Share

Chapter 7: Chaos

Chapter 7

Eliz’s Point of View

Kaya maaga akong gumising dahil maglilibot ako sa buong campus, pero dahil sa mas pinili kong intayin yung pinsan ko, heto ako ngayon at nakatayo. Ang ending? Nalibot ko ang buong parking lot. Ang galing, di’ba?

"Tss napaka-paimportante naman ng lalaking ‘yon,”Hindi ko mapigilan ang maghimutok dahil halos twenty minutes na ako dito sa parking lot at kahit anino ni Nathan ay wala.

Siguro ay gumaganti ito sa akin dahil lagi ko siyang pinag-iintay. Sana pala ay sinabi ko sa kanya na may gagawin pa ako.

Beep beep!

It's my cousin, sa wakas.

“Sorry Eliz, tanghali na ako nagising eh,” sabi niya at nagmadaling kinuha ang kanyang bag sa backseat ng kotse niya. Ano pa nga ba? Paniguradong late na ‘to natulog kagabi.

Hindi na ako nagreklamo pa, siya na din ang nagdala ng bag ko na lagi naman niyang ginagawa dati pa.

"Look oh! Si Eliz!"

"Sila ba??"

"Magpinsan sila Angel no!"

"Diba apo din siya nitong may-ari ng school kagaya ni Nathan?"

“Mukhang alam na nila kung sino ka,” bulong ni Nathan at tinuro ang mga chismosang palaka na nagkalat sa campus.

"Yeah, hindi ko nga pinapa-alam sa kanila eh kahit sa class tapos si Lolo naman sinabi sa buong Campus,”inis na sabi ko.

"Hayaan mo na, atleast hindi ka nila aawayin dahil sa totoo lang ay maraming bully dito,” sabi niya kaya napatawa nalang ako.

Ako? Matatakot sa bullies? Isang Eliz lang naman ang makakaharap nila.

"Anong ngiti yan pinsan? Parang kinakabahan ako ah,” sabi ni Nathan at para bang hinuhulaan kung ano ang tumatakbo sa isip ko. Trust me, hindi ko din alam ang tumatakbo sa utak ko paminsan-minsan.

Nagpatuloy lang kami sa paglalakad nang mahagip ng mga mata ko si Arabella, right?

Arabella Gomez. Isang beses ko palang nakita ang hitsura niya at iyon ay sa kanyang profile picture, hindi ko makakalimutan ang mukha niya…mukhang hindi gagawa ng mabuti, kagaya ngayon.

“Mukhang may pinag-iinitan na naman si Bella ah, kawawa naman yung babae,”sabi ni Nathan at itinuro ang kanina ko pa pinagmamasdan.

Kitang-kita si Bella na may ina-away na isang babae at base sa damit nito na civilian ay masasabi kong bagong salta lang siya dito. Another transferred student? Eh patapos na ang school year ah?

"Alam mo ba kung gaano kamahal ito? Kulang pa iyang walang kwentang buhay mo pambayad nito!"sigaw niya doon sa babae.

Kailangan talaga abot sa pluto ang boses niya?

"Sorry, diko naman sinasadya, may pumatid kasi eh,”sabi naman noong babae.

Ang dami-daming nanonood tapos wala manlang may gustong tumulong doon sa babae na inaapi? Tss, karamihan pa naman ay mga lalaki, mga duwag ba sila?

"Sorry? Mababalik ba ng sorry mo yung classy dress ko?!” sabi pa ni Bella at akmang ibubuhos niya yung juice na hawak niya ng agad akong tumakbo mula doon sa kanilang kinarooroonan at pinigilan siya.

Masama ang ipinukol na tingin niya sakin.

"Eliz, wag kana makialam dit0,"bulong sakin ni Nathan na nasa likuran ko lang at hawak ang balikat ko. Bakit parang nagmamakaawa na ang pinsan na huwag akong makialam? Hindi naman masama ang gagawin ko.

"Oh is that your cousin Nathan? Eliz, right? Gusto mong sayo ko ibuhos itong-What the?!"

Napasigaw siya ng kunin ko sa kanya ang juice at ibuhos iyon mismo sa damit niya. Kung kanina ay kapiraso pa lang ang basa, ngayon ay halos buong damit na niya. Sorry, sinasadya.

"Are you freak?! Do you know it cost five thousand pesos?!"sigaw niya habang pinupunasan nang tissue ang damit niya. Sa lagay ni Arabella ngayon, kailangan niya ng isang kahong tissue.

"Oh eto..” mahinang sabi ko at naglabas sa wallet ng limang libo.

Limang libo lang pala eh, akala ko pa naman ay mga milyon. Biruin niyo, ang suot ko ngayong OOTD ay nagkakahalaga ng fifty thousand pesos plus yung mga accesories pa. Tapos dito sa epal na Arabella na ito ay limang libo lang? Anong pinagmamalaki niya?

