Share

KABANATA 2

Penulis: Anne Lars
last update Terakhir Diperbarui: 2024-12-24 15:55:20

**MISUARIS MANSION**

Pagkabukas ng pinto ng sasakyan, agad na bumaba si Caramel at napatitig sa napakalaking bahay sa harapan niya. Tila isa itong mala-palasyong estruktura sa isang high-end luxury magazine. Mataas ang gate, makinis ang driveway, at sa bawat gilid ay may mga tanim na mamahaling halaman. Halatang hindi ito basta-basta kundi bahay ito ng mga Misuaris, isang pamilyang kilalang-kilala hindi lang sa yaman kundi pati sa impluwensiya.

Pagkapasok niya sa main gate, bumagal ang mga hakbang niya nang mapansin ang grupo ng mga lalaking nagkakasiyahan sa tabi ng pool. Ang ilan ay may hawak pang alak, ang iba’y abala sa tawanan, at lahat sila ay halatang sanay sa marangyang pamumuhay.

Sa gitna ng tawanan at ingay, isa sa kanila ang biglang napatigil nang mapansin ang kanyang presensya. Sinundan iyon ng katahimikan, isa-isang napalingon ang mga lalaki sa direksyon niya, at sa isang iglap, tila siya na ang naging sentro ng mundo ng mga ito.

Napalunok si Caramel. Ramdam niyang may kakaiba sa titig ng mga lalaking ito, hindi lang basta pagtingin kundi pagsusuri, parang binabasa siya mula ulo hanggang paa.

Hindi niya naman mapigilan na medyo mailang nang tumayo ang isa sa mga ito at diretsong lumapit sa kanya. Kailangan niyang kumalma. Dapat stoic ang maging dating niya sa mga ito.

Hindi niya naiwasang mapatitig sa katawan ng lalaki, matangkad, maputi ang balat, at litaw na litaw ang matitigas nitong abs dahil tanging shorts lang ang suot.

Tiningnan siya nito mula ulo hanggang paa, bago nagsalita sa seryosong tono...

"Mukhang ikaw ang sinasabi ni Mom."

Napakunot tuloy ang noo ni Caramel. Hindi agad pumasok sa isip niya kung anong ibig sabihin ng lalaki.

Napalingon siya sa iba pang kalalakihang ngayo’y hindi rin nagpahuli, isa-isa ring tumayo ang tatlo pang kasama nito. Pareho rin silang naka-shorts lang. Mas lalo siyang nagtaka sa klase ng mga tingin na ibinabato sa kanya.

Nang mapansin niyang nagbulungan ang mga ito, kahit pa malinaw niyang naririnig ang pinag-uusapan nila.

"She's pretty and looks young, just like an 18-year-old girl. Sabi ni Tita Dahlia, nasa 30s na daw 'yun, eh," bulong ng lalaking medyo kapos sa height.

Medyo natawa siya sa isip niya. Ganun ba talaga ako kabata tingnan? Parang kahapon lang daw ako nag-debut?

"Baka nagpa-plastic surgery kaya ganyan kabata," dagdag pa ng isa, halos pabulong pero hindi pa rin nakaligtas sa pandinig niya.

Bago pa siya makapag-react, nagulat siya nang biglang lumapit ang isa sa mga ito, isang lalaking may mahabang buhok at malamlam na mga mata. Hindi man lang siya tinanong o binigyan ng babala, marahan nitong hinawakan ang kanyang pisngi at sinuri ang kanyang mukha na para bang siya’y isang artwork na binubusisi. Piningot nito ang matangos niyang ilong, saka marahang ginalaw ang kanyang mapulang labi.

Hindi siya makagalaw. Natigilan siya sa pagkakatayo habang pinagmamasdan ang lalaking kaharap niya, napakakalmado ng ekspresyon nito, pero guwapong-guwapo siya rito. Sa loob-loob niya, she is praying like, ‘Lord, pwede ba itong ibulsa na lang?’ Parang kasi may sariling spotlight at ring light ang isang ito dahil ang kinis at ang puti ng balat.

"That's her natural beauty," komento nito habang hindi pa rin inaalis ang tingin sa kanya.

Of course! Sang-ayon siya sa sinabi ng lalaki. This face is naturally made of beauty!

Napaatras si Caramel nang biglang inilapit ng tatlo ang kanilang mga mukha sa kanya, tila ba sinusuri ang bawat detalye ng kanyang hitsura. Para silang mga art critic na sabay-sabay na nag-sign ng pag-iisip, saka sabay-sabay ding napatango na parang may napagkasunduan.

"What's happening here?" tanong ng isang malalim na boses na agad nagpatigil sa kanila. Napalingon silang lahat sa bagong dating, si Don Primero, na kagagaling lang sa loob ng bahay.

