Share

Chapter 4: Catch Me!

Eliz’s Point of View

Sinabi na nga na bawal pumasok pero ito ako at pinipigilan ang sarili kong buksan ang gate. Wala itong lock or tali manlang kaya malaya ang kung sino na buksan ito, alam ba ng mga taga-Cortejo campus ang tungkol dito? Or big deal lang talaga sakin ito? I’m always curious, that’s the problem.

"Ano sa tingin mo ang ginagawa mo?" Halos layasan ako ng aking kaluluwa dahil sa boses na narinig ko.

Kailangan talaga magkita pa ulit kami? Yes, you’re right. It’s him. "You don't care,"sabi ko at lumayo sa gate. Akala ko ay nakasunod siya sa likod ko pero nakahinga ako ng maluwag dahil hindi ko na siya makita.

For sure naiwan siya doon sa gate. Naghanap ako ng puno at mabilis na umakyat doon, medyo may kataasan iyon kaya nahirapan ako. Mabuti at marami iyong sanga kaya madali lamang akong naka-akyat. Umupo ako ng maayos para hindi ako mahulog dahil ang taas talaga niya. Hindi lang siguro braso ang mababali kundi buong katawan ko.

"Eliz? Where are you?" sambit ng isang pamilyar na boses.

Tumingin ako sa ibaba, at nandoon siya. Alam niya ang pangalan ko? Stalker ko ba siya? Ang gwapo naman. Yes, gwapo naman talaga siya pero yung ugali niya...kalimutan niyo na lang.

"Eliz? Tss tama nga si Lolo Sev...para kang kabute, mawawala tapos biglang susulpot," sabi pa niya at patuloy parin ang paghahanap sakin. Look up, idiot.

"Bakit kilala mo ang Lolo ko?" biglang sabi ko kaya napatingala siya ng wala sa oras. Pinag-krus niya ang dalawang braso niya at para bang iniisip kung paano ako nakarating dito sa itaas.

"Bumaba ka dyan. Baka mahulog ka," sabi niya pero hindi ko siya pinansin. "Bumaba ka dyan ngayon din. Hoy babae," puna niya pa.

Ano bang meron sakin at gusto niyang guluhin ang buhay ko? "Bakit ba nangingialam ka? Eh sa gusto ko dito eh!" mataray na sabi ko at inirapan siya. Lumapit siya sa ibaba ng puno at inilahad ang kamay.

"What's that?" tanong ko.

Balak niya ba magsayaw ng macarena? "Tumalon ka, sasaluhin kita," sabi niya.

My goddess! Muli ay inilagay ko ang kamay ko sa dibdib ko at ramdam kong bumilis ang tibok nito.

"Tumigil ka—I mean, wag kang ganyan!" sabi ko sa sarili ko at hinampas ang dibdib ko. Joke lang, wag kang titigil sa pagtibok ha?

Muli ay bumalik ang atensyon ko sa lalaking nasa ibaba. Seryoso siya na sasaluhin niya ako? Ang taas nito ah. Baliw talaga ang lalaking ito, pwede naman akong bumaba eh.

"Are you out of your mind?" sabi ko pero tumawa lang siya. Iyong ngiti niya…nakaka-tunaw ng atay.

"I'm serious, jump now," wala akong emosyon na makita sa mukha niya. It’s so hard to predict if he’s just making fun of me or what.

"Ayoko! Marunong ako bumaba!" Bakit ba ako tatalon, kaya ko naman talaga bumaba eh? May saltik talaga ang utak neto.

"Pano kapag sinabi kong may tarantula diyan sa—"

. . .

Oh no.

may—may gagamba! May gagamba!

"Ahhh! Bakit hindi mo sinabi?!" Halos matanggal ang lalamunan ko sa kaka-sigaw ko ng may makitang malaking gagamba sa tabi ko at papalapit sakin. Super laki talaga at nakakatakot! Sa lahat pa naman ng mae-encounter ko, bakit naman gagamba pa? Wala ng ibang nasa isip ko kundi ang makababa ng mabilis pero mukhang suicidal ang gagawen ko.

"Hoy lalaki! Catch!" sabi ko sabay tumalon, nagulat siya at nagmadaling pumunta sa babagsakan ko.

Makapal naman siguro yung damo sa ibaba, right? Nakapikit lang ako at nakapa ng kamay ko ang lupa—safe na ba ako? Nasa ground na ako?

