MAAGANG nagising si Caramel upang makapag-impake ng kanyang mga gamit. Binigyan lamang siya ng tatlong araw ni Don Primero upang makapagdesisyon sa trabahong inaalok nito. Kapag lumampas siya sa palugit, hahanap na ito ng iba. Sayang naman kung tatanggihan niya sobrang laki pa naman ng sahod, at libre pa ang lahat. Saan naman siya makakahanap ng ganoong klaseng trabaho? Malaki na ang sweldo, may kasama pang household, health and personal insurance, saan ka pa?
Napalingon siya sa kanyang kapatid na si Brandon nang biglang pumasok ito sa condo unit. Magulo pa ang buhok ng kanyang kuya at mukhang may hangover na naman. May band-aid pa sa ilong at halatang may nadaanan na namang gulo sa labas. "Saan ka pupunta?" tanong nito nang mapansin ang dalawang maletang dala niya. Nag-inat muna siya ng katawan bago sumagot. "May bago akong trabaho," tugon niya, sabay tungo sa lalagyan ng sapatos upang kunin ang kanyang boots at iba pang mamahaling sapatos na ibinigay sa kanya ni Garnet. "Saan?" tanong ulit ng kapatid habang nakaupo sa sofa, naka-dekwatro pa. "None of your business, brother," nakangising sagot niya habang itinali ang sintas ng kanyang knee-high boots. "Don't tell me, kinuha kang hitwoman ng isang politiko?" biro ni Brandon. Natawa siya. "Ano ka ba? Syempre hindi! Kinuha ako bilang bodyguard ni Primero Misuaris." Napatango naman ito. "Sa anak niya?" "Yeah." "Sino sa anim na anak ni Primero?" Nagkibit-balikat siya. Hindi naman kasi sinabi sa kanya ni Don Primero kung sino ang babantayan niya. At hindi naman siya nagtanong. "Sigurado ka ba, Cara? Nakakapagtaka na kumuha siya ng babaeng bodyguard para sa anak niya. Sa pagkakaalam ko, halos lahat ng anak at pamangkin ni Primero Misuaris ay mga lalaki... mga lalaking manggagapang ng babae," pabirong sabi nito, ngunit may halong pag-aalala. Napalingon siya kay Brandon at sandali itong tinitigan. Si Fourth at Third lang ang kilala niyang lalaking anak ni Primero. Si Fifth naman ang kaisa-isang babae sa mga anak nito. "Sa palagay mo ba, magpapagapang ako sa mga ulupong na 'yon nang basta-basta?" matapang niyang sagot. "Huwag kang makasigurado, Caramel. They love playing dirty tricks. Baka madali ka. Isang araw, magising ka na lang na lumulobo na ang tiyan mo, tapos hindi mo alam kung sino ang ama ng dinadala mo dahil wala kang maalala. Kaya binabalaan kita… mag-ingat ka o, 'di kaya, umatras ka na habang maaga pa," seryosong babala nito. Napalunok naman siya. Ilang beses na ba siyang muntikang ma-rape? Hindi na niya mabilang. Kahit magaling siya sa depensa, hindi niya kaya ang maraming lalaki lalo na kung gwapo at matipuno. Nanghihina siya kapag nakakakita ng lalaking may mabatong katawan. "Shutàng ina, sino'ng hindi manghihina kung gwapo, mayaman, mabango, at matipunong lalaki ang kaharap mo? Kahit gapangin pa ako gabi-gabi. Go agad! Wala nang paligoy-ligoy, wala nang ligaw-ligaw, oo agad! Eme." Biro niya sa kapatid na ikinahagikhik naman nito. At ilang saglit ay biglang dumaan sa isipan niya si Sink. May asawa na ang tao, pero pinagpapantasyahan pa rin niya. Bwisit kasi ang unggoy na 'yon! Kahit kailan, hindi man lang siya binigyan ng pag-asa. Kaya nga hanggang ngayon, wala pa rin siyang asawa. Yawa talaga ang lalaking 'yon. "At saka... kung mabubuntis man ako, ikaw