Naka-pambahay lang ito, isang simpleng polo at khaki shorts, pero kahit ganoon ay kapansin-pansin pa rin ang presensiya. Maayos ang postura, at may dating na nagsasabing mayaman at makapangyarihan ito.

"Is there a problem with her face, boys?" tanong ng matanda habang nag-uunat ng katawan, tila hindi alintana ang tensyon sa paligid.

"So, she's your mistress?" tanong bigla ng pinakamatangkad sa grupo, si Sixto.

Napalingon agad si Caramel sa kanya. Napaarko ang kilay niya.

‘Ano ba pinagsasabi ng isang ito?’

Ayaw na ayaw niya pa naman na napagkakamalan siyang kerida.

"Excuse me? Ako, mistress? Over my dead body!" masungit niyang tugon, sabay irap sa lalaki.

Malinaw ang iritasyon sa tono niya. Natawa lang si Don Primero na tila sanay na sa ganitong mga eksena.

"She's not my mistress, Sixto," kalmado nitong sagot habang humarap sa anak.

"She's my newly hired bodyguard for your brother, Fourth," dagdag pa nito, nilinaw ang pagkakakilanlan ni Caramel.

"Are you sure?" tanong muli ni Sixto, hindi pa rin kumbinsido.

"Of course! And who told you that I have a mistress?" balik-tanong ng matanda.

"Yung mama mo," sarkastikong sagot ng matanda at sinabayan pa ng pag-irap.

"Praning lang 'yon, kaya kung ano-ano ang ibinibintang sa akin," mahinahong tugon ni Don Primero, bago lumingon kay Caramel.

"And by the way, kailangan ko ngang makausap si Caramel. May importante kaming pag-uusapan. Tara na, pasok tayo, Caramel," aya nito sa kanya.

Agad naman nitong tinawag ang isa sa mga boy para kunin ang mga gamit niya at dalhin sa loob.

Habang naglalakad silang dalawa papasok, ipinaliwanag ni Don Primero kay Caramel ang mga mahahalagang bagay na dapat niyang tandaan. Inilahad nito ang mga patakaran at mga hakbang na kailangan niyang sundin bilang bodyguard ni Fourth. Sa isip-isip niya, mas okay na rin iyon kaysa si Sixto ang babantayan niya dahil sa klase ng tingin nito sa kanya, parang gusto siyang gilitan sa leeg.

Yung isa namang lalaki, kung makatingin, parang hinihubaran siya. Ang may mahabang buhok naman, tila may mabait at kalmadong personalidad base sa maamong mukha nito, kaya sa palagay niya, hindi ito magiging problema. Yung isa naman na medyo kulang sa height, halatang may pagka-weirdo pero mukhang may sense of humor. Parang katulad din niya, may kabaliwan.

Habang papalayo si Caramel, hindi maiiwasang mapatingin sa kanya ang apat na binata. Ang bawat hakbang niya, sinusundan ng mga mata ng magkakapatid. Pero sa kabila ng paliwanag ng ama nila, halata kay Sixto na hindi siya kumbinsido.

May kutob siya, malakas na kutob na hindi basta bodyguard lang ang babaeng iyon. Sa pagkakaalam niya sa ama, hindi ito mahilig sa mga ganitong klaseng ‘empleyado’ kung walang ‘pakay.’

"Parang gusto ko siyang ikama," nakangising sabi ni Valentino na agad namang narinig ni Sixto. Napalingon siya rito, hindi makapaniwala sa kapatid.

"Ang cheap mo talaga pagdating sa babae. Kahit sino, pinapatos mo," asik ni Sixto sa pinsan habang nakakunot ang noo.

Matalim ang titig na ibinigay ni Valentino sa kanya, pero parang wala lang ito kay Sixto, sanay na rin sa mga ganitong banter nilang magpinsan.

"Ano ba naman kayo, chill lang," pagsingit ni Sebastian, ang bunsong kapatid ni Valentino, habang nakataas ang dalawang palad na para bang gustong suwayin ang tensyon.

"I like her," biglang sabat ni Van, na siyang ikinagulat ng tatlo.

Napalingon silang lahat sa kanya, halos sabay-sabay. Ngayon lang nila ito narinig na nagsabi ng ganoon tungkol sa isang babae.

"Ba’t ganyan kayo makatingin sa akin?" malumanay na tanong ni Van, kita sa mukha niya ang bahagyang pagtataka habang napatingin sa naiwang bag ni Caramel sa gilid.

Napailing na lang ang tatlo.

"Wala naman," tugon ni Sebastian, pilit na ikinukubli ang ngiting pilit.