Pagbukas ng mata ko ay bumungad sa akin ang isang anghel—no! Never kong pagpapantasyahan ang lalaking ‘to! Agad akong tumayo dahil hindi ko alam na sa kanya pala talaga ako bumagsak. He literally catched me…

Wait…

"Hey…" tawag ko pa pero nandoon pa din siya at hindi nagalaw. Patay na ba siya?! Unti-unti akong naglakad papalapit sa kanya, lumuhod ako pinakinggan ang heartbeat niya. Buhay pa naman siya…

 Nabaling ang atensyon ko sa id niya, may papel sa loob noon kaya Ruhan lang ang nabasa ko sa name niya. Ruhan huh? Nice name.

"Ruhan?" pagtawag ko sa pangalan niya pero wala pa din eh. Kung na-acting siyang patay, pwede  ko naman totohanin.

"Ruhan!"

"Stop shouting! I can hear you!" Napatalon ako sa gulat at dali-daling tumayo. So, kanina pa siya gising? Ayos ah.

"Di mo manlang ako kakamustahin matapos mo akong pagpantasyahan?" sabi niya at ngumisi. Nanatili lang siyang nakahiga at nakatingin sa langit.

"Yuck! Mandiri ka nga Ruhan," taas kilay na sabi ko at tumalikod mula sa kanya. Akala ko pa naman ay matino na siya kausap, hindi pa din pala.

"Calling the attention of my granddaughter Ms. Eliz Cortejo and Mr. Ruhan Night Pedraza. Please proceed to the Dean's Office. Now."

Bakit kami pinapatawag sa Principal's Office? As in kaming dalawa talaga? Bakit kaya kasama itong—Ruhan Night huh? Bagay ang pangalan niya, nagdidilim kasi paningin ko kapag siya kaharap ko eh.

"Let's go?"Aya niya kaya wala na akong nagawa. Sabay kaming naglakad, kahit medyo iritado ako sa lalaking 'to.

"Anong meron sa kanila?"

"Sila na ba?"

"Diba kadarating lang nung girl?"

"Siya yung apo ng principal!"

"Pinatawag sila eh, bakit kaya?"

"Mga chismosa.." bulong ko. Halos lahat ng students ay nakatingin samin. Hindi ko nalang pinansin ang mga titig ng tao sakin. Ilang minuto lamang ay nakarating na kami sa office. Pagpasok naming dalawa ay nandoon si Lolo, naka-upo at busy sa laptop niya.

"Goodmorning po,"bati ni Ruhan at nginitian naman kami ni Lolo Sevastian. Wow ha, pakitang-tao ang lalaking ‘to.

"Bakit niyo kami pinatawag?"diretsong tanong ko.

"Upo muna kayo." Pina-upo niya kaming dalawa sa upuan na nasa harap ng table. As usual, matatalim lang na tingin ang pinapakawalan ko, sanay na doon si Lolo dahil aminin ko man o hindi, may pagka-attitude ako minsan.

"So Ruhan, you already met Eliz huh? How was it?" sabi ni Lolo sa lalaking katabi ko. Anong 'How was it?' ? Parang iba ang gustong sabihin ni Lolo ah. I'm a good girl kaya, di'ba?

"Makulit ho ang apo niyo, katunayan kanina ay—Aray! Ano ba?!" d***g niya at sinipa ko siya. Buti nga! Ibubuko pa niya ako kay Lolo?! Tss di manlang marunong magtago ng sikreto! Diko siya bati!

"Alam ko ng may gagawing kalokohan iyang apo ko kaya..Ruhan? Gusto kong ikaw ang magbantay kay Eliz." Nanlaki ang mga mata ko sa narinig. What? Bantay? Parang bodyguard?

"Ano ho?" Hindi makapaniwalang tanong ni Ruhan at tumingin sakin.

"Gusto kong bantayan mo ang aking apo," pagliliwanag ni Lolo Sevastian.

"Pero lolo! Hindi na ako bata! Wala ba kayong tiwala akin?" tanong ko pa with matching paawa effects.

"Noong nandito ka pa sa Pilipinas, nakidnap ka, na-hostage kana rin sa isang shop. Nasangkot sa aksidente. Ano sa tingin mo ang iisipin ko?" inis na sigaw ni Lolo kaya napa-tahimik ako.

Atleast buhay? Kahit naman ilang beses na nalagay sa peligro ang buhay ko ay maayos naman ako. "Eh bakit po ang Ruhan na iyan ang napili niyong magbantay sakin aber? Marami naman tayong bodyguard ah? Sa dalawampung bodyguard na nagbabantay sakin ay nakukulangan pa kayo?"sabi ko at pinag-krus ang braso habang tiningnan nang matalim ang lalaki.

"Well, isa siya sa mga pinagkakatiwalaan ko dito sa campus natin and besides..." Napatigil siya at tumingin kay Ruhan na para bang may hinihintay na permiso. At tsaka ano yung sasabihin niya at kailangan pa ng pahintulot ni Ruhan?

Bab terkait

Bab terbaru

DMCA.com Protection Status