ang mag-aalaga sa anak ko, Bran," dagdag na biro niya. Nabilaukan ito sa kanyang sinabi, kaya napahagikhik siya. "Anong ako? Ayoko nga! Ayaw ko sa mga bata. Nakakapuyat sila!" asik nito. "Hindi na ako makakaatras sa pagiging bodyguard," sagot niya. Hindi naman nito napigilan na mapataas ng kilay. "At bakit?" "Binigay na ni Don Primero ang kalahati ng sahod ko kahapon, at pinadala ko na sa probinsya ang pera. Ang daming bayarin ng mga kapatid ko sa eskwelahan, at si Mama naman may sakit. Kailangan ko talaga ng pera," paliwanag niya rito. Napakamot na lamang sa batok si Brandon. "Bahala ka sa buhay mo. Basta pinayuhan kita ng maaga. Sana si Fifth ang mabantayan mo para hindi ako mag-alala." Napangiti siya sa pag-aalala nito. "Huwag kang mag-alala sa akin. I'm 32 now, and I can handle myself." Inirapan lang siya nito. "Thirty-two years old na, wala namang alam sa pagluluto," pabulong na reklamo nito. "Anong walang alam?! Marami akong alam na luto! Kaso ayaw mo sa mga niluluto ko. Maarte ka kasi!" asik niya. "By the way, sinabi mo na ba ito kay Garnet?" Intersadong tanong ni Brandon. "Hindi pa. Hindi pa nga ako nagre-resign sa Congreene. Siguradong magagalit na naman si John sa akin." "Edi mag-resign ka na. May oras ka pa." "Ayoko. Nandoon ngayon si Sink sa Congreene. Ayokong makita siya." Napabuga ng hangin si Brandon, halatang nabwisit na sa tuwing nababanggit niya si Sink. “Ilang taon na ang lumipas, pero hanggang ngayon, hindi ka pa rin makamove-on sa kanya? Walanjo talaga!” ani Brandon habang umiiling at nakatitig sa kausap na para bang hindi makapaniwala. “Mag-asawa ka na kasi! Baka sakaling makalimutan mo na 'yang lalaking 'yon na halos sambahin mo na lang sa alaala!” dagdag pa nito. Tumaas lang ang kilay niya. Napairap siya at tumikhim bago sumagot, ang tono’y puno ng sarkasmo. “Parang ang dali lang, no? Sabihin mong mag-asawa, parang pagbili lang ng tinapay, ganurn? Madaling sabihin, pero 'pag dumating na sa punto ng pagpapasya, ang hirap kaya. Hindi mo naman puwedeng pilitin ang sarili mo sa taong wala ka namang nararamdaman.” "Edi, humanap ka ng lalaking naiibigan mo. That's easy!" Ika nito na bahagya niyang ikinatawa ng pilid. “T*ngina 'to, sayo madali pero sakin hindi," alma niya sa loko niyang kapatid. “Ikaw nga, oh. You are 37 years old, pero ni wala kang matinong relasyon. Wala ka pa ring asawa.” Hindi nagpatinag si Brandon. Umismid ito at sinuklian ng mas matalim na sagot, tila ayaw magpatalo. “Walang kaso sa akin ‘yon, Caramel. Lalaki ako. Sa totoo lang, kahit tumungtong pa ako ng singkwenta, may chance pa rin akong magka-anak. Pero ikaw? Babae ka. Kailan ka mag-aasawa? Kapag menopausal ka na? ‘Pag retired ka na at hindi na gumagana ang ovaries mo?” Medyo nanlaki ang mata ni Caramel sa prangkang balik nito. Sabagay may punto ito pero pointless nga lang. Napabuntong hininga na lamang si Caramel imbes na magalit, napatawa na lang siya at napailing. Hindi na big deal sa kanya ang menopausal stage. May tropeo na siya noon pa, ang pinakamahalagang tropeong nagbibigay sa kanya ng lakas at saya sa buhay niya. Olivia Carmen. Minsan, iniisip niya rin naman mag-asawa na, pero hindi niya kayang iwan na lamang ang kanyang responsibilidad bilang bread winner ng kanyang pamilya sa probinsya. May anim pa