"Magpapalit na ako ng damit. May importante akong lakad mamaya. Tutulungan ko na rin si Boy Bojie sa pagbubuhat ng mga gamit," paalam ni Van habang papalapit sa bag ni Caramel. Kinuha niya ang sling bag pero nagulat siya.

"Bakit ang bigat naman nito?" takang tanong niya, parang hindi makapaniwala sa naramdamang bigat.

"Akin nga," sabay-sabay na alok nina Sebastian at Valentino para buhatin, pero halos pareho lang ang reaksyon nila, ang bigat nga. Si Sixto naman ang panghuling sumubok. Naangat naman niya ito, pero ramdam pa rin ang bigat. Kumunot ang noo niya sa pagtataka.

"Ano bang laman nito? Bato?" usisa ni Sixto at agad akmang bubuksan ang zipper ng bag. Pero bago pa niya ito tuluyang ma-unzip, biglang lumitaw si Caramel, seryoso ang mukha, at diretso ang tingin sa kanya.

"That's my private stuff, kaya hindi mo 'yan puwedeng pakialaman," matatag na wika ni Caramel habang naglalakad palapit.

Walang kahirap-hirap niyang kinuha ang bag mula sa kamay ni Sixto, saka ito isinakbit sa kanyang balikat na para bang wala lang. Tila normal lang sa kanya ang mabigat na dalahin. Saka siya naglakad pabalik sa loob ng mansiyon.

Napatunganga ang apat na lalaki sa nakita nila. Halos sabay-sabay silang nagkatinginan, hindi makapaniwala sa lakas ng babae.

"How did she do that?" gulat na tanong ni Sebastian. Siya kasi ang pinaka-nahirapang buhatin ang bag kanina.

"Grabe, ang liit ng mga braso niya pero paano niya nadala 'yon? Parang may laman 'yon na bakal," dagdag ni Valentino, halatang hindi pa rin makapaniwala.

Nagkibit-balikat lang si Van, pero si Sixto, siya ay mas naging interesado. Hindi sa babae, kundi sa kung ano ang laman ng misteryosong bag.

"Interesting, huh?" nakangiting sabi ni Valentino habang unti-unting nagiging curious din sa kung anong klaseng babae talaga si Caramel.

Lanjutkan membaca buku ini secara gratis
Pindai kode untuk mengunduh Aplikasi

Bab terbaru

  • CARAMEL MORGAN: THE GAY'S BADASS BODYGUARD   KABANATA 4

    “Sige, sakay ka na,” saad ni Sixto kay Carmela, habang pinasasakay siya ng binata sa motorsiklo nito. “Hindi ba pwedeng sumakay na lang tayo ng van?” suhesyon ni Carmela. Naka-park lang naman ang van sa parking lot, saka marunong naman mag-drive ng kotse si Sixto. “Baka kasi umulan, mabasa pa tayo,” dagdag pa niya. “Sa motor na lang. Tayong dalawa lang naman ang pupunta roon. At saka, masikip ang daanan ng baryong pupuntahan natin, mahihirapan tayong humanap ng parking lot doon,” kalmadong paliwanag ni Sixto. Napabuntong-hininga naman si Carmela. “Huwag nang maarte. Sa probinsiya n’yo nga, kalabaw lang raw ang sinasakyan ninyo ni Caramel noon,” dagdag pa ni Sixto na may halong biro. “Noon 'yon,” asik ni Carmela, at napilitan na ring sumakay sa motor. Hinintay siya ni Sixto na maisaayos ang pagkakasuot ng helmet bago pinaharurot ang bigbike. Mabilis ang pagpapatakbo ni Sixto kaya napakapit agad si Carmela sa beywang ng binata. Hindi niya akalaing medyo malayo pala ang baryong ti

  • CARAMEL MORGAN: THE GAY'S BADASS BODYGUARD   KABANATA 3

    "Gusto mo bang sumakay ng kabayo? Sabi sa akin ni Caramel, gusto mo raw mag-try ng horseback riding," saad ni Sixto, pilit binabasag ang tensyon sa pagitan nina Carmela at Luis. Ramdam ni Sixto ang paminsang tagpong tumitigas ang panga ni Carmela at kung paano siya iwas na iwas kay Luis. Hindi man siya nagtatanong, alam na niyang may mabigat na kasaysayan ang dalawa. Ayaw lang niyang mas lumalim pa ang awkwardness sa pagitan nila, lalo’t kasama si Olivia. “Me! I want a horseback riding, Tito Sixto!” magiliw na sabat ni Olivia. “Why not, Carmen? Ikaw pa ba? Malakas ka sa akin,” ani ni Sixto sa bata bago nito binuhat si Olivia at pinasakay sa itim na kabayo. Bahagyang gumaan ang pakiramdam ni Carmela habang pinagmamasdan ang tiyo at pamangkin. “Dito ka na sumampa sa puting kabayo, Carme. Tulungan na kita,” sabat naman ni Luis na agad ikinaasim ng mukha ni Carmela. Napahalukipkip siya at mariing tiningnan si Luis. “Ayaw ko,” agarang tanggi niya. “Past is past, Carmela. Ibaon mo na

