naging kilos ko dahil naka-mini skirt ako ngayon. Sinasabi ko na nga ba at magpantalon nalang eh, si mommy kasi.

"Nice one." Narinig kong may nagsalita sa likod. Napapikit ako at ikinuyom ang kamao dahil sure ako na siya ang pumatid sa akin. I saw ah—gwapo, matangkad, at masama ang ugali. Siya lang naman yung pumatid sakin!

“Transferee ka ba dito? Bakit ngayon lang kita nakita?” Ay grabe, kung makipag-usap parang walang kasalanan.

"Yes, transfer ako dito…ano naman? Kailangan bang i-recite ko sayo ang lahat ng tungkol sa akin?"sabi ko at tumalikod pero hinawakan niya ang braso ko dahilan para mapatigil ako. Ibahin niyo ako, wala akong naramdaman na kuryenteng sinasabi niyo, pero ang sarap kuryentehin ng isang ‘to. Iniiwasan ko na ang gulo pero bakit parang sila pa yata ang lumalapit? Tumingin lang ako sa kanya, hindi napuputol ang aming titig sa isa't-isa. Gwapo naman siya, konti lang.

"Inlove kana sakin no?" sabi pa niya kaya nanlaki ang mga mata ko. Inlove daw? In his dreams! Padabog akong umalis doon at iniwan na ang hambog na lalaking iyon. Sana hindi ko na siya makaharap ulit dahil nagdidilim talaga ang paningin ko.

"Pinsan!" Dapat nilagay ni Lolo sa requirement dito sa school na bawal ang malandi, bawal ang babaero, lalakero at bawal ang hambog. Well, for sure naman na mayaman siya pero hindi dahilan iyon para makapasok siya dito. Attitude dapat bes!

"Nawala lang ako ng saglit, may kaalitan ka na. Iba ka talaga eh, hindi pwedeng walang gulo na mangyayare.Sino ba yun? Parang pamilyar eh,"sabi niya umiling-iling pa.Nilingon ko ang kinaroroonan ng lalaking ‘yon pero wala na siya.

Naku, sayang at hindi niya nakita, papa-resbak sana ako. Ako ba magsimula? Hindi naman di'ba?

"Tss, eh bakit kasi ang hambog nun?"tanong ko sa sarili ko habang hindi mapigilan na magsalubong ang kilay.

"Anong sabi mo?"tanong ni Nathan, narinig ata sinabi ko.

"Ahh wala yun, tara na sa cafeteria kasi 30 minutes nalang oh!"

"Hay naku Eliz...mukhang sira na talagang araw ko..Duh~"bulong ko sa sarili ko.

At the Cafeteria...

Salamat sa lalaking yun, nawala na ako sa mood. Wala akong pake kung anak pa siya ng presidente or what! Basta, I hate him! "A-ah Eliz, nagka-crack na yung chopstick mo oh?" biglang sabi ni Nathan kaya napatingin kahoy na chopstick na gamit ko.

First day palang pero ganito na? Ang malas ko talaga kahit kailan. "Mauna kana, magpapahinga lang ako," sabi ko at tumayo na.

"Time na oh?" sabi pa niya at tiningnan ang oras sa cellphone niya. Bakit parang ang bilis yata ng oras?

Parang kadarating palang namin ah."Basta mauna kana," paalam ko at mabilis na umalis sa cafeteria.

Saan ako pupunta? Magsisimula na yung klase eh..cutting classes is real. Kagaya nga ng sabi ko, hindi mahalaga kung may absent ka, as long as pasado ka sa mga exam.

Nagtungo ako dun sa garden na nadaanan namin kanina. Malawak iyon at maaliwalas, marami ding bulaklak at halaman, kaya nga garden eh. Nagdere-deretso lang ako ng makarating sa maraming puno, isang gate ang aking nakita at may nakasulat na 'Do Not Enter'.

Bakit may ganito dito? Haunted garden ba ito? Nakakatakot kasi yung gate, parang hindi siya nabubuksan ng ilang linggo dahil sa mga halaman na nakapalibot dito pero mas nakakapagtaka ay parang bago pa ang pintura nito.

"Ano kaya ang nasa kabila nitong gate?" tanong ko sa sarili ko hindi ko mapigilan ang sarili na humakbang papalapit sa gate. Wala namang ganito noong umalis ako ah?

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status