siyang nakababatang kapatid at lahat sila ay nag-aaral pa. Tatlo sa kanila ay nasa kolehiyo, dalawa sa high school, at isa naman ay nasa elementarya. Ang kanilang ina ay isang mananahi, habang ang amain naman niya ay isang magsasaka. Kulang na kulang ang kita sa gastusin, lalo na sa edukasyon ng kanyang mga kapatid. Kaya kahit anong trabaho, pinapasok niya. Pero hindi siya kuntento sa buwanang sahod. Bukod pa roon, hindi siya madaling matanggap sa corporate jobs dahil may criminal record siya. Tanging tulong lang ni Garnet ang naglagay sa kanya sa Congreene. Ang hirap talagang maging mahirap, pero pilit pa rin niyang kinakaya. Sa dami ng iniisip at responsibilidad na pasan-pasan niya araw-araw, minsan naiisip niyang sana'y may milagro na lang na mangyari. Kung maaari lang siyang magdasal kay Lord ng taimtim habang nakatingala sa langit at humiling ng, "Lord, bigyan N’yo naman po ako ng mayamang asawa, 'yung bilyonaryo sana, para matapos na lahat ng paghihirap ko," ay matagal na niyang ginawa. Hindi dahil sa pagiging materialistic kundi dahil sa labis na pagod at pangungulila sa ginhawa. Sa totoo lang, pagod na pagod na siya. Lahat na lang ng bayarin, gastusin, at problema sa pamilya, siya ang sumasalo. Wala siyang karangyang maituturing sa ngayon, ang meron lang siya ay tibay ng loob at kakarampot na pag-asa na balang araw, gagaan din ang lahat.“Sige, sakay ka na,” saad ni Sixto kay Carmela, habang pinasasakay siya ng binata sa motorsiklo nito. “Hindi ba pwedeng sumakay na lang tayo ng van?” suhesyon ni Carmela. Naka-park lang naman ang van sa parking lot, saka marunong naman mag-drive ng kotse si Sixto. “Baka kasi umulan, mabasa pa tayo,” dagdag pa niya. “Sa motor na lang. Tayong dalawa lang naman ang pupunta roon. At saka, masikip ang daanan ng baryong pupuntahan natin, mahihirapan tayong humanap ng parking lot doon,” kalmadong paliwanag ni Sixto. Napabuntong-hininga naman si Carmela. “Huwag nang maarte. Sa probinsiya n’yo nga, kalabaw lang raw ang sinasakyan ninyo ni Caramel noon,” dagdag pa ni Sixto na may halong biro. “Noon 'yon,” asik ni Carmela, at napilitan na ring sumakay sa motor. Hinintay siya ni Sixto na maisaayos ang pagkakasuot ng helmet bago pinaharurot ang bigbike. Mabilis ang pagpapatakbo ni Sixto kaya napakapit agad si Carmela sa beywang ng binata. Hindi niya akalaing medyo malayo pala ang baryong ti
"Gusto mo bang sumakay ng kabayo? Sabi sa akin ni Caramel, gusto mo raw mag-try ng horseback riding," saad ni Sixto, pilit binabasag ang tensyon sa pagitan nina Carmela at Luis. Ramdam ni Sixto ang paminsang tagpong tumitigas ang panga ni Carmela at kung paano siya iwas na iwas kay Luis. Hindi man siya nagtatanong, alam na niyang may mabigat na kasaysayan ang dalawa. Ayaw lang niyang mas lumalim pa ang awkwardness sa pagitan nila, lalo’t kasama si Olivia. “Me! I want a horseback riding, Tito Sixto!” magiliw na sabat ni Olivia. “Why not, Carmen? Ikaw pa ba? Malakas ka sa akin,” ani ni Sixto sa bata bago nito binuhat si Olivia at pinasakay sa itim na kabayo. Bahagyang gumaan ang pakiramdam ni Carmela habang pinagmamasdan ang tiyo at pamangkin. “Dito ka na sumampa sa puting kabayo, Carme. Tulungan na kita,” sabat naman ni Luis na agad ikinaasim ng mukha ni Carmela. Napahalukipkip siya at mariing tiningnan si Luis. “Ayaw ko,” agarang tanggi niya. “Past is past, Carmela. Ibaon mo na
Maaga silang bumiyahe kasama ang buong pamilya. Alas-4 pa lang ay gising na si Carmela at naghanda agad kasama ang kanyang ina para makalarga nang maaga. Tatlong magkasunod na white van ang bumabaybay sa liko-likong daan na may mga lubak, kaya bawat liko ay halos manginig ang buong sasakyan. Isang van para sa pamilya ni Caramel, ang isa ay sa pamilya nina Carmela, at ang isa pa ay sakay ang ilang tauhan ni Fourth. Naroroon din sa van na iyon ang mga gamit at pagkaing kakailanganin nila. Malayo kasi ang Granja Luz del Sol, mga dalawang oras mula sa lungsod, tapos masukal at makipot pa ang daan papuntang bukid kaya pinaghandaan na nila ang lahat para hindi na kailangang magpabalik-balik pa. Labinlimang minuto pa lang sa biyahe ay nagsalampak na ng headset si Carmela sa tainga at nagpatugtog. Tahimik lang sa tabi niya si Firlan, nakatanaw sa bintana na parang malalim ang iniisip. Napapahikab si Carmela; kulang pa talaga ang tulog niya. Halos madaling-araw na siya nakatulog dahil sa dam
“Anong mukha 'yan, Carmela? Halatang stress ang fislak mo, girl,” sabi ng ate niyang si Caramel. “Summer break ngayon, tapos ikaw, mukhang nauna na sa Undas,” dagdag pa nito habang buhat-buhat ang pang-apat nilang anak ni Fourth, si Theo Oliver Jr. Napakamot sa ulo si Carmela. Hindi biro ang pagiging public school teacher, sobrang stressful dahil sa dami ng gawain. Elementary Education ang kinuha niya noong college, at sa awa ng Diyos, nakapasa rin siya sa LET Exam. Nagpa-rank agad siya para makapagturo sa elementarya, pero hindi niya alam na 90% backer system pala ang labanan para makapasok bilang public teacher. Kaya ayun, ilang beses siyang nagpa-rank pero hindi nakakuha ng item. Sabi ng iba, “Mag-master’s degree ka, mas malaki ang chance mo na matanggap,” kaya kahit kakapasa pa lang niya noon ng LET, nagdesisyon siyang kumuha ng Master's Degree. Nakapasa naman siya, nagpa-rank ulit… pero wala pa rin. Ang dahilan? Kulang daw siya sa experience. Tàngina talaga. Dahil doo
Hindi inakala ni Carmela na ang isang simpleng bakasyon sa farm ng kanyang half-sister ay magbabago ng kanyang pananaw sa linték na pag-ibig. As a hardworking public high school teacher, wala siyang oras para sa love life, especially not for a man like Sixto Misuaris. Pero, sa isang hindi inaasahang halik mula sa binata ang biglang nagpabago sa mahigpit niyang pananaw. She was hooked on his charming yet hilarious antics which made her short summer vacation memorable. From one accidental kiss to an unexpected love story.
Hi readers, Thank you ulit sa suporta ninyo sa librong ito. You can check out my other books if you like. I also have the next-generation sequel story to this book. Title: My Contract Husband: The Ultimate Prank Gone Wrong Ito ang love story ni Olivia Carmen, ang anak nina Caramel at Fourth. Pero nasa ibang genre na siya. Hindi ko alam kung makakabalik pa ba ako sa light romance and comedy genre katulad nitong libro nina Caramel at Fourth, dahil sa totoo lang, seryoso na ang buhay ko ngayon. Eme. Drama is life now, and I’m also trying to dive into more mature and mysterious vibes of stories. I hope mapagtagumpayan kong matapos ang new story ko. Yun lang. SKL