  • CARAMEL MORGAN: THE GAY'S BADASS BODYGUARD   KABANATA 2

    Maaga silang bumiyahe kasama ang buong pamilya. Alas-4 pa lang ay gising na si Carmela at naghanda agad kasama ang kanyang ina para makalarga nang maaga. Tatlong magkasunod na white van ang bumabaybay sa liko-likong daan na may mga lubak, kaya bawat liko ay halos manginig ang buong sasakyan. Isang van para sa pamilya ni Caramel, ang isa ay sa pamilya nina Carmela, at ang isa pa ay sakay ang ilang tauhan ni Fourth. Naroroon din sa van na iyon ang mga gamit at pagkaing kakailanganin nila. Malayo kasi ang Granja Luz del Sol, mga dalawang oras mula sa lungsod, tapos masukal at makipot pa ang daan papuntang bukid kaya pinaghandaan na nila ang lahat para hindi na kailangang magpabalik-balik pa. Labinlimang minuto pa lang sa biyahe ay nagsalampak na ng headset si Carmela sa tainga at nagpatugtog. Tahimik lang sa tabi niya si Firlan, nakatanaw sa bintana na parang malalim ang iniisip. Napapahikab si Carmela; kulang pa talaga ang tulog niya. Halos madaling-araw na siya nakatulog dahil sa dam

  • CARAMEL MORGAN: THE GAY'S BADASS BODYGUARD   KABANATA 1

    “Anong mukha 'yan, Carmela? Halatang stress ang fislak mo, girl,” sabi ng ate niyang si Caramel. “Summer break ngayon, tapos ikaw, mukhang nauna na sa Undas,” dagdag pa nito habang buhat-buhat ang pang-apat nilang anak ni Fourth, si Theo Oliver Jr. Napakamot sa ulo si Carmela. Hindi biro ang pagiging public school teacher, sobrang stressful dahil sa dami ng gawain. Elementary Education ang kinuha niya noong college, at sa awa ng Diyos, nakapasa rin siya sa LET Exam. Nagpa-rank agad siya para makapagturo sa elementarya, pero hindi niya alam na 90% backer system pala ang labanan para makapasok bilang public teacher. Kaya ayun, ilang beses siyang nagpa-rank pero hindi nakakuha ng item. Sabi ng iba, “Mag-master’s degree ka, mas malaki ang chance mo na matanggap,” kaya kahit kakapasa pa lang niya noon ng LET, nagdesisyon siyang kumuha ng Master's Degree. Nakapasa naman siya, nagpa-rank ulit… pero wala pa rin. Ang dahilan? Kulang daw siya sa experience. Tàngina talaga. Dahil doo

  • CARAMEL MORGAN: THE GAY'S BADASS BODYGUARD   BOOK 2 - SIXTO & CARMELA

    Hindi inakala ni Carmela na ang isang simpleng bakasyon sa farm ng kanyang half-sister ay magbabago ng kanyang pananaw sa linték na pag-ibig. As a hardworking public high school teacher, wala siyang oras para sa love life, especially not for a man like Sixto Misuaris. Pero, sa isang hindi inaasahang halik mula sa binata ang biglang nagpabago sa mahigpit niyang pananaw. She was hooked on his charming yet hilarious antics which made her short summer vacation memorable. From one accidental kiss to an unexpected love story.

  • CARAMEL MORGAN: THE GAY'S BADASS BODYGUARD   Author's Note PART 2

    Hi readers, Thank you ulit sa suporta ninyo sa librong ito. You can check out my other books if you like. I also have the next-generation sequel story to this book. Title: My Contract Husband: The Ultimate Prank Gone Wrong Ito ang love story ni Olivia Carmen, ang anak nina Caramel at Fourth. Pero nasa ibang genre na siya. Hindi ko alam kung makakabalik pa ba ako sa light romance and comedy genre katulad nitong libro nina Caramel at Fourth, dahil sa totoo lang, seryoso na ang buhay ko ngayon. Eme. Drama is life now, and I’m also trying to dive into more mature and mysterious vibes of stories. I hope mapagtagumpayan kong matapos ang new story ko. Yun lang. SKL

Bab Lainnya
Jelajahi dan baca novel bagus secara gratis
Akses gratis ke berbagai novel bagus di aplikasi GoodNovel. Unduh buku yang kamu suka dan baca di mana saja & kapan saja.
Baca buku gratis di Aplikasi
Pindai kode untuk membaca di Aplikasi
DMCA.com Protection Status