"Sino ka para gawin ‘yon sakin?! Isa ka ngang apo ng may-ari nitong school pero isa ang family ko sa may pinaka-malaking shareholders ng Campus na ito!"sabi niya at halata sa tono ng kanyang pananalita ang pagbabanta.

At ako pa talaga ang tinakot niya? Isang Eliz Cortejo?

"So what?"mataray kong sabi na ikina-inis niya pa lalo.

Kung mabait ang isang tao, mabait ako, pero kapag katulad niyang maarte at walang manners, pasensya nalang.

"Baka gusto mong kausapin ko ang parents ko at sabihing babawiin namin ang lahat ng shares namin!"sabi niya at may pa-taas kilay effect pa.

"Edi gawin mo, hindi namin kailangan ng pera niyo. Kaya kong palitan ang lahat ng mawawalang pera,"taas-noong sagot ko.

Nag-usok ang kanyang ilong at tenga dahil sa sinabi ko. Yung mga mata niya na para bang kutsilyo na gusto ako patayin. Akmang sasampalin na niya ako pero may pumigil. I expected that, I expect na may sasangga ng sampal pero ang hindi ko inaasahan ay kung sino.

Ruhan?

"R-ruhan! Help me! Tingnan mo yung dress ko oh! Dahil sa babaeng iyan, tinapunan niya ako ng juice!" Parang batang pag-iinarteng sabi niya habang lumapit kay Ruhan at isinabit ang braso niya sa braso ni Ruhan.

Pero napanganga na lamang ako ng umalis sina Arabella at Ruhan ng walang pasabi. What? Kinapampihan niya ang babaeng iyon? Magsama sila! Parehas masama ugali!

Dahil sa inis ay naibato ko ang basong hawak ko. Noong first day, nasira ang araw ako. Pati ba naman ngayon? Ang hindi ko matanggap ay mas kinampihan niya pa ang malditang babaeng iyon kaysa sa amin eh obvious naman na hindi si Arabella ang biktima dito.

"Hey, are you okay?"tanong ko doon sa babae. Tinulungan ko siyang tumayo, pinagpag niya ang damit niya at inayos ang suot na dress.

"Ano ba ang nangyare at galit sayo si Bella?" tanong naman ni Nathan.

"Naglalakad lang naman ako pero may pumatid sakin, eh nagkataon na hawak niya yung juice tapos may konting natapon dun sa dress niya."

Konti lang pala eh, kung maka-arte naman yung Bella na yun.

"What's your name?" I asked.

"I'm Lyca Collins, you are?"pabalik na tanong nito.

Collins? Sila ba yung may-ari ng MOC, as in Mall Of Collins?

"I'm Eliz Cortejo, nice meeting you,"pagpapakilala ko at inilahad ang kamay ko.“This is my cousin, Nathan Cortejo.”

Nakipag-kamay rin siya kay Nathan…and they lived happily ever after. Just kidding.

Hmm…there is something fishy huh?

“Nathan, grabeng titig naman ‘yan,” bulong ko kay Nathan kaya naman binitawan na niya ang kamay ni Lyca.

Whoops? Mukhang ‘the search is over’ na. May nanalo na kaso hindi yata aware si ate girl na aksidenteng nabingwit niya ang puso ng aking mahal na pinsan.

“So…anong ginagawa ang isang Collins dito? Don’t tell me na balak mo mag-enroll dito sa Cortejo Campus?”

“Parang ganoon na nga Eliz, pero para sa next year school. Gusto kasi masiguro ng parents ko na enrolled na ako bago pa sila makaalis ng bansa sa susunod na linggo,” paliwanag ni Lyca at pinakita ang hawak niyang brown envelope.

“So, dito ka pala magco-college,"  ani Nathan at pasimpleng sumulyap sa akin.

One hour later…

Bukod sa nangyare kanina sa amin nina Arabella ay wala na naman kaming naging problema. Hindi ko na din nakikita si Ruhan kaya payapa na ang buhay ko. Kahit na sa next school year enrolled si Lyca ay ni-request ko kay Lolo na kung pwede ay makasama siya sa mga darating na event ngayong linggo.

“Salamat sa inyong dalawa ha? Mabuti na lamang at may kakilala na agad ako dito, apo pa ng may-ari nitong school!” Napangiti kaming dalawa ni Nathan.

At mabuti na din na kami ang naging kaibigan niya dahil baka kung sino-sino pa ang mag-take advantage sa kanya dahil isa din ang kanyang pamilya sa mga kinikilalang personalidad dito sa bansa.

“May sasakyan ka ba? Pwede ka naming ihatid.”

“Salamat Nathan pero may sundo ako at papunta na siya ngayon.”

“Kung ganoon, tara na sa parking lot. Hindi ka namin pwedeng iwan dahil baka magkita pa kayo ni Arabella.” Sumang-ayon si Lyca sa sinabi ko.

“Nice try, Nathan,” pang-aasar ko sa pinsan ko.

Bab terkait

Bab terbaru

DMCA.